Chapter Twenty Seven - Unexpected
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
[September 9-15, 2021]: The printed copy is available on Shopee and Lazada. You may also message GRET SAN DIEGO on FB if you want to avail of the discounted rate. From the original price of Php360 bale Php280 plus SF na lang ito ngayon. J&T ang courier namin kaya mura lang ang SF.
**************************
Nakahain na ang almusal pagkagising ko nang umagang yon. Nakaalis na sina Tita at Tito. Maaga kasi ang pasok nila sa kani-kanilang upisina. Kaya tanging si Papa at Yaya lang ang nakasalo ko sa almusal.
Shocked ako nang pagkaupo ko ay tanungin agad ako ni Papa kung kelan babalik si Brian. Ba't hindi ko na lang daw sinabihan na sa amin na tumuloy? Total naman ay iilang araw lang naman daw siya dito sa Cebu. Dapat nga daw ipasyal ko siya sa mga scenic spots sa aming lugar nang masiyahan naman kahit papano.
Nagkatinginan kami ni Yaya Merced. Maging si Yaya ay di makapaniwala. Si Papa ba talaga itong nagsasalita? Sa pagkakaalala ko kasi ni ayaw nitong paligawan ako noon. Halos hindi nga makapanhik ng ligaw ang mga naging boyfriend ko. Lalung-lalo na si Anton dahil hindi niya ito gusto. Anong nakain nito't biglang naisipang patirahin pa sa amin kahit ilang araw lang si Brian?
"M-ma-mabait s-siya," tanging paliwanag nito.
Kung alam nyo lang ang ginawa sa akin ng kumag na yon nung unang araw ko sa Muromachi, babawiin nyo yang sinabi nyo.
"Mma-maayos ss-siyang pp-pinalaki ng a-ama," patuloy pa ni Papa.
Nagkatinginan kami uli ni Yaya.
"Di wala pong problema, Ser kung hihingin ni Brayan ang kamay ni beybi?" biro ni Yaya.
Tumangu-tango nang mahina si Papa. Ang galing talagang mambola ng lalaking yon. Naawa tuloy ako sa aking ama. Baka mag-expect.
Dahil sa kinauwian ng usapan namin ng nagdaang gabi, feeling ko di na babalik pa ang mokong. Naasar kasi ako na parang binibitin niya ako. Parang nanliligaw na parang hindi naman. Nagpaparamdam pero kapag nandun na, umaatras. Ayaw ko ng hindi black and white. Kung gusto niya ako, dapat niyang sabihin ng deretsahan. At hindi lang yon, dapat rin niyang sabihin kung may future ba kami o wala. Okay lang naman sana ang style niya kung hindi siya engaged. Pero dahil ikakasal na nga siya in about two weeks kailangan kong makasiguro na hindi niya ako gagawing pang-last adventure bago mag-settle down. Gusto ko lang naman ng may panghawakan.
Nagliligpit na kami ng pinagkainan nang may marinig kaming nagdo-doorbell. Nagkatinginan kami ni Yaya. Sino naman kaya ang bumibisita sa amin ng ganito ka aga? Ni wala pa ngang alas dies. Napailing ako nang maisip si Brian. May lahi din kayang Intsik yon?
"Mukhang may bisita ka uli, beybi," at sinenyasan akong tingnan ko kung sino. Siya na daw bahala sa pinagkainan namin.
"Hi, Manang!" masiglang bati sa akin ni Kelly at nagbeso-beso pa kami.
"Maayong buntag (magandang umaga), iha," nakangiting bati naman ni Tita Alicia. "Sorry. Yan lang ang alam kong Cebuano," at tumawa pa ito.
Kung si Brian siguro ang nakita ko, hindi ako masa-shocked. Pero ang mapagbuksan ko ang mom niya at younger sister, sobra akong nabigla. Hindi ko sila ini-expect.
"Sorry to appear on your doorstep unannounced," si Tita Alicia ulit. "Actually, pumunta na lang kami dito lahat dahil balak ni Brian na dito na magstay sa Cebu hanggang sa pagbalik nyo ng Okayama. Kaya imbes na mag-Boracay kami, dito na lang sa beach na malapit sa inyo."
"And we're here to pick you up," excited na anunsyo ni Kelly.
"H-Ha? Pero----" pag-aalangan ko.
"Wala ng pero-pero, Manang. Sumama ka na sa amin, please," at nagpa-cute pa si Kelly sa akin.
"S-Sige. Magpapaalam lang ako kay Papa."
Timing naman at lumabas si Papa. Tulak-tulak ni Yaya ang wheelchair niya. Pinakilala ko siya kina Tita Alicia at Kelly. Tinanggal nila pareho ang sunglasses bago hinarap si Papa. Nagmano pa si Kelly. Mainit naman silang tinanggap ng ama ko at pumayag kaagad ito na sumama ako sa kanila. Inimbitahan pa ang dalawa na magdinner sa bahay. Naku, lagot talaga to. Hindi ko alam kung may pagkain pa sa ref para sa isang dagdag na pamilya.
"Naku, hwag na. Kayo sana ang iimbitahin namin. Magdinner tayo sa labas. May nirentahan namang sasakyan ang asawa ko kaya hindi mahirap para sa inyong magtravel," paanyaya ni Tita Alicia. Nakupo, Tita. Hindi na ganyan ka sociable ang Tatay ko. Kasamang nabaon ng nalugi naming kompanya.
Pero ganun na lang ang pagkamangha ko nang pumayag agad si Papa. Maghihintay daw siya. Ano kaya ang nangyari dito sa ama ko? Sinalat ko ang kanyang noo. Baka nilalagnat lang. Napatawa naman si Yaya.
Nag-shorts lang ako ng pinutol na maong pants at manipis na puting t-shirt. Dahil sa beach lang naman ang punta namin, nagtsinelas na lang ako.
Bitbit ang backpack na naglalaman ng two-piece swimsuit ko, sunblock lotion, facial cream, pamalit kong damit at kung anu-ano pang abubot, sumama na ako kina Tita Alicia. May dala pala silang sasakyan. Kawawa naman si Tito Mando. Sana pinapasok na rin nila para naipakilala ko kay Papa. Ang mag-ina talaga, oo.
"Iha, ikaw na sa front seat. Sa likuran na lang kami ni Kelly," at pumasok na nga sila sa backseat. Wala na nga akong ibang choice. Okay lang naman dahil nakapalagayang-loob ko naman si Tito Mando kahit saglit lang kaming nagkasama.
May ngiti sa labing binuksan ko ang pintuan. Pero ganun na lamang ang pagkabigla ko nang makita ang nasa harap ng manibela. Si Brian!
"Hi," maikling bati nito at inistart na ang kotse. Tumango lang ako. Kaya pala hindi na pumasok sa bahay. Naisip siguro na baka di ako sumama kung nakita ko siya agad.
Medyo nagkahiyaan kaming dalawa. At iniwasan kong mapatingin sa kanya. Pero pinapakiramdaman ko siya. Kaya batid kong panay ang sulyap niya sa akin. Lalung-lalo na sa mga legs ko. Medyo na-conscious tuloy ako. Pero pilit kong hindi pagtuunan ng pansin yon. Kunwari ay abala ako sa mga tanawin sa bintana. Napasigaw lang ako nang bigla itong nagpreno. Muntik nang mauntog ang ulo ko sa gilid ng bintana. Ganun din halos ang reaksyon ng mag-ina sa likuran.
"Careful son," seryosong paalala ng ina.
"Sorry guys. The old woman just crossed the street," pagpapaliwanag nito sa amin.
Nainis ako. "Eyes on the road," mando ko sa kanya sa mahina ngunit nagngingitngit na boses. Hindi kasi nakatingin sa daan e.
"I think Manong was busy looking at Manang Alex's legs that's why he didn't see the old lady right away," nakatawang sabat ni Kelly sa likuran.
"Kelly," saway naman ni Tita Alicia.
Tatawa-tawa lang ang bruhita. Hindi na ako nagkomento pa. Wala namang reaksyon mula kay Brian.
Nadatnan naming naghahanda ng pananghalian namin si Helen at ang Papa nito. Mag-iihaw na lang daw kami mamaya sa harap ng cottage namin. Nang matapos na sila sa paghahanda, nagyaya na ang dalawa na magbihis na at nang makapagtampisaw na sa dagat.
"Wow, Manang Alex! You look like a star!" bulalas ni Kelly nang makita akong lumabas na naka-two piece swimsuit. Para hindi ako masyadong ma-conscious, naglagay ako ng pangbalabal from the waist down. Pero parang wala rin dahil sobra rin akong na-conscious nang mahagip ng paningin ko si Brian na titig na titig sa akin. Naka-swimming trunks na rin ito at nakahubad. Kaya kitang-kita ko din ang matipuno niyang dibdib at parang nililok na abs.
"Kaya hindi tuloy maalis-alis ni Manong ang mga mata niya sa yo!" dugtong pa nito at tumawa.
"Bruha ka talaga, Kelly," saway ni Helen.
Pero di nagpaawat si Kelly. Binalingan nito si Brian. "Di ba, Manong?"
Napa-huh naman si Brian. Walang naintindihan. Tumingin ito kay Helen. Nagpapatulong kung ano ang sinabi ni Kelly.
"Don't mind, her, Manong. She's just goofing around." Niyaya nito ang kapatid na lumusong na sa tubig. Tapos ay binalingan din ako. "Let's go, Alex."
"Sige, later na lang ako," sagot ko.
Nagpahid muna ako ng sunblock lotion sa buong katawan sa lilim ng malaking umbrella na inarkila ng pamilya nila Tita Alicia. Tumabi siya sa akin.
"May tampuhan ba kayo ni Brian, iha?" tanong nito sa akin bigla.
"H-ho? Aba, wala ho," kaagad na sagot ko.
Parang hindi ito naniniwala sa sinagot ko pero di na nang-usisa pa.
"I am so grateful na tinulungan mo siya para mahanap niya ako. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya. Sana ay magiging mas malapit pa tayo sa isa't isa," makahulugang sabi nito sa akin at inakbayan ako.
"Thank you din sa pagtanggap nyo sa akin bilang kaibigan ni Brian. Grateful din po ako."
"Sana nga sa susunod na pagkikita natin, hindi lang basta kaibigan...Sana mas higit pa roon," at ngumiti ito sa akin bago sinundan ang asawa at tatlong anak na nagtatampisaw na sa dagat.
Napailing-iling na lang ako sa sinabi nito.
Kumaway sa akin sina Kelly at Helen. Maligo na rin daw ako. Kaya tinanggal ko na ang balabal ko at lumapit na rin ako sa kanila. Napansin kong maraming napatingin sa akin, mababae man o lalaki. Kaya medyo na-conscious uli ako. Ang tagal na palang di ako nakaranas ng ganito. Kaya medyo nakakapanibago.
Lumangoy ako papunta sa kinaroroonan nilang mag-anak. Hindi naman masyadong kalayuan yon. Pero may dala-dalang salbabida sina Helen at Kelly. Hindi masyadong marunong lumangoy ang dalawa pero ang kuya nila ay expert. Maganda pa tingnan. Naalala ko tuloy ang mga Olympic swimmers. Ang galing niya. May grace ng isang atleta.
Mayamaya pa umahon ang mag-asawa. Masyado na raw mainit. Pasimple ding nagpaalam ang dalawang magkapatid. Kaya naiwan kami ni Brian sa dagat. Aalis na rin sana ako nang naramdaman kong hinuli nito ang kamay ko na nasa ilalim ng dagat.
"I'm sorry about yesterday if I upset you," paghingi nito ng paumanhin.
"Okay," mahina kong sagot at binawi ang kamay ko.
"I promise, when everything's settled you'll be the first to know," makahulugan nitong sabi. "All I'm asking is for you to be patient."
Ano'ng ibig niyang sabihin? Ginagawan na ba niya ng paraan ang kanselasyon ng kasal niya?
Walang anu-ano'y, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Kaya napatitig ako sa kanyang mukha. At nakita ko ang repleksyon ng sariling damdamin sa mga mata niya. Nagwawala na naman sa kaba na may halong antisipasyon ang aking puso.
"I've never felt this way with a girl before..." anas niya na lalong nagpabilis ng aking pulso. Halos hindi na ako humihinga. Matagal ko nang hinihintay na sabihin niya ito sa akin.
"Do you know what you're talking about?" paniniguro ko. Baka binobola lang ako nito.
Tumango siya. "Never been this sure in my life. That's why I'm asking you to be a little patient with me. And please, I need you to trust me. I'm not going to hurt you."
"How about Maiko?" Hindi pa rin ako kampante. Pano niya malulusutan ang lahat kung kalat na sa buong Muromachi na ikakasal siya dito?
"I'll take care of everything, don't worry. Just trust me," at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko.
"I'll never give you up. Just have faith," bulong pa nito. "Do you trust me now?"
Lumayo siya ng konti sa akin para titigan ako. Tango lang ang sagot ko. Pero di ko napigilan ang mapaluha. I believe him pero medyo natatakot ako. Ngumiti siya at niyakap akong muli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top