Reunion

"She's really beautiful, Nico. I can't believe our daughter is alive. I can finally no longer cry at night dahil sa pagkawala niya."Hinawakan ni Verona ang kamay ng anak na si Verona Danica Yvonne. 20 years din silang nagluksa at nagdusa sa pagkawala nito pero hito, kasama na nila.

"Mom, Verona is still recovering. Hayaan mo munang magpahinga siya." Saway naman ni Vent sa ina.

It was their second day in the hospital. Na operahan na rin si Darker at hinintay na lang rin nila na magising ito. Si Xyryll naman ay undercovery.

"I-it's okay, Kuya Vent.." Xyryll's voice is shaking. Nagagalak ang puso niya dahil sa nalaman. Naiintindihan na niya lahat kung bakit ganon na lamang ang galit ni Darker sa ama nito.

Malaki ang mundo..pero napaka liit lamang niyon para sa kanila.

She can't call it coincidence..it was the destiny who brought them to this situation. Kahit paman ganon ang nangyari sa kanila. She is still thankful that it happens.

Na ikwento na rin naman niya kung paano sila nagkakilala ni Darker, at kung paano siya inalaagan nito nang maka-balik siya sa syudad.

"I'm so glad, anak." Paulit-ulit itong sinasabi no Verona sa kanya at yayakapin pa siya pagkatapos nitong sabihin ang mga salita na 'yon.

"Let her rest muna. The doctor said she must take a rest. Makakasama sa baby." Nangilid naman ang mga luha ni Veron sa tuwa.

"Mom, stop crying." Dahil sa sinabi niya'y napahikbi ito.

"Mas emotional ka pa sa buntis, Hon. Let's go outside para naman makapag-pahinga ang bunso natin."Inalalayan na nang Daddy niya ang kanyang Mommy. Humalik muna ang Daddy niya at ang mga kuya niya sa kanyang nuo bago nilisan ang silid niya.

Tahimik na ang kwarto. Ipinikit niya ang dalawang mata at pinakiramdaman niya ang paligid.

That make her calm..and safe. Sana makita na niya si Darker sa susunod na araw. She miss him.

Hindi na namalayan ni Xyryll na nakatulog na siya. Nagising na lang din siya nang may biglang humalik sa nuo niya.

"Kuya Yvenn.." Ngumiti ito sa kanya.

"Sorry, I waked you up." Naupo ito sa gilid ng kama niya at hinaplos ang buhok niya.

"It's already 7 pm, are you hungry?" Umiling siya. Hindi siya gutom pero nauuhaw siya.

"I want water, Kuya." Mabilis naman itong tumayo at kumuha ng isang baso ng tubig at ibinigay ito sa kanya.

Saktong naubos niya ang isang basong tubig ay pumasok naman si Vent at Niccolo. Inabot niya kay Yvenn ang basong wala ng laman.

"Kuya." Naiilang siyang ngumiti. Hindi kasi siya sanay. Hindi pa niya ito pormal na nakikilala lahat.

"May masakit ba sa'yo? Gutom ka na ba? Alas syete na." Malambing na sabi ng Kuya Vent niya. Umiling siya.

"Nauuhaw lang ako, Kuya. Baka mamaya kakain ako." Mahina niyang sabi.

Naupo ang dalawa niyang kapatid sa malapit na upuan ng hospital bed niya at marahang hinaplos ang ulo niya.

"Everything feels surreal..For the past 20 years palagi kaming nagluluksa sa pagkawala mo, and now you are here. Nahahawakan na namin." Madamdaming sabi ni Vent. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at pinisil.

"This is not a dream, right? Kuya Nic?" Their eyes because watery. Its been 20 years. Mahal na mahal nila ang kapatid nilang babae noon paman. Hindi lang naman ang mga magulang nila ang naging masaya nang dumating sa buhay nila si Verona. She was loved by many, not because she's Verona, they love her because she's her. She's kind, generous, and thoughtful. Kaya bigla na lang nawalan ng kulay ang palasyo ng mga Millan nang mawala si Verona. Everything lost color dahil wala na ang Verona na tatakbo sa loob at labas ng palasyo ng mga Millan.

"We missed you so much, our princess, you really looked like Mom, and your hair kaparehong-kapareho kay, Dad." Sabi ni Niccolo habang hinahaplos pa rin ang kanyang buhok.

"You can call me Kuya Nic, Verona. I'm the eldest, second was Yvenn and then Vent." Dagdag pa ni Niccolo.

"Alam mo ba, kaming tatlo ang nagpangalan sa 'yo. Me was go for Danica, Yvenn want Yvonne and Vent wants Verona. Nag away pa kaming tatlo dahil lang sa pangalan mo, but Mom and Dad decided to name you those three." Natatawang sabi ni Niccolo habang ang dalawa ay naiiyak na.

"It was a nightmare for us, a big nightmare..hindi namin matanggap ang lahat. The palace has a lot of security, that was so secure for you to roamed and play. Pero hindi namin alam na may naka pasok na pala, kinuha ka nila, they asked for billion of ransom and we gave it..pero hindi ka na nabalik pa." Tumulo na ang mga luha ni Niccolo habang nagsasalita.

"Sinisisi namin ang sarili namin dahil hindi ka namin nabantayan, pero sabi nila Dad hindi namin kasalanan dahil may klase kami sa araw na 'yon pero hindi talaga maiwasang isipin na kasalanan namin dahil nandon pa rin naman kami sa loob ng palasyo." Sabi ni Yvenn. Ramdam niyang masasaktan ang mga ito sa pagkawala niya noon.

"But look, God is really good on us. After years of mourning and seeking for justice, hindi namin alam nga mahahawakan ka pa namin. Finally we can hold you like this, can tell you that your three prince's loves you, Verona." Hindi niya alam na umiiyak na para siya. Maybe that was the missing piece she was looking. Their warm hugs and love for her.

She was loved by the two people who adopted her..pero kahit pa ganon may kulang pa rin..and that was his brothers unconditional love for her.

She is now complete.

"Can we join your group hug?" Kapwa sila napa tingin sa may pinto nang pumasok ang Mommy at Daddy nila.

Mas lalo siyang mapaiyak dahil sa galak.

She's happy. God is really good on them.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top