Chapter Thirty-Nine - Friendly Match

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

********************************

Paggising ko kinaumagahan, may nakapa akong matigas. Nang idilat ko ang aking mga mata, ganun na lamang ang pagkabigla ko nang mapagtanto kong hindi ako nag-iisa sa kama. Nakaunan ako sa braso ni Brian! At nakapatong ang isang kamay ko sa matipuno niyang dibdib!

Sinilip ko ang mga katawan namin sa ilalim ng kumot. Kaagad akong pinamulahan. Kapwa pa rin kami hubo't hubad. Maingat akong bumaba para magbihis pero gumalaw siya. Akala ko, galaw ng isang tulog lang. Kaya na-shocked ako nang bigla na lang niya akong hilahin pataas at daganan. Nakangisi pa siya. 

"Hey, what are you doing?" protesta ko habang tinatakpan ang bunganga. 

"What do you think?" sagot nito sa akin. Nakangiti. Kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata. Nag-init ang mukha ko. Lalo na nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa aking dibdib. Inalis ko iyon doon. Nang bumaba ang kanyang mukha para bigyan ako ng halik sa labi, umiwas ako kaya sa pisngi niya ako nahalikan. 

"What's the problem?" tanong nito. Nag-aalala. 

Nakatakip pa rin ang kamay ko sa aking bibig. 

"I didn't brush my teeth, yet," sabi ko. 

Tumawa siya. Akala daw niya kung ano na. Inalis niya ang nakatakip kong kamay sa bunganga at hinalikan ako sa labi. Di na ako nakapagprotesta. In fairness, hindi naman siya bad breath. Sana ako'y ganun din. 

Napaliyad ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa kaibuturan ng aking pagkababae. At lalo akong napaungol nang maramdaman kong may matigas na tumutusuk-tusok sa aking hita. Bago ko pa namalayan, pinaghiwalay niya ang mga tuhod ko at pumagitna. Wala na akong lakas pang tumanggi. Kaya may nangyari na naman sa amin. 

Hinalikan niya ako sa noo, mga mata, at tungki ng ilong pagkatapos. Niyakap pa niya ako nang mahigpit. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Marami akong gustong itanong pero nagdadalawang isip ako dahil baka masira ko lang ang moment. 

Mayamaya, naramdaman kong kinuha niya ang isa kong palad at hinawakan. Naka-entertwined ang mga kamay namin. Itinaas niya pa ito. Napatingin tuloy ako sa mga kamay namin at napasulyap sa kanya. Nakatitig siya doon. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Napahilig na lang ako sa kanyang dibdib at napangiti nang maramdaman ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Parang sa akin din. 

"Do you see yourself living in a foreign country besides Japan?" 

For a while, nalito ako sa tanong niya. Naisip ko pa nga, ano ang relevance nun sa mga issues namin? Nakita ko pa siyang tumingin sa akin na parang kinakabahan. Saka ko lang naintindihan ang implikasyon ng tanong niya. Sabay ng realisasyon, dumagundong sa excitement ang aking dibdib. Sasagot na sana ako nang magsalita ito muli. 

"I forgot about your dad. You're an only child, too. And he needs you. I don't think he would approve of you living in a much farther place, right?" ang sabi sa mahinang boses. Medyo malungkot. 

Teka. Pinapangunahan mo naman ako. Hinarap ko siya. 

"Papa is not selfish. He has always been supportive of me. I don't think he would mind though for as long as I'm happy," sagot ko. 

Nakita kong dahan-dahang umaliwalas ang kanyang mukha at sumilay ang ngiti sa mga labi. May kislap na ngayon sa kanyang mga mata. Ako nama'y lalong na-excite at nakaramdam ng kakaibang init. Hindi yong init ng pagnanasa. Yong init na nararamdaman kapag excited ka't masaya. Kahit para na rin niyang sinabi na kasama ako sa isinaalang-alang sa kanyang future plans, gusto ko pa ring makasiguro. Kaya with all my guts tinanong ko siya kung bakit natanong niya yon. 

"Why did you ask?" 

"Nothing," tipid niyang sagot. "I just thought about it," at hinagkan uli ako sa mga mata. 

Pambihira naman! Nakakasira naman ng mood ang sagot niya. Ba't di pa ako deretsahin? Nainis ako tuloy. Pero siyempre, di ko naman pinahalata. Baka isipin niyang sobra akong atat sa kanya. Kaya kunwari wala iyong epekto sa akin. Ngumiti na lang ako at yumakap sa kanya. Gumanti siya ng mahigpit na yakap. 

"It's really nice to be back here," bulong niya sa akin. "It's been a while..." 

"Yeah. It seemed like a lifetime," wala sa sarili kong sagot. 

Bigla niya akong nilayo nang kaunti. Itinaas niya ang mukha ko para pantay na ang mga mata namin saka nagtanong, "Really?" Halata sa boses ang excitement. Para siyang bata. 

Ano ba'ng sinabi ko? Napangiti ako at tumango. "Yeah. I missed you," medyo nahihiya kong pag-amin. 

Napangiti na siyang talaga. Hinagkan niya ako sa noo at niyakap. Habang hinahalik-halikan ang aking buhok sinabi niyang, "There was never a day that I didn't think about you. I was actually tempted to drop by the next day after we fought but I didn't have the guts. I thought you would be too angry to see me." 

Ako naman ang napangiti ngayon. Parehas pala kami. Sinabi ko yon sa kanya. Tumawa na siya. Kung tumawag daw ako, tumakbo na sana siya agad sa apartment ko. 

Nagharutan na kami pagkatapos. Natigil lang yon nang may malakas na tunog na bumulahaw sa amin. 

"Oh, it's my alarm," nangingiting sabi niya at bumaba na siya ng kama para kapain sa bulsa ng pantalon ang cell phone. Pinatay niya ito. Hindi man lamang nag-abala na takpan ang sarili. Kahit ilang beses ko na siyang nakita na hubo't hubad, di ko pa rin siya kayang tingnan in his birthday suit. Lalo na kapag ganitong maliwanag. Napasulyap ako sa relos sa dingding. Alas sais y medya na pala nang umaga. 

"I have to go now. I have to see the kids for our final practice before we go to our friendly match today," kaswal nitong kuwento habang nagbibihis.  Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko. 

Final practice? Nang makita sigurong tila naguguluhan ako, pinaliwanag niyang siya daw ang football coach ng Ikeda Chugakkō (Ikeda Junior High School). Mayroon daw silang friendly match ngayon ng isang junior high school din sa Okayama. Mamayang hapon na raw yon. 

"Please come," imbita nito. 

"Okay. What time will it be?" 

"The match is at three thirty. So you can come an hour before that. I'll meet you at Okayama station." 

"Okay, I will," pangako ko sa kanya. 

Bumangon na rin ako at nagtungo sa kusina. Nag-brew ako ng kape. Sinabihan ko siyang magkape muna bago umalis. 

"No, thanks. I better hurry. I don't want the kids to wait for me. Thanks, anyway. See you later, babe," at ginawaran ako ng halik sa labi bago tinungo ang pintuan. Nagyakapan uli kami bago siya tumakbo pababa. 

Pagkaalis niya, naligo na rin ako at naghanda ng almusal. Pagkatapos kumain ay naglinis ako ng bahay. Magaan na ang pakiramdam ko dahil okay na kami ni Brian. 

Dahil sobra akong pinagpawisan sa kalilinis ng bahay at sa iba pang household chores, naligo ako uli. Nagsusuklay na ako ng buhok nang tumawag si Rhea sa landline. Iniimbita akong sumama sa kanya sa Okayama. Manonood daw siya ng football match. Nang sinabi kong ako'y ganun din, labis siyang natuwa. Nagkasundo kaming sabay pumunta dun. 

Pinaghandaan ko ang isusuot dahil nalaman ko kay Rhea na nandun din si Mayu. Black denim shorts at at white sweater ang pinili ko. Dahil medyo malamig na, nagboots ako ng hanggang binti. Hindi na ako nag-make up. Nagpahid lang ako ng konting lipstick at nagwisik-wisik ng pabango. Napasipol si Rhea nang makita niya ako sa outfit ko. Ang presko ko raw tingnan. Very attractive without trying to be one. 

"I'm actually glad that you guys are okay now. I thought you would just give him up," sabi niya nang naglalakad na kami papunta sa bus stop. 

"I was just angry at him," sagot ko naman. 

"That's pretty natural when you love someone so much. You tend to be insecure. But you have to remember that it's you he loves. That's the most important thing." 

"You seemed to be so sure," nakangiti kong sabi. 

"Well, when you guys broke up, all he did was drink with his buddies. He was even so drunk once, Gary had to drive him to his apartment," kaswal namang pagkukuwento ni Rhea. "And he was always moody. The chu people (native English teachers assigned to junior high schools) were kinda angry at him because he often snapped at them." 

"Really?" tanong ko. Pero hindi naman ako naghihintay ng kasagutan. Ang sarap ng feeling na may ganun pala akong effect sa kanya. Akala ko kasi ay nagpadala na siya ng tuluyan sa kanyang ama. 

Nakita ko agad si Brian na naghihintay sa amin sa tapat ng istasyon. Ang lawak ng ngiti niya nang makita niya kami. 

"Hey Rei, nice to see you, too." 

"I'm so hurt," madramang bati ni Rhea sabay hawak sa dibdib. "I wouldn't have known about this game if not for Hiromi-sensei. You did not even remember to invite me." 

Napakamot lang sa ulo na parang school boy na nahihiya ang loko. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila. Hinalikan niya si Rhea sa pisngi sabay sabi ng "sorry." 

"Okay," masiglang sabi na ng bruha kong kaibigan. "You know I couldn't resist your charm," at kinurot pa sa tagiliran si Brian. 

Nagtaxi kami papunta sa venue. Pwede naman daw sanang lakarin kung hindi mataas ang takong ng sapatos namin ni Rhea. 

Pagdating namin sa football field, tamang-tama lang dahil nagwa-warm up na ang mga players ng dalawang koponan. Iniwan kami ni Brian sa bleacher at lumapit na siya sa team niya. Nakita namin agad si Mayu, kasama ang iba pang first aid volunteers gaya ni Hiromi-sensei. Naka-mini skirt ang bruha ng kulay green at naka-blouse ng mas mapusyaw na ganung kulay din. Plunging ang neckline ng blusa niya at ang sleeves ay hanggang kalagitnaan lang ng braso. Hindi ba siya nilalamig? Kung sa bagay, naka-boots naman na halos umabot ng tuhod. Nakita kong kumaway agad ito kay Brian. Ang landi talaga. 

"I heard that she has been chasing Brian long before he dated Maiko. It only means that Brian is not into her because if he was, then he wouldn't have dated Maiko in the first place. But still, you shouldn't let your guards down. Girls like her will stop at nothing to get what they want. I think she just stepped back for Maiko because she's her cousin. But now that she's out of the picture, I'm pretty sure she will chase Brian again. So you better guard your man," sabi sa akin ni Rhea. 

Ganun pala, ha? Mabuti't alam ko. 

Dahil abala sa kakukuwentuhan, di namin namalayan na nag-uumpisa na pala ang laro. Wala naman akong pakialam talaga. Mas nakapokus ang atensyon ko kay Brian kaysa sa mga batang nagtatakbuhan at nag-aagawan ng bola sa field. Buti pa nga si Rhea. Paminsan-minsan ay pinapaliwanag niya sa akin kung bakit binigyan ng yellow card ng referree ang isang manlalaro o kung bakit nag-free kick ang koponan nila Brian. 

Makalipas pa ang ilang sandali, natapos din ang first half. May isang na-injure sa koponan nila Brian kaya naging abala ang medical team. Nagkaroon ng pagkakataon si Mayu na makipaglandian sa boyfriend ko. Napailing na lang ako nang makita na inuna niya pang salubungin si Brian para punasan ang pawis nito kaysa batang injured. 

Bahagya nga akong siniko ni Rhea para ipaalam yong nakita niyang pagpapapel ng babae. Sinabi kong nakita ko rin. Natawa ito. Sobrang garapal na raw ni Mayu. 

Mayamaya pa, nagsimula na ang second half. Tabla ang dalawang koponan. One-one ang score. Kaya talagang tensyonado ang mga manonood. Ang mga katabi naming estudyante ng Ikeda Chugakkō ay halos di na mapakali sa upuan samantalang kaming dalawa ni Rhea ay prenteng-prente. Pero siyempre, gusto rin naming manalo ang koponan nila Brian. Kaya kapag muntik-muntikanan nang makapasok sa goal ang bola, napapatayo din kami at nakikisigaw. Nang bandang two minutes na lang ang natitirang oras, tsambang naka-score ang team ng Ikeda kaya halos sabay na nagsitalon ang mga katabi namin. Napatayo na rin kami ni Rhea. Nakita kong napatalon din sa tuwa ang lahat ng coaching staff. Kaya napangiti ako. At lalo kaming natuwa nang ideklarang panalo ang Ikeda Chugakkō team. 

Bigla lang akong napasimangot nang makita kong tumakbo si Mayu kay Brian at yumakap dito. Kailangan ba talaga yon? Hindi naman pumalag si Brian. Nakiyakap din. Pero binitawan naman agad ang babae. Napatingin ito sa gawi namin. Kumaway kami ni Rhea at kumaway din siya sa amin. Nakita kong tumingin din sa akin ang bruha tsaka tumalikod. Inisnab ako? 

Makaraan ang ilang sandali, lumabas ng locker nila si Brian at pumunta na sa amin ni Rhea. Nasa bandang entrance na kami ng eskwelahan. Hinihintay siya. Nang makita niya kami, tumakbo siya sa amin at niyakap ako. Hinalikan ko siya sa pisngi. 

"You guys are awesome," eksaheradang bati ni Rhea nang niyakap din siya ni Brian. 

Awesome ka dyan? Hindi nga tayo nagpe-pay attention sa laro sa katsitsismis. Natawa tuloy ako. 

"Thanks, Rei. I'm so hungry, Why don't we grab some burgers before heading home?" sabi nito sa amin.

 "What about your team?" nag-aalala kong tanong. 

"We will celebrate later. We will go to a Karaoke. Why don't you, two come with us?" 

Sumang-ayon agad si Rhea bago pa mag-register sa utak ko ang imbitasyon. Game daw siya. 

Palabas na kami ng eskwelahan nang may humintong kotse sa harap namin. Dumungaw sa bintana si Mayu. 

"Hey, Brian. C'mon. I'll give you a ride," maarteng sabi pa nito. Nagtinginan agad kami ni Rhea. 

"Thanks. But I have some company," tanggi sana nito. Pero pinilit ng babae. Tumingin muna siya sa amin bago nagsalita na okay lang daw. Pero mukhang napipilitan naman. Si Brian ang pinaupo niya sa kanyang tabi at kami naman ni Rhea sa backseat. Kung kausapin niya ang boyfriend ko parang sila lang dalawa sa loob ng sasakyan. Pambihira talaga. Ang kapal. Hindi na lang ako umimik. Iniisip ko na lang na hindi siya threat sa amin. 

Nang nasa Okayama station na, nagsabi si Brian na bababa na kaming tatlo. Nagpresenta pa sana itong ihatid kami hanggang Muromachi. Okay lang daw sa kanya yon. Kaya napilitan si Brian na sabihing kakain pa kasi kami. 

"That's great. I'm hungry, too. Why don't we all go to Saizeriya? I'm craving for something Italian." 

Napatingin sa amin si Brian. Parang nagpapaalam kung okay lang daw. Ano pa ba ang magagawa namin? 

Nang makahanap ng parking space, sabay-sabay kaming naglakad papunta sa sinasabi ni Mayu na branch ng Saizeriya sa Okayama. Halos si Brian lang ang kinakausap nito. Pero magaling sumingit si Rhea. From time to time ay nakakasali siya sa usapan. Pero kapag ako ang magsalita, kaagad na pinuputol ng bruha. At malinis niya yong nagagawa na parang hindi naman halata kung di ka masyadong nagmamatyag. Ganunpaman, sinikap ko pa ring huwag magalit. Ayaw ko namang ipahiya ang boyfriend ko. 

Itatago ko na lang sana ang nararamdaman nang bigla na lang nakita ko si Mayu na humawak sa braso ng boyfriend ko. Aba, parang siya pa ang girlfriend? Hindi ko na naitago ang pagsimangot. Napansin siguro ni Brian yon dahil hinuli niya ang kamay ko at pinisil-pisil. 

"Hungry?" tanong nito. Batid kong gusto lang niya akong aluin. Nang sumulyap ako saglit sa direksyon ng bruha, nakita kong nakabusangot na ang pagmumukha nito pero hindi pa rin bumibitaw. Pasalamat ka't mabait akong girlfriend. Pero hindi na ako nagsalita. Sa halip, humawak ang isa kong kamay sa braso ni Brian at medyo humilig pa ako sa balikat niya. Bahagya akong kinurot ni Rhea sa tagiliran at binulungan ng, "good job." 

Ang sagwa siguro namin tingnan. Dalawa kaming nakapangunyapit sa braso ni Brian. Siguro ang nakakakita sa amin, napapailing. Pero ayaw ko pa ring bumitaw. Kasi ako naman dapat ang may karapatan na mag-ganun dahil ako ang girlfriend. Kaya dedma na rin ako sa iniisip ng ibang tao. 

Crowded ang Saizeriya nang dumating kami kaya kailangan naming maghintay. Pinaupo kami sa waiting area sa labas ng restaurant. Tamaang-tama, may apat na bakanteng upuan. Pinaupo kami ni Brian. Pero kami ni Rhea lang ang naupo agad. Magkatabi. Saka lang din naupo si Mayu kaya siya ang nakatabi ng boyfriend ko. Nanggigil na naman ako. Naisahan ako dun, a. Kinurot na naman ako ni Rhea sa tagiliran. At binaon ang mukha sa balikat ko habang pinipigil ang tawa. Parang dedma lang sa amin ang bruha. Kay Brian siya naka-pokus. 

Lumabas uli ang waiter ng restaurant at binigyan kami ng menu. Para daw makapamili na kami habang naghihintay. 

Nag-share ng menu si Brian at Mayu at kami naman ni Rhea. Nagtanong ang bruha kung ano ang marerekomenda ni Brian. Magalang namang itong sumagot at tinuro nga ang mga natikman ng pasta. Ako nama'y di makapamili. Nanggigigil kasi ako sa katabi ko. Gusto ko siyang sikohin sa kaartehan niya. Natigil ako sa evil thoughts nang balingan ako ni Brian. 

"What will you have, babe?" masuyong tanong sa akin. 

Nakita kong tumulis ang nguso ng katabi ko pero di naman nagsalita. Nagtaas lang din ng kilay. 

"Whatever you choose," at ngumiti ako kay Brian nang extra sweet. 

Napangiti din ito. Sabay sabi ng, "okay." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top