🔪Chapter 2🔪

Chapter 1: Unknown Place

Dedicated to : Miss_eighty-eight

Angelika's P.O.V

Nagising ako sa damuhan.
Pagkaupo ko sumakit ulo ko parang gusto kong sumigaw sa sakit.

Napansin ko na nasa gitna ako nang kagubatan.

Nakasuot ako nang isang puting dress at hood na black. At may bag na black sa tabi ko .

Paano ba ako napadpad dito?
At saan na ba ako?

Tumayo ako at naglakad lakad.
Hanggang may nakita akong isang malaking pintuan na nakabukas.

Pumasok ako at nakita kong may lalaking papunta sa direksyon ko agad akong nag tago sa likod nang puno.

Tatago na sana ako nang naapakan ko ang sanga.

Shoot!

Agad akong nagtago sa mga halaman kaysa sa puno.
Narinig ko ang footsteps niya.

Biglang sumikip ang dibdib ko nahirapan akong humihinga. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko at hindi gagawa nang ingay.

Narinig ko siyang nagsalita
"I know you're hiding , But the next time I see you walking at the Forbidden Forest it will be the end of your life"

Pagkatapos kinuha niya braso ko at diniin niya ang kuko niya . Napasigaw ako sa sakit. Dumudugo ang braso ko

Nanghihina ako , nawawala ang lakas ko ng dahil nun napaupo ako.

"1st Warning"

At naglakad na siya palayo saakin. Dali-dali kong binuksan ang bag ko at naghanap nang tela at itali sa braso ko.

Lalabas na sana ako sa lugar nato ngunit naka-lock na ang pinto.

Pinilit kong buksan pero ayaw talaga. Paano nato!

Nanglamig ang katawan ko nung may naghawak sa balikat ko .
Pagtalikod ko ay may isang babaeng mataas ang buhok at naka puti .

Jusq.

Dali-daling ako tumakbo palabas sa forbidden forest.
Nang nakalabas na ako sa Forbidden forest ay hinahabol ko ang hininga ko.

Naglakadlakad ako palayo sa Forbidden Forest.

May nakita akong malaking sign na nakasabi "Tophet Academy"

Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ako o hindi , kung papasok ako mas ligtas ako ngunit ligtas ba doon?
Kung hindi ako papasok dito ako mamamatay sa Forbidden Forest at papatayin ako nung lalaki na yun o yung babae kanina.

Bahala na nga papasok na ako!
At kinatok ko ang gate

Ipagpatuloy

Sa wakas naka update na rin
Sorry late update busy sa school
Try ko mag update often
Till the next chapter ~
-Nicolette Lee











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top