Ika-Labing-dalawang Tula-Lan

Kay sarap mong pagmasdan
Hindi magsasawang tingnan
Lalo na sa iyong kabilugan
Sa iyo ay nabighani nang tuluyan

Ang liwanag mong napaka-rikit
Hugis mong lubhang mapang-akit
Mga mata'y nakatitig nang malagkit
Tila ba ayaw na ngang pumikit

Kahit pagod sa magdamag
Mapatitig lang sa iyong liwanag
Pagod ay tuluyan nang nawawala
Sapagkat ikaw lang sapat na nga

- pluviophile

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top