Chapter 1
-DIANA-
He's back
PINILIT kong imulat ang mga mata ko kahit antok na antok ako. Ang ingay kasi ng mga kaklase ko. Err! Bakit ang sakit ng ulo ko? Para akong may hungover. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil nagwawala si Papa. Lasing na naman siya. Wala namang bago, palagi siyang ganun. Simula noong namatay si mama ay lagi siyang naglalasing. Nakakaawa siya.
Namatay si mama dahil sa stroke. Si papa, isa siyang seaman pero maagang nag-retired kasi naaksidente siya at naputulan ng kaliwang kamay. Si Kuya Deno na ngayon ay doktor na, siya ang sumusuporta sa pag-aaral ko.
First year pa lang ako sa kursong chemical engineering. Malapit na ring matapos ang second semester kaya kaliwa't kanan na ang gala ng mga kaklase ko. Katatapos lang ng final exam namin.
"Diana!"
Nagulat ako sa pasigaw na tawag sa akin ni Betty, my best friend since high school. Kasama niya si Lenom, kaibigan ko ring bakla. Silang dalawa talaga ang matatawag kong kaibigan.
Pumiksi ako nang sundutin ng daliri ni Betty ang tagiliran ko. Gaga talaga, alam niyang malakas ang kiliti ko rito. Tumayo ako at sininghalan siya.
"Ano ba?!"
Tinawanan nya lang ako. Hinapit niya ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng classroom. Akala ko kung saan na niya ako dadalhin, sa covered court lang pala. Tili siya ng tila, silang dalawa ni Lemon.
Tsk! Naroon na naman si Janjo, ang crush ni Betty na magaling sa basketball. Kaya niya ako hinila ay dahil naglalaro rin si Kris, ang crush ko dati. Dati kasi ngayon ay disappointed na ako sa kanya since niblock niya ako sa FB. Guwapo nga, mayabang naman at matapobre. Tse!
Sa inis ko ay umalis ako. Pumunta na lang ako sa cafeteria. Sinundan pala ako ni Betty. Nilibre niya ako ng isang nova at sprite. Umupo kami sa may table malapit sa pinto. Kapag naroon ako sa cafeteria ay may naaalala ako. Naaalala ko yung lalaking humalik sa akin dati. Hindi na siya nagpakita sa akin after no'n.
Curious pa rin ako sa kanya. Bakit kaya bigla siyang nawala sa school? Kahit si Betty ay hindi kilala ang lalaking 'yon. First semester pa nangyari 'yong hinalikan niya ako rito sa? cafeteria. Hindi ko alam kung nagkataon lang o baliw siya o sinadya niya. Dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin ay nabawasan ang sakit sa puso ko noong niloko ako ni Leo, ang first boyfriend ko. Akala ko seryoso na siya, na gusto talaga niya ako. 'Yon pala ay gusto lang niyang pagselosin ang dating girlfriend niyang si Amber. Walanghiya, manggagamit!
Siguro naging girlfriend din no'ng lalaking humalik sa akin si Amber. Kaya siguro niya ako hinalikan dahil gusto niyang pagselosin si Amber. Hm. Ewan ko, hindi ko alam.
"Ayaw mo na ba kay Kris, bhe?" Nakabumangot na tanong sa akin ni Betty.
Inismiran ko siya. Alam naman niya ang dahilan bakit ayaw ko na kay Kris. Mas iniintindi pa ni Betty ang love life ko kaysa kanya. Naiinis ako. Siya ang nag-impluwensya sa akin na magboyfriend. Pero talagang mapusok ako pagdating sa lalaki. Atat akong magkaboyfriend kahit ayaw pa ng kuya ko. Masaya kasi ako na may lalaking nagki-care sa akin. Kahit simpleng lalaki lang sana. Ee.
Ang malas ko naman. Lahat ng crush ko, kung hindi ayaw sa akin, committed na sa iba or hindi talaga puwede. Palaging may dahilan. Ewan. Alam ni Betty ang kamalasan ko.
"Ang first crush mo since highschool, magpapari na," sabi ni Betty.
Napangiwi ako. Alam ko 'yon, na magpapari si Orlan. Elementary pa lang altar server na siya. Sayang ang guwapo niya at ubod ng bait.
"Pangalawa, si Migs, nakabuntis kaya maagang pinakasal ng parents. Pangatlo, si Stefan, kalalantad lang, bading pala ang pota. Si Joggy, nadido no'ng madisgrasya sakay ng motorsiklo. Si Leo, naging kayo pero niloko ka lang ng gago. Last, si Kris, matapobre, maarte kala mo napakaguwapo, mabaho naman hininga. Kaya laging wagi ang team ng basketball kasi isang hinga nya lang, nanlalambot mga kalaban, duh! Move on na bhe," litanya ni Betty.
Tumawa na lang ako. Tama lahat ng nasabi niya sa mga nangyari sa mga crush ko. Oo, malas nga ata ako. Simpleng boyfriend lang naman ang gusto ko. Kahit hindi guwapo, kahit hindi matalino basta may puso. Hm. Kanta 'yon ah.
Naisip ko na naman ang first kiss ko. "Nasaan na kaya siya?" tanong ko sa hangin.
"Sino, bhe?" tanong ni Betty. Ang takaw talaga ng isang ito sa junkfood. Naubos na niya ang dalawang nova at isang oishi.
"'Yong lalaking humalik sa akin noon," paalala ko sa kanya.
Umabot hanggang tenga ang ngisi niya.
"Hindi mo talaga siya makalimutan, ano?" sabi niya. "Baka lumipat na ng school."
Baka nga lumipat siya ng school. Sayang naman. Hindi na bale, isasama ko na lang siya sa good memories ko.
"Saan kaya siya lumipat?" sabi ko naman. Err, parang ang hirap niyang kalimutan.
Kakaiba kasi ang experience ko sa kanya. Ang lakas ng epekto niya sa akin. May spark. Grabe ang kabog ng dibdib ko noong hinalikan niya ako. Kinabahan ako pero nadala ako sa halik niya. Ang sarap ng experience na 'yon, hindi ako maka-move on. Kainis.
Natapos na ang second semester. Mahigit isang buwan din ang bakasyon. Nakakainip sa bahay. Minsan lang ako nakakalabas at namamasyal kami ni Betty at Lemon.
Minsan nasa bahay lang kami nila Betty. Mayaman ang pamilya ni Betty pero hindi sila matapobre. Parehong doktor ang parents niya at nagtatrabaho sa ospital. Doktor din ang kuya niya na katrabaho ni kuya Deno.
A month later. Back to school na naman. Second year na ako. Ang exciting ng taong ito para sa akin! Nalagpasan ko kasi ang isang taon sa college at okay naman ang grades ko.
Magkaklase pa rin kami nina Betty at Lemon. Dalawang section lang naman ang chemical engineering since first year. Maganda ang simula ng klase, masaya.
Dahil simula pa lang ng pasukan, hindi pa ganoon kabusy. After ng second subject ay tumambay kaming tatlo sa may covered court. Kumakain kami ng fish crackers habang nanonood sa mga naglalaro ng basketball.
Seryoso ako nang biglang tumili si Lenom. Anong meron? Sinundan ko kung saan nakatingin si Lemon. Napakurap ako nang makita ko ang pamilyar na lalaking kabababa sa pulang SUV.
"He's back! Shit!" tili ni Lemon.
Pati si Betty ay napatili rin. Titili na rin ba ako? My God! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas.
Nagbalik nga siya. Si ano... ewan. Hindi ko pala alam ang pangalan niya. Basta siya 'yong lalaking humalik sa akin sa cafeteria. My first kiss and my savior.
Teka. Bakit kilala siya ni Lemon? Hindi ko pala siya nabanggit ni minsan kay Lemon. Malandi itong baklang 'to kaya kilala lahat ng lalaki sa campus.
"Kilala mo siya, bhe?" tanong ni Betty kay Lemon. Naunahan niya ako sa pagtanong.
Hindi maalis ang tingin ko sa lalaki na papasok na sa entrance ng school. Ang tangkad niya, halos six feet ata. Mas matangkad pa siya sa mga naglalaro ng basketball. Ang laki rin ng katawan niya, maskulado, halata sa fitted black t-shirt na suot niya. Black jeans naman suot niya pan-ibaba na fitted din. Ang mature niyang tingnan, ang guwapo, maputi, abuhin ang buhok na barber cut. Para siyang may lahi na foreigner. Matikas siya at seryoso, parang nakakailang lapitan.
"Siya si Kaen Suarez, psychology student, nag-iisang anak ng mag-asawang Dr. Suarez na may-ari ng Dr. Ramon Suarez Medical Center," introduce ni Lemon sa lalaking sentro ng paningin namin.
Napalunok ako ng malalim dahil sa narinig ko mula kay Lemon. Nag-research ata ito tungkol sa lalaki. So, Kaen pala ang name niya. Na-shock ako sa short profile niya na nabanggit ni Lemon. Anak mayaman pala siya. Bigti. Hindi siya ma-reach. Ang alam ko, kaanak din ng mga Suarez ang may-ari ng Don Ramon University. Ang yaman nila.
Nasa-middle class lang ang buhay ko, though maganda ang background ng parents ko, hindi pa rin sapat para masabi kong mayaman kami. Oo, sagana kami rati, noong aktibo pa si papa sa trabaho at buhay pa si mama na dating nurse. Mabuti napatapos sa medisina si kuya Deno bago maubos ang ipon ng parents ko. May natatanggap namang pera si papa kada buwan pero kulang pa sa bisyo niya. Five thousand ang binibigay niya sa akin kada buwan para allowance. Si kuya naman ang gumagastos ng panmatrikula ko. Mabuti hindi pa sila nagpapakasal ng girlfriend niyang doktor din.
Umiwas ako ng tingin nang magawi sa lokasyon namin ang tingin ni Kaen. Baka hindi na niya ako nakikilala. Saan kaya siya galing? Nawala siya ng ilang buwan, buong second semester.
"Shit! Tumitingin siya sa atin mga bhe!" tili na naman ni Lemon.
Aywan ko. Na-excite ako sa sinabi ni Lemon. Nilingon ko ulit si Kaen. Sumikdo ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Bakit gano'n? Hindi ko maintindihan ang ipinapahiwatig ng tingin niya. Huminto pa siya para lang tingnan ako. Ops! Ako nga ba ang tinitingnan niya? Obvious eh. Ramdam ko ang init ng tingin niya sa akin. Limang dipa lang ang layo niya sa amin kaya alam ko kung saan siya nakatingin.
Napansin ko na tumigil sa paglalaro ng basketball ang mga lalaki. Nakatingin din sila kay Kaen. Mga tahimik lahat. Pati mga estudyanteng lalaki na palabas ng campus ay tila iniiwasan si Kaen, na parang kinakatakutan siya.
Seriously, anong meron kay Kaen? Bakit parang takot sa kanya ang mga lalaki? Ang mga babae naman ay todo pa-cute sa kanya. Ang weird lang.
Nagpatuloy sa paglalakad si Kaen sukbit sa balikat ang bag niya. Sinundan ko pa rin siya ng tingin.
Na-distract ako nang alugin ni Betty ang balikat ko at pinisil ang pisngi ko.
"Ouch! Ouch!" daing ko. Mas kinilig pa siya kaysa sa'kin.
"Siya na 'yon, bhe! Bumalik na siya, ang first kiss mo!" kinikilig na sabi ni Betty.
Hinayaan ko siya. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko.
"Anong sinabi mo, Betty?" eksaheradong untag ni Lemon. Hindi pala niya alam na first kiss ko si Kaen.
Binalingan ni Betty si Lemon at sinabi ang totoo. "Last year, hinalikan ni Kaen si Diana noong nasa cafeteria kami."
Napansin kong sumimangot si Lemon. Mukhang patay na patay talaga siya kay Kaen.
"Totoo? Kayo na bakla?" kastigo sa akin ni Lemon saka hinampas ang braso ko.
"Hindi no!" Todo tanggi ko naman. Totoo naman, hindi kami, ni hindi kami personal na magkakilala ni Kaen.
"So bakit ka niya hinalikan?" usisa ni Lemon.
"Trip niya lang, bakit ba?" Si Betty ang sumagot para sa akin.
Hinampas ulit ni Lemon ang braso ki. "Taray! Ang suwerte mo, bhe!" kinikilig na sabi sa akin ni Lemon.
Demda lang ako. "Wala namang special sa halik na 'yon. Ginamit lang niya ako para pagselosin si Amber," giit ko. Ganun naman talaga ang paniniwala ko.
"Ew! Ang malanding 'yon! Ang dami kaya niyang boyfriend!" komento ni Lemon. Tsismoso talagang bakla 'to.
Naiinis din ako kay Amber. Dahil sa kanya ay ginamit ako ni Leo, pinaasa at sinaktan. Buti nga naghiwalay pa rin sila. Malandi talaga ang babaeng 'yon. Lahat na ata ng lalaki sa campus ay naging boyfriend niya. Pati kaya si Kaen? Posible or oo. Ginamit nga rin ako ni Kaen para pagselosin siya. Hmp! Whatever!
Pagkatapos ng klase sa hapon ay deretso ako sa Dr. Ramon Suarez Medical Center. Dito nagtatrabaho si Kuya Deno. Emergency Doctor siya rito. Pinapunta niya ako dahil may ibibigay raw siyang pera.
Minsan lang umuuwi sa bahay si Kuya. Stressed kasi ito kay Papa. Nakatira siya sa bahay niya sa Subdivision doon sa Makati. Minsan ay tumatambay ako roon kapag stressed din ako kay Papa.
May kalahating oras na akong nakaupo sa bench sa may labas ng emergency room. Busy pa si Kuya kasi maraming pasyente. Maluban sa DRSMC, nagtatrabaho rin si Kuya sa malalakung hospital sa Metro Manila.
Nagbabasa ako ng e-book sa cellphone ko nang maramdaman ko na may umupo sa tabi ko, sa left side. Nanoot sa ilong ko ang manly scent niya, maliban sa perfume na ginamit niya. Ang bango niya, nakaka-addict. Napapasinghot ako.
"Do you have relative hospitalized here?"
Kumislot ako nang magsalita ang lalaki. Hindi ako sigurado kung ako ang kinakausap niya pero nilingon ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Si Kaen!
Awtomatikong tumulin ang tibok ng puso ko. Para bang ang layo ng itinakbo ko. Ako nga ang kausap niya. Kaming dalawa lang naman ang nakaupo sa bench.
"W-wala akong kaanak na pasyente. Doktor dito ang kuya ko," sagot ko at nautal pa ako sa una.
Tumingin siya sa akin. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o nae-excite. Naiilang ako sa kanya pero hindi ko siya kayang iwasan ng tingin.
Ang guwapo pala talaga niya. Kayumanggi ang kulay ng eyeballs niya, maganda ang mga mata niya na medyo mahahaba ang pilik. Matangos ang ilong niya na makitid. Natural na mamula-mula ang katamtamang nipis na mga labi niya. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ng mga labi niya. Hitik ang mga panga niya, lalaking-lalaki. Ang guwapo talaga. Shit!
Kumurap-kurap ako nang ilahad niya ang kanang palad niya sa akin. "Kaen Suarez, Psychology student," pakilala niya.
Nagulat ako. Hindi ko iyon inaasahan. Ang baritono ng boses niya, ang sarap pakinggan. Ang guwapo patiboses! Nag-alangan pa akong daupin ang palad niya pero ayaw ko siyang paghintayin.
Iniunat ko ang kanang kamay ko at dinaop ang palad niya. "Diana Santillan, chemical engineering student," pakilala ko naman sa aking sarili. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit naiilang ako.
Matipid siyang ngumiti at pinisil ang kamay ko. Naglaho ang ngiti ko. Bigla kasing may bayotenteng init na nabuhay mula sa kaloob-looban ng katawan ko. Para bang may nakakakiliting bagay na nagliliparan sa sikmura ko. Triple na ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong aatakehin sa puso. Huwag naman, Diyos ko!
Bakit ganito! Bakit ako nakakaramram ng ganitong emosyon kay Kaen? Gusto ko ba siya? Iba, eh. Iba ang nararamdaman ko kaysa mga naunang lalaki na nagustuhan ko. Parang may hagod sa puso ang attraction ko sa kanya. Parang gusto kong laliman pa ang pagkilala sa kanya.
Weird. It was weird.
Binitawan na niya ang kamay ko pero ramdam ko pa rin ang init ng palad niya. Para bang may apoy siyang iniwan sa kamay ko at tumulay ang init sa bawat himaymay ng aking ugat at laman. This is strange. I never felt this before.
Hindi ko rin naramdaman ito noon kay Leo. Iba talaga, parang ang lalim ng emosyon, nakakahibang. The way na titigan ako ni Kaen, para akong matutunaw. Nanlulumo ang mga buto ko sa katawaan. Para akong nagagayuma, at gusto ko na lang humilig sa kanya at ikulong ako sa matipuno niyang katawan.
Ipinilig ko ang ulo ko para na-distract ang aking sarili. Iniwasan ko ng tingin si Kaen pero muli ko siyang tiningnan nang ayusin niya ang laylayan ng palda ko na natupi sa dulo. Ang simple ng ginawa niya pero uminit ang mukha ko.
Mataman ko siyang tinitigan. Nakangiti siya sa akin. "You're cute while blushing," sabi niya na lalong nagpainit sa mukha ko.
Marahas ko siyang iniwasan ng tingin. Mabuti lumabas mula sa emergency room si Kuya. May dahilan akong iwasan si Kaen. Kung hindi ko kasi siya iiwasan ay baka sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko.
Tumayo ako para salubungin si Kuya Deno. Nagulat ako nang una niyang pinansin ang tao sa likod ko. Sinundan ko siya ng tingin.
Nilapitan ni Kuya si Kaen at kinumusta. Naalala ko sabi ni Lemon, anak pala si Kaen ng owner ng DRSMC. Kaya hindi ako magtataka bakit naroon din siya sa ospital at kilala ni Kuya. Kaswal lang silang nag-usap, na parang matagal nang maglakilala.
Binalingan naman ako ni Kuya at niyaya akong sumunod sa kanya sa opisina. Nilingon ko pa si Kaen habang nakabuntot ako kay Kuya.
Sumikdo na naman ang puso ko nang ngitian niya ako. Uminit muli ang mukha ko. Hindi ko siya magawang gantian ng ngiti. Napapantastikuhan kasi ako sa kanya. Ang weird talaga. Feeling ko kilalang-kilala na niya ako, na parang ang dami niyang alam sa buhay ko.
Ano ba itong iniisip ko? Assuming na ako masyado. Pagdating talaga sa lalaki, ang rupok ko. Tsk!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top