Chapter Four
INIWAN ni Aleah si Drake sa bahay. Pero alam niya aalis ito pagsabit ng dilim. Pagdating niya sa opisina ay pinatawag kaagad siya ng matandang Sebastian. Bibiyahe na raw sila patungong Pampanga. Alas otso daw kasi ang simula ng meeting. Inihanda na niya kagabi pa lang ang lahat na kailangan niya sa meeting. Fully charge din ang laptop niya. May kasama silang tatlong bodyguard. Kasama din nila ang manager ng Real Estate na si Miss. Victoria.
Halos dalawang oras din inabot ang meeting ng mga business investors. Mayroon kasi silang branch office ng real estate sa Pampanga. Meron din office doon ang security agency. Kaninang umaga pa napapansin ni Aleah na matamlay ang matandang Sebastian. Pagkatapos ng tanghalian ay nagdesisyon ang ginoo na umuwi na sila ng Maynila.
Dumeretso si Aleah sa opisina niya para gawin ang minute of meeting. Abala siya sa pagtipa sa keyboard nang may kumatok.
"Come in!" sabi niya.
Bumukas ang pinto kasabay sa mabilis na pagpasok ni Tyler. "What happened to the meeting? Pumayag ba si Daddy na gawing corporation ang agency?" agad-agad ay usisa ni Tyler. Umupo ito sa tapat ng mesa niya.
Bumuntong-hininga siya. "Hindi tinalakay sa meeting ang tungkol sa agency. Pero binanggit ni Boss na kapag hindi pa nakabalik si Drake ay mapipilitan siyang kumuha ng board of directors para sa agency," sagot niya.
"Meron ba siyang binaggit kung sino-sino ang investors?"
"I don't have idea, pero merong dumating sa meeting na isa sa investor at isang retired PNP officer."
"Hindi ko na maintindihan si Daddy. Ang gulo ng isip niya ngayon."
"At parang nanghihina na siya."
Tumitig sa kanya si Tyler. Pagkuwa'y nagtagis ang mga bagang nito. "Paimportante naman kasi itong si Kuya. Kung buhay siya, sana bumalik na siya. Hindi 'yung pinapahirapan pa niya si Daddy," inis na wika nito.
Hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ni Tyler. Parang isinisisi pa nito sa kapatid ang nangyari dito. Hindi naman ginusto ni Drake na mamatay. No, hindi pala dapat niya iniisip na patay na si Drake dahil nakakasama at nakakausap niya ito.
"Huwag mong sisihin ang kuya mo, Tyler. Hindi niya ginusto ang nangyari sa kanya," sabi niya.
"Ano ba kasi talaga ang nangyari sa kanya? Imposibleng patay na siya kung hindi nakikita ang katawan niya. O baka naman nagtatago lang siya."
Hindi nakakibo si Aleah. Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa dahil kailangan maibigay niya ang kopya ng minute of meeting sa matandang Sebastian bago ito uuwi.
"Anyway, may dadaluhan akong party mamaya. Puwede ba kitang isama, Aleah?" maamya'y sabi ni Tyler.
Sinipat niya ito. Hindi ba nito nahahalata na busy siya? Isa pa, wala siyang hilig sa party. Mas gusto pa niyang matulog. Sayang ang oras na igugugol niya sa pagdalo sa party ng kung sinong nilalang. Hindi naman niya kilala ang mga 'yon.
"Kaninong party?" tanong niya.
"Birthday kasi ng college friend ko kasabay sa birthday ng first baby niya. Ninong ako ng anak niya. Galante 'yon at gumagastos ng milyon para sa isang party. Civil Engineer sa Canada si Greg, at ang asawa niya ay Nurse sa Canada. Umuwi lang sila dito para sa bakasyon."
"Sorry pero kailangan kong mag-overtime para matapos ko na ang report ng pinapagawa sa akin ng daddy mo. Kailangan ko ring magising ng maaga dahil magsu-survey kami ni Miss Victoria sa mga project ng kompanya," alibi niya.
Kumagat-labi si Tyler. You never refused my invitations except now. Hindi naman tayo magtatagal sa party, eh. Kakain lang tayo 'tapos uuwi na. Kailangan ko lang magpakita kay Greg," dismayadong sabi nito.
"Hindi ka ba makapunta mag-isa?"
"Ayaw ko lang makantiyawan."
"Makantiyawan?"
"Yes. They all have their own family, except me. Kailangan makita nila na may kasama akong babae."
"Ah, so gagawin mo akong pang-display? Bakit hindi mo imbitahin ang mga pini-flirt mong babae? Huwag ako, Tyler. Busy akong tao. Wala akong panahon sakyan ang kalokohan mo. Kung wala ka nang ibang sasabihin, puwede ba pabayaan mo akong makapagtrabaho ng maayos?" masungit na sabi niya.
Marahas na tumayo si Tyler. "Fine!" sabi nito saka umalis. Pabalyang isinara nito ang pinto.
PAGSAPIT ng dilim, lumabas ng condo si Drake para pumunta sa kompanya ng daddy niya. Nagsisiuwian na ang mga empleyado pero marami pang sasakyan na nakaparada sa garahe sa ibaba. Alam niya twenty-four hours ang operation ng security agency. Marami pang tao sa first floor.
Nagsuot siya ng tiim na leader jacket na abot hanggang tuhod ang laylayan. Nagsuot din siya ng itim na ball cap at sun glass para hindi siya makilala. Sinabayan niya ang pagpasok ng tatlong kalalakihan. Sa hagdan lang siya dumaan papuntang second floor kung saan ang opisina ng security agency. Marami pang tao sa opisina kaya dumeretso na siya sa fourth floor, sa office ng daddy niya, pero naka-lock na ang pinto.
Alam niya'ng bawat sulok ng gusali ay may nakaabang na camera kaya napilitan siyang tunawin ang katawan para maging usok. Nakapasok siya sa loob ng opisina ng daddy niya. Doon ay sinadyang hindi pinalagyan ng daddy niya ng camera. Kailangan niyang makita ang list of clients ng daddy niya, o kaya'y mga listahan ng kasong hinawakan nito. Alam niya naroon lang sa opisina nito ang mga iyon.
Kagabi kasi, umalis siya sa condo ni Aleah para pumunta sa Land Transportation Office para malaman kung nakarehistro doon ang plate number ng sasakyan na ibinigay san kanya ng dalaga. Sa magdamag na paghahanap, nakita niya ang pangalan ng may-ari ng naturang sasakyan. Isang nangangalang Arvin Sardones, isang active police Maynila. Ang sunod niyang hinanap ay ang record ng naturang police sa kung saang presento ito nakadistino. Nakuha niya ang record at litrato ni PO2 Arvin Sardones. Siyempre, para hindi siya mahuli, sinira muna niya ang mga camera. Pero kulang pa rin ang ebidensiya'ng 'yon para mapatunyang isa nga si Sardones sa suspect niya.
Dahil sa sinabi ni Aleah na nanggaling roon sa kompanya si Sardones, malakas ang kutob niya na may koneksiyon ang lalaki sa daddy niya, o sa ibang opisyales ng kompanya. List of clients lang ang nakuha niya.
Lumabas na siya. Sa isang kuwarto pangatlo mula sa opisina ng daddy niya ay ang office of secretary. Baka sakaling naroon pa si Aleah. Dumaan siya sa maliit na siwang ng pinto sa ilalim nito baka ika niya'y may nakaabang na camera sa loob ng opisina ni Aleah. Meron nga siyang nakita at nakatutok pa mismo sa mesa ng dalaga.
Nakabukas pa ang computer at ilaw. Naroon pa ang mga gamit ng dalaga pero hindi niya naramdaman ang presensiya nito roon. Ginamitan niya ng kapangyarihan ang camera para mawalan ito ng bisa pansamantala. Nang masigurong hindi na ito gumagana ay ibinalik niya ang pisikal na katawan. Umupo siya sa swivel chair ni Aleah at pinakialaman ang computer nito. Alam niya na ito ang may hawak ng lahat na files ng kompanya.
PAGKATAPOS na makapag-time out ay bumalik sa opisina niya si Aleah para kunin ang mga gamit. Pagbukas niya ng pinto... "Ay kalabaw!" bulalas niya. Nabitawan niya ang bitbit niyang paper bag na may lamang papeles nang maabutan niya si Drake na nakaupo sa harap ng mesa niya.
Dagling pinulot niya ang paper bag saka pumasok. In-lock niya ang pinto. Tiningala niya ang camera.
"Hoy, ano'ng ginagawa mo d'yan? Nakikita ka sa camera!" sita niya rito.
"May common sense ako, Aleah. Of course, pansamantala kong binulag ang camera," sabi nito. Nakatingin pa rin ito sa monitor.
"Paano ka nakapasok rito?"
"Nakalimutan mo na ba?"
Naalala niya na may sa multo pala itong si Drake. Nilapitan niya ito. Kinakabahan siya na baka may mabura itong importanteng files sa computer.
"Ano ba ang hinahanap mo?" pagkuwa'y tanong niya.
"May kopya ka ba ng list of guest or visitors dito sa files mo? Hindi kasi ako makapasok sa security office."
"Hindi ko na hawak 'yon. Ang security department ang may hawak doon."
"Pero may copy ka ng list of cases na hinawakan ng investigation agency."
"Hindi lahat na record ay hawak ko, dahil hindi pa nai-turn over sa akin ang lahat na record ng agency. About sa cases na hawak ng daddy mo, personal niya 'yong record, hindi niya ako binibigyan. Government lawyer siya pero ang records niya ay hindi niya basta pinapahawak sa iba."
Nang muli niyang tingnan ang monitor ay naalarma siya nang makitang binubuksan ni Drake ang mga private picture niya na naka-save sa flash drive na nakakonekta pa rin sa computer. Nag-upload kasi siya kanina ng picture sa facebook at nakalimutan niyang alisin ang flash drive niya.
"Hey, picture ko 'yan!" Pilit niyang inaagaw ang mouse sa kamay ni Drake, pero ayaw nitong bitawan. Hinawakan niya ang kamay nito na may hawak sa mouse para pigilan ito sa paghalungkat ng pictures niya.
Natatakot siya baka makita nito ang picture niya na nakabikini noong nag-swimming sila ni Victoria sa beach ng isa sa kliyente nila. Napagkatuwaan lang naman nilang mag-photo shoot noon dahil ang ganda ng view.
"Wait! Huwag ka ngang magulo!" reklamo ni Drake.
Ayan na nga, nabuksan na nito ang pictures niya na nakabikini sa tabing dagat. Pinakalihan pa nito ang picture niya na nakahiga sa buhangin, habang nakadipa. Nangahas siyang tabigin ang kamay ni Drake pero bigla nitong dinakip ang kamay niya at mahigpit na pinisil.
"Bakit ayaw mong makita ang pictures mo? Wala kang dapat ikahiya dahil napakaganda mong babae. You look so hot in this picture," sabi nito.
Hinihila niya ang kamay niya pero ayaw nitong bitawan. "I-off mo na 'yan. Wala pang lalaking nakakita sa katawan ko maliban sa tatay at kuya ko!" napipikon nang sabi niya.
"Meaning, I am the first? O, no, not convincing because it's just a picture. Sabi nila, iba pa rin ang impact kapag harap-harapan mong nasisilayan ang katawan ng babae than watching then in pictures or TV screen. And I proved it. Marami na akong nakitang hubad na babae, as in no underwear," sabi nito.
"Pare-pareho naman kayong mga lalaki, eh. Sa katawan lang kayo unang humahanga."
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya sabay hatak sa kanya. Napasubsob siya sa likod nito. Saglit siyang naparalisa nang biglang tumayo si Drake at lumapit pa sa kanya. Dumaiti ang mga katawan niya.
Shet! Lihim siyang napamura nang madama niya ang pagsikip ng dibdib niya sa kanyang panloob. Naramdaman kasi niya sa kanyang puson ang pamumukol at naninigas na armas ni Drake.
Napakarumi ng isip niya sa ga sandaling iyon. Hindi niya napigil ang sarili na isiping baka kanina pa pinagnanasaan ng lalaki ang mhga larawan niya. Pero inalis niya kaagad 'yon sa isip niya, dahil alam niya'ng propisyunal ito. At sabi nga nito, marami na itong nakitang hubad na babae, kaya imposibleng sa simpleng nakabikining larawan niya ay mabubuhay ang sandata nito.
"Don't worry, hindi ako maniac. Pero alam ng katawan ko kung karapa-tapat bang babae ang pagnanasaan niya. Hindi ako gumagalaw ng kung sino-sinong babae. I don't just fuck a woman, unless if my love for her has have a touch of lust. I have self control if comes to sex. Hindi naman ako interesado rito noon, dahil nga wala na akong time," seryosong pahayag nito.
Dahandahang itinulak niya ang dibdib nito. Wala siyang karanasan sa sex, kaya kinikilabutan siya kapag ito ang topic, at lalaki pa ang kausap. Binitawan ni Drake ang kamay niya.
"What do you want for dinner?" mamaya'y tanong sa kanya ni Drake.
Kumalma na ang nerves niya. "Bibili na lang siguro ako ng lutong ulam," aniya.
"Ipagluluto kita. Mabilis lang akong magluto."
Kailangan niya itong tanggihan dahil kung hindi ay lalabas na umaabuso na siya. "No need. Hindi ka rin naman kakain," tanggi niya.
"I want to cook for you, just for you."
"Drake. We don't have any relation to each other. So don't waste your time for me. Please do what you want in life in order to find a justice for you. I told you, I can't help you," paunawa niya rito.
"Are you refusing me, Aleah?" seryosong tanong nito.
"Ayaw ko lang masangkot sa kaso mo. Lumaki na akong ganito pero never akong napahamak," aniya.
"At sino'ng may sabi na ipapahamak kita? Hindi ka magagalaw ng kahit sino. I will protect you."
"I don't need a protection kung hindi ka mahihimasukan sa buhay ko! Please leave me alone."
Bumuga ng hangin si Drake. "Fine. For your peace of mind, I will leave you. But one thing you have to remember, you can't escape the case where you are still connected. Hindi ako ang uusig sa 'yo, kundi ang sarili mong konsiyensiya. But thank you for the effort to find my suspect. I'll see you soon," sabi nito saka ito tumalikod.
Tinatanaw lang niya ito habang papalabas ng pinto. Naisip niya, tama kaya ang ginawa niyang pagtataboy kay Drake?
Dahil sa pag-alis ni Drake, pakiramdam ni Aleah ay parang may kulang sa pagkatao niya. Kailan lang ba sila nagkausap at nagkasama ni Drake? Pakiramdam niya'y nasaktan niya ang damdamin ng binata.
Hindi niya nagustuhan ang nabili niyang ulam. Kung hindi sana niya itinaboy si Drake, 'di sana'y nakakain siya ng masarap. Meron sana siyang tagaluto ng almusal. Hindi na sana niya kailangang magising ng sobrang aga para maghanda ng babaunin niya. Isang araw lang siya pinatikim ni Drake ng alaga, pero bakit hinahanap-hanap na niya? Nahirapan siyang matulog dahil kahit anong aliw niya sa sarili ay naiisip niya si Drake.
Nasaan na kaya ngayon ang bampirang 'yon?
LATE ng isang oras sa trabaho si Aleah dahil tinanghali siya ng gising. Ni hindi na siya nakapag-almusal at nakapagbaon ng tanghalian. Pagdating niya sa kompanya ay nagyaya na kaagad si Victoria na bumiyahe na sila para ma-survey ang mga area kung saan sila my project. Na-save ang lunch niya dahil may food allowance na binigay sa kanila.
Alas-tres na ng hapon sila nakabalik sa kompanya. Dumeretso kaagad siya sa opisina niya para gumawa ng report na isu-submit sa Presidente.
Mayamaya'y iniwan niya ang ginagawa nang biglang tumunog ang emergency alarm ng kompanya. Napalabas siya ng kanyang opisina. Nakita niya ang mga staff na sumusugod sa opisina ng Presidente. Sumunod din siya sa mga ito.
Hindi pa siya nakarating sa paroroonan ay nasalubong na niya sa pasilyo ang tatlong security na buhat-buhat ang walang malay na katawan ng kanilang Presidente.
"Ano'ng nangyari?" tanong niya kay Victoria. Natataranta ito.
"Nadatnan ko na lang siya sa office na walang malay," sumbong nito.
Sabay na silang bumaba gamit ang hagdan. Isinugot sa ospital ang kanyang Boss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top