Mad
It's 8 o'clock in the morning when Xyryll woke up at naka ready na ang breakfast niya na nasa gilid ng kama. Her milk, fried egg, toasted bread, a fresh strawberries at hindi mawawala ang strawberry jam na gawa pa ng Mommy ni Darker.
Eat well, baby. I'm sorry I went to company early. I have a lot of work to do. Promise we will have our breakfast together some other time. I love you.
—D
Wala sa sariling napangiti siya nang mabasa ang note. A simple effort makes her heart palpitates inside her chest.
She got ready herself, naligo siya at nagbihis at saka dinala ang tray ng pagkain sa balkonahi. Medyo malamig na ang gatas pero okay lang at least may gatas siya.
Habang kumakain siya ay biglang may apat na malalaking truck ang dumating. Kumunot ang nuo niya at nagtaka kaya binilasan niya ang pagkain, muntik pa nga siyang mabilaukan.
Pagbaba niya ay wala roon si Erin at ang Mommy nito. Kaya mag-isa niyang sinalubong ang mga drivers ng truck.
"Magandang umaga po, ma'am." Ani ng isang driver. Tipid lang siyang ngumiti.
"Good morning din po, may kailangan po kayo? Wala kasi si Tita at Erin." Sabi niya. Wala rin naman kasi siyang alam pa kung bakit may truck na dumating.
May isang babae ang bumaba sa truck. Napangiwi siya ng maamoy ang pabango nitong hindi gusto ng ilong niya. Her baby doesn't like the smell of the woman.
"Where's Darker, then?" Maarteng tanong nito sa kanya. At lumapit pa sa kanila. Umatras siya ng kunti dahil parang masusuka siya sa amoy.
"May trabaho kasi siya, he's busy kaya hindi siya namamalagi sa mansyon." Umangat ang kilay nang babae pagkatapos magsalita ni Xyryll. Pinasadahan pa siya nito ng tingin, mula ulo hanggang paa.
How rude!
"Pwede bang pakisabi na narito na kami, kukunin na namin 'yong strawberries na inani na? You're wasting our time." The woman said. Nag flip pa ito ng buhok.
Ang sarap naman sabunotan ng babae na'to!
"Sige po," pumasok muna siya sa luob at saka kinuha ang cellphone at tinawagan si Erin pero naka ilang ring siya'y hindi pa rin sumasagot.
"Ang tagal naman!" Naiirita na talaga siya sa babae. Sino ba kasi ito para mag reklamo. Gustong-gusto na talaga niya ito sabunotan.
"Sorry, hindi kasi sumasagot si Erin. Baka pwede maghintay lang muna kayo sandali? Baka babalik na rin sila." Kahit hindi siya sigurado ay sinabi na lang niya 'yon.
"Sige ma'am," Sabay na sabi ng mga driver pero ang babae naman ay nakasimangot na tinignan si Xyryll.
Anong problema ng babae na 'to?
"Paki kuha kami ng maiinom. Uhaw na uhaw na ako. Bilisan mo ha!" Napairap siya. Sobrang bossy pero hindi naman bagay. Akala siguro nito'y bagay sa kanya. Pangit naman. Ang baho pa ng amoy. Pati pananamit parang wala sa lugar. Halos lumabas na ang kaluluwa dahil sa ikli at hapit na hapit sa katawan nitong suot.
Iniwan na lamang niya ang mga ito sa labas, may mga upoan naman 'don sa mga puno na pwede nilang upoan habang naghihintay sila.
Kumuha na siya ng isang pitsel ng tubig at limang baso at saka bumalik.
"Ano 'yan? Bakit hindi malamig?" Kinuha nito ang dala niyang baso. Napaigik siya ng biglang tinapon ang baso sa harap niya.
This woman is so mean!
"Ma'am! Bakit niyo tinapon!" Saway ng isang driver.
"What? She deserves that! Linisin mo 'yan ha!" She stared at her with confusion. Gaga pala tong babae na 'to.
Aalis na sana siya para kumuha ng dustpan at walis para sa bubog na nagkalat pero pinigilan siya ng babae ang braso niya.
"At saan ka pupunta? Pulotin mo 'yan!"
Abat! Anong problema ng babaeng to?
Matalim niyang tinignan ang babae. As far as she know, nasa masyon ito ng mga Wolbretz. Wala sa pamamahay niya. Ang kapal naman ng mukha para gawin to sa kanya.
"Remove your dirty hands from my arm, or else ipapakain ko sa'yo yang bubog na nagkalat.." Mariin niya sabi. Binuhay talaga nang babae ang pagiging maldita niya at dahil na rin siguro'y buntis siya ay madaling uminit ang ulo niya.
"Martha! Ethyl!" Sigaw niya. Mabilis namang lumabas ang dalawang katulong at kasama na rin ang iba pa. Nakita siguro nito ang nangyari.
"Aba! Tumawag ka pa ng kauri mo." Ngumiti lang siya sa babae at marahas na binawi ang braso niyang sobrang sakit na dahil sa pagkakahigpit ng kapit.
"Ma'am Nancy, lagot ka ngayon. Anong akala mo walang CCTV dito. Patay ka." Pananakot ni Martha. Umasim ang mukha ni Nancy.
"At bakit ako matatakot? Uyam na uyam na ako sa pagmumukha niyo! Asan si Darker? Gusto ko siyang makita! At sino ang babae na'to!? Hindi ba niya alam na ako ang anak ng may-ari ng NV's Corporation?" Sigaw nito.
Nagtaas lang siya ng kilay dahil sa sinabi ni Nancy. Malay niya bang anak ito ng may ari ng NVs Corp at wala din siyang pake.
"Hayaan mo na 'yan ma'am, nababaliw na ata. Ayaw kasi pansinin ni Darker mula nang sila ang maging supplier sila sir nang mga strawberry sa company nila." Sabi ni Ethyl. Tumango lamang siya. Wala siyang oras para makipag-away. Baka ma stress pa siya. Nakakasama sa baby niya.
"Sino ang babae na 'to?!" Galit na tanong ni Nancy pero hindi siya sumagot. Wala siyang oras para makipag-away Tumalikod na lang siya pero hindi pa siya nakakahakbang ay hilablot na ng babae ang buhok niya dahilan para ma out of balance siya.
Nanglaki ang kanyang mata. Matutumba siya at ang una niyang inisip ang ang baby niya.
No!
"Nancy!" May narinig siyang sigaw pero natumba na siya, sobrang lakas ng pagkakatumba niya kaya sumakit agad ang tiyan niya.
Ang baby niya!
"Ma'am Xyryll!" Hindi na niya alam ang nangyari dahil nawalan na siya ng malay.
DARKER is on his conference meeting when he received a call from the mansion. Kakasimula pa lamang ng meeting kaya hindi dapat pweding itigil. Pero walang tigil ang pag ring kaya sinagot na siya.
"Please excuse.." sabi niya. Tumahimik na muna sa loob at sinagot ang tawag.
"What is it? I'm in the middle of my meeting.." Malamig niyang sabi.
"Sir! Si Ma'am Xyryll po nahimatay!"
Biglang gumuhit sa mukha niya ang pag-alala.
"What? Again? Anong nangyari?"
"Mamaya na po namin sasabihin, Sir. Tinawagan na ni Ethyl ang Doctor, walang ibang tao dito sa mansyon dahil nasa farm ang Mommy at kapatid mo."
Dumilim ang anyo niya. Napapahamak na naman ang mag-ina niya.
"Anthony, ikaw na bahala dito. Please continue the meeting. Just record everything. Babalik ako. Xyryll needs me right now." Mabilis niyan niligpit ang gamit at saka lumabas sa conference room na walang pasabi pero alam ng mga head ng ibat-ibang department ang dahilan. Dinig na dinig nila ang pangalan na binanggit ni Darker.
Gustong paliparin ni Darker ang sasakyan pauwi. His heart is pumping so fast while he's driving. Sobrang higpit pa ng pagkakahawak niya sa manubela ng sasakyan niya.
Pagdating sa mansyon ay agad niyang pinarada sa garahe ang sasakyan at lakad-takbo ang ginawa niya papasok.
"Sir! Nasa taas po si, Ma'am Xyryll. Dinugo po siya. Naroon na rin po ang doctor." Tumango siya kay Martha at agad na tumakbo sa hagdanan patungo sa kwarto nila.
"Doc. Manuel.." Humahangos na sabi niya nang maka pasok sa kwarto nila Xyryll. Naka higa sa kama ang girlfriend niya at walang malay habang sinusuri ng doctor.
"H-how is she, Doc?" Lumapit siya at naupo sa kama. Hinawakan niya ang kamay ni Xyryll na nanglalamig.
"Kailangan madala siya sa hospital, Mr. Wolbretz. The baby's heartbeat is still there pero kailangan ma ultrasound siya to make sure that everything is fine. Aalis na ako, I will refer you to my wife Thyline." Tumango siya. Tinapik ng doctor ang balik niya at saka um-exit na.
Binuhat na niya si Xyryll pababa.
"Martha, tell the driver that I need him. Mag hihintay ako sa garahe." Mabilis namang kumilos si Martha.
Wala siyang ibang iniisip kundi ang mag-ina niya.
Ang daming pweding mangyari pag wala siya sa tabi ni Xyryll.
He need to protect her. He need to protect the woman he loves.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top