CHAPTER 10: BACK TO THE IMMORTAL WORLD

ALTHEA’S POV

“Hidden way to the magical world which only appears when it is called‚ I‚ Prince of the Sapience Kingdom‚ command you to show yourself‚” seryosong sabi ni Kaiden sa harap ng isang napakalaking puno.

Awtomatikong napaangat ang isang kilay ko dahil sa kaadikan ng kasama ko. Ngunit sa halip na pagsabihan at singhalan siya ay napairap na lamang ako.

Habang panay ang irap ko sa kasama ko ay bigla na lamang namilog ang mata ko kasabay ng pagsinghap ko nang mapansin kong may isang malaking gintong bato ang unti-unting lumilitaw sa tabi ng punong nasa harapan namin. Sa ibabaw ng malaking gintong bato na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan ay mayroon ding nakapatong na isang maliit na gintong bato na parang button na maaaring lumubog kapag pinindot mo. Ang kaibahan nga lang ng batong nasa ibabaw ng malaking bato ay nababalutan ito ng isang nakakasilaw na liwanag at parang may nakaukit dito na mga lumang letra na hindi ko maintindihan.

“Anong ginagawa mo?” naguguluhang tanong ko kay Kaiden nang mapansin kong dahan-dahan niyang inilalapat ang palad niya sa maliit na gintong batong nasa ibabaw ng malaking bato.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay itinuloy ni Kaiden ang kung anumang balak niya. Walang pag-aalinlangan niyang inilapat ang magkabila niyang kamay sa maliit na batong nakapatong sa malaking bato na para bang alam na alam na niya ang kaniyang ginagawa saka buong lakas niya itong pinindot.

Napatakip na lamang ako sa mata ko gamit ang kanang kamay ko dahil sa liwanag na nilikha ng bato nang tuluyan na itong mapindot ni Kaiden. Kung kanina ay nagliliwanag ito at nakakasilaw‚ mas dumoble pa ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula rito nang mapindot na ito ni Kaiden.

Nang mawala ang liwanag na bumabalot sa batong pinindot ni Kaiden ay saka ko lamang inalis ang pagkakatakip ng kamay ko sa mga mata ko. Nang muli kong ibaling kay Kaiden ang atensyon ko ay hindi ko na napigilan pa ang muling mapasinghap dahil sa bumungad sa akin. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o nababaliw na rin ako katulad niya.

Kung nakakahawa man ang kabaliwan ay baka baliw na nga ako katulad nitong kasama ko dahil kung ano-ano na lang na mga kakaibang bagay ang nakikita ko.

“What’s that?” nagtatakang tanong ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa bagay na basta na lang lumitaw sa harapan namin.

Hindi ko sigurado kung portal ba iyong bagay na basta na lang lumitaw sa harapan namin. Basta isa siyang oval na kulay puti na kasya ang tao. Para itong isang malaking salamin na may lining na gold sa gilid nito. Kaya nga lang ay wala kang makikitang repleksyon dahil ito ay nababalutan ng hiwaga at liwanag na para kang hihigupin sa sandaling makalapit ka rito.

Kung ganoon ay tama nga ang hinala ko na button ang maliit na batong nasa ibabaw ng malaking bato at sa oras na pinindot mo siya ay lalabas ‘yong portal. Wow! Just wow! Nananaginip ba ako? Ito na ba ang epekto ng kababasa ko ng mga fantasy story? Nasobrahan naman yata.

“Get inside‚” seryosong utos sa akin ni Kaiden na akala mo naman ay isa akong bata at siya ang babysitter ko para diktahan niya ako ng dapat kong gawin.

“No way!” mariin kong pagtanggi sa gustong mangyari ni Kaiden na may kasama pang pag-irap.

“Get inside‚” ulit niya sa maawtoridad na boses.

“I said no!” pagmamatigas ko.

“For Pete’s sake‚ Althea Gwyn Rose Gutierrez! We are running out of time! Anumang oras ay darating na sila!” nawawalan na ng pasensyang singhal sa akin ni Kaiden habang sinasabunutan na niya ang kaniyang sarili dahil sa katigasan ng ulo ko.

Mukhang naiirita na siya. Tsk! Buti nga sa kaniya. Anong akala niya‚ mapapasunod niya ako nang gano’n-gano’n lang? Malay ko ba kung anong naghihintay sa akin pagpasok ko sa portal? Pero sinong sila ang tinutukoy niya? Sinong parating? Iyong mga lalaking nakaitim ba? Bakit naman nila kami susundan hanggang dito?

“What do you mean?” naguguluhang tanong ko habang halos magdikit na ang kilay ko.

“We don’t have much time. Get inside.” Imuwestra niya ang kamay niya sa portal na para bang inaanyayahan niya akong pumasok dito.

“Answer me first.” Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng aking dibdib at pinagtaasan siya ng kilay na mas nakadagdag sa pagkairita niya.

Mas lalo niya pang ginulo ang buhok niya at napapahilot na rin siya sa kaniyang sentido.

“Tss! Suchahardheadedprincess‚” bulong niya sa kaniyang sarili na hindi ko na masyadong naintindihan dahil sa bilis niyang magsalita at sobrang hina rin nito na halos bulong na lang sa hangin.

“Ano? May sinasabi ka?” mataray kong tanong sa kaniya habang nakataas pa rin ang isang kilay ko.

Malay ko ba kung minumura na pala ako ng lalaking ‘to. Wala man lang akong kamalay-malay. Kaya mabuti na iyong inaalam ko kung anong binubulong-bulong niya.

Sa halip na sagutin ako ay peke niya akong nginitian at basta na lang akong hinila papasok sa portal nang walang pasabi.

“Ahh!”

Hindi ko na napigilan pang mapasigaw dahil sa sobrang hilong nararamdaman ko habang para akong nahuhulog sa malalim na bangin nang sandaling makapasok ako ng portal. Pinili ko na lamang na ipikit ang mga mata ko para kahit papaano ay mabawasan ang hilong nararamdaman ko.

“Ouch‚” daing ko nang maramdaman ko ang pagtama ng katawan ko sa isang matigas na bagay kasabay ng pagtigil ng tila walang katapusang pagkahulog ko sa malalim na bangin.

Saglit akong natigilan nang may mapagtanto ako. Bakit parang hindi naman lupa‚ bato o damo ang kinabagsakan ko? Ano ba itong nadaganan ko? Bakit parang gumagalaw?

Unti-unting kong iminulat ang mga mata ko para bigyang kasagutan ang sarili kong katanungan at halos lumuwa ang mata ko nang ang bumungad sa akin ay ang mukha ni Kaiden na ngayon ay diretsong nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko na nagawa pang mag-iwas ng tingin dahil naagaw ng kaniyang mga mata ang aking atensyon. Ngayon ko lang napansin na kulay abo na pala ang mata niya. As far as I can remember‚ his eyes were blue. Kaya paanong bigla itong naging kulay abo?

Habang titig na titig ako sa malamig at walang emosyon niyang mga mata ay naramdaman ko na lang na parang tumigil ang oras. Para ding biglang nawala ang lahat ng nakikita ko sa paligid mula sa sulok ng mata ko. All I could see is his gray orbs. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na mas titigan ko pa siya lalong-lalo na ang mga mata niya.

“Ang bigat mo pala‚” nakangising pang-aasar niya sa akin‚ dahilan upang agad akong mapatayo mula sa pagkakadagan ko sa kaniya.

“Pervert!” inis kong sambit habang pinapagpag ko ang damit ko.

Wala sa sariling napatigil ako sa pagpagpag ng damit ko nang may mapansin akong kakaiba sa damit na suot ko. Hindi na ito ang damit na kanina ay suot ko.

Agad akong napabaling ng tingin sa kasama ko na nahuli kong nakatitig sa akin. Ngunit sa halip na pagsabihan siya ay pinagtuunan ko ng pansin ang damit niya na ang layo sa kanina ay suot niya.

“Bakit ganiyan ang suot mo?” nagtataka kong tanong habang nakaturo ang kanang hintuturo ko sa damit ni Kaiden na katulad ng kasuotan ng mga prinsipe sa napapanood kong fantasy movies.

“Nasa Fantasia na tayo‚” tanging sagot niya na hindi naman nakatulong at mas nagpagulo pa lalo ng isipan ko.

E ano ngayon kung nasa Fantasia kami? Wait. I knew it! Isa nga pala siyang prinsipe. Prinsipe nga ba ng ano ‘yon? Sapin? Sapin-sapin? Wait! Naalala ko na ang sinabi niya kanina. He’s the prince of the Sapience Kingdom!

Nang pakiramdam ko ay nasagot ko na ang sarili kong tanong ay ang suot ko naman ang binalingan ko. Hindi ko na napigilan pa ang pag-isang linya ng kilay ko nang mapagmasdan kong maigi ang aking suot. I’m now wearing a golden yellow bouffant dress instead of my school uniform.

Nang kapain ko ang salamin ko ay wala na ito at ang mas nakapagtataka pa ay nakalugay na ang buhok ko. Hindi na rin ito buhaghag tulad ng dati na mahirap suklayin. It is now in flat iron waves hair style. And worst‚ its color has changed from black to light golden blonde.

Habang patuloy ang pagkapa ko sa aking sarili ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko nang may makapa akong isang maliit na bagay sa itaas ng ulo ko. At upang alamin kung ano ito ay dalawang kamay ko na ang ginamit ko pangkapa rito. Hindi ako tumigil sa pagkapang aking ginagawa hanggang sa magkaideya na ako kung ano ang nasa ulo ko na dahilan ng pag-isang linya ng kilay ko.

“Is this a tiara?” salubong ang kilay kong tanong habang patuloy pa rin ang pagkapa ko sa bagay na nasa ulo ko.

“What do you think?” sarkastikong tugon ni Kaiden habang nakataas ang kilay na pinagmamasdan niya ang pinaggagagawa ko sa sarili ko.

“Tsk! Kailan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong?” bulong ko habang iniikot ko ang mga mata ko dahil sa iritasyong nararamdaman ko.

Malalim akong napabuntong-hininga upang pigilan ang sarili kong singhalan siya. Nang pakiramdam ko ay kaya ko na siyang kausapin nang hindi siya sinisinghalan ay saka ko lamang siya kinausap para linawin ang tanong ko.

“Ang ibig kong sabihin ay bakit ako mayroon nito? I’m not a princess nor an immortal‚” paliwanag ko sa kaniya na ginantihan niya lang ng isang makahulugang ngisi na tila ba may alam siyang hindi ko alam.

Wala talagang kwentang kausap ang isang ‘to! Mas maganda pa sigurong kausapin ang isang tunay na adik at baka sakaling matino ang ibigay niya sa aking sagot.

Sa inis ko dahil wala akong makuhang matinong sagot sa adik na kasama ko ay inis ko siyang tinalikuran saka walang paalam na naglakad ako palayo sa kaniya.

“Where are you going?” nagtatakang tanong niya habang nakasunod sa akin.

“Just somewhere‚” tamad kong sagot sa kaniya na may kasama pang pagkumpas ng kaliwang kamay ko bilang tanda ng pamamaalam.

Kung hindi niya kayang ibigay ang sagot na gusto ko‚ pwes‚ maghahanap ako ng matinong kausap dito sa mundo nila.

Wala sa sariling napahinto ako nang hagipin niya ang kaliwang kamay ko para pigilan ako. Sa halip na singhalan siya at tanungin ay tinapunan ko lang ng tingin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko bago ko siya tiningnan sa mga mata niya. Nang magtama ang aming mga mata ay agad ko siyang inikutan ng mata para ipakita sa kaniyang nababagot na akong kausap siya.

“What do you think you’re doing?” tanong niya sa malamig na boses.

“Maghahanap ako ng taong makakapagbigay sa akin ng matinong sagot‚” bagot kong tugon habang panay ang irap ko sa kaniya.

“Haist!” Hinilot niya ang kaniyang sentido bago niya ako muling binalingan ng tingin. “K‚ fine. I will answer all your questions. But for now‚ come with me. It is not safe outside.”

Marami pa sana akong gustong itanong pero wala na akong nagawa dahil basta na lang niya akong hinila papunta sa kung saang planeta.

Wala siyang tigil sa pagkaladkad sa akin at wala akong magawa kundi ang magpatianod kahit ramdam ko na ang pagod sa haba ng nilakad namin. Bagsak na ang mga balikat ko at nasa damuhan na rin ang tingin ko habang kinakaladkad pa rin niya ako dahil sa labis na pagod.

“Aray!” daing ko nang tumama ako sa likod niya dahil sa bigla niyang pagtigil nang walang pasabi.

“We’re here‚” seryosong saad niya habang diretso siyang nakatingin sa harapan.

Tiningnan ko naman ang tinitingnan niya at halos malaglag ang panga ko sa bumungad sa akin. Para akong nasa loob ng isang fairytale at ako ang prinsesa‚ si Kaiden ang prinsipe at ang palasyong nasa harapan namin ang aming kaharian.

Totoo ba itong nakikita ko? Kung ito man ay isang panaginip lang‚ gugustuhin ko na matulog na lamang habambuhay. Hindi ko na nanaisin pang lisanin ang lugar na kinaroroonan ko. Masaya akong pagmasdan mula sa malayo ang isang napakalaki at napakagandang kaharian.

“Let’s go‚” biglang yaya niya sa akin at bago pa man ako makapagsalita ay basta na lang niya akong hinila.

Oh my gulay! naibulalas ko na lamang sa aking isipan nang dalhin niya ako sa loob ng palasyo na kanina ay tinatanaw ko lang mula sa malayo.

Hindi ko alam kung paano ilalarawan ang palasyong kinaroroonan namin. Sobrang laki at ganda nito. Napakagara din nitong tingnan dahil halos lahat ng kagamitan ay gawa sa ginto at mga mamahaling hiyas. Maging ang dingding ay gawa sa mga makikinang na kristal.

Ito na ba ang kaharian nila? Masyado naman yatang maganda ‘to. Napakalayo sa in-imagine ko na isang luma‚ marupok at inaalikabok na kastilyo.

“Tutunganga ka na lang ba riyan o baka gusto mo nang magpalit ng damit at magpahinga?” mataray na tanong ni Kaiden na pumukaw sa aking atensyon.

Teka! Nakakahalata na ako. Bakit ba ang cold at ang sungit nitong kasama ko? Sarap niyang ilagay sa freezer.

“Whatever.” Inis ko siyang inirapan dahil kanina pa talaga ako naiinis sa kaniya.

Kanina pa siya panira ng moment. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon kanina na mapagmasdan nang matagal ang kaharian nila mula sa malayo. Tapos ngayon naman ay inaabala niya ang pagtingin-tingin ko sa loob ng kaharian nila.

“Sara‚ ikaw na munang bahala sa kaniya. Ihatid mo na siya sa magiging kuwarto niya. Doon mo siya dalhin sa silid na palagi kong pinalilinis sa ‘yo‚” utos ni Kaiden sa isang babaeng napadaan sa gawi namin na hindi nalalayo ang edad sa amin base sa kaniyang itsura.

Kung hindi ako nagkakamali ay isang tagapagsilbi ng palasyo ang babaeng kausap ni Kaiden. Nakasuot kasi ito ng asul na dress na may white trim na mayroong puting apron sa harap at may kasama pa itong puting maid headdress. Nakayuko lang din kasi ito habang kinakausap ni Kaiden.

Hindi ko naman maiwasan ang mapako ang tingin ko sa damit ng tagapagsilbi. Maganda kasi itong pagmasdan. Ang linis at ang ganda sa paningin. Bumagay ito sa palasyo na halos puti at matitingkad na kulay lang ang makikita.

“Masusunod po‚ mahal na prinsipe‚” magalang na sagot ng tagapagsilbing tinawag ni Kaiden na Sara habang nakayuko pa rin ito na para bang isang kasalanan ang mag-angat siya ng tingin.

Mag-aangat na sana ng tingin si Sara upang balingan ako ng tingin ngunit hindi niya naituloy dahil bigla ulit nagsalita si Kaiden.

“Sara‚ maaari ko bang malaman kung nasaan sina ama at ina?” tanong ni Kaiden kay Sara.

“Naroon po sila sa kanilang trono‚ mahal na prinsipe‚” sagot ni Sara na hindi man lang nag-abalang mag-angat ng tingin.

“Ganoon ba? Sige‚ maaari mo na siyang samahan‚” utos ni Kaiden kay Sara na ang tinutukoy ay ako at basta na lang siyang umalis at iniwan ako kay Sara.

“Tayo na po sa kuwarto ninyo‚ mahal na prinsesa‚” magalang na anyaya sa akin ni Sara.

Lihim kong nakagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong matawa sa sinabi ni Sara. Lilinawin ko sana sa kaniya na hindi ako isang prinsesa kaya hindi niya ako dapat tawaging mahal na prinsesa nang bigla kong maalala ang tiara na nasa ulo ko. Marahil ay ito ang dahilan kaya napagkamalan niya akong prinsesa.

Hindi na lamang ako nagreklamo at sumunod na lang ako kay Sara papunta sa kung saanmang lupalop niya balak pumunta. Pagod na rin naman ako at kailangan ko na ng pahinga. Hindi madali sa akin ang magpanggap na ayos lang ako sa harap ng iba at mas lalong hindi madali sa akin na tanggapin ang nangyari sa mga magulang ko kaya kinakailangan ko na talagang ipahinga ang isip at katawan ko.

Oo nga’t hindi na ako umiiyak o nagluluksa at kung umasta ako ay parang walang nangyari. Pero ang lahat ng ito ay isang malaking palabas lang. Isang pagpapanggap. Ito ang paraan ko para wala ng ibang madamay o mamroblema sa kung anumang pinagdadaanan ko. Saka wala rin namang mangyayari kung magmumukmok ako at patuloy na magluluksa sa nangyari. Sinubukan ko nang wakasan ang buhay ko pero may kung anong pumigil sa akin at basta na lang naghilom ang sugat ko. Hindi rin ako pupuwedeng maging mahina at magpalamon sa lungkot at sakit dahil may pangako ako na kailangan kong tuparin. Pangakong paghihiganti sa mga walang awang kumitil sa buhay ng mga magulang ko. Pangakong titiyakin kong matutupad anuman ang mangyari at anuman ang maging kapalit.

✨✨✨

A/N: Ayess! Nasa immortal world na rin sila sa wakas!💜🎉

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top