Chapter Two

-KAEN-
Still Her

    
NASA loob lang ako ng aking kuwarto kahit oras na ng hapunan. Nakaupo ako sa kama habang nanonood ng movie sa Netflix sa aking laptop. Nakahilig ang likod ko sa headboard na may unan. Wala akong ganang kumain matapos ang eksena kanina sa ospital. Hindi pa rin ako na-immune sa dugo. Hindi ko kinaya ang nakita kong pasyente na naputulan ng mga paa. Naaksidente raw sakay ng motorsiklo ang lalaki.

     Bumabalik ata ang trauma ko. Pero sabi ng doktor ay magaling na ako. Pumunta ako kanina sa DRSMC para ibigay ang susi ng kotse kay Daddy. Pagkatapos nun ay nagtaxi na ako pauwi.

     Oo nga pala. Nakita ko si Diana kanina sa ospital. Lalo lang siyang gumanda. Kuya pala niya si Dr. Santillan, isa sa magaling na doktor ng DRSMC.

     Kalahating taon din pala akong nasa US. Sumama ako kay Mommy para irelax ang utak ko. Natutrauma na kasi ako sa nangyayari sa akin. Ang dami pang nangyari sa akin noon, hindi ko kayang ikuwento, ang hirap.

     Magkasunod ang katok sa pinto. Alam kong si Mommy ito. "Come in!" sabi ko.

     Bumukas ang pinto at pumasok si Mommy. May dala siyang pagkain na nasa tray. Deretso niyang inilapag sa mesita ko ang tray ng pagkain at umupo siya sa gilid ng kama ko, sa kaliwa.

     Mom knows me and she's the one who understands me. She loves me even I' m not from her flesh and blood. They adopted me from an orphanage. They treat me like their own son. I'm lucky to have them.

     Nagkaroon ng mayoma si Mommy noong kakakasal nila ni Dad. Late nang nalaman na mayoma pala ang dahilan ng paglaki ng tiyan niya at hindi bata. My Dad was disappointed, especially when the doctor said that mom needs a surgery. The both side of her ovaries were affected and need to remove.

     But Dad didn't leaved mom. He loves her more than anything. My Dad was a General Surgeon, while my mother was a businesswoman. She owned the hotels, travel agency and international recruitment agency.
    
     Si Dad naman ay namana ang DRSMC sa dad niya. Ang Don Ramon University naman ay namana ng bunsong kapatid ni dad, si Tito Ramon Jr. Doktor din si Tito pero sa US naka-base. Naroon din ang ibang anak niya.

     Hinahagod ni Mommy ang binti ko na tuwid na nakalapat sa kama. Nilalambing ako ni mommy.

     "What's wrong, hijo?" may himig ng pag-aalalang tanong niya sa akin.

     "Okay lang ako, Ma. Wala lang talaga akong ganang kumain," sagot ko lang. Ganoon palagi ang sagot ko. Sinasabi kong okay lang ako lahit hindi.

     Nakatuon pa rin ang atensiyon ko sa isang suspense movie. Mahilig ako sa ganoong genre. Hindi boring.

     "Nanonood ka na naman ng ganyang movie. Bawal na nga 'yan sa 'yo sabi ng doktor mo. Nabubuhay sa imahenasyon mo ang mga eksena sa movie, which is not good to your health. Stop that, hijo," saway sa akin ni Mommy.

     Kahit tama siya ay hindi pa rin ako matinag. Hindi ko rin maintindihan. Minsan ay natu-trauma ako sa dugo, minsan naman parang natutuwa akong manood ng may pinapatay, may dumadanak na dugo. I hate myself in this way, I'm really sick.

     "Eat your meal, hijo and take your medicine before go to sleep," habilin sa akin ni mommy. Tumayo na siya at lumabas.

     Natapos na akong nanood. As usual, sa mga suspense movie, patay lahat ng characters. Ang killer ang bida. Tsk!

     Pagtingin ko sa pagkain, may pulang sauce ang ulam. Obviously, it was a beef. Italian beef loin steak with tomato sauce and parmesan cheese. Magaling magluto ang chef namin. She knows how to cook international cuisines.

     Kakain na sana ako pero nai-imagine ko na dugo ang nasa ulam ko at karne ng tao ang naroon. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Pabilis nang pabilis na halos sasabog na ang dibdib ko. Naaalala ko na naman ang mga nangyari. Naririnig ko na naman ang boses niya!

     "Tama na!"

     "Gusto ko pa! Hahaha!"

     Walang awa, wala siyang awa! Tuwang-tuwa siya sa dugo! Naliligo na ako sa halo-halong dugo ng mga tao namamatay sa harapan ko...

     Kumapit ako sa ulo ko nang sumakit, sobrang sakit parang mababasag. Nagsisigaw ako sa sakit! Naninilim na ang paningin ko!

     "Kaen! Anong nangyayari sa 'yo?" boses ni mommy.

     Namaluktot ako sa kama habang mariing hawak ang aking ulo. Pumikit ako at pilit nilalabanan ang trauma ko. May pinainom na gamot sa akin si mommy. Mabilis akong kumalma pero ramdam ko pa rin ang tensiyon sa aking kaibuturan.

     First week of school may two days absent kaagad ako. Dinala kasi ako ni mommy kay Dr. Almonte, ang psychiatric ko rito sa pinas.

     Okay naman na ako, kailangan ko lang umiwas sa mga bagay na dahilan ng trauma ko. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong dahilan ng trauma ko, even my parents. Ayaw kong sabihin kahit kanino. Hindi puwede.

     Tumambay ako sa cafeteria after ng morning class. Pinabaunan na ako ni mommy para hindi na ako uuwi ng tanghali. Hustle kasing maipit sa traffic.

     Nakikita ko pa rin ang mga astig na miyembro ng Krusada Alphas Society, sikat na fraternity sa school. Malamang graduated na ang ibang miyembro. Matibay ang brotherhood nila. Palagi silang nagwawagi sa frat wars kontra sa ibang frat.

     May interest pa rin ang mga ito na ipasok ako sa frat pero hindi pa rin nila ako mapipilit. Balita ko may bago silang leader mula sa frat ng kabilang university na nag-transfer sa DRU. Mas astig daw ito kumpara sa namatay na leader. I must say, pinatay na leader.

     Past twelve na pero hindi ko pa ginagalaw ang pagkain kong nasa lunch box. Masarap ang ulam, lemon chicken pero hindi pa naman ako gutom.

     Tahimik sa cafeteria, halos mga babae ang kumakain. Okay na sana kaso may dumating na maiingay. Napalingon ako sa entrance.

     bigla na lang bumilis ang heart beat ko nang makita ko siya. She's undeniably gorgeous, especially when she smiles sweetly. Simple lang si Diana, natural ang ganda niya kahit wala siyang palamuti sa katawan. She only wore red wristwatch on her left arm. No makeup. Her beauty was rare, angelic yet stunning. I like her natually straight black hair na palaging nakapusod na mataas.

     Her eyes were a kind of eyes that I wanted to give me a morning glance. She's the sunshine of my eyes, my favorite view. Her nose was perfectly mold, the same with her tiny rosy red lips. The lips that I tasted once and I want to taste more and be mine forever.

     Hindi nagbago ang feelings ko sa kanya. I still likes her, more than a crush. I won't change. Still her, the woman I wanted to be mine... only mine.

     Malaking impact sa akin ng sulyap na ibinato sa akin ni Diana. I'm thankful that she still recognize me after six months.  This time, I will do anything to win her attention, her heart.

     Sana wala na siyang boyfriend after ni Leo. Kung single siya, liligawan ko na siya.

     Kumunot ang noo ko nang may matangkad na lalaki na humabol at tumawag kay Diana.Familiar siya sa akin. Miyembro rin siya ng frat. Naririnig ko sila mula sa puwesto ko.

     "Sorry sa istorbo, may ibibigay lang ako, Diana," sabi ng lalaki.

     Halatang nagulat si Diana. Hindi ata nito ini-expect na may lalaking lalapit dito. May ibinigay na maliit na pulang card ang lalaki kay Diana at may kasama pang isang tangkay na pulang rose.

     He's obviously courting my girl. It's not good. I won't allow him to win. Kailangan ko nang kumilos. Walang matinong miyembro ang frat ng university, they are not healthy for woman.

     "Thank you, ha?" kaswal na sabi ni Diana sa manliligaw niya.

     Kainis! Tinanggap niya ang bulaklak! Guwapo rin ang lalaki, maganda ang katawan kaya posible na ma-in love sa kanya si Diana.

     Umalis din kaagad ang lalaki. Napansin ko na mukhang hindi masaya si Diana. Mas kinikilig pa ang kaibigan niya at baklang kasama.

     Pumuwesto sila sa mesa malapit sa akin, sa left side. Mas malaya kong mapagmasdan si Diana. Naririnig ko ang usapan nila.

     "May manliligaw ka na, bhe! Ang guwapo kaya ni Roy!" kinikilig na sabi ni Betty.

     Alam ko pa ang pangalan ng kaibigan niya. Puwera sa baklang kasama nila pero palagi ko siyang nakikita dati pa.

      "Ang haba ng hair mo, gurl!" tili ng bakla.

     "It's not from Roy," matabang na sabi ni Diana.

     Nabuksan na siguro niya ang card.

     "What?!" sabay pang tanong ng dalawa niyang kaibigan.

      Hinihintay ko rin ang sasabihin ni Diana. So, it's not Roy. Pero bakit tila akong kinakabahan? Mas higit ba siya kay Roy?

     "Galing kay Harry Benitez," sabi ni Diana. Nagtilian ang mga kaibigan niya. Sino si Harry Benitez? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Miyembro rin ba siya ng frat?

     "OMG! Si fafa Harry!" nakakarinding tili ng bakla.

     Kakairita. Sino ba ang Harry na 'yon? Sikat ba siya? Kailangan ko siyang makilala. Hindi puwedeng maunahan niya ako kay Diana. E ano kung sikat siya? Tao rin siya.

     Lalong umingay sa cafeteria.May dumating pa kasing grupo ng mga babae, grupo ni Amber. Ibinalik ko sa bag ang lunch box ko. Sa kotse na lang ako kakain.

     "Look who's here? The feeling genius bitch is here! Hello, Diana!" Narinig kong sabi ni Amber.

      Nilingon ko sila. Ginugulo ng grupo ni Amber ang grupo ni Diana. Bully talaga itong si Amber, ayaw malamangan ng ibang babae, di hamak namang mas maganda si Diana sa kanya.
    
     Hindi na sana ako makikialam pero below the belt na ata ang pan-iinsulto nito kay Diana. Tahimik lang si Diana. Pinuprotektahan siya ng mga kaibigan niya.

     "Lubayan mo na si Diana, Amber! Hindi ka naman niya inaano, eh!" buwelta ng bakla kay Amber.

     Namaywang pa si Amber, ang tapang ng babaeng ito.
    
     "Epal ang babaeng 'yan! Tahi-tahimik pero malandi! Pati si Harry, naaakit na niya!"

     Sino ba kasi ang Harry na 'yon?

     Tumayo na si Diana, lalaban siya. Ganyan nga mahal ko, huwag kang papaapi. Huwag kang mag-alala nandito lang ako para protektahan ka kapag 'di mo na kaya.

     Dapat personal kong sabihin 'yon sa kanya. Pero saka na, kapag girlfriend ko na siya. I like my idea.

     "Hindi ako nakikipagkompitensiya, Amber. Ang sa 'yo, iyo lang, wala akong pake, kung talagang sa'yo. Hindi kami ni Harry huwag kang mag-alala," mahinahong sagot ni Diana kay Amber.

     Nag-taas ng isang kilay si Amber. "Hindi pa pero nililigawan ka niya! Panay kasi ang pa-cute mo sa kanya! Remember, hindi pa kami pormal na hiwalay ni Harry kaya huwag mo siyang landiin!"

     "Hindi ko nilalandi ang boyfriend mo, Amber. Kung kayo pa, bakit siya nanliligaw sa akin?" ani Diana with a hint of sarcasm in her voice.

     Napikon ata si Amber. "Kasi nilalandi mo siya! Malandi ka!" hasik ni Amber.

     "Ikaw ang malandi!" ganti ni Diana.

     "Aba't palaban ka ha!"

     Naalarma ako nang umigkas ang kanang kamay ni Amber at sasampalin si Diana! I won't allow her to hurt my girl! Hindi ko namalayan ang sarili kong lumapit sa kanila.

     Bago pa tumama ang kamay ni Amber sa pisngi ni Diana ay nasalo ko na ito. Mahigpit kong hinapit ang braso niya at itinulak siya palayo kay Diana.

     "Don't dare to hurt her, Amber!" gigil na bulyaw ko kay Amber, while my jaws clenching.

     Nagulat ang lahat lalo na si Amber. "K-Kaen?" nautal na sambit niya habang gulat na nakatitig sa akin. "N-nariyan ka pala? Narito ka na, bumalik ka na!" Bigla siyang na-excite.

     Yayakapin sana niya ako pero mabilis ko siyang itinulak. Hindi siya natinag.

     "You're back! You're back for me, right? Wala na kami ni Leo, puwede mo na akong ligawan," desperadang sabi niya.

     Nanrindi ako sa sinabi niya. Kailan ko ba siya niligawan? Ni hindi ko binalak 'yon. Wala akong gusto sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko siya nagustuhan!

     "I'm not here for you, so stop dreaming," prangkang sabi ko sa kanya.

     Napalis ang ngiti niya. Alam kong nainsulto siya, she deserved it. Tumapang ang anyo niya.

     "You're still heartless! At bakit kinakampihan mo ang malanding babang 'yan?" hasik niya at dinuro si Diana.

     I glanced at Diana, she just watching us. Tahimik lang siya. Ibinalik ko ang aking tingin kay Amber.

     "Her name is Diana, she's not a stranger! Don't dare to hurt or even insulting her again, baka kung ano ang magawa ko sa 'yo!" may gigil na sabi ko sa kay Amber. I intended to scare her para lubayan na niya si Diana. Ayaw kong may umaapi sa mahal ko.

     Namutla si Amber. Kinuyod nito ang mga kasama palabas ng cafeteria.

     "Salamat, Kaen," sabi ni Diana. Ang lamig ng boses niya. Humahagod sa puso ko ang lamig.

     Nilingon ko siya at kaswal na nginitian. "Walang anuman," tipid kong sagot.

     She smiled shyly. She's cute while doing that. Ang pula ng mga labi niya. Parang gusto ko siyang halikan. But no, I need to be gentle. Ayaw kong isipin niya na katulad ako ng ibang lalaki.

      Naiilang sa akin si Diana. Gusto ko maging komportable siya sa akin, maging open. I smiled back at her, widely. It was for today.

     Marami pang bukas para matuunan ko siya ng pansin. For now, I need to know who the hell Harry is.

     "I need to go," paalam ko kay Diana.

     May mga kasama siya pero hindi ko ramdam ang presensya nila. Only Diana caught my attention and only her I want to own me. Only me and her.

     Narito na ako sa loob ng kotse ko. Pinaandar ko ang engine para umandar rin ang air-con. Kumakain ako habang nag-e-stalk sa Facebook. Nire-research ko ang pangalang Harry Benitez. Nakita ko rin siya.

      Third year  Civil Engineering student siya sa DRU. Mukhang anak mayaman din. May mga picture siya na nagda-drive ng kotse. Guwapo nga siya, astigin. Tiningnan ko ang iba pang pictures niya.

     Kasama niya ang kilala kong miyembro ng frat. Palagi siyang nasa gitna. He looks superior. Baka siya na ang bagong leader ng frat. Ano naman sa akin ngayon? Kahit sino pa siya, hindi ko hahayaang makalapit siya kay Diana.

     Tapos na ang maghapong klase. Pauwi na ako sakay ng aking gray Range Rover. Naayos na ang isang gulong nito kaya ito na ulit ang ginagamit ko. Tumawag sa akin si mommy kanina pero hindi ko nasagot. Naka-silent mood kasi phone ko, bawal sa klase.

     Dahil nag-stop ako ng isang semester, irregular na ako. Mas bata na sa akin ang mga classmates ko. Okay lang, at least nakapag-rest ako.

     Sana nga ay kuwag na siyang bumalik. Huwag na sana niyang guluhin ang buhay ko. Ayaw ko na sa bangungot na iyon.

     "Ang tagal mong nawala."

     Sa gulat ko ay nawalan ako ng kontrol sa manibela. Kamuntik ko nang maibunggo ang kotse sa kasalubong kong bus. Mabuti naikabig ko pa ang manibela, kung hindi ay baka paglalamayan na ako, kami.

     "Fuck! Shit!" I cursed. I keep on driving and focused my sight on the road. My heart still pounding so fast.
    
     I eyed him through rearview mirror. Thinking of the devil, the devil is here. Fuck! No! Nagmamalikmata lang ako! Buwisit! Bakit ba ayaw niya akong lubayan? Gusto ba talaga niyang sirain ang pagkatao ko? He's a nightmare!

     "Ang tahimik mo. Wala ka bang balak kausapin ako?" sabi niya.

     I have no choice. I can't avoid him unless I die. Yes, only death can make me free from him. Huwag niya sabihing hanggang kamatayan ay susundan pa niya ako. Pero ayaw ko pang mamatay. Pakakasalan ko pa si Diana, magkakaanak pa kami at magkakaapo. Pangako ko 'yon.

     "Ano ang iniisip mo ha?" tanong niya, tila naiinip na. Lumapit pa siya sa akin at ipinatong ang maskulado niyang braso sa sandalan ng upuan ko.

     "Wala, pagod lang ako," sagot ko. Ano ba dapat ang sasabihin ko? na iniiwasan ko siya? No, hindi ko puwedeng sabihin 'yon. Alam kong hindi niya iyon tatanggapin.

     "Bakit bigla kang nawala? Anong nangyari sa 'yo?" magkasunod niyang tanong. May himig din ng pag-aalala sa baritono niyang boses.

     I can't lie to him in this matter. Pero manhid siya, wala siyang pakialam sa feelings ko.

     "I'm sick. My parents decided to send me to US for proper medication," sagot ko sa tanong niya.

     "Huwag mo aking ini-englis, alam mong hindi ako nakapag-aral," iritableng gagad niya.

     Oo nga pala, naalala ko. Wala pala siyang pinag-aralan. Ang alam niya lang ay kumitil ng buhay. Pero kahit hindi siya nakapag-aral, matalino siya. Ang kaso, sa kasamaan niya nagagamit ang talino niya. Kaya niyang gumawa ng malinis na krimen. Nalulusutan niya ang batas. Kaya niyang itago ang identity niya. Ako lang ang nakakaalam kung sino siya at hindi 'yon puwedeng malaman ng kahit na sino.

     "Ang hina mo. Ibaba mo ako sa may kanto," aniya sabay utos sa akin.

     Inihinto ko naman ang kotse sa may kanto at hinintay siyang makababa. Wala na siyang sinabi pa.

     Pinasibad ko na ang kotse. Hindi na ako nagtaka bakit nakapasok siya sa kotse ko. May mga gamit siya at abilidad sa pagbukas ng kahit anong klaseng pinto o padlock. He's a genius in his own way.

     Siya lang ang laman ng isip ko habang nagda-drive. Kumislot ako nang tumunog ang phone ko na nasa dashboard. Naka-open pala ang Facebook app ko.

     Binagalan ko ang pagmamaneho. Kinuha ko ang Iphone ko at tiningnan ang notification sa FB. Malapad akong ngumiti. Diana accepted my friend request! It would be the start. I smiled widely.

    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top