chapter 9: Min Min and Than Than

~Jasmin's POV~

Anong ibig sabihin nila Ian at Nathan kanina? Bola pa ba ang pinaguusapan nila o ako na?

Saka ano 'yung sinabi ni Nathan na may iba pang bola diyan? Pati yung sinabi ni Ian na gusto niya din ako?,as in DIN?

So gusto nila akong pareho?

Umiiral nanaman ang pagka assumera mo.

Sinasabi ko lang kung ano ang narinig ko.

Paano naman sila magkakagusto sa 'yo?

Stop na! Nababaliw na ata ako kaya parang may dalawang tao ang nagaaway sa utak ko.

Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay may biglang kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si ate na may hawak na unan. Mukhang alam ko na ang gusto nito.

"Pwedeng makitulog?" Tanong niya habang nagpapacute. Tss sabi ko na nga eh.

"Sure. I would love to sleep with my cute sister" Sabi ko at aktong papasok na siya pero hinarangan ko siya. "Sa tingin mo ate 'yun ang sasabihin ko?" Paasar na tanong ko sakanya.

"Hayys,sis naman eh!" Sabi niya habang pumapadyak pa ang paa.

"Alam mo,minsan iniisip ko kung ikaw ba ang bunso sa ating dalawa" Naiiling na sabi ko sakanya.

"Ewan sa 'yo. Tara na nga manood tayo ng movie" Sabi niya at pumasok na sa kwarto ko kahit wala pa akong pahintulot.

"Gusto ko 'yung drama ah" Sabi ko sakanya habang pumipili siya ng papanoorin namin.

"Horror movie"

"Ayaw ko ng horror!"

"Horror"

"Paalala ko lang na nasa kwarto kita ate" Sabi ko sakanya at sumuko naman ito at drama ang pinili.

"Hulaan ko. Bored ka noh?" Tanong ko sakanya habang kumakain kami ng chips.

'Yan kasi si ate Jennifer, pumupunta lang yan sa kwarto ko at manonood pag bored siya o kaya wala siyang lakad.

"Yup"

"Ate, paano mo ba malalaman kung may gusto sa 'yo ang isang tao? Kagaya nung nalaman mo na gusto ka din nung boyfriend mo noon na ipapakilala mo sana sa amin"

"Wait,bakit mo natanong 'yan?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Mmm...curious lang"

"Weh. Meron sigurong nagkakagusto sa 'yo noh?" Asar niya sa akin.

Ano ba yan! Sabi ko na nga dapat hindi yun tinanong eh!

"Just answer"

"Nalaman kong gusto niya din ako dahil noon inaasar niya lang ako. Binubully. Pero nung may isang lalaking umamin sa akin na crush niya ako ay bigla niya na lang akong inakbayan saka sinabing may boyfriend na ako at siya 'yun. Inamin niyang nagselos siya nun at ito naman ako gulat na gulat. Hindi nagtagal umamin na siya sa akin na gusto niya ako. I'm in love with my bullier, sounds cliché right?" Natatawang sabi niya saka nagpatuloy "Pero wala akong nagawa eh, nain love ako sakanya"

"Ahh...parang sa mga teleserye pala 'yang story mo. Sayang nga at 'di ko nakilala yung boyfriend mo ate" Sabi ko sakanya na agad ko namang pinagsisihan.

Ang tanga mo Jasmin! Alam mo na ngang ayaw niya na napaguusapan ang tungkol sa boyfriend niya pero in-open mo parin ang topic na yun!

"Sorry. 'Di ko sinasadyang ipaalala sa 'yo 'yun"

"Sus. Okay lang 'yun. Matagal naman na eh" Ngumiti siya ng mapait.

"Tulog na tayo,gabi na. Ipapatay ko na 'tong TV"

Pagkagising ko ay wala na si ate, malamang pumasok na sa trabaho niya 'yun.

Pagkatingin ko sa study table ko ay nakita ko ang isang papel na may sulat at si ate ang nagsulat.

'Gawa na 'yung kotse ko. 'Di ko na hihiramin yung sa 'yo. Thanks sis'

Hayys salamat at magagamit ko na ang kotse ko at 'di na ako magco commute.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay bumaba na ako.

" 'Yung kotse mo daw 'di na hihiramin ni ate mo kasi gawa na daw 'yung sakanya" Sabi ni mama habang nanonood ng TV.

"Ah oo ma. Nasabi na niya"

Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako at nag drive papuntang school.

Kung sweswertihin ka ba naman talaga oh. Sino kaya ang driver nitong kotse na nakaharang sa daan? Buset. Lumabas ako at kinatok ang kotse nung driver.

"Excuse me, pwedeng pakiusog 'yang sasakyan niyo? Nakakaharang na kasi sa daan eh" Sabi ko at lumabas naman sa loob ang driver. Si Stella pala.

"And if i don't like?" Paasar na tanong niya.

Hayy naku. Kaaga aga, siya agad makikita ko.

"Edi bubungguin ko 'yan"

"Kung kaya mo"

"Watch" Sabi ko at aktong sasakay na ako sa kotse ko ng bigla niya akong pinigilan.

"Wait! Don't you dare! Tss. Iuusog ko na. Ayoko namang magasgasan ng cheap na kotse ang car ko" Sabi niya at inusog na ang kotse niya.

Tss. Takot din pala siya eh,as if naman ibubunggo ko ang kotse ko sa kotse niya, t*nga ba ako?

Pinark ko na ang kotse ko at pumasok.

"Oh bakit nakasabungot 'yang mukha mo?" Tanong sa akin ni Sherry.

"Sinong 'di sasabungot ang mukha kung may isang malditang hinarang ang kotse niya sa daan?"

"Hulaan ko,si Stella 'yan noh?" Tanong naman ni Azumi. Obvious ba? Siya lang naman ang maldita na kilala ko eh.

"Yes"

"I don't know kung anong nakita sakanya ni Nathan at nagustuhan niya 'yun. She's totally a b*tch" Naiinis na sabi ni Natasha.

"Wag niyo na lang silang pansinin. Palibhasa kasi mga KSP"

Nakakapagtaka na hanggang ngayon ay wala parin si Nathan. Nasaan na kaya 'yun? Pero mas mabuti na din sigurong absent siya ngayon, because when he's here I'm sure that it will be awkward.

Habang naguusap kami ay biglang sumulpot sa harap namin ang anim na kaibigan ni Nathan at maririnig mo ang mahinang tilian ng mga babaeng kaklase ko.

Hayys porket mga gwapo ba dapat ng tilian?

"Good morning girls" Bati sa amin ni Javis.

"Morning" Bati din namin sakanila.

"Pwedeng hiramin ko saglit sainyo si Natasha?" Tanong ni Kiefer.

Wait, alam na ba ng mga anim na 'to na sila na ni Natasha?

"Bakit?" Tanong din ni Natasha sakanya at mukhang naguguluhan dahil sa niyayaya siya ni Kiefer sa harap ng mga kaibigan niya.

"Kain muna tayo saglit. 'Di pa ako nagbreakfast, sama na din pala kayo sa amin Jasmin" Sabi niya sa amin at 'di na din namin tinanggihan.

"Oo nga Jasmin, para naman makilala natin ang isa't isa" Sabi sa akin ni Xander saka ako kinindatan.

Tss. Wala akong interest sa'yo.

"Mukhang totoo yung sinabi ni Stella na malandi 'yang si Jasmin. Tignan mo nga mukhang close siya kila fafa Xander" Sabi ni girl 1 sa katabi niya.

"Oo nga"

Konti na lang at puputulin ko na ang dila ng mga kaklase kong 'to.

Habang kumakain kami sa cafeteria ay napapansin kong kanina pa nakatingin si Drake kay Azumi. Mmm...maasar nga. Pero kainis! Inunahan ako ni Kurt.

"Ehem!ehem! Uy Drake baka matunaw si Azumi niyan" Asar niya kay Drake saka tumawa.

"Bakit ako matutunaw? Ice cream ba ko?" Sarkastikong sabi ni Azumi.

"Hindi ka matutunaw. Ako ang matutunaw, ang hot mo kasi eh" Nakangising sabi niya kay Azumi.

Tss. May namumuong...bagyo hahaha.

"Hoy! Ikaw na lalaking mukhang playboy, tigil tigilan mo ko at baka masapak kita" Pananakot sakanya ni Azumi.

"Hoo!" Sigawan naman nila. Haha, mukhang may bagong love team ah.

Hayys...umiiral nanaman ang pagka amazona ni Azumi.

"Haha,lagot ka Drake 'di mo lang alam kung paano manapak 'yan si Azumi" Tawang tawang sabi ni Sherry.

"Bro mukhang 'di mo pa pinopormahan eh basted ka na" Kantyaw naman sakanya ni Vincent.

"Wala akong balak pormahan ang isang amazona" Sagot sakanya ni Drake.

"As if may balak akong sagutin ang isang jejemon" Sabi naman ni Azumi na nagpatawa sa aming lahat.

"Anong sabi mo?!" Haha mukhang napipikon na si Drake.

"Jejemon na nga bingi pa. Wawa naman magiging girlfriend mo" Sabi ni Azumi habang umiiling.

"Hep.hep.Tama na yan. Tara na nga,una na kami ah" Sabi ni Sherry dahil baka mamaya sumabog pa yung dalawa.

Sabay-sabay kaming pumasok ng room at oras na ngayon para pagkwentuhin namin si Natasba tungkol sa pinagusapan nila ni Kiefer.

"Kwento mo na" Atat na sabi ko sakanya.

"Oo nga anong nangyari? Alam na ba nila na kayo na?" Tanong din ni Sherry.

"Oo. Nahuli daw kasi nila si Kiefer na katext ako. So yun walang nagawa si Kiefer kundi umamin, pero pinakiusapan naman niya sila na huwag munang sabihin kay Nathan at hahanap daw siya ng timing tapos pumayag naman sila" Tumango na lang kami sa sinabi niya at bumalik sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase namin dahil nandito na ang sir namin.

Habang nagdidiscuss si sir ay may biglang pumasok. Mukhang kulang siya sa tulog.

"Good morning Sir, sorry i'm late"

"And what is your reason Mr.Lee?"

"Lack of sleep" Maikling Sagot niya kay sir at nagtawanan naman yung mga kaklase namin.

Anong nakakatawa sa kulang ang tulog?!

"Quiet! Okay go to your seat" Sabi ni sir saka siya umupo sa upuan niya.

Buong subjects namin ay tahimik lang siya at 'di ako kinikibo.

Last subject na namin at sa wakas makakauwi na din ako. Lumilipad ang utak ko kaya divided ang attention ko. Isa kay ma'am, isa sakanya.

"So class, magkakaroon kayo ng group research tungkol sa sinabi ko kanina and I will group you into 5 members per group at sa Friday niyo 'yun iprepresent"

Patay! Hindi pa naman ako nakinig. Sana nakinig ang magiging ka group ko.

"So ito na. Group 1 Jasmin, Ace,Natasha, Nathan, and Nicole"

Sinabi pa ni ma'am 'yung ibang group at eto naman ako naiinis. Bakit ang sama ng mundo sa akin?!

"Okay. Class dismiss" Sabi ni ma'am at umalis na ang mga kaklase namin, pero pumunta naman sa amin sila Ace, Nicole at Natasha. Sana hindi nila ako gawing leader, huhu.

"Jasmin, ikaw na lang 'yung leader ah, ayos lang ba sainyo guys?" Tanong ni Nicole kila Ace, Natasha at Nathan pero mukhang walang paki 'tong isang katabi na 'to.

"Ok lang. Send na lang namin sa 'yo 'yung na search namin tapos i compile mo na lang" Sagot naman ni Ace.

"Oo nga, pati din 'yung samin ni Nicole isesend na lang namin" Pag sang ayon ni Natasha. Nakakainis kang babae ka, ayaw ko nga maging leader eh. Hindi ako tuloy makakapanood ng Kdrama mamayang gabi huhu.

"Una na kami" Sabi ni Nicole saka sila umalis ni Ace.

"Hoy Nathan makicooperate ka ah, alam ko na 'yang ugali mo. Sige Jasmin una na ko"

"Ikaw? Isesend mo na lang din ba 'yung sa 'yo?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya.

"Pwes tara sa library" Aya ko sakanya.

"Huh? Bakit? Para saan?"

"Malamang para sa research"

"Tinatamad ako" Walang ganang sagot niya saka sumandal sa upuan. Binatukan ko nga.

"Para saan 'yun?!"

"Sasama ka sa akin sa library o wala kang grade?"

"Tara na nga" Sabi niya at nauna na akong lumabas. "Kung maka asta, feel na feel niyang maging leader. Tss" Bulong niya na sapat na para marinig ko.

"Naririnig kita" Sabi ko habang naghahanap ng libro habang siya ay nakapamulsa at hinihintay akong makahanap ng libro. Ang tamad noh!

"Ayun!" Nakita ko na yung librong hinahanap ko pero 'di ko naman maabot, nakakainis naman. Nagulat na lang ako ng may biglang kumuha nun mula sa likod ko.

"Thank you" Sagot ko at humarap ako pero nagulat ako ng makita kong si Nathan pala ang nasa likod ko at sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Ang hirap talaga pag pandak ka noh?" Asar niya.

"Tss. T-Tra na nga" Nilapag ko ang libro sa isang table at nagbasa.

Habang nagsusulat ako ay napatingin ako kay Nathan. Nautulog pala ang kumag. Ang swerte niya naman kung ako lang ang gagawa nito. Kumukuha ako ng papel sa bag ko para isulat kung ano ang gagawin niya at nakita ko ang kwintas na nahulog ni Than Than noon.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kwintas. Inilagay ko na yun sa bulsa ko at nagsulat. Bahala siya diyan matulog, aalis na ako.

Habang naglalakad ako palabas ng gate ay may naramdaman akong bagay na nahulog mula sa bulsa ko. Oh my God, yung necklace!

Hayys ngayonvbabalik pa ako para hanapin.

~Nathan's POV~

Nagising ako ng may naramdaman akong nakadikit sa noo ko at papel pala na may nakasulat na

'Ito yung mga gagawin mo. Do this if you want a grade.
From: responsible leader'

Tss. Feel na feel niya talaga ah.

Habang naglalakad ako ay natalisod ako. Buset naman oh. Pagkatingin ko sa paa ko ay may nakita akong kwintas at ang pendant ay heart kinuha ko 'yun at pinagmasdan.

Wait I remember this necklace. It looks like the necklace that my mother gave to me when i was in elementary. I open the pendant and there, i saw my picture together with my mother.

Kanino kaya 'to? Bakit nasakanya naman ang necklace ko?

Naglakad lakad ako para hanapin kung sino ang nakahulog ng kwintas ko para matanong ko na din sakanya kung bakit nasa kanya 'to.

Mukhang wala naman na dito yung taong yun.

Maglalakad na sana ako pauwi ng may nagsalitang babae sa likod ko.

"Kuya,may nakita ba kayong kwintas?" Pagkalingon ko ay nagulat ako dahil ang nagtanong na babae sa akin ay si Jasmin.

"Oh. Ikaw pala Nathan. May nakita ka bang kwintas banda dito? Yung pendant niya heart" Siya ang nakahulog ng kwintas ko? Pero bakit naman napunta sakanya ang kwintas ko? Hays kasakit sa ulo.

"Min Min?" Tanong ko sakanya at halata sa mga mata niya ang gulat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top