Chapter One: The Arrogant Stranger

The Other Fiancée

Chapter One

 The Arrogant Stranger

NAKAKAILANG hampas na ng kamay si Hanna sa nakalipas na sampung minuto pero ni isa ay wala pa rin siyang napapatay na lamok.

Kanina pa naman siya pinapapak ng mga pesteng lamok na iyon habang nasa labas siya ng klase nila, nakaluhod. Uso pa naman ang Dengue sa buwang ito. Tag-ulan na kasi.

Kapag siya, naubusan ng dugo at na-ospital, sisiguraduhin niyang ang teacher nila ang pababayarin niya ng hospital bill niya. Mahal kayang magpa-ospital ngayon. Kuripot pa naman ang tatay niya.  

Kung nagtataka kayo kung bakit nasa labas siya ng klase nila, mahabang istorya.

Pero in short, nasa labas siya ng klase bilang parusa dahil binigyan niya ng nosebleed ang isa sa mga kaklase niyang lalaki gamit ang kamao niya.

Mwahahaha!

Inasar kasi siya ng mokong na iyon kaya iyon tuloy ang napala nito. Namili pa ito ng oras na asarin siya e iyong masamang masama ang mood niya at manipis na manipis na lang ang pasensya niya.

Pasalamat ang lalaking iyon dahil iyon lang ang inabot nito sa kanya. That was her being generous. Walang wala iyon sa mga ginawa niya sa iba.

Well, ayos lang sa kanya na tumambay muna siya sandali sa labas ng klase nila kasi aantukin lang naman siya sa klase. Gawin ba namang History ang huling subject nila.

Isa pa, baka maisipan pa ng teacher nila na samahan niya ang ugok na kaklase niya sa Infirmary. Naku, masamang ideya iyon. Baka kasi mauwi pa sa hospital ang isang iyon. Dito na lang siya sa piling ng mga lamok. May mission pa siya.  

Nakita niyang sumilip ang teacher nila sa bintana.

“Miss Villaruz! Hands straight. Taas pa!”

At bumalik lang ito sa pagtuturo nang masiguro nitong tuwid na tuwid ang braso niya sa taas ng ulo niya.

Aray ko po, ‘tay!

Nangangalay na nga iyong mga braso niya. Paano pa siya tatagal ng ganoon e masakit na? Baka magkaroon pa siya ng muscles ng di oras.

Ewww!

Dumaan ang malakas na hangin at tumabing iyong buhok niya sa mukha niya. She had a pexie short hair. ‘Di gaya ng may mahahabang buhok, may panangga sila sa malalakas na hangin. Siya wala. Kasi puwede nilang itali ang buhok nila gamit kahit anong tali, pati siguro pinaka-cheap na rubber band, puwede.

Hinipan na lang niya ang buhok niyang kinikiliti na ang ilong niya. Ilang beses pa niyang ginawa iyon bago ito sumunod sa kanya.

Naman! Hanggang kelan ba siya uupo at luluhod dito sa hall way? Hindi na naawa sa kanya ang teacher nila.

“Ay! Putik!”

Muntik pa siyang tumalon patayo dahil sa gulat. Bigla kasing may tumalong na kung ano mula sa ibabaw ng ulo niya.    

Narinig pa niyang nagkatawanan ang mga kaklase niya.

“Miss Villaruz! Lower your voice.” Sita ng teacher nila.

Sus! Pati ba naman pagsasalita ipagbabawal sa kanya?

Bakit ba siya pinag-iinitan ng teacher nilang iyon? May personal na galit ba ito sa mga mababait na bata? And she meant herself.

Naramdaman niyang may malambot at mabalahibong bagay na dumikit sa tuhod niya. Pagtingin niya, may katabi na siyang isang itim na pusa.

“Shoo.” Saway niya rito. Pero mukhang komportableng-komportable ito sa ginagawa nitong pagkikiskis sa tuhod niya. In-love na in-love na yata ito sa tuhod niya. “Hoy, pusa. Umalis ka diyan. Di kita type.”

“Meow.”

Ginagamitan yata siya ng pusang iyon ng charm. Pero pasensyahan na lang kasi hindi siya pumapatol sa pusa. Lalo na sa maiitim. Hindi naman siya racist. Baka lang kasi malasin pa siya. Minamalas na nga siya.  

“Ming ming. Alis diyan. May kiliti ako diyan.” Tinulak niya ito ng marahan gamit ang tuhod niya. Pero bumalik lang ito sa paglalambing sa kanya.

Hmm… Ang cute. Iuwi na lang kaya niya ito? Kahit itakwil pa siya ng tatay niya.

Andito ka lang pala.

Napaatras ng ulo si Hanna nang may umupo sa tapat niya.

Ang lapit-lapit kasi nga mukha nito sa kanya. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

Magsasabi na sana siya ng magandang salita pero tiklop kaagad ang bibig niya nang mapagsino ang bagong dating.

Si Rayzen Chase Montessor, o mas kilala sa tawag na Chase.

Everybody knows him. Mapa-estudyante, teacher, janitor, principal, chef, waitress, cashier, driver, lahat – lalaki man o babae, lalo na ang mga miyembro ng Third sex, kilala ito. Sino nga naman ang hindi makakakilala sa lalaking nagtataglay ng ganoong hitsura? Para kasi itong kasapi ni Lucifer. Anghel na binabalot ng maitim na aura. Maliban sa biniyayaan ito ng diyos ng magandang mukha, matalino din ito at may magandang pangangatawan.

Yaks. Ano ba ang alam niya sa mga lalaking magaganda ang katawan?

Well, iyon ang naririnig niyang madalas sabihin ng mga tao sa tuwing binabanggit ang pangalang “Chase”.

Even she knew him by name, but still, he was a total stranger to her.

Pero ngayong gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya, parang wala naman siyang nakikitang hindi totoo sa mga binibintang ng mga kaklase niya tungkol dito.

Masyado itong guwapo. Walang panama ang kagandahan ng angkan nila sa kinis ng balat nito. Para itong walang skin pores.

Possible ba iyon?

Sa tantiya niya, hindi malabong yumaman ito gamit ang guwapong mukha at magandang katawan nito. Puwede itong maging modelo, o kaya ay mag-artista.

Teka, may nag-scout na ba rito? Dahil kung wala pa, puwede siyang tumayong manager nito.

Ooh… she can already see dollars in her eyes. Ye boi!

Ito ang unang pagkakataong nakita niya ito sa personal sa loob ng tatlong taon niya sa school na iyon pero nakuha na kaagad nito ang interes niya.

And that’s a compliment. Kasi mahirap siyang mapabilib.

Yep! Mataas lang siguro ang pamantayan niya kaya ganoon.

Pero ang Rayzen Chase Montessor na ito, kakaiba ang dating.

And the way he stroke the cat’s midnight black hair, it was so gentle. Ang gaganda pa ng mga daliri nito. Nahiya naman ang mga kamay niya. Buti nakataas ang mga iyon sa ere.

Napatingin uli siya sa mukha nito.

Siguro ang ilong nito ang pinaka-gusto niya sa mukha nito. Ang tangos. Hmm… puwede din ang bibig nito. It looked so soft and…

Err… what am I doing?

That kind of face certainly was responsible for thousands, if not hundreds, of  suicide cases and the reason why some women nurse a broken heart because of unrequited love. Ang ganong mukha ang dahilan kung bakit marami sa mga teenagers ang gustong tumandang dalaga.

Ang maamong mukhang iyon.

How come? Parang ayaw niyang maniwala. He looked absulolutely like an angel. Na parang hindi mo maiisip na makakagawa ito ng krimen.

“Stop staring.” His eyes clashed with hers. “I don’t like it.”

Parang may narinig siyang nasirang plaka sa loob ng utak niya. Ang sakit sa tenga.

“At pakisara iyang bibig mo. Kanina mo pa ako binubugahan ng hininga.”

She felt her face heat up.

Alam niyang namumula na siya, hindi sa kilig, kundi sa galit.

She was humiliated by a total stranger!  

Kumunot pa ang noo niya nang ito pa mismo ang nagsara sa nakabukang bibig niya. Tapos ay tumayo na ito at umalis dala-dala ang maitim na pusa. Habang siya ay naiwang nakasunod ang tingin sa papalayong likuran nito.

What just happen?

Did that guy humiliate her pride?

Oo, Hanna. Kasi naman, tinitigan mo siya ng parang gusto mo siyang kainin habang nakatunganga. Tinakot mo yata. Next time, pasimple ka lang.

Ah, wala ng next time. Sira na ang araw niya.

Matapos niyang puri-purihin ito, papahiyain lang siya ng lalaking iyon? Kung ganoon, babawiin niya lahat ng mga sinabi niya kanina.

Ang pangit-pangit ng tuod na iyon. Mukha siyang palakang nakatira sa canal!

Ang sira-ulong iyon! Ni hindi man lang siya nakahirit. Ang akala pa man din niya ay ubod ito ng bait. Ubod pala ito ng pangit.

Patunay lang iyon siguro na hindi dahil maganda na ang hitsura ng isang tao sa panlabas ay ganon na rin ito kaganda sa panloob.

Patunay lang din iyon na talagang ito ang may kagagawan sa mga kasamaan sa mundo.

What more else did she need as an evidence? She just had a taste of his sharp tongue.  

Buwisit talaga. Napahiya siya doon ah. Nasagi nito ng malaki ang pinaka-iingatan niyang pride.

Hindi yata tanggap ng pagkatao niya ang nangyari. Kailangan niyang ibalik ang nadungisan niyang dangal. Kailangan niyang bumawi.

Tama! Hindi siya papayag na sa lalaking iyon ang huling salita. Siya ang reyna ng digmaan. Kaya mali ito ng taong binangga.

Maghintay ka lang, Rayzen Chase Montessor. Dahil parating na ako. Makikilala mo kung sino ang binangga mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top