Trouble 12

Chapter 12: The Weighing Scale

Fourteen

Hannah cried for a minute. Lahat ay nagulat at ayaw magsalita. We let her sob in front of Wad's grave. I hear pain in her cries.

Iyak ng taong namatayan ng minamahal.

Ngayon na alam na ng lahat ang nakaraan nina Hannah at Wad, magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gulat, inis at lungkot. All this time, kaya pala lagi kong nahuhuling nakasulyap si Hannah kay Wad dahil may gusto ito sa kanya na higit pa sa isang kaibigan.

"Y-yes, all of what he said is true." Umiiyak nitong sabi. Iniangat niya ang kanyang paningin at dahan-dahang tumayo. "T-The reason why I didn't tell Wad about our baby ay dahil hindi pa siya handa na maging isang ama! All he wanted was his lust and vice!"

"That's so sick, Hannah! Nakakadiri ka!" Sigaw ng kaklase kong si Irene, isa sa naging kaibigan ni Hannah.

"Yucks!" Dagdag ng iba.

It seems like there are close-minded people here. They didn't really understand the situation. Hannah is a prostitute. Yes! But feeling disgusted towards her because of what she did without hearing his side is not okay.

Lahat naman tayo ay nakakaramdam ng libog pero halata kay Hannah na may rason ang kanyang pagsali sa prostitusyon.

"Another table had turned," Chase replied.

"Call me a whore or whatever you want. B-But..." Napayuko si Hannah sabay himas sa kanyang tiyan. Nagulat ako dahil parang may ipinapahiwatig si Hannah na agad kong nakuha. "I'm pregnant again... at si Wad pa rin ang ama..." Humihikbi nitong pag-amin.

"Eh, paano ka nakakasiguro na kay Wad nga 'yang batang 'yan?!" Sigaw ng isa pang kaklase kong si Jill.

"I lied to him. Tumigil na ako sa pagiging prosti simula no'ng namatay ang lola ko. Akala niya gano'n pa rin ang trabaho ko, pero naging waiter na ako sa bagong club na pinasukan ko. At kapag may tawag siya ng laman ay lagi ko siyang pinupuntahan. She confessed while holding her bump.

Kita ko ang pagtulo ng butil ng luha mula sa kanyang mga mata patungo sa suot niyang damit.

"But still, napakadumi mong baba----"

"Ako ang mag-aalaga sa'yo." Natigilan ang lahat nang marinig ang pamilyar na boses. Her voice cracked because she cried in pain.

Annita Flores spread her arms.

"Ma'am Annita..." Hannah whispered.

Nasa likuran lang pala ni Mrs. Annita, ang kanyang asawa na si Mr. Nelson. Lumapit ang matanda sa kanya sabay yakap dito nang mahigpit.

"Dala mo ang anak ng anak ko. And I won't lose again another Wad... not my grandson." Umiiyak nitong wika at marahang hinaplos ang likuran ni Hannah.

"Ma'am..."

"Call me mommy from now on... you'll stay in our mansion. Aalagaan natin ang anak mo at magiging apo ko," seeing this kind of scene makes me want to cry.

Ang mama-in-law at the daughter-in-law na nagyayakapan at tanggap ang bawat isa kahit ang dami nilang mga pagkukulang sa buhay.

No matter how mundane our daily lives may seem. All we need to do is make the best of every moment and opportunity that comes our way. It is only when we accept the unexpected and pursue greatness that we can truly make the most of life.

So let us take every moment as it comes and strive to make it the happiest it can be. Let us embrace surprises and make every second count.Matapos ang nangyaring iyakan ay hindi namin iniexpect ang sunod na nangyari.

Chase closed his eyes and fell to the ground.

-———-««۝»»———-

Ezequiel Chase

NANG idilat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang puting kisame. Amoy ng kemikal at walang tigil na tunog ng makina.

Wala namang masakit sa akin, pero may dextrose na nakatusok sa aking palapulsuhan.

Napatingin ako sa aking gilid at hindi inaasahan ang taong natutulog sa sofa.

I really find it weird seeing someone who has been exerting effort for me.

Fourteen will always be unpredictable.

Akala ko sa paggising ko ay tanging ang sulok lang ng apat na k'wartong 'to ang bubungad sa akin. May tao din pa lang nag-aantay sa akin. Pasimple akong napangiti habang napatingin kay Fourteen na parang fetus sa kanyang posisyon.

I quickly got out of bed and walkedto the coach. Kinuha ko ang manipis na tela na nasa paanan ni Fourteen at itinalukbong sa kanyang katawan. Sobrang lamig dito tapos hindi man lang nagsuot ng jacket ang batang 'to.

I smiled at seeing him in this state.

Muli akong bumalik sa aking hinihigaan at napatulala sa puting kisame.

Things fly so fast. Kasisimula pa lang ng school year tapos may expulsion ako agad. Matapos ang pambubully at panglulunod, tapos 'eto namatay na si Wad, and 'yong suspect hindi pa nakikilala ng awtoridad.

Sino naman kaya ang gagawa no'n?

Malabong ako dahil hindi ko naman kayang pumatay—shemz! I forgot about my father.

Pero hindi ako nagtulak na gawin 'yon. I know that the unknown voice pushed me to do it. At ngayon na alam ko nang may tatlo na akong personality sa katawang 'to, ang mas mabuting gawin ko na lang ay alamin pa lalo ang ugali nila.

Basagulero si Ryder, kaya niyang makipagpatayan kung kanino, pero alam din niya kung hanggang saan lang ang pagiging marahas niya. Kakikilala ko pa lang kay Alexis, pero alam kong babae talaga siya kung kumilos.

At 'yong boses pa lang na naririnig ko, hindi ko pa alam kung anong kaya niyang gawin pero nakakasiguro akong isa siyang delikadong personalidad ko. Siya siguro'yong tinutukoy ni Ryder na delikado.

Hindi ko alam kung anong makaka-trigger para lumabas siya at 'yon ang aalamin ko.

MATAPOS kong ma-discharge sa hospital, si Fourth na ang nagbayad. Ilang oras daw akong tulog dala ng pagod at stress na naranasan ko.

Laking pasasalamat ko talaga na andiyan si Fourth Kundi, baka butas na bulsa ko ngayon dahil wala na talaga akong dalang pera.

Gabi na at buti na lang din na okay lang sa manager ko na hindi muna ako makakapasok ngayon.

Kasalukuyan naman kaming naglalakad ni Fourth; sinusundan ko lang siya dahil nagpapasama siya sa akin at may pupuntahan daw kami.

Ten minutes passed until we reached a karenderya near the highway.

Malamig na ang simoy ng hangin at langhap ko na rin ang amoy ng inihaw, ginisa at kahit ang pritong ulam dito sa kinatatayuan namin.

Ramdam kong naglalaway na ang aking labi at kumakalam na rin ang aking sikmura. Pinapunta lang ata ako ni Fourth dito para mainggit sa mga pagkaing naka-display.

Nagsimula nang nagtitingin-tingin ang aking kasama sa mga nakahilerang stainless container sa aming harapan.

"Ah, ate, dalawang fried chicken, apat na barbeque at dalawang serving ng sinabawang budlisan. Tapos apat na serving ng kanin, sali na rin po ng isang litrong softdrinks," pagkausap niya sa ale sa counter. Binalingan naman niya ako sabay hila sa akin. "Kain muna tayo bago umuwi. Masyado na tayong drain sa dami ng revelations kanina," sambit nito at pinaupo ako malapit sa may bintana ng karinderya.

"Grabe, 'no? Gano'n na pala ang nangyayari sa mga kaklase natin. Masyado pang bata pareho. Namatay ang tatay ng magiging anak ni Hannah," wika ko sabay lapag ng aking gamit sa katabi kong monobloc. Kaharap ko naman si Fourth na kasalukuyang nag-scroll sa kanyang telepono.

"Kahit ako kanina. Hindi ako makapaniwala, but maiba ako, paano mo nalaman na isang prosti si Hannah at nagkaroon sila ng something ni Wad?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Fourth.

Patay—paano ko ba sasabihin? Hindi naman p'wedeng direkta kong ipagsabi na may other personalities ako. Masyadong komplikado ang mga bagay para sabihin sa kanya.

Nalaman ko lang ang lahat na nangyari no'ng kinwento ni Ryder sa akin, ang lahat ng buong nangyari kanina sa sementeryo habang tulog ako.

So it only means na nagparamdam na ang isa kong personality? Ngayon ko lang na-realize.

Does it also mean that my other personality knows everyone around me? How can he get those informations, eh, hindi naman gano'n karami ang interactions ko sa aking mga kaklase?

This is getting weirder.

How can I lie to him? Eh, kalilipat ko lang sa school nila? Halata namang nagsisinungaling ako 'pag sinabi kong dati ko nang kakilala sina Hannah at Wad?

Paano ba?

"Huh? Ahh---ehh, W-Wad..." Siyete! Namamawis na ako sa sobrang kaba. Paano na 'to? "Uhmm, si Wad ay nakita ko na dati sa isang bar!" I exclaimed. Gulat namang napatingin si Fourth sa akin.

"What?" he asked confusedly.

"I mean, nag-trabaho rin kasi akong waiter sa isang bar dati. I noticed Wad bringing girls to a VIP room!" I lied; I never had a job in a bar.

"Okay."

Napakamot tuloy ako sa aking baba dahil sa kaba. I'm not really good at lying sometimes.

Magsasalita pa sana si Fourth nang dumating na ang inorder niyang pagkain. Nag-usap lang kami patungkol sa buhay at hanggang maari, pareho namin na ayaw pag-usapan ang nangyaring kamatayan ng isa sa aming kaklase.

This dinner was full of joyous moments. We both enjoyed our meal, and everything around uswas special.

I had a meal with someone who treated me as a friend, not somebody.

-———-««۝»»———-

MORNING came. It's also the weekend, but may trabaho ako ngayon kina Manong Wilbert, 'yong may-ari ng bigasan. Hinanda ko na ang sarili ko para sa mabibigat na buhatin ngayon.

Pagkalagay ko ng sinaing ay isinali ko na rin ang dalawang hilaw na itlog para sabay na maluto ang dalawa. I charged my keypad phone that Manang Salome gave me the other day and took a bath.

Pumili ako ng komportableng damit na susuotin at ang uniporme ko sa restaurant.

Matapos ang agahan ay inihanda ko na ang aking sarili ngayong umaga lalo na't maglalakad lang ako ng dalawang kilometro dahil ayaw kong gumastos sa pamasahe.

Eight in the morning arrived at nasa Warehouse na ako ng bigasan. Nandoon na rin ang ilan sa mga kasamahan ko na nag-aantay na buksan ang padlock. Wala pa rin akong nakakagaanan ng loob sa kanila.

Napapatingin ako sa aking mga kasamahan, grupo-grupo sila at panay ang tawanan... malalakas na tawanan.

And here I am, overthinking if ako ba pinag-uusapan nila. Nagnanakaw tingin ako at nagbabasakali kung napapatingin ba sila sa gawi ko dahil nag-a-assume ako na ako ang pinagtatawanan nila.

"Good morning, boys!" Napatingin kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Bumungad sa amin si Manong Wilbert habang nasa likuran nito ang kanyang itim na mamahaling sasakyan.

"Good morning, sir!" Bati ko rito at sumunod namang bumati ang ilan sa mga kasamahan ko.

"Good morning, Sir Spade!"

Nanlaking mga mata ko sa tinuran ng aking kasama.

At dito na ako napatingin sa itim na sasakyan. Nakita ang taong naging dahilan kung bakit ako napatalsik sa eskwelahan. Nasa akto pa lang na pababa na si Spade ng sasakyan, nakasuot ito ng itim na shades at ang itim din ang polo nito.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at ayaw gumalaw ng aking katawan.

Bakit? Bakit hindi ko inalam?

"Good morning, din sa inyo---uy! Nandito pala si Mr. Robles!" Pang-aasar nito. Kita ko sa aking peripheral vision ang pabalik-balik na tingin ni Manong Wilbert sa akin at sa kanyang kasama.

"Chase, kilala mo anak ko?" Ramdam ko ang gulat sa kanyang boses.

"Ahh... yes, Manong Wilbert, he's my schoolmate. Pero hindi na ngayon," I replied.

I saw how Manong Wilbert's mood changed as I answered him. He came closer to me and tapped my shoulder, "Layuan mo 'yan. Hindi magandang kaibiganin ang anak ko," rinig kong bulong niya sa akin bago niya binuksan ang warehouse. "Okay boys, limang truck ang pupunuin natin, kaya medyo matagal tayo matatapos ngayon!"

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kumag na nasa aking harapan. Pati pala ang ama niya ay alam ang kagaspangan ng ugali niya.

I saw him smirk habang papalapit sa aking direksyon.

"We met again, Chase. Trabahante ka na pala ni papa," he said, then chuckled. "Enjoy your work, kasi makakasama mo ako."

Halatang nang-aasar ang kanyang boses. Sa tono pa lang ng kanyang pananalita, alam ko nang may gagawin na naman siyang hindi maganda. B'wiset na kumag 'yon! Kung saan ata ako ay nandoon din siya.

Sana lang kahit dito man lang ay maging maayos ang pakikitungo niya sa akin. Kahit ang ama niya ay binalaan na ako sa posibleng gawin ng anak niyang barumbado!

I rolled my eyes and took a deep breath before entering the warehouse.

Nagsimula na nga kami sa aming trabahao at walang tigil ang pagkarga namin ng sako ng bigas sa mga sumunod na oras. Lahat kami ay nagmamadali dahil kailangan na ang mga bigas sa palengke at ilang retailers.

Pero hindi ko inexpect ang sumunod na nangyari.

Gumulantang sa aming lahat ang balitang hindi ko inasahan. A piece of news that really shook me and Manong Wilbert.

Dahil sa hindi malamang pagkatatataon, natagpuan na lang na patay na si Spade sa warehouse.

An armful of blood was stuffed inside a sack on top of a weighing scale, and was covered in blood.

-———-««۝»»———-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top