Chapter 20

"FOR the nth time, Miguel! Inagawan mo na naman ang kapatid mo!" Walang tigil sa paninirmon si Esmeralda kay Miguel. Palakad-lakad ito sa harapan ng binata na nakaupo sa gilid ng kama, salo ng mga kamay ang ulo.

Hindi na niya sinundan pa si Audrey. Inutasan niya ang family driver na siyang humabol kay Audrey at ihatid ito kung saan ang tungo. Kung siya ang hahabol sa dalaga malamang ay mas lalo lang itong magagalit sa kanya.

Masakit! Iyong mga salitang binitawan ni Audrey ay parang humihiwa sa puso niya. Habang yakap niya si Audrey kagabi, pangalan ni Daniel ang paulit-ulit nitong sinasambit. Doon palang ay alam na niya kung gaano ni Audrey kamahal ang kapatid niya. Hindi niya alam kung paano niyang papasukin ang puso nito.

"What's your reason now? You are just protecting your brother from gold digger?" Humawak si Esmeralda sa sariling dibdib. Masamang-masama ang loob sa pinaggagawa ng anak.

"Ang tanda-tanda mo na pero wala ka paring pinagkakantadaan. Pinaglaruan mo si Audrey!"

"I love her, 'ma. I love her." Usal niya habang nanatiling nakayukyok ang ulo. 

Natigilan si Esmeralda. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa anak. Nag-angat si Miguel ng tingin sa ina.

"Mahal na mahal ko siya, 'Ma. I don't see anything wrong with that. Wala na si Daniel. Hindi ko naman intensiyon na agawin si Audrey kay Daniel pero--"

"Pero ginawa mo pa rin," pakli ni Esmeralda.

"Miguel, maraming babae riyan. Huwag si Audrey. Not your brother's fiancee." Ngayon ay punong-puno ng pakiusap ang boses ng ina.

"Pero mahal ko siya. I don't want any other girl other than Audrey. She's my everything now, 'Ma."

"Pero mahal ka ba niya?" Napipilan si Miguel sa sinabi ng ina. Mahal nga ba siya ni Audrey? Galit na galit ito sa kanya.

"Nakita ko ang galit ni Audrey sa 'yo. Malaki ang respeto at pagmamahal niya kay Daniel, Miguel. Great love is hard to compete with. Masasaktan ka lang."

"I'm willing to take the risks. I know how it feels to be broken. I've been there and experienced that kind of pain. Sanay na sanay akong masaktan. Sanay na akong laging second choice. Mula kina lolo at lola hanggang sainyo ni papa." Tumayo si Miguel, he spreads his arms wide.

"But look at me, 'Ma. I'm still here. Matatag pa rin. Buhay. A CEO of the biggest telecommunication. Kaya kaya ko, kakayanin ko ang lahat ng masasakit na salita mula kay Audrey, lahat ng galit niya, becuase I know it will all be worth it at the end. Hindi ko siya gustong pakawalan pa."

"Miguel!" May gulat na usal ni Esmeralda sa mga sinabi ng anak.

"Alam mong hindi 'yan totoo. Pantay ang pagmamahal namin sainyo ni Daniel."

"Really? Pero bakit hindi 'yon ang naramdaman ko? You've always prioritized Daniel over me. You've always catered his needs first over mine. I was always treated second-rate, never coming first and always neglected in all aspect."

"It's not true. I care for you," tanggi ni Esmeralda. Mapaklang ngumisi si Miguel. Tinalikuran ang ina, humakbang palayo rito bago muling humarap.

"May natatandaan ka ba na kahit isang beses na sinamahan mo ako sa escuela? Sa mga event at moving up?"

Hindi ito nagsalita, napaisip at kapagkuwa'y binalot ng guilt ang mukha.

"Wala, mama. Kahit isang beses wala.
You were never there to watch me receive an award from school, never watched me perform at school event and was never there to see me receive my degree from college... Do you remember when I've informed you that I've been chosen to play Florante at a special school assembly when I was still in 5th grade? Nakiusap ako sa 'yo na pumunta ka. I nervously look at the door every time it opened hoping it was you and papa, but you never showed up. You've missed all important moments in my life, but Daniel got your all-out-support. Wala kang pinalagpas na kahit isa sa mga school event niya."

"Miguel?" Mahinang usal ni Esmeralda. Para itong sinampal sa sumbat ni Miguel. Nasasaktan para sa anak dahil ngayon lang din nito napagtanto ang naging kapabayaan.

"'Yong pagiging CEO ko...  hindi naman talaga 'to sa 'kin. Kay Daniel dapat 'to, kaso tinanggihan ni Daniel si papa kaya sa 'kin ibinigay. You and lola keep on telling me to protect Daniel, so I did. Prinotektahan ko siya  sa lahat bagay lalo na sa mga babaeng alam kong sasaktan lang siya. Pero 'yon ang naging dahilan para umalis si Daniel. Technically, I was the reason of his death. At ramdam kong ako ang sinisisi mo hindi mo lang maisumbat."

Muling umupo si Miguel sa gilid ng kama at kapagkuwa'y marahang natawa sa sarili. Kung kailan pa siya tumanda saka pa siya nag-drama nang ganito.

Sinubukan niyang intindihin ang lahat pero hindi niya maiwasang sumama ang loob. Magtampo. Magtanong kung bakit ganoon ang nangyayari. Kung bakit ang mama niya ay laging nandoon kapag kailangan ni Daniel pero bakit siya hindi man lang mapagbigyan. Hindi man lang magawang paglaanan ng oras kahit kaunti.

Tiningala niya ang inang nakatayo sa harapan niya. Biglang pinagsisihan ni Miguel ang mga sinabi nang makitang lumuluha ang ina.

"'Ma?"

"I'm sorry. Hindi ko alam na ganyan ang nararamdaman mo!" Mabilis na tumayo si Miguel at nilapitan ang ina. Kinabig niya ito at niyakap.

"'Ma, I'm sorry. Hindi kita gustong sumbatan."

"I've deserved it. I'm so sorry kung 'yon ang naiparamdam ko sa 'yo but God knows how much I love you. Mahal na mahal kita, Miguel!"

Hinaplos niya ang likod ng ina.

"I know, I know, I'm sorry. I'm sorry. I love you, 'ma." Hindi niya gustong nalulungkot ang kanyang ina. Mula pa man noon, ginagawa niya ang lahat para mapasaya ito. Ginagalingan niya sa mga academic dahil alam niyang isa iyon sa nakakapagpasaya sa isang magulang.

PAGLABAS ni Miguel ng silid ay saktong palabas naman ang kasambahay sa silid ni Daniel na inikupa ni Audrey. Napansin niya ang hawak nitong larawan kasama ng mga beddings.

"Aling Sita," kuha ni Miguel sa atensiyon ng katulong. Nilapitan niya ang kasambahay na halos kaedad lang ng kanyang mama.

Sinulyapan niya ang larawan. Isang wallet size laminated na larawan ng dalawang bata. Isang babae na may kalong na batang lalaki. 

"Naiwan ng bisita," ani Aling Sita nang mapansin ang pagtitig ni Miguel sa larawan. Kinuha niya iyon mula rito. Si Audrey at si Toffee siguro ito. Tingin niya ay walo o siyam na taong gulang palang dito Audrey. Tuwid at itim ang buhok ng batang babae at kung titingnam mabuti ang mata ay katulad nga ng kay Audrey.

Nakapagtataka naman kung bakit ganoon ang komento ni Hilda sa buhok ni Audrey. Matigas raw ang buhok  nito noon. Base sa larawan na nakikita niya napakaganda na ng buhok ni Audrey bata palang. Mas healthy pa nga kumpara ngayon.

"Ako na ang magbabalik nito sa kanya." Hinugot niya ang pitaka sa bulsa sa likod ng pantalon at isinuksok doon ang larawan at nagpatiuna sa pagbaba sa hagdan.

Nagtungo siya sa garahe. Nilapitan si Mang Abel na naglilinis ng sasakyan.

"Mang Abel, nadalhan mo po ba ng pagkain si Audrey?"

"Oho, Sir Miguel. Sinabi ko na pinabibigay ng mama mo kaya kinuha."

"Good. Salamat!" Nasa isang condominium si Audrey, ang condominium na pinaghatian ni Daniel at Audrey na bilhin noong magbalak ang dalawang magpakasal. Hindi niya inalis ang mga gamit ng dalawa sa condo. Inutusan niyang dalhan si Audrey ng pagkain at gamot,  pati na rin ang naiwan nitong wallet sa kwarto. 

Dumeretso si Miguel sa kanyang condominium sa Makati. Ito ang permanente niyang tinutuluyan dahil malapit sa opisina na nasa Makati rin. Kailangan niya munang magpunta ng opisina bukas. Noong nakaraan pa tawag nang tawag sa kanya ang sekretarya niya dahil sa maraming kailangan pirmahan na papeles at aprobahang mga reports.

Nang bumalik siya ng Manila ay kinuha lang niya ang singsing at bumalik agad ng San Agustin. Hindi siya dumaan sa opisina. Gusto niya agad bumalik ng San Agustin dahil kay Audrey.

Not that na kailangan siya nito, siya ang may kailangan kay Audrey. Parang hindi kompleto ang araw niya kapag hindi ito nakikita at nakakausap. At hindi niya alam ngayon kung paanong sasanayin ang sariling wala ito sa tabi niya. Hindi niya gusto. Hindi niya gustong sanayin ang sariling wala si Audrey sa tabi niya dahil gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito.

Kahit paano ay nararamdam niyang may damdamin pars sa kanya si Audrey. Ramdam niya  iyon sa mga halik at yakap nito.

Umalis din kasi ang chairman, ang kanyang papa, nagtungo sa Las Vegas kaya kinakailangan niya talagang bumalik ng opisina dahil kundi ay patay siya sa oras na umuwi ito't madiskubreng hindi pa rin siya bumabalik mula sa isang buwang bakasyong hiningi niya. 

Ang kanyang Uncle Sherwin, ang bunsong kapatid ng kanyang ama, ang siyang pansamantalang humahalili sa naiwan niyang trabaho. Ito ang vice president ng Universal Telecom.

Kinuha ni Miguel mula sa wallet ang heirloom ring at pinagmasdan iyon. Gusto niyang si Audrey pa rin ang magsuot nito. Kung sana lang ay ganoon kadali ang lahat ay inalok na niya si Audrey ng kasal kaya nga lang ay hindi. Nasaktan niya ang dalaga at hindi niya alam kung kaya pa niyang maibalik ang tiwala nito.

Kinuha niya mula sa safety box na nasa sulok ng kanyang silid ang isang kahon kung saan nakalagay ang cajeta na siyang pinaglalagyan nitong singsing at muling isinilid doon ang singsing.

Napansin ni Miguel ang isang gintong locket na kwentas na nagpatigil sa pagsara niya sa kahon. Nakita na niya ito noon pero hindi pinagka-interesang suriin.

Kinuha niya ang kwentas  at  naglakad patungo sa kama, ipinatong ang kahon sa bedside table. Binuksan niya ang locket. Dalawang larawan ang naroon. Isang couple ang nasa isang bahagi, mag-asawa marahil. Mukhang foreigner ang lalaki habang ang sa kabilang bahagi ay larawan ng isang batang babae.

Bahagya ang pangulubot ng noo ni Miguel nang masuri ang larawan. Ang batang babae sa larawan na ito at ang nasa larawang nasa wallet niya ay iisa. Si Audrey.

Ito ba ang magulang ni Audrey? Pero ang pagkakaalam niya ay parehong pilipino ang mga magulang ni Audrey.

Napako ang tingin ni  Miguel sa safety box nang may maalalang bagay.  Inilabas niya mula roon ang isang brown envelope na naka-sealed. Kinuha niya ito sa deposit box ni Daniel noon kasama ang kwentas. Ibinilin ito sa kanya ni Daniel na ibigay kay Audrey.

Umupo siya sa gilid ng kama at gamit ang letter opener na kinuha sa drawer ay binuksan niya ang envelope. Kinuha ang laman niyon. Mga papeles, bahagi ng pahina ng isang lumang diyaryo at mga larawan. Binasa niya ang laman ng ginupit na pahina kung saan kalakip ang larawan ng isang mag-anak. Ang mga tao sa larawan na nasa locket ay siyang nasa peryodiko.

"Sorlin Massacre," basa ni Miguel sa nakasulat doon at tahimik na binasa ang ibang pang nakasulat.

Harry Sorlin, isang  Swedish business man, at ang asawa't nag-iisang anak nitong si Faye at Yvonne Sorlin ay natagpuang patay sa loob ng bahay nito sa San Agustin. 'Di umanoy pinasok ito ng mga masasamang loob na hindi matukoy ang pagkakakilanlan. Kasamang nasawi ang mag-asawang kasambahay  na sina Marites at Edgardo Dizon. Nakaligtas naman sa masaker ang mga anak ng mag-asawa at pinuprotektahan ito ngayon ng awtoridad.

Mas lalong nagdikit ang kilay ni Miguel nang maguluhan. Si Audrey ang batang kasama ng mag-asawang Sorlin. Kinuha at sinuri niya ang iba pang larawan. Dalawang larawan ng masayang pamilya. Sinulatan ang bawat isa gamit ang marker pen. Sorlin ang nakasulat sa isang larawan  habang ang isang larawan ay Dizon naman ang nakasulat. Kinuha naman niya ang ilan pang larawan. Audrey Dizon ang nakasulat sa larawan ng isang batang babae at sa isa naman ay Yvonne Sorlin.

Pero ang ipinagtataka niya ay bakit Yvonne Sorlin ang nakasulat sa larawan ni Audrey. Kinuha niya ang wallet at kinuha mula roon ang larawan na isinilid niya kanina. Pinagkumpara niya ang larawan kahit walang dudang si Audrey nga iyon.

"Hindi kaya si Audrey ay si Yvonne?"

Kinuha niya ang mga papeles at binasa iyon. It was a matrix; a personage structure, at naroon ang mga biography ng taong nasa matrix. Mga taong posibleng may kaugnayan kay Jonas Tschauder.

Nasa matrix ang pangalang Harry Sorlin, Arthur Gutierrez, Bernard Villalobos at Raoule Villalobos.

"Ginawa ba ito ni Daniel? Ano ito? Syndicate matrix?" Bernard and Raoule Villalobos. May kaugnayan kaya si East sa mga ito?  Posible kayang may nalaman si Daniel tungkol sa mga taong ito na siyang naging dahilan ng kamatayan ng kapatid niya.

"Kailangan malaman ito ni Audrey."

HINDI nagdalang-isip si Miguel na puntahan si Audrey para ipaalam ang mga nalaman. Pero nang nasa tapat na siya ng pinto ng unit ay noon naman siya inatake ng nerbiyos.

Kinakabahan siya ng sobra. Ilang sandali niyang itinaas at ibinaba ang kamay bago pigil ang hininga pinindot ang buton ng door chime. Hawak sa kabilang kamay ang envelope. Makailang ulit na humugot at nagpakawala ng malalalim na hininga habang naghihintay na bumukas ang pinto.

Fuck! His breath hitched in his throat  when the door swung open and Audrey came into sight.

"A-audrey." Miguel felt his heart sunk into the pit of his stomach at the sight of her. She looks devastated. There were dark circles under her puffy eyes. Indikasyon nang magdamag nitong pag-iyak. Sa kabila ng napakalungkot na mga mata ni Audrey ay hindi naikubli ang galit sa mukha nito nang makita si Miguel.

Muli ay isinara ni Audrey ang pinto pero mabilis na napigil iyon ni Miguel.

"Audrey, please, mag-usap tayo." Hinawakan niya ang braso nito, naramdaman niya ang init ng balat nito. Nilalagnat pa rin.

"Nilalagnat ka pa rin." Ipiniksi ni Audrey ang kamay.

"Don't touch me!" Binaliwa ni Miguel ang nag-uumapaw na galit sa boses ni Audrey. Sinubukan niya pa ring pumasok ng condo.

"Pwede ba, Miguel! Huwag kang makulit. Umalis ka na!" Bulyaw nito sa kanya. Bahagya ring ngumiwi at humawak sa lalamunan. Garalgal din ang boses  nito at mas lalo siyang nag-aalala.

"Gusto lang kitang makausap. May mahalaga akong sasabihin sa 'yo."

"Hindi kita gustong makausap at mas lalong hindi ko gustong makinig sa sasabihin mo! Now, get out!"

"Pero Audrey--"

"I said get out!" Pilit itong sumigaw kahit mukhang masakit ang lalamunan sa tindi ng galit kay Miguel.

"Respeto! Kahit iyon na lang sana maibigay mo sa 'kin. Utang na loob, Miguel! Parang awa mo na. Nasasaktan na ako, eh. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kita at mas lalo lang tumitindi ang galit na nararamdaman ko hindi lang sa 'yo kundi pati sa sarili ko!"

Humakbang si Miguel paatras nang makita ang pagpatak ng luha ni Audrey. Kita at ramdam niya ang sakit at galit na nararamdaman nito. Gusto niyang yakapin si Audrey para pawiin ang sakit na nararamsaman nito pero alam niyang hindi iyon ang magandang solusyon sa mga oras na ito.

"I'm sorry." Niyuko niya ang envelope na hawak. Hindi ito ang tamang oras para bigyan ito ng bagong iisipin. Kailangan niya muna sigurong palamigin ang sitwasyon.

"I'm so sorry if hurt you," he sincerely told her as his gaze averted back to her. Tuluyang lumabas si Miguel. Mabigat ang loob na tinungo ang elevator hanggang sa makababa at makalabas ng gusali.

Naupo si Miguel sa gilid ng pavement sa kung saan niya ipinarada ang kanyang sasakyan. Iniyukyok ang ulo habang ang mga nakaunat na braso ay nakapatong sa mga tuhod.

Paano kaya niyang susuyuin si Audrey? Paano kung wala na talaga? Paano kung hindi na talaga siya nito mapatawad pa? Ano na ang gagawin niya? Hindi niya kaya. Hindi niya kayang mawala pa 'to sa buhay niya.

"Hey, lover boy, pwede ba kitang pick-up-in?" Kunot-noo siyang nag-angat ng mukha nang marinig ang boses ng isang babae.

"Magaling ka bang mag-twerk? Can you give me a sexy lapdance-- aw!" Napaigik ito nang paluin ang pang-upo ng lalaking kasama nito.

Nakadukwang ang babae sa bintana ng driver side habang naroon nakaupo ang kasintahan nito.

"Later, I'll give you a sexy lap dance that will drive you crazy."

Bumungisngis ito sa sinabi ng kasintahan.  "I love that!"

"Preyh, Aiken, zup?" Bati niya sa dalawa, mga kaibigan ito ni Cassy.

"So, what the heck are you doing here? Do you need some pennies? Oh... pussies?"

Malakas na humalakhak si Miguel. Kahit paano ay saglit na nawala ang frustration na tila lumalamon sa kanya kanina pa.

"Precious!" Saway ni Aiken sa dalaga.

"Okay fine, coins na nga lang. Mukha ka kasing pulubi riyan! Alam mo kapag may ibang nakakita sa 'yo riyan, hindi ka aabutan ng barya... iuuwi ka. Kung wala lang akong boyfriend baka--" Tumigil ito nang pukulin ito ng matalim na tingin ni Aiken.

"Biro lang." Hinalikan nito sa labi ang kasintahan saka muling bumaling sa kanya.

"May dinalaw lang akong kaibigan." Tinuro niya ang condominium.

Tumango-tango naman ito. Kahit kailan talaga itong si Preyh puro kalokohan ang alam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top