CHAPTER TWENTY-SEVEN

A/N:  The comple copy of the ebook is available for purchase on Google Play. Search for Twenty-Four Seconds by Gretisbored Google Play.

**********

Nang makalayo na sa mga humahabol na paparazzi ang limousine kung saan lulan sina Shelby at Gunter, sakto namang nag-ring ang phone ng huli. Saglit lang na napasulyap sa lalaki sina Magnus at Shelby tapos ay napatingin sila sa labas ng bintana. Kapwa pa rin walang imik. Ang tanging maririnig sa loob ng sasakyan ay ang boses ni Gunter na tila galit na nakikipag-usap sa telepono sa salitang German. Patingin-tingin dito si Shelby dahil kung ilang beses itong napataas ng tinig.

"I'm sorry," sabi nito sa dalawa habang hinihilot-hilot ang sentido. "That was my assistant."

"Is Frederick okay?" tanong ni Shelby. Sa pandinig niya kasi'y mukhang may emergency situation na namang binalita kay Gunter ang assistant nito.

"He is okay right now but he won't be when I get to him," halos pabulong lang nitong sagot.

Napatingin sa lalaki si Magnus, pero hindi pa rin ito nagsalita. Minanduan lang nito ang driver na dalhin sila sa mansion nito outside New York, malayo sa mga agresibong paparazzi.

"Wait a second. This is going to Connecticut," bigla ay sabi ni Gunter nang ma-recognize ang daan.

"It is. We are going to my house," walang kaemo-emosyong sagot ni Magnus.

"I can't go with you guys. I have an important meeting to attend to, right now."

Tinitigan na naman ito ni Magnus. Hindi nagsasalita ang huli. Medyo kinabahan si Shelby dahil nakita niyang medyo hindi na komportable si Gunter sa paraan ng pagtingin ng kanyang ama rito. Maging siya'y naasiwa na rin. Kahit medyo takot, sinikap niyang sabihan ang dad niya na ihatid na lang nila ito sa upisina nito bago sila tumungong Connecticut kung saan daw naghihintay ang mommy niya na labis na nag-alala nang mabalitaang nagpakasal siya nang wala sa oras.

Saglit na walang tugon sa pakiusap ng anak si Magnus. Pero makaraan lamang ang ilang sandali, minanduan niya ang driver na mag-U-turn para makabalik sila ng New York. Bago bumaba si Gunter sa tapat ng kanyang gusali, humawak ito sa kamay ni Shelby.

"I will call you, b-babe. Taka care, okay?"

Palihim na sumulyap pa ito sa ama niya. Parang tinantiya ang reaksiyon ng kanyang dad sa binanggit na endearment sa kanya. Kabado man sa maging reaksiyon ng daddy niya, napakilig niyon si Shelby. Kaya nga may ngiti sa kanyang labi nang siya'y tumango sa lalaki.

Nang wala na si Gunter, lalong kinabahan si Shelby. Hindi pa naman kasi niya naranasang ma-silent treatment ng ama. Ngayon pa lang kung kaya medyo nangangapa siya kung ano ang dapat gawin. Kung nandito sana sa tabi niya ang mom niya marahil ay nagkaroon siya ng guts para magsalita na't magpaliwanag.

Dahil na rin sa pagod, nakatulog sa biyahe si Shelby. Nagising na lang siya nang dahan-dahan nang nag-slow down ang sinasakyan nila. Pagdilat niya nakayakap na ang daddy niya sa kanya at siya'y nakahimlay sa mga bisig nito.

"Did you have a good sleep, sweetie?" masuyong tanong ng ama.

Tumingin muna si Shelby sa labas ng bintana bago sumagot ng 'opo' sa mahinang tinig. Inalalayan siya agad ng ama na makababa ng sasakyan. Base sa gentleness ng dantay ng mga kamay nito sa kanya, napagtanto ni Shelby na hindi naman sukdulan ang galit nito gaya ng inaasahan niya.

"Shelby Madeline! Baby!" masayang salubong sa kanya ng mom niya nang makita siya nitong bumababa ng sasakyan. Halos ay mapatakbo ito papunta sa kanya. Dali-dali tuloy niya itong sinalubong.

"Mommy!" sigaw ni Shelby rito. Halu-halo ang damdamin niya nang mapayakap na sa ina, pero nangingibabaw ang feeling of relief na at least narito ito ngayong mayroon siyang mabigat na dapat ipaliwanag sa pamilya.

"We heard about what happened to Dane's baby. I am so sorry, sweetheart."

Naiyak si Shelby nang marinig ang mainit na simpatiya ng kanyang ina. Naipon ang lahat niyang hinanakit sa buhay. Ang tampo niya sa mga kuya dahil sa ginawa nila matapos malamang kinasal siya, ang disappointment niya kay Dane, ang mga pagdududa sa motibo ni Gunter, at ang hirap ng loob dahil sa fluctuating na lagay ng kalusuguan ni Baby Alison.

"Shall we get inside?" sabi sa kanila ni Magnus. Nauna na nga itong pumasok sa loob. Kung wala itong tampo sa kanya, dapat sana'y pinapa-piggy back ride pa siya nito papasok sa kanila kahit na hindi na siya bata. Pero ngayon, nauna pa sa kanila ng mommy niya. Marahil napansin din iyon ng kanyang ina at nakita ang reaksiyon niya dahil kaagad siya nitong hinalikan sa sentido saka magkahawak-kamay silang pumasok na rin sa loob.

**********

"What the fvck happened? Why the hell was I not rescued at the hospital? And why did Mom have your fvcking cell phone?" sigaw ni Gunter sa head ng kanyang security.

"Sir, Mr. Albrecht, your mom saw us at the hospital. She then---"

"She was also at the hospital?" nagtatakang tanong ni Gunter. Medyo bumaba nang kaunti ang timbre ng kanyang boses.

"Yes, sir. When she found out you were also there, she grabbed my phone and that was also when you called me up."

Napaisip si Gunter. Paano nalaman ng mom niya na pumunta siya ng ospital? Siguro'y nabasa ng bodyguard niya ang katanungan sa kanyang isipan dahil nagpaliwanag agad ito tungkol doon.

"Your mom had an appointment today with her doctor at Mount Sinai. Our meeting was only coincidental."

Tinitigan ni Gunter nang matiim ang bodyguard. Parang nagsasabi naman ito ng totoo. Ganunpaman, parang may duda pa rin siya rito.

"You may go now. But next time if this happens again, be ready to find another employer."

"Thank you, sir." At dali-dali nang lumabas ng kanyang upisina ang bodyguard.

Si Frederick naman ngayon ang inangilan ni Gunter.

"Where were you today?"

"Sorry, boss. I went to check on the ring. Remember you asked me to verify whether they can deliver it on schedule?"

Muntik nang makalimutan iyon ni Gunter. Tama. Ano na ang nangyari tungkol doon? Ayon sa una nilang napagkasunduan ay sa Biyernes ang delivery no'n. Ibig sabihin, two days from now ay mappasakamay na niya ang singsing na iyon. He hopes it would somehow make up for that cheap ring Frederick had bought for his bride yesterday.

"What did they say?"

"Which one do you want to hear first, boss? The bad news or the good news?" nakangising tanong nito. May himig na ng pagbibiro ang tinig.

Imbes na nag-mellow na siya sana, uminit na naman ang kanyang ulo. Awtomatiko ngang napahugot siya ng sign pen sa bulsa ng suit sa dibdib saka binato iyon kay Frederick na kaagad naman nitong nasalo. Medyo nagulat pa ito.

"Boss naman hindi ka na mabiro. Pambihira ka naman!" komento nito sa salitang German. "Okay, here are the news. The ring is right on schedule. They will be able to deliver it on Friday as agreed. But the bad news is Madame Margaux knew about it and I was told by the company that she wants to have the same ring made for you know who for twice the price."

"What?! Why the hell would she want a very expensive ring for Adeline? Are they getting married?" galit na galit na sagot ni Gunter.

"Beats me," pakli ni Frederick sabay kibit-balikat.

Napakuyom ng mga palad si Gunter. Kailangan niyang masabihan ang kompanyang iyon na tumanggi sa alok ng ina. Or else ay kakasuhan niya ang mga ito. Dapat nga sana'y sekreto lamang iyon at wala dapat nakakaalam kahit na sino.

"How come my mom heard about this ring? This is supposedly confidential!"

Tinitigan ni Gunter nang masama si Frederick. Silang dalawa lang kasi dapat ang may alam tungkol doon tapos ang designer ng ring at may-ari ng jewelry company.

"Boss, don't look at me that way. I am not into men," may himig pagbibiro na sabi ni Frederick sa amo. Pero hindi iyon na-appreciate ni Gunter. Lalo itong kinutuban. "Boss, sir, hwag ka namang ganyan. Alam mong sa iyo ang loyalty ko. No amount of money can buy that," sabi ng assistant sa magkahalong German at English.

Hindi sumagot si Gunter pero napaisip ito nang malalim.

**********

Hindi lang pala ang mommy ni Shelby ang naghihintay sa kanya sa mansion nila sa Connecticut. Nandoon din ang kanyang mga lolo't lola na mga magulang ng ama. Hawak-hawak ng lolo niya ang isa sa mga NYC dailies nang dumating sila roon. Ang dyaryong iyon ang unang nag-report na nagpakasal daw ang pinaka-elusive bachelor ng New York sa isang Filipino heiress para raw makaahon sa bankruptcy.

"This news is not true at all," sabi agad ni Don Manolo nang matapos basahin ang artikulo. Napailing-iling pa ito. Naokray pa nito tuloy ang kinatawan ng news agency na naging parte ng ulat na iyon. "They did not even verify it with Henry Albrecht? I cannot believe the audacity of these reporters to write fake news!"

Ganoon din halos ang sinabi ng lola ni Shelby. Tumawa-tawa pa ito at inulit sa kanila ang sinabi sa balita na ginagamit daw sila para makaahon sa bankruptcy ang Skylark Corporation.

"This is stupid news. Tanga lamang ang maniniwala rito," komento pa ng donya. Lalo pa itong natawa nang mapag-alaman na ang reliable source ng dyaryo ay si Madamae Margaux Albrecht at isang insider diumano sa korporasyong pinamamahalaan ng anak nito.

Napahinga nang malalim si Magnus at napahilot-hilot ito ng sentido. Napahawak nga sa kamay nito ang asawang si Sheila. Magkatabi ang mga ito sa mahabang couch sa living room ng pamilya. Si Shelby ay katabi naman ng lola niya sa kabilang dulo. Ang lolo lamang niya ang nakaupo sa rocking chair nito.

"This is not the issue here Mom, Dad," sabat ni Magnus bigla. "No one is doubting the stability of the Skylark Corporation or any business being handled by Gunter Albrecht."

Dito na kinabahan si Shelby. Nanuyo bigla ang kanyang lalamunan. Siguro na-sense ng grandma niya ang kanyang emosyon dahil bigla na lang itong napahawak sa kanyang kamay. Pinisil-pisil pa iyon ng matanda.

"Our problem is Shelby here married that guy without our permission," patuloy pa ni Magnus. May himig pagtatampo sa tinig nito.

"I can explain that, Dad," sagot agad ni Shelby. Medyo nanginig ang kanyang tinig. Kinabahan siya nang todo, pero dahil hawak-hawak ng grandma niya ang kanyang kamay nakatulong iyon kahit papaano. "I didn't mean to disrespect anyone in this family. You know how much I love you guys. However, we were pressed for time. We had a baby to think of."

"You are pregnant?!" gulat na gulat na tanong bigla ng grandma niya sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito. Ang lolo niya na kalmado lang kanina pa ay biglang pinanlakihan din ng mga mata.

"No, Grandma. The baby is not mine. It was my best friend's. You see, Baby Alison, that's her name, was born prematurely. Because of that she had a lot of health problems, one of which was her weak heart. Her doctor had to operate on her so she will have a chance to live. Before that was done, the hospital wanted the guardian to sign a waiver and some other documents. But since we were not related to her, they did not allow us to do that. I applied to adopt her but it was rejected because I was single, so --- so I went to Gunter for help. And he gladly helped me out."

Tumingin si Magnus nang matiim sa anak. Tila hindi ito naniniwala. Nagpahayag nga ito ng pagdududa sa motibo ni Gunter at sinabing simula't sapol ay kursunada na siya nito.

"Well, I agree with you, son. He seemed to be so attracted with you Shelby. Pero masisisi ba natin ang binata? Tingnan mo itong apo ko." At tinaas pa ni Donya Minerva ang baba ng apo saka tumawa-tawa. "Our little Shelby here is so beautiful, she can attract even a prince."

"Grandma," saway ni Shelby rito.

"Well, that's true, my love," sang-ayon naman ni Don Manolo.

"Aren't you guys not mad at him at all?" nagtatakang tanong ni Magnus sa mga magulang. Tiningnan din nito ang asawa na kanina pa walang kibo. "What about you?"

Napahinga nang malalim si Sheila. "Ever since I met him, I have noticed how he was so into our daughter. I have followed news about him and I think that he is a good man."

Napaismid si Magnus dito. Paano raw naging good man ang isang taong tuso? Pinaalalahan nito ang lahat tungkol sa LA Hotel na muntik nang masulot ng kompanya ni Gunter.

"In business, all is fair, babe. He was just doing what he thought was good for his company. You also did the same in the past," sagot naman dito ni Sheila.

"Still, I do not trust this guy. I will only change my mind about him if he comes to me directly and tells me what his plans are for my daughter. Aba, ang ginawa niya ay kakaiba. Tinraidor niya tayong lahat. Ni hindi siya humingi ng permiso sa atin tapos ay bigla na lang nagpakasal sa bunso natin? No! I cannot accept that kind of man."

Dito na tumawa nang malakas si Donya Minerva. Napaubu-ubo naman si Don Manolo.

"Now, you know how it feels like, right, Magnus? Ano ba ang ginawa mo noon sa amin ng dad mo? Maybe you need to do some self-reflection."

"That was different!" depensa agad ni Magnus.

Si Shelby nama'y napangiti nang lihim. Alam niya ang kuwento ng kanyang mga magulang at natutuwa siyang pinaalala iyon ng mga lolo't lola niya sa dad niya. Nakatulong iyon para ma-redirect sa ibang isyu ang pagkayamot nito sa kanilang dalawa ni Gunter.

Nang patuloy na tumatawa ang mga magulang sa bawat depensa nito, lalong naging defensive si Magnus. Parang nabaling dito ang interrogation. Tuloy ay parang nakalimutan ang tungkol sa nagawa ng bunso nitong anak. No'n naman tumawag si Gunter kay Shelby. Nagkaroon ng rason ang huli para magpaalam sa mga ito na sasagutin lang niya saglit ang tawag sa sariling silid.

**********

Alam ni Gunter na kompleto ang mga magulang ni Shelby sa bahay nito sa Connecticut. Alam din niya na bukod sa mga magulang ay nandoon din ang mga lolo't lola nito. Ayon sa kanyang pananaliksik, o mas tamang sabihing ayon sa impormasyong nakalap ni Frederick may pagka-istrikto ang lolo ni Shelby. Si Mr. Manolo San Diego raw ay hindi lamang isang kagagalang-galang na negosyante sa Pilipinas kundi isa ring napakabuting padre de pamilya. Dahil sa debosyon nito sa pamilya ay naging over protective ito sa lahat ng miyembro lalung-lalo na sa kaisa-isa nitong apong babae.

"When you get to see him for the first time, boss, you need to kiss his hand. That's a sign of respect for the Filipino people."

"What? Kiss his hand?! What the heck is that? No!"

"Boss naman. Iba iyon sa halik ng kamay ng isang lalaki sa babae. Itong halik na sinasabi ko ay ang pagdampi ng kamay ng matanda sa noo n'yo," paliwanag ni Frederick sa amo.

Hindi pa rin kumbinsido si Gunter. Niloloko lang daw siya ng assistant para may pagtawanan ang mga San Diegos.

"Hay naku, boss. Ewan ko sa iyo. Ang hirap mong turuan," sagot dito ng assistant at bumulung-bulong pa sa wikang German. Pinitik ni Gunter ang sentido nito dahil narinig ang pinagsasabi nito.

"Ay boss! Ang talas pala ng pandinig n'yo!"

"Just make sure, the flowers are delivered to them right on the dot. I do not want to mess up this time. I want to impress all the women in her family. So see to it that the flowers delivered to all the ladies are what they truly loved. Did you already send her grandfather that cigar?"

"Yup, boss! I told the courier to send it exactly on the same day and same hour as your arrival to their place. I just checked with them today and we are on schedule. The same goes with the flowers."

"Good," nakangiti nang sagot ni Gunter. Inayos-ayos nito ang kurbata at tinanong ang katabi kung kumusta ang hitsura niya. Frederick rolled his eyes before saying he looked good.

"I saw it, bastard!" At tinapunan niya nang matalim na tingin ang assistant na kaagad namang bumunghalit ng tawa.

"It was just a joke, boss," sabi pa nito.

"Yeah, joke my ass."

**********

Napanganga si Shelby nang bigla na lang may dumating na delivery van para sa tatlong malalaking bouquet ng mga bulaklak. Ang sa grandma niya ay isang bungkos ng red and pink tulips. Iyon ang paborito ng grandma niyang kulay ng mga tulips. Grabe ang katuwaan nito sa natanggap. Ang sa mommy naman niya ay isang bouquet ng purple and pink peonies.Samantala ang sa kanya'y pulang rosas naman na kamumukadkad lang.

"Somebody did their research well," nakangising parinig ng lola niya habang inaamoy-amoy ang kanyang natanggap na bulaklak. Ngumingiti-ngiti rin ang mom niya dahil gustung-gusto rin nito ang nakuha.

"Ah. It has been a long time since I got one from a suitor," nakatawa pa ngang pahayag nito na nagpasimangot sa asawa. Masama ang tingin ni Magnus kay Sheila kahit na alam nitong hindi naman sa asawa nanliligaw ang sinasabi nitong 'suitor'.

Si Don Manolo naman ay nagulat nang makatanggap din ng regalo. Pagkabukas nito sa kahon at makita ang isang rare kind ng cigar na matagal na nitong gustong bilhin para idagdag sa collection pero hindi nito magawa-gawa dahil lagi itong nanuunahan sa auction ay napasigaw sa tuwa ang matanda.

Medyo naasiwa si Shelby nang mapansing tanging ang dad niya ang hindi nakatanggap ng regalo. Mamaya tatawagan niya ang Gunter na iyon. Nakakainis lang. Dapat hindi na nagpadala ng regalo kung masi-single out lang din naman ang kaisa-isang tao na nais niyang lumambot ang puso para sa kanilang dalawa.

Mayamaya pa, habang naghahanda na si Shelby na bumalik ng Manhattan, may dumating sa kanilang mansyon. Bumilis agad ang tibok ng kanyang puso nang makilala kung sino ang umibis sa bagong dating na itim na Rolls Royce.

"Gunter?" nasambit niya.

Napalabas siya ng bahay. Gano'n din ang mommy niya at lola. Nanatili silang nakatayo lamang sa bukana ng kanilang front door.

Hindi maikakailang nag-uumapaw ang pride ni Shelby nang makita ang lalaking naglalakad papunta sa kanila. He never disappointed her when it comes to fashion. Ang kanyang gray suit, na isa sa mga dinisenyo niyang binili nito noon, ay bagay na bagay sa kanya. Tingin nga ni Shelby parang mas nabigyan pa ni Gunter ng hustisya ang pagsusuot no'n kaysa sa mga male supermodels na hinire niyang rumampa no'n sa runway.

"Isn't that one of your designs, sweetie?" pabulong na tanong ng mom niya sa kanya.

Hindi na nakasagot si Shelby dahil nasa harapan na niya ang lalaking nagpapabilis ng tibok gn kanyang puso nitong huli. Tila na-mesmerize siya sa kabuuan nito. Lalo na nang dahan-dahang itong nagtanggal ng sunglasses na suot.

"Ma-gandhung uhmaga, Ginahng San Diego," bati ni Gunter kay Donya Minerva at hinalikan ang kamay nito. Ganoon din ang ginawa kay Sheila. Kapwa natuwa ang dalawang babae. Nauna pa silang kiligin kaysa kay Shelby.

"Hi, Shelby. It's good to see you again. Did you receive the flowers I sent to all of you?"

No'n naalala ni Shelby ang ginawa nitong pag-single out sa ama. Sinabihan nito ang lola't ina na mauna na sila sa loob at kakausapin niya muna si Gunter sandali.

"We got your gifts. But why did you buy Grandpa a very expensive cigar but did not give anything to Dad? Do you know that he didn't take it lightly?"

Ngumiti si Gunter kay Shelby. "Of course, I did not forget him," sagot nito at nilingon nito si Frederick. Dali-dali namang lumapit ang assistant at inabot kay Gunter ang dala nitong regalo. Isang kulay khaki na kahon na nilagyan pa ng halos ganoong kulay na ribbon na tila bagang idi-display ito sa isang high end store.

Pinangunutan ng noo si Shelby nang makita iyon.

"What's that?" naiintrigang tanong niya kay Gunter.

"It's a secret, babe," tumatawang sagot ni Gunter sa kanya. Natawa na rin siya dito. Naibsan na ang kanyang pangamba. At least mayroon naman palang matatanggap ang dad niya.

Pagpasok nila sa loob, sambakol na ang pagmumukha ni Magnus.

"Ba't ang tagal n'yong pumasok sa loob?" tanong nito na si Shelby ang tinitingnan.

"I had to go back to the car and get your gift, sir, that's why," sagot dito ni Gunter.

Napa-double take si Magnus sa lalaki. Pinangunutan siya ng noo.

"You understand Tagalog, iho?" tanong ni Sheila. Gulat na gulat.

Napanganga nga rin si Donya Minerva at nagsabi pa ito na kanina raw nang binati sila ni Gunter sa Filipino inisip nitong iyon lang ang pinagpraktisang alamin ng bisita. Hindi pala. Mukhang may bala pang iba.

"Yes, ma'am. I have been studying Filipino three times a week now and two hours per session. I also try to study it on my own."

"That's great!" tuwang-tuwa na sagot ng dalawa.

Magnus roled his eyes at sinaway ang asawa at ina sa labis nilang pagiging hospitable. Si Don Manolo naman ay walang imik na nakatingin lang nang matiim kay Gunter. Bagay na ikinakaba nang husto ng huli. May sinabi kasi ang kanyang ama tungkol sa don kung kaya kakitaan si Gunter ng pag-aalala. Iniisip kasi nito na baka iyon ang iniisip ngayon ng matanda.

Si Shelby naman ay unti-unti nang napalagay ang loob. Ang sabi kasi ng kanyang ama, tatanggapin niya si Gunter bilang manugang kung personal itong magpakita sa kanila nang walang may nag-utos dito. Binawalan nga siya na magsabi ng tungkol doon sa lalaki. Nais daw kasi na maging bukal iyon sa kalooban ni Gunter.

Pinagdadasal na lang ni Shelby ngayon na hindi gumawa ng kapalpakan doon si Gunter para tuluy-tuloy na ang pagpalambot nito sa puso ng dad niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top