Ika-Labing-tatlong Tula-Lan
Parehong ulap man ang ating tinititigan
Magkaiba pa rin ating nararamdaman
Bakit hindi makita ang nasa harapan?
Panay na lang ang titig sa kawalan
Kung ako ang magdesesisyon sa ating dalawa
Pipiliin ko na lang ngang itago ang nadarama
Sapagkat manhid ka at walang pandama
Kahit kaharap mo na'y iba pa rin ang nakikita
Iwanan mo na lang ako't huwag nang lingunin
Kahit masakit ay aking tatanggapin
Ngunit huwag magbabalik at magpapaawa sa akin
Dahil tiyak na iba na ang nasa aking damdamin
- pluviophile
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top