Chapter 20 : Picture of You
T R A V I S
"Three days in Japan, huh?" I asked her for the nth time at tinawanan naman niya ako kasi, napaka-kulit ko na. Nasabi na naman niya sa akin ang tungkol sa trip niya na ito kasama ang mga kaibigan niya noong magkita kami ulit. Pero sa totoo lang ayoko. Nagpaalam na rin si Maxene sa mommy niya tungkol dito, pero sa akin pa rin daw ang last call dahil ako ang fiance niya. At dahil alam kong gustong-gusto niya pumunta ng Japan ng hindi ako kasama, pumayag na ako kahit ayoko.
"For cosplay lang naman iyon. Kasama rin namin sila Audrey at Lorraine, kaya may girls," Umikot siya at nginitian ako, "Don't worry too much, okay?" she planted a kiss on my lips and returned to her stuff.
Pero ayoko pa rin kasi talaga. Yet her face is really looking forward this trip. Masyado na ba akong selfish kung sasabihin ko na ayoko siya sumama? Baka masakal ko naman siya. Pero kasi ayoko talaga. Malayo ang Japan at hindi ko siya mapupuntahan agad doon kung ano man ang mangyari sa kanya. Yung sinabi nga niyang 'space', kung hindi pa ako siguro nagpakita sa kanya noong nakaraang araw, baka magtagal pa iyon ng isang buwan. Hindi ko alam kung bakit balisang balisa ako. Ayoko ng wala siya sa tabi ko. Mamaya kung anu-ano na namang article ang ipakita sakin ni Pierre, to think na ilang linggo lang kami hindi nagkita, marami na agad ang na-link kay Maxene. Tapos malalaman ko na lang na kinikita niya lang pala yung mga lalaking iyon gawa ng lecheng cosplay na iyan.
She really looks excited packing her stuff. She's going on this trip without me. I embraced her from behind. "Hey," naglalambing na pagsita niya sa akin. Ayokong makita niya na ganito ang epekto nito sa akin, "Three days lang iyon Travis." Three days, tapos ibang bansa pa. Wala ako doon. Badtrip! She turns around and faces me again. I tried to smile but it's too late. She noticed my eyes right away. She holds my hands and puts them on her face. I see how she kisses both of my hands. That simple gesture just warms up my heart. She looks so beautiful smiling at me, "Gusto mo bang sumama sa trip?" malambing niyang tanong.
"Alam mo namang may pasok ako." I replied keeping my cool.
"Eh kasi hindi ka mapakali Travis, to think na kilala mo naman ang mga makakasama ko sa trip na ito." her voice sounds a little uneasy. Mukhang hindi ko siya napaniwala na ayos lang na umalis siya na hindi ako kasama.
Baka dahil dito mainis siya sa akin, alam ko naman na bihira lang siya lumabas na mag-isa at maging independent. Isa pa, pumayag din naman ako sa pagpunta niya sa Japan, "I'm sorry." I contained my thoughts keeping all of my shit together.
"I'll be back as soon as I am back." she smiles again putting her handheld bag on top of her hardshell suitcase, "I'll buy you a souvenir, may gusto ka ba?" she asked like a curious child.
Wala akong gusto. Gusto ko mag-stay ka dito at palipasin mo muna yang event na iyan. Pero hindi ko pwede sabihin iyon, "Anything from you is good." I replied with a small smile and she nodded, smiling widely. Inayos na rin niya ang passport at ang ticket niya. Mamayang madaling-araw ang flight niya, "Ihahatid na rin kita sa airport mamaya."
"Eh, baka mapuyat ka. May pasok ka pa bukas hindi ba? I can take the cab Travis. I wouldn't want to bother you." she says considerately.
"No." I tell her, "I'm going to take you there." I want to. She smiled softly as she reminded me to consume all the food that she cooked for me for the next few days. Hindi ko naman hinihingi na ipagluto niya ako, pero sobrang saya ko kung paano niya ako asikasuhin sa paraang alam niya. Hinding hindi ko sasayangin ang mga pagkain na niluto niya para sa akin.
At the airport I reminded her everything she could possibly forget. Though honestly, I'm just delaying her. Sana nga may naiwan siya para may dahilan kaming bumalik sa penthouse. Pero ako pa nga mismo ang nag-ayos ng gamit niya para wala na siyang makalimutan. The irony.
Ilang oras na lang at aalis na siya. Ayokong bitawan ang kamay niya na hawak-hawak ko ngayon. Tangina, tatlong araw lang iyon Travis. Nakatagal ka naman ng ilang linggo noong humingi siya ng break, hindi ba? I have an ongoing argument with myself as I look for a sensible reason why I don't want her out of my sight.
"Don't worry, hindi namin pababayaan si Maxene." ani Anderson at nginitian ko na lang sila. Kasama rin nila sa trip na ito syempre yung isang lalaki na halatang may pagtingin kay Maxene. Axel ata ang pangalan no'n. Huwag na niyang tangkain. Umiwas din siya agad ng tingin nang makita niya na pinagmamasdan ko siya. Nagtataka na akong tiningnan ni Maxene at pakiramdam ko ay binabasa na naman niya ako. I simply smiled at her keeping my thoughts and emotions at bay. Ayusin mo ang sarili mo Travis.
Their flight announces, "That's our ride Travis." Maxene said with a smile. I helped her stand and still figuring out how I'll let go of her hand. Yet to my surprise, she tiptoes and kisses me. I am overruned by my emotions as I savor her kisses before she leaves. Pabirong nasita pa kami ni Peter kaya agad ding bumitaw si Maxene na nahihiya sa mga kasama niya. At ano bang pakialam niya? Badtrip din ako sa kanya at huwag niya ako biru-biruin na akala niya close kami. Maalala ko lang yung eksenang iyon hindi ko maiwasan ang murahin siya sa utak ko. Kung ayos lang kay Audrey na may ibang humahalik sa boyfriend niya, ako hindi. No one kisses my woman's mouth but me.
"I love you." Maxene uttered with a wide smile diverting my attention. Gusto kong ulit ulitin niya sa akin ang mga salitang iyon. Hindi kasi nakakaumay pakinggan eh. "Off I go, okay?" she says with a smile letting go of my hand. Her eyes were worried for me, but I wouldn't want to hold her back as I convinced myself to give her a smile. Kinawayan niya ako hanggang sa makapasok na siya sa may gate. Kinawayan ko rin siya pabalik kahit na ayoko, hanggang sa hindi ko na siya nakita.
*****
MORNING came as soon as my phone alarm rang. Alam ko sa sarili ko na kulang ang tulog ko pero kailangan ko pa rin pumasok sa university dahil sa morning classes ko. I microwaved the breakfast Maxene arranged for me and made myself some coffee. Ang tahimik sa paligid. Sanay naman ako dati ng ganito, pero nag-iba ang lahat noong dumating si Maxene sa buhay ko. Kumain ako mag-isa ng tahimik habang nag-aantay ng text niya, pero mukhang tulog pa siya. Sana nakatulog siya ng maayos doon at sana rin, nagsolo siya ng kwarto dahil afford naman niya. Ano na naman ba ang iniisip mo Travis? Tsk!
Pagkatapos ko kumain naglaro sa isipan ko kung huhugasan ko ba ang disposable tupperware na ginamit ko o kung itatapon ko na lang iyon sa basurahan tulad ng sinabi niya.
"Alam ko namang tamad ka maghugas ng pinggan, kaya itapon mo na lang para hindi hassle sa iyo." I remembered her telling me that advice. Hindi naman ako tamad, may dishwasher naman ako at nagagawa naman ng dishwasher ang trabaho niya ng maayos. Sinubukan kong hugasan ang ginamit kong tupperware pero agad din akong nainis dahil naka-ilang kuskos na ako, malagkit pa rin ang lintik na tupperware na ito! Tama naman ang ginagawa ko ah? Ganito rin naman gawin ni Maxene ang paglilinis ng pinggan. Bwisit naman! Sa gigil ko pinasok ko na lang yung walang kwentang tupperware sa loob ng dishwasher. Lintik na 'to! Kaya nga ako may dishwasher ako eh.
Napailing ako, ang aga-aga ang init ng ulo ko. Makaligo na nga lang at nang makaalis na dito habang maaga pa.
*****
Sumakay na ako ng kotse at saktong nag vibrate ang phone ko. Natuwa ako nang makita ko sa notification ang pangalan ni Maxene. Binasa ko agad ang text message niya sa akin na naglalaman ng MMS niya na nagkakape at naka-duck face.

Maxene: Genki desu ka TJ-san? Currently having my coffee. Japan is beautiful. Nasa hotel room ako ngayon, don't worry I'm alone. I'll be sending you pics with the scenery. For now maumay ka muna sa mukha kong pangit. LOL >:D
Nagpapatawa ba siya? Nasaan ang pangit dito? Niloloko niya ba ako? Buti naman at naisip niyang magsolo ng kwarto.
Travis: I would like some coffee too please.
Maxene: Uhhhh, dumaan ka sa SB. May kape doon. Angalang padalhan pa kita ng kape diyan, hindi ba? :P
I couldn't contain my laughter. How could one sarcasm turned out to be this adorable?
Travis: Gusto ko galing Japan yung kape. ;)
Maxene: Sige, pasalubungan kita ng famous matcha nila. >w<
Travis: Wag na, ayoko nyan.
Maxene: Tsk! Arte mo! T_T
Travis: Pero mahal mo?
Ilang minuto pa ang dumaan pagkatapos ko i-send ang huling message ko na iyon. I checked my phone, nagsend naman. Bakit hindi pa siya nasagot? Mali ba ako ng banat? Busy na kaya siya ulit? O umalis na ba siya? Sana sinabihan niya ako hindi ba? Keep your cool Travis. Ilang beses ko na pinapaalala iyon sa sarili ko. At least nagtext siya at inupdate ka niya, makuntento ka na lang doon. I sighed as I put down my phone, yet to my surprise it vibrated again and I immediately looked at her reply.
Maxene: OO nga e Sobra ^///^
Ampucha! Nahampas ko yung manibela ko sa tuwa. Tangina ganito na ba ako kababaw talaga? Dalawang letra lang iyon tapos naka-all caps, pero ang epekto no'n sa akin ay daig ko pa ang nanalo sa lotto.
Sobra niya akong mahal. Mahal niya ako. Mahal niya ako.
Paulit ulit ang mga salitang iyon sa utak ko na dahilan kung bakit sa sobrang pagpipigil ko sa umaapaw na emosyon ko napakagat-labi na lang ako para pigilan ang sarili kong ngumiti ng malawak.
Maxene: Hey, late ka na! I hope you're in school now. :)
I received another text message from her. I checked the time, shit! I am a little late. Sana hindi traffic. Well alam ko naman na aabot pa rin ako, mabilis din naman akong mag-drive.
*****
Time passes by when you're busy. I attended my classes. Quiz, recitations, debates, the usual school day like any ordinary day.
Lunch break na at napag-isipan kong mag solo muna ngayon para makausap ko si Maxene sa telepono, nagdahilan na lang din ako sa mga kaibigan ko para hindi na rin nila ako hanapin pa.
I called her and she answered after two rings.
"Hey Hayes!" I imagine her smiling face greeting me, "Are you in school?"
"I am. How's everything there?" I'm trying my best to sound cool, yet I couldn't help but smile hearing her cheery voice.
"Well, we're just buying some stuff. Binilhan kita ng kimono, para terno tayo. Sila Anderson at si Lorraine kasi ininggit ako." para siyang batang nagmamaktol sa tono ng boses niya. I chuckled inwardly imagining her face that is probably puffing right now. Ayan, kasi umalis ka ng wala ako, mainggit ka ngayon.
"That sounds fun." I replied, "You take care. Okay?"
"Ay, ayaw mo na ako kausap?" bakit naman niya naisip iyon? Ang cute maglambing eh.
"Hindi pa kasi ako nakain ng lunch," pagdadahilan ko dahil gusto ko lang talaga marinig ang boses niya ngayon, "We can talk while I'm eating my lunch if you want?"
"Oh, did you eat your breakfast?" she asked, "Pwede mo rin baunin yung mga niluto kong pagkain sa iyo." she paused as if she have forgotten something, "Ay kaya lang, madalas ka pala sa labas nakain."
Napangiti ako sa sinabi niya. Dati iyon.
"Actually, nagbaon ako at pinapainitan ko lang sa microwave yung binaon mo para sa akin." ani ko at biglang natahimik ang linya. Hindi na siya sumagot, pero narinig ko ang boses ni Audrey sa kabilang linya na inaasar si Maxene ngayon.
"Hoy Maxene, masyado bang maanghang ang wasabi? Ang pula na kasi ng pisngi mo?"
Sinadya kong marinig niya na tinawanan ko siya, though nakakainis dahil hindi ko nasubaybayan ang mukha na nakikita ni Audrey ngayon.
"Ye-yeah, sobrang anghang kasi. Tubig nga please. O mizu o kudasai." aniya sa kabilang linya na para bang iniiwasan ang topic na dahilan kung bakit siya namula.
"You liar. Kaya mo naman kumain ng maanghang," I commented and hear her silencing me. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag sinabi kong: "Ang sabihin mo, namimiss mo lang ako ngayon." I uttered soothingly like I used to every time I nibbled her ear, alluring her. I chuckled as I closed my eyes imagining her flustered face, "I miss you so bad right now Maxene." ani ko na may konting–
Narinig ko kung paano siya nabilaukan at ikinatawa ko iyon ng sobra.
"Urusai!" pagmamaktol niya sa kabilang linya, "Lumabas tuloy sa ilong ko yung tubig. Gago ka Hayes!" I hear her sniffing, "I hate you!"
Hindi ko pa rin mapigilang tawanan siya, nai-imagine ko kasi ang itsura niya ngayon. Para siyang batang nalunod sa tubig.
"I'm sorry, I'm sorry." I said between my laughter and attempted to impress her, "Honto ni gomen nasai."
"Wow, your Japanese is fluent Hayes."
I grinned, "I told you, my father is Japanese-American. Of course I know Japanese."
"Suggoku." she giggled.
"Okay ka na ba diyan? Sorry kung nabilaukan ka gawa ng banat ko kanina."
"Daijoubu desu," her Japanese is cute, it's dangerously cute. Narinig ko na naman yung boses nila Peter at Axel sa kabilang linya na tinawag si Maxene, "I wouldn't keep you since it's your lunch break. But I'll keep you posted, okay?"
"Okay. Enjoy." mukhang aalis na sila. Nakakainis dahil ang layo niya sa akin.
"Will do," matipid niyang sagot, "Travis," muli niyang tawag sa pangalan ko, akala ko ibababa na niya ang telepono.
I smiled, "Oh?"
"Ai shiteru."
I bit my lip inwardly, holding back my wide smile. That's it, I'm going to make her talk Japanese when she comes back and we'll do as many sessions until she no longer can talk Japanese.
"Kimi dake wo." I tell her with a strong promise.
"Hala, teka' anong ibig sabihin no'n?"
"Ibababa ko na Maxene. Mamaya na lang ulit." bago pa niya malaman ang ibig sabihin noon, binaba ko na ang tawag.
Only you.
*****
Tapos na ang classes ko at agad na akong dumiretso sa parking lot bago pa man ako makita nila Joshua. Pag-aaralan ko ang ilang lessons na diniscuss ngayong araw at kakain na ng hapunan. Tapos kung may oras pa, tatawagan ko ulit si Maxene.
"Travis," a familiar voice called out my name. Nilingon ko siya at nginitian. Matagal tagal ko na rin siyang hindi nakakausap, pero anong ginagawa niya rito?
"Monique." napasandal ako sa kotse ko, "What's wrong?" I asked, she looked dejected and I couldn't help but worry for her. Nakatungo siya na parang hindi niya alam kung paano ako haharapin ngayon, nilapitan ko siya ka agad. "Anong problema?"
"I need you Travis." she stares into my eyes with a hurtful smile. Those three words just stir up my emotions altogether. Looking at her, she looks like she lost tons of weight. Nagpagupit na rin siya ng buhok at ang laki ng pinagbago niya mula noong dumalaw siya sa akin dati sa ospital. Parang napabayaan na naman niya ang sarili niya. She's eyeing at me the same way she looked at me back then. This is the face of the girl that I want to protect with all I have. Pero Travis iba na kasalukuyan mo, huwag mong kakalimutan iyon.
"What can I do to help Monique?" I asked, trying my best to contain my composure; yet when her hand touches my face everything starts to fall apart in front of me.
Her smile breaks, my heart aches for her, "I'm sorry, I just need you Travis." I closed my eyes and controlled my breathing. She still had that effect on me, but this is not– I lost all of my defenses as I felt her lips on mine. I hate that I missed her lips. I hate that I am now embracing her. I hate that I'm responding to her kisses. I hate that I wanted to shield her from anyone who dares to hurt her. Monique. Monique. Monique.
'I love you Travis.' Maxene's voice resonates in my mind as I break free from the loop that I've been stuck in for a very long time. I pushed Monique away and saw that she didn't expect that I'd break the kiss. I faced her as I caught my breath, "Moe," I couldn't say the words, "I want to understand, what's going on."
"We can talk about it later, I just need you with me now." she demanded but I kept my distance. She looked at me with a disappointed face, "Bakit Travis, ayaw mo ba?" I know exactly what she means, but I can't.
"Hindi naman sa ganoon," I shake my head. No, that's not the right answer, "I will help you with all I can without a doubt. I'm still your friend," I explained with a friendly face, "But this," ani ko sa gusto niyang mangyari sa pagitan naming dalawa, "I can't." I closed my eyes, "I'm sorry." I can't anymore.
She forced out laugh as if she's keeping her pride, "I'm sorry, nadala lang ako ng emosyon ko, nasanay lang ako na nandyan ka para sa akin." something pinched in my chest after I hear her thoughts out loud. Bigla akong nakonsensya dahil ito ang nararamdaman niya. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin– "Masyado lang talaga akong malungkot ngayon." she looks away with a soft smile.
"Ano bang problema Monique?" muli kong tanong sa kanya. I'm still her friend and I still care for her.
"Travis–" she breaks and she let her head fall on my chest, "Travis wala na akong matirhan ngayon. Tapos sinesante pa ako sa trabaho. Hindi ako makapag-aral mabuti tapos si Daddy, kahit pang pinansyal lang hindi niya ako maabutan dahil itinakwil na nga daw niya ako." niyakap ko siya at pinabayaan kong ilabas niya lang sa akin ang lahat ng dinadala dala niya, "Ang hirap ng buhay at wala akong matakbuhan dahil wala rin naman akong totoong kaibigan." she pulled herself from me as she meets my eye, "Ikaw lang ang masasabi kong tunay kong kaibigan." I wiped her tears away and she held my hand. This moment reminds me of us way back, "Pasensya na kung biglaan akong nagpakita. Wala lang talaga akong ibang mapuntahan."
I want to take my hand away from her, but I can't. Ayokong isipin niya na tinutulak ko siya palayo, "Why didn't you just call me?"
She let out an awkward laugh, "Binenta ko kasi yung phone ko. Kailangan ko ng pera eh. Pasensya ka na."
Now I understand, "Get in the car." I tell her, "You need to eat first."
*****
Matapos namin kumain sa labas, dumiretso kami sa condo na dapat sana ay ibibigay ko kay nanay kapag nakalabas na siya ng institution. Dahil wala pa namang nakatira dito, pinayagan ko na muna si Monique na dito manatili para may pansamantala siyang matitirahan.
"I'll pay you kapag nagkaroon na ako ulit ng trabaho." aniya na nahihiya sa harapan ko.
I smiled reminding her, "Mag-aral ka na lang muna Moe. Tsaka ka na magtrabaho. Hindi mo kaya pagsabayin ang studies at work."
"Pero kasi kailangan," she says with a hint of frustration, "Wala akong ipon Travis. Kung alam ko lang na aabot ako sa ganito sana noon pa lang ay nakapag-ipon na ako."
"I'll help you with groceries if you want." I suggested.
Her eyes were pleased and surprised, "Kailan ka pa natuto mag-grocery Travis?" she smiled almost teasing me, "Hindi mo ata ugali ang mag-grocery, not unless nag usap na kayo ni–" she's still thinking about that person.
"My fiance does groceries for me," I said with pride, evading that subject. "Kaya kahit papaano, natuto ako sa kanya."
She nodded with a small smile, "Seems like she's a good influence." I smiled back and she commented, "You look different though."
"What do you mean?"
"I don't know. But I can tell something has changed in you, kung baga sa babae, blooming ka ngayon Travis." she says assessing me, I shake my head letting out a small chuckle.
"Huwag mo na ako bolahin. Tinulungan na nga kita tapos lolokohin mo pa ako." I teased her and handed her a cellphone, "Heto, gamitin mo."
Her eyes widened, "Sobra na ata ito Travis." she attempts to return it, "Ayoko naman na abusuhin ka."
I shake my head returning the phone to her, "You need it. Tsaka mo na isipin kung paano ka makakabawi sa akin. For now, I'll just help you until you can get off your feet."
"Okay then." aniya ng nakatungo, "Thank you."
"If there's nothing else, I'll take my leave. May review pa ako." I lied, I just want to talk to Maxene. Besides, I'm uncomfortable being alone with her, especially now.
"Okay. Salamat ulit Travis ha. This is really a big help." her voice almost cracks.
"Wala iyon." I tell her with a friendly smile. When I'm about to leave the door, she embraces me from behind. "Monique." My lungs tightened.
"Mukhang masaya ka na Travis, kaya masaya na rin ako para sa'yo." she uttered with a soft voice.
"Salamat Moe." I replied as she let go of me. Finally I was able to breathe.
*****
I lost track of time when I received another MMS from Maxene. It's getting late, hindi pa ako nag hapunan. Nakatutok ako masyado sa review.

Maxene: Tiring day. Sending you my ugly face again. How's school?
I smiled, shaking my head. Asan ang ba pangit dito? Tinutukso ba niya ako? Halata ang pagkapula sa mukha niya, para siyang nag-blush on. Tapos naka kagat labi pa siya sa picture. Kung pakitaan niya ako ng ganyang mukha sa harapan ko, makakatikim siya ng sandamakmak na halik sa akin.
Travis: I'm at home, can I call you?
Maxene: Sure.
Okay that's odd, no emoji. I dialed her number and she answered my call immediately.
"Hey Hayes!" her voice almost squeaked.
"What's up?" I asked, imagination ko lang ba iyon o– "Are you drunk?"
"Nope." her voice just lied for her and she laughed at me. Lasing 'tong babaeng 'to!
"Who are you with?" I asked, controlling my temper. Bakit na naman siya uminom? Nag-inuman ba sila ulit? Tsk! Sino ang kasama niya ngayon?
"Nasa room ako ngayon, don't worry I'm alone and I just tried this sake. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang lasa neto-hik."
Kainis! Tapos ano, susuka na naman siya? May nakakaalam ba na nag-iinom siya ngayon? "Maxene, put someone on the phone, yung hindi lasing."
Tinawanan niya ako kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ko, "Tinatamad akong pumunta sa kabilang kwarto. Mamaya niyan gapangin ko si Axel, tutal crush naman ako no'n." muli siyang tumawa.
What the fuck is she saying? Alam ba niya ang sinasabi niya? Seryoso ba siyang gagapangin niya si Axel? Tangina, subukan niya lang, I'll end him, "Maxene, nakakailang bote ka na?" muli kong tanong sa kanya habang kinakalma ko ang sarili ko. Huwag ko lang talaga marinig na may kasama siya sa kwarto.
She sighs, "I don't know, basta masarap yung sake."
"Bakit ka uminom?" inis kong tanong, "Ano trip trip lang ba iyan? Curious ka sa lasa ng sake ganoon ba?" hindi ko na makilala ang sarili kong boses dahil pakiramdam ko malapit na akong mapuno lalo na at hindi siya maayos kausap ngayon. Bakit kasi siya uminom? Narinig kong humihikbi siya, "Maxene." teka, bakit siya umiiyak?
"Kayo na ba ni Monique?" she asked in between her sobs.
What?! "What the hell are you talking about Maxene?"
"Someone sent me your picture, you two were kissing, tell me, kayo na ba?"
I don't know what's going on. Though it is true we kissed but how can I make her understand that– shit! I hate this! Wala akong magawa, pero kailangan niyang malaman ang totoo, "Max, it's true we kissed, but please let me explain–" before I could even talk she dropped the damn call. "GODDAMNIT!"
Sa sobrang galit ko nabagsak ko yung phone ko at nabasag iyon sa harapan ko. Tangina, naninikip ang dibdib ko. I took a deep breath and controlled my emerging anger. Wala akong magawa lalo na at nandoon siya sa Japan, tangina talaga!
What the fuck should I do?
Bakit kung kailan wala siya sa tabi ko, tsaka kami nagkaroon ng ganitong away. Punyeta, sino ba ang kumuha ng picture na iyon at sinend sa kanya? I gritted my teeth containing myself, that doesn't matter now. Dapat maayos ko ito. Kinuha ko ang sim card mula sa nasira kong cellphone at nilagay iyon sa wallet ko.
Fuck this, bahala na!
M A X E N E
Sinungaling na nga, paasa pa. Kitang kita naman sa picture kung gaano niya na-miss si Monique.
Mahal niya pa talaga si Monique.
Ang tanga tanga ko para umasa na kahit pa paano ay may pag-asang sa akin siya tumingin. Hinding hindi ako magiging si Monique sa mga mata niya. Enough is enough and I've had it. Bahala siya doon. Siguro hindi na muna ako magpapakita o magpaparamdam sa kanya. Mas better ata na i-extend ko ang pananatili ko dito sa Japan at least malayo ako sa kanya at sa mga taong wala namang pakialam sa akin.
Ganito naman kami dapat, hindi ba?
Manigas siya doon! Magsama sila ni Monique and the hell I care! Edi congrats sila na. Okay lang naman eh, pero bakit kasi umasa ako?
Why did I ever believe in him?
Kung kailan hulog na hulog na ako eh 'no? Ganda talaga ng timing mo Travis, pwes bahala ka! Talo na ako. Luging lugi ako sa sitwasyon na ito. Ni hindi niya mabitawan ang mga salitang mahal niya ako. Kesho sinusubukan niya raw, kesyo mahirap daw... reasons, bahala siya!
Baka hindi naman talaga niya ako mahal, worse baka wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin. Ako naman si tanga, umaasa lang sa wala. Nakakainis talaga, bakit ba ang malas ko sa pag-ibig? Yung una na-fall out of love sa akin, tapos ngayon heto ako may kahati.
Yung totoo nga Maxene, hindi ba sabi mo tanggap mo naman kahit may kahati ka? Kahit pangalawa ka lang sa buhay niya basta kasama mo lang siya– Oo nga at nandoon na tayo, pero kasi naman saksakan kasi ng damot ko. Hindi pa ba ako sapat? Napakadamot ko. I hate this. Itutulog ko na lang nga ito!
"Don't turn away from me Maxene," that familiar weary voice resonated with my soul, "Maxene, I–"
*****
THE SUNRISE wakes me up. I don't know how many hours have passed but I can see that it's already morning, upon checking my watch it's seven in the morning already. I grunted as I felt that familiar hangover in my head. Ang sakit sakit ng ulo ko, pati ba naman sake masakit sa ulo?
Nag-unat ako at nagulat nang napansin ko na may mga braso na nakapulupot sa baywang ko. What the fuck, sino naman kaya ito? Ang alam ko, solo ako sa kwarto– inalis ko yung kumot at nakita ko siya.
Si Travis. Natutulog.
Paanong, nasa Japan ako ah? Bakit siya nandito? Sabado ngayon ah, may pasok siya sa school kaya bakit siya nandito?
Biglang nag-ring yung cellphone ko. Si Anderson natawag at kunot noo kong sinagot ang telepono, "Ohayo, nasaan kayo?"
"Umalis na muna kami Max," paalam ni Anderson, "Kasama mo na naman na si Travis hindi ba?" teka, paanong– wala ito sa plano! Leche naman oh!
"Kasama ako sa trip ah. Ang daya niyo naman," pagtatampo ko, "Ayokong kasama 'to, sasama na lang ako sa inyo Ander-" bago pa man ako makapagsalita ulit, kinuha na ni Travis yung cellphone ko mula sa kamay ko. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to!
"Anderson, ako na ang bahala. Enjoy your day. Salamat kagabi. Bye." he says as if he's keeping his cool, ends the call immediately and puts his arms around me as if everything is normal between us.
Pilit kong inaalis ang mga braso niya sa baywang ko, "Bitaw Travis, bitaw!" inis kong ani pero hindi pa rin niya ako binibitawan. "Bitawan mo ako sabi eh." hinampas ko sya pero mas kumapit pa siya sa akin. I grunted with frustration. I have to draw the line. "I'm done Travis!" I've had it, "Ayoko na sa arrangement na ito at bumalik ka na lang kay Monique, habang may respeto pa ako sayo. Umalis ka na lang sa buhay ko, tutal naman napilitan lang tayo sa arrangement na ito. Mas mabuti pang tapusin na natin ang palabas na ito."
"Pero mahal na kita Maxene." he uttered weakly as I felt how his arms trembled as soon as those words escaped from his mouth.
I scoffed, "Ulol, huwag mo nga ako niloloko. Enough jokes Travis. Nabudol mo na ako dati at kapag naniwala pa ako sa'yo ulit, tanga na ako." his breathing shifts like a raging storm and with force he pulls me towards the bed. I see him on top of me attempting to change the route of this confrontation to another kiss where he thought that he could sway me again, I know I've had enough, "Ah so, idadaan natin ulit sa session. Tapos ano, paiikutin mo na naman ako?" Ayoko na. I almost see him offended as if I hurted his ego and pride, "Diyan ka naman magaling Travis eh. Ang paikutin ako ng paulit-ulit. Ako naman si tanga naniwala sa iyo, kahit pa alam ko naman na walang patutunguhan 'tong kalokohan na ito." I scoffed, avoiding his gaze. "I'm done Travis. Let's stop this bullshit already."
"TANGINA MAXENE MAKINIG KA NAMAN SA AKIN!" his voice is filled with rage as I hear how it echoes through the room. Nanginginig na siya sa galit ngayon at halos walang liwanag ang mukha niya. Nakaramdam ako ng takot dahil baka saktan niya ako. I see how angry he is, yet he's crying at the same time his tears are heavy, like a heavy rain pouring from the sky. "Listen, please," he takes a deep breath containing his anger, "Maxene, it's true Monique kissed me. We kissed. I was lost in the moment." so pinagmamayabang niya sa akin iyon? Edi sila na ang may moment! Muli akong umiwas ng tingin sa kanya, "But that meant nothing." his voice almost cracks.
"Huh, so that meant nothing." I scowl, "Do you think I'd believe you?" I scoffed, "Matagal mo na siyang hinihintay hindi ba? Siya ang mahal mo, tapos that meant nothing? Gago ka ba?"
"Maxene...please..." his voice is weakening.
"If you meant that nothing, then what's this arrangement between us? What's this so-called set-up we agreed on?" I crossed my arms, "Hindi ba mas wala lang ito dapat sayo dahil pareho lang naman tayo nakikinabang sa isa't-isa?" he looks at me with disbelief shaking his head, "Hanggang make-out-make-out lang tayo, friends with benefits nga hindi ba?" gago siya at tanga ako, isang malaking tanga!
I see how his jaw hardened, "Maxene, what I have with Monique is in the past now, I put that all behind me. That meant nothing to me anymore."
"Bullshit Travis!" I snapped, "Enough lies!" he's now crying helplessly, "Pagod na akong maniwala sa iyo. Ayoko na dahil alam ko naman kung ano tayo at hanggang doon na lang tayo."
He shook his head, "Maxene... please..." his voice is weakening.
"Hindi ako magiging siya." I shake my head, "I'm not your Monique and I will never be. So please stop lying to me." he shakes his head again, "You don't need to do this over and over again." he pulled my hand until I am now sitting on top of the bed yet before he could embrace me I pushed him away with all of my strength, "Enough! Ayoko na! Hindi ka na dapat pa nagpunta dito Travis. May klase ka pa, nag-aksaya ka lang ng panahon dito."
"Nandito ako dahil gusto ko ayusin natin ito," pagsusumamo niya, "Hindi ako nagpunta dito para lokohin ka Maxene, please... maniwala ka naman sa akin."
I look away, I'm not going to let myself get carried away this time, "Enough lies Travis, alam ko naman na ginusto mo rin iyon."
"Maxene, I'm here because of you. I'm choosing you." he says with a hint of certainty. Still I'm not going to believe him.
I shake my head laughing at him, "Kapanipaniwala ba ang mga salita mo, kung kitang kita naman sa picture na gusto mo rin. Ginusto mo rin iyon Travis. Huling huli ka na tapos nagpapalusot ka pa? Ginagago mo ba ako talaga?" I glared at him.
"Ni ayaw mong pakinggan ang paliwanag ko Maxene, paano ko ipapaliwanag sa iyo kung ayaw mong makinig?" his voice is frustrated and defeated, "Monique just needed my help that day."
"Ah, tulong na pala ang pakikipaghalikan sa first love niya. Galing ah?" I can't recognize my own voice from my sarcasm, "Did you also help her to bed? Ganoon?"
"Max, makinig ka muna sa akin utang na loob," gulong-gulo niya akong hinaharap na miski siya hindi niya alam kung paano o saan magsisimula, "Walang nangyari sa amin, okay?"
"I don't need to ask, right? That's rule number four."
"Fuck the rules Maxene!" he growled inwardly, "I told you, that's obsolete! That's history!" tinalikuran ko siya at aakmang aalis na sa harapan niya dahil ayoko siyang kausap, pero hinila niya ako pabalik, "I was about to tell you everything last night, pero naunahan ako ng kung sino man ng nagsend sa iyo ng picture namin para siraan ako." muli akong kumawalas sa bisig niya, pero hinarap niya ako sa kanya, "Maxene, ayokong masira tayo... please pag-usapan naman natin ito," umiwas ako ng tingin dahil ayoko ng magsalita pa, "Please," he cupped my face as I see him crying again, "Hear me out, please."
"Pagod na ako makinig." I say coldly, "Ayoko na." his hand fell from my shoulder to my hand.
"Kung doon tayo masisira, hindi mo man lang ba naisip yung nararamdaman ko noong nakikita ko sa ibang articles na may kasama kang ibang lalaki?" nararamdaman ko kung paano manghina ang pagkakahawak niya sa kamay ko, pero pilit niya pa rin itong hinahawakan kahit pa nakikita ko kung paano siya nanghihina sa harapan ko habang naluha, "Alam mo ba, sanay na sanay na akong hindi makita ng iba. Miski si Monique hindi niya ako kailanman nakita, pero," he paused as I see him swallow an invisible bitter apple, "Pero noong dumating ka sa buhay ko," he looks into my eyes, "Ang saya saya ko kung paano mo ako ipakilala sa iba bilang boyfriend mo." he smiles weakly, "Ang babaw ko, pero ang saya-saya sa pakiramdam na makilala ako ng iba. Ang saya saya ko dahil nakikita mo ako." he almost lost his voice as he drown himself from his tears. I suddenly remembered Audrey's sentiments towards Peter, I didn't know that this would affect him like this. "Ikaw lang Maxene, ikaw lang ang nagparamdam sa akin kung gaano kalaki ang insecurities ko. Tanging ikaw lang ang dahilan kung bakit nahihirapan akong ayusin ang sarili kong emosyon. Sobra akong natatakot na makuha ka sa akin ng iba dahil lagi kong isinasaksak sa utak ko na ako ang pinili mo kaya akin ka lang, akin lang," he wipes his tears away, "You're the only person who allowed me to be this selfish, so I'm being selfish right in this goddamn moment," he says containing his frustration, "Totoo na nagsimula tayo sa arrangement na pareho natin hindi gusto. Napunta tayo sa panibagong kasunduan na pumayag tayong dalawa na mag-gamitan, oo!" he looks down surrendering everything he got, "Pero nandito na tayo sa punto na ito..." his voice almost breaks, "Nandito na ako sa puntong ihahain ko na ang puso ko sa iyo, tapos tsaka ka bibitaw sa akin?" he shakes his head until he lost his strength standing in front of me. Muli siyang napaupo sa kama at tuluyan na niyang nabitawan ang kamay ko na hawak niya kani-kanina lang. Sinabunutan niya ang sarili niya habang patuloy na naluha sa harapan ko, "Don't turn away from me Maxene, I can't...I'm sorry." muli kong narinig ang boses na iyon, kung kagabi pa siya nandito tulad ng sinabi niya kay Anderson kanina, then was that him last night?
Umupo ako sa tabi niya at nakikita ko kung paano siya nahihirapang huminga at hinarap ako, "Ang bigat sa dibdib Maxene, hindi ko kaya," paulit-ulit siyang umiiling, "Hindi ko kaya na mawawala ka sa akin, I can't..." he's facing me with everything he got; no masks, no lies, no pretending. He is breaking himself in front of me as he cover his face to hide this weakest side of him from me. Para siyang naliligaw na bata sa harapan ko, "Maxene... please... I can't... I'm sorry... huwag mo akong iwan." those last words almost pinch my heart as I remember how he unconsciously tells me how he hate people leaving him.
I cupped his face and felt how heavy his tears were on the palm of my hand. He openly shows me this face where pain is the color of his eyes. He openly shows me these emotions that are overrunning him. He looked into my soul as he uttered, "I–I love you." I felt my own tears as soon as those words escaped from his mouth. I hear my heart beating as it invokes his name. I cupped his face and saw my reflection in his dark brown eyes. "I love you." he is now melting in front of me as I see how his lungs fail to malfunction just by uttering those words as if he had dug it from the depths of his heart. I touched his face, wiping his tears away. He cups my face with both of his hands as our foreheads touch. He is breathing heavily as he stares into my soul, "I love you so much." he looks into my eyes filled with certainty and promise, he holds the back of my head as he kisses me with the remains of his heart, "I love you so much Maxene." he says between our kisses as I feel how those three words drain a part of his soul. He embraces me as if he'll break if I push him away.
He lost his strength as soon as his head fell from my shoulder. His hand closed the gap between our fingers. He inhales my scent and I felt his tears as soon as he kissed my shoulder.
Ganoon na lang ba kabigat ang mga salitang iyon para sa kanya?
I cupped his chin so I could see him. His eyes were swollen, but he managed to give me a weak smile. I fixed his hair, "Mukha kang haggard." I teased as he put my hand to his face. I see him kissing my hand repeatedly, "Alam mo, nakakatakot ka kung magalit. Angry Travis is scary." I teased just to lighten the mood between us.
"I'm not mad at you." he says weakly, "I just hate when we fight." he confessed, catching his breath as his fingers traced my face.
"But I like when we fight." I admitted, he looked at me with a confused face.
"Why?"
"Because what we have is worth fighting for." his eyes warms up, he smiles at me wholeheartedly, "It's all worth it." I kissed his temple as I saw how he rebuilt his courage to face me.
Saying those three words meant nothing if it holds no gravity, it's not a balloon filled with air that it'll pop in the long run. I feel his emotions everywhere as I carry them all on my hand to my heart.
Now I understand why it's not easy for him to say those words out loud, because they're heavy to the extent that he couldn't carry this weight by himself. He's gathered every emotion he has for me to this point where he showers me with his 'everything'. I hear that familiar song singing in his heart as I feel his hand caressing my face. I can hear it very clearly as he says it again, "I love you Maxene."
"I love you too Travis." I replied, as he closed the gap between our lips and sent me to the core of his heart.
[End of Book 1]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top