TWIUTSBNUTF

First i wanna thanks TOPAegiii for the beautiful book cover. Arigato!!

Here's my one shot VotingClub hope you'll like it..

"I love you."

Mataman kong tinitigan ang babaeng nasa harap ko ngayon. She just said the 'I love you' thing.

Ngumiti ako pero hindi dahil masaya ako na narinig ko sakanya iyon. Nakangiti ako dahil sa katangahang iniisip ko.

Sa panahon ngayon ang salitang 'Mahal kita' ay karaniwan nalang. Hindi mo kailangan lagyan ng sobrang effort para masabi ito. Buksan mo lang ang bibig mo at mag salita ka ok na.

Napaisip ako.

Kelan ba ang huling beses na binanggit ko ang salitang mahal kita ng may kasama na pag mamahal? Ewan. Hindi ko matandaan.

O ayaw mo lang alalahanin?

Ngumisi ako. Siguro nga.

"Hey, Jhay-R! I said i love you! You suppose to say you love me too."

Tumawa ako sa aking loob looban. Kung mahal ako ng babaeng ito hindi nya kailangan i-demand ang dapat kong sabihin.

Ang babaeng nasa harap ko ay isa sa mga girlfriend ko at magiging isa sa mga ex ko. Sya si Keyra. Maganda sya, maputi,sexy at mayaman pero hindi ko magagamit ang mga bagay na iyon para sumaya.

"I love you too."

Ayan, sinabi ko ang salita pero hindi ko naman Nararamdaman.

Pag english ang ginagamit kong lingwahe para sa salitang iyon ay sigurado akong hindi ako seryoso dun.

Ngumiti si Keyra at inilapit ang kanyang muka sakin. Hinawakan ko nalang ang kanyang batok para isiil ng halik.

Then again, wala ulit akong naramdaman. Para lang akong umiinom sa bote.

Tumagal ang halik namin ng ilang minuto bago ako humiwalay. Nagpaalam sya na aalis na upang dumalo sa birthday ng kaibigan nya. Inimbitahan pa nya ako pero tumanggi ako.

Lumabas ako mula sa aking opisina para sana kunin ang mga papeles sa finance department ng may makasalubong ako.

Isang taong hindi ko inaasahan na makikita ko pagkatapos ng tatlong taon. Ang taong nag palimot sakin ng pakiramdam ng salitang Mahal kita.

My Wife, Heixara.

We're going to across the path. Naka sunglass sya pero alam kong sya iyon. May lalaking nakahawak sakanya kaya nag-igting ang panga ko. Muling sumiklab ang galit ko.

Papalapit na sila sa sakin pero mukang wala lang ang prisensya ko sa asawa ko. Samantalang ako lang ang nag iisang taong madadaanan nila.

Sinadya kong banggain sya para mapansin nya ako kaya natumba sya sa sahig. Agad naman sya dinaluhan ng lalaking kasama nya.

Tang-ina lang.

Iyan ba ang pinagpalit nya sakin? I am more handsome than this guy, richer at hotter.

Sa lakas ng impak ay nalaglag ang sunglasses ng Asawa ko. Tinayo sya nung lalaki at humingi ng tawad sakin pero ang buong atensyon ko ay sa babaeng nasa harap ko ngayon na hindi man lang ako magawang titigan.

Is that how she emphasis that I don't really exist?

Tinitigan ko lang sya at wala akong balak tumabi. Takte lang, nanggigigil ako sa inis, at galit. Matapos nya akong iwan ng walang dahilan ito sya, nasa harap ko at kasama ang putang ina nyang kabit.

Mag sasalita sana ako ng biglang humingi ng paumanhin yung lalaki sakin bago hinila si Hera palayo at nag simulang mag lakad paalis.

Sinundan ko sila ng tingin. I clenched my fist. How dare that girl act like she didn't saw me!? Hindi man lang ba sya hihingi ng sorry at mag paliwanag sa pag iwan nya sakin.

Sa pag kakatanda ko hindi kami divorce kaya asawa ko parin sya.

Sya parin si Heixara Salamat Panuga.

Tinikom ko ang bibig ko at hinayaan nalang silang umalis. Ngumisi ako, hindi ko na kailangan pa syang sundan. Unang araw palang ng pag-alis nya sa buhay ko ay alam ko na kung saan sya pumupunta at nakatira.

I just realised. If i want to feel the words i used to say, i must fix the reason why I'm in this situation.

At ang babaeng iyon ang kailangan ko.

*****

"So you mean to say na nag kita kayo ni Hera, tapos hindi ka nya pinapunan ng tingin? Woah! How dare that girl."

Hindi ko pinansin ang kapatid ko na si Jayzer dahil simula malaman nya ang impormasyon na iyon sakin One hour ago ay hindi na sya tumigil kakabigay ng komento.

Papasok kami ng Hospital dahil kailangan mag pacheck-up ni Jayzer because she's three months pregnant.

Nag patuloy sa pag putak ang buntis kong kapatid kaya hinayaan ko nalang hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kwarto.

"Dito na Kuya, samahan mo ako sa loob!"

"Bakit pa? Kaya mo na yan, babae naman siguro ang doctor mo."

"Ihhh! Sige ka, pag hindi ka sumama hindi din ako papasok. Hindi mag papacheck-up si Baby."

Pumikit ako ng mariin. Ugh, spoiled brat.

Wala akong nagawa kundi ang pumasok kasama sya. Binati kami ng doctor at pina-upo. Umupo ako sa sofa at ang kapatid ko naman ay sa tapat ng doctor. Hindi na ako nakinig sa mga pinag-uusapan nila dahil sa nakita kong mga sampayan sa likod ng pinto.

"Jhay-r! I told you na always put our House key sa likod ng pinto diba?"

"Sorry wife, i forgot. Kiss mo nalang ako."

"Dini-distract mo ako eh! I should sermoning you by now, pero kinikilig ako."

"*laughs* come here at ng mabuntis na kita!"

"Haha! Not yet Husband, mag aaral pa tayo. But kiss will do!"

Fuck, memories.

Tumayo ako.

"I'll just go walk around, babalik din ako."

Ngumuso si Jayzer pero tumango din kaya lumabas na ako. Habang isinasara ko ang pinto ay nakita ko si Hera na palabas sa isang kwarto kasama yung lalaki kanina. Nag igting ang panga ko.

And what are they doing here? Nag pacheck-up? Ng ano?

Kung makahawak yung lalaki sa asawa ko akala mo hindi marunong mag lakad mag isa. Frustration ate me. Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay putang-ina, nakadipende padin ako sakanya.

Naka lima'ng mura ako bago pinasok sa kwartong pinanggalingan nila. Naabutan ko dun ang isang lalaking nasa mid-40.

"Good Morning, may i help you?"

"Gusto kong malaman kung bakit nag pa-check yung dalawang taong kalalabas lang kanina."

Napatitig sya sakin. Handa na akong sapakin sya dahil akala ko bakla sya pero isang ngisi ang iginawad nya sakin.

"I don't give my patient's information sa kung 'sino-sino lang'."

This doctor is getting on my nerve.

"Hindi ako kung sino-sino lang! I'm her fucking husband! You get that? HUSBAND!"

"HINDI ako pwedeng mag basehan lang sa sinabi mo na asawa mo ang pasyente ko, because as far as i remember in her files, she's not married. Now if you don't mind, get out now."

Mahina akong nag mura pero nahagip ng mata ko ang envelope na nasa mesa nya.

Heixara Salamat. It's her file!

Bago ako umalis ay mabilis kong hinablot ang envelope saka mabilis na tumakbo palabas. Narinig ko ang pag tawag nya sakin pero hindi ko iyon pinansin. Diretso ako sa kotse ko at hinihingal na binuksan ang envelope.

Name: Heixara Salamat
Age:23
Sex: Female
Status: Single

The fuck?! Single?

Binuklat ko pa ang isang papel.

Picture iyon ng retina ng isang tao.

"Eye pigmentosa Glaucoma." Basa ko sa naka caps lock na letra.

"First operation , failed. Second operation,Failed."

Paulit ulit kong binasa ang lahat hanggang sa nanghihinang binaba ko ang envelope ng ma-realise ko kung anong ibig-sabihin nito.

Alam ko ang mga bagay na ito dahil nag aral akong mag doctor. Hindi ako makapaniwala na may sakit Sya na ganito.

Kaya ba, hindi nya ako napansin nung nag kabanggan kami kasi... Kasi bulag na sya. My heart ache thinking na wala ako sa tabi ng asawa ko sa ganitong sitwasyon. The worst, Ni hindi ko alam!

Pinag-hahampas ko ang manibela sa sobrang gigil.

"Husband, anong gusto mong ulam pag dating mo galing work mamaya?"

"Kahit ano basta may kasamang kiss."

"Hmm. Lagi ka namang may kiss sakin eh, pero aalis ako mamaya kasama si Devorah."

"Mag sho-shopping kayo? Yung card ko nasa kabinet lang ah."

"May pera naman ako Husband, sige na punta kana baka mapagalitan ka ni Boss mo. Love you!"

"Love you too, anyway, Ako din ang mag mamay-ari nung kumpanya wife so ok lang kahit ma-late ako. I-lock ang pinto ah? Bye!"

"Wait! Yung kiss ko? You'll leave without kissing me?"

After that scene, nang umuwi ako ay wala akong nadatnan na asawa kong sasalubong sakin para halikan at asikasuhin ako. I wait u til midnight then she just texted me that she want us apart dahil nagsasawa na sya. Ofcoarse i didn't believe pero putang-ina nakita ko sya may kasamang lalaki at papasok sila sa isang Motel.

Shit.

We married each other at the age of 19. Still studying, still young. But i just love her so much so niyaya ko agad syang mag pakasal. Ako ang naging pinakaswerteng lalaki noon nang pumayag sya.

I just married a God's Gift.

We had an agreement na hindi pa kami dapat mag kaanak dahil mag aaral pa sya ng architecture at ako naman ay doctor.

We stayed happily married for 4 years. She graduated the course of architecture while I'm still studying for medications dahil nga 10 years ang pagdo-doctor. While studying I'm working in n company dahil gusto kong pag paghirapan ang ipang-bubuhay ko sa asawa ko. Pero iniwan nya ako.

My world just left me so what is the use of pursuing my dreams if my world left me? So, hindi ko natuloy ang medication lessons ko.

Bumagsak ako sa lahat ng subject kasabay ng pag bagsak ko. Sa company namin ang bagsak ko. Dahil nawalan na ako ng ganang mag-aral pa kaya ako na ngayon ang namamahal sa kumpanya.

Pinaandar ko ang kotse ng mabilis papunta sa lugar na tinitirhan ni Hera. I fucking need to see her!


Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko papunta sa lugar na tinitirahan ni Hera. I should be at her side. I should be the one who's taking care of her because she's my wife.

Mabilis akong napapreno nang makita ko ang pigura ni Hera sa isang di kalakihang park.

Pinatay ko ang makina at mabilis na lumabas sa sasakyan. Naka-upo si Hera sa isa sa mga upuan duon. Dinudurog ang puso ko habang iniisip na naka ngiti sya pero alam ko namang hindi sya nakakakita.

Dahan dahan akong umupo sa tabi nya. My breath hitched dahil bulag na nga sya. Ni hindi nya nakitang nandito ako sa tabi nya. Iba nadin ang kulay ng itim nya bola sa mata. Kulay Grey na iyon.

Medyo nawala ang ngiti nya nang maramdaman nya sigurong may katabi na sya.

"Jeff, ikaw ba yan? Alam mo naramdaman ko sya kanina."

Hindi ako nag salita. Maybe i want to hear what will she gonna say. Is it about me?

"Kahit pala bulag ako, kahit hindi ko sya nakikita nararamdaman ko sya. Sya yung naka bangga sakin kanina diba? Kamusta na kaya sya? May.. May mahal na kaya syang iba?"

Wala. Kasi nakalimutan nya ang pakiramdam na iyon dahil sayo.

"Masakit. Gaga ako pero ayoko syang mahirapan. Sino ba ang gustong mag alaga ng bulag habang-buhay diba? I'm sure, mag sasawa lang sya. Iiwan nya ako at mag hahanap ng babaeng kaya syang tignan. Kung mag i-stay man sya siguro dahil nalang sa awa. Maybe sometime, naiisip ko na tama lang ang pag-iwan sakanya. Minsan naman nag-sisisi ako. It hurts like hell! Ano kayang iniisip nya kung bakit ko sya iniwan?"

Unti-unting nag landas sa pisngi nya ang saganang luha. Mabilis ko itong pinahid. Naramdaman kong nanigas sya at agad na hinawakan ang kamay ko.

"J-jhay-R?"

"Iniisip nya na baka nag sawa kana at may iba na kaya ka umalis. Hindi ka nya hinabol dahil nakita ka nyang may kadamang lalaki. Yung lalaking tinutukoy mo gusto kang alagaan habang-buhay kahit iniwan mo sya at pinalimot sakanya ang salitang 'mahal kita'. Gusto ka nyang alagaan kahit bulag o lumpo ka pa hindi dahil naaawa sya sayo. Kundi dahil Mahal ka nya. At ang lalaking tinutukoy ko ay ako. Mahal kita Hera, aalagaan kita kahit hindi mo ako nakikita. Wala ka mang mata you can use my hand."- sabi ko.

Tuloy tuloy ang pag patak ng luha nya.

"Anong magagawa ng kamay mo eh, bulag ako?"



"You can use my hand to guide you. I can be your eyes if you want to see. I will tell you how blue the sky is, how pretty you are, how green the leaves are. You don't have to be afraid of the world because I'm here."

"Pero iba parin talaga. Paano kung maging pabigat ako sayo-"

"Wag mo munang isipin yung pwedeng mangyari ok? Now, I have a question and you need to answer it honestly."

"W-what is it?"

"Do you love me?"

Suminghot sya. Her nose is so red and damn, she's so cute.

"Kung magkaka-anak tayo hindi ko makikita ang itsura nila-"

"Shhh. Answer me baby, do you love me?"






"Hmm, Yes. Hindi naman nag bago yun eh."

Mabilis akong napayakap sakanya.

"I love you."- Hera






"Mahal din kita. Sobra sobra. Wag mo na ulit akong iiwan dahil sisiguraduhin kong itatali na kita lagi sa tabi ko."

Mahal kita.

The words i used to say but not used to feel don't really exist.
Dahil hindi meant na sabihin ko ang salitang iyon sa ibang tao. Kay Hera lang talaga at wala ng iba.

Nasa tabi ko ang dapat kong sabihan nun. Sisiguraduhin kong hindi na sya mawawala pa sakin dahil pag nawala sya. The word 'Mahal kita' will be forever useless and nonsense.

The next chapter of our will not as easy as pie but if we stayed strong, all the struggle can be solve. Basta kasama ko sya.




Ang salitang Mahal kita ay para lang sakanya at hindi sa iba.

-End-

❤MsRayter

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top