Bente Otso

Second base

Ang pangalan nya? Bakit ko naman tatatawagin ang pangalan nya? Isa pa, hindi ko naman boses 'yon. At kung akin man ay sigurado akong hindi na iyon mauulit pa.

Ramdam ko ang hangin sa paligid, tila naka slow ang lahat. Wala akong marinig na kahit anong boses mula roon. Bumugtong hininga ako habang pinaglaruan ang aking labi. Nakatulala sa kawalan at parang inalamon ng  ibang mundo.

Nangyari ba talaga 'yon?

Bakit pakiramdam ko ay dismayado ako dahil sa hindi iyon natuloy?

I licked my upper lips, I closed my eyes firmly and take a deep breath. Ang buong akala ko ay pag bumakas kong muli ng aking mata ay magbabago na lahat.

"Goodmorning, sasama ka ba sa paghatid sa amin mamaya?" my mama asked me.

"Of course po,"

Flight na ni mama at Lean mamaya sasabay na sa kanila si Max. Marami pa raw s'yang dapat tapusin at maiksi lang ang vacation leave na nakuha niya. Sina mama naman ay kaylangan ng bumalik, mag uumpisa na ang pasukan ni Lean.

"Are you sure na okay ka lang maiwan dito with Bernardo?"

"Ma, you know my stand about papa. Maybe, I already forgive him but it doesn't mean na nakalimutan ko na."

"Tisha, I want you to move on. Nakapagpatawad na ang lahat. Nakalimot na ang lahat. Ayaw kong iwan ka rito na ng may sama ka pa rin ng loob sa papa mo at sa lugar na ito."

I'm not against sa sinabi ni mama. Kung patungahan niya si Vieya ay parang anak na niya. Ganoon rin ang lahat pero hindi ko alam kungvbakit kahit pilitin ko ay hindi ko magawang patawarin sya.

"Ma, magiging okay rin ako. Pero ang kalimutan ang mga nangyari ay hindi ko alam kung kaya ko."

"Tisha, dahil ba kay Aries? Kaya hindi mo magawang magpatawad?"

Namilog ang mata ko dahil sa sinabi ni mama? Paanong nadamay si Aries dito?

"Mama ano bang kinalaman ni Aries dito?!" pag angil ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit nadamay si Aries sa usapang ito? Si papa at Vieya ang pinaguusapan namin. At tingin ko ay hindi magandang nadadamay si Aries sa mga gantong usapan.

"See, you're furious. Aries takes a big part of you, almost half of your life. Tingin ko nga ay mas kilala ka ni Aries kaysa sa akin. Kaya hindi mo magawang magpatawad dahil nang hihinyang ka. Hindi ka mapagpatawad dahil hindi mo rin mapatawad ang sarili mo dahil sinaktan mo s'ya. Tama ba ako, anak?"

Nanghihinayang?

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa aking ina. Tila hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang sabihin?

Galit nga ba ako sa sarili ko dahil iniwan ko s'ya?

Dahil sinaktan ko s'ya?

"Tisha... nalulungkot akong makita kang ganyan. You've change a lot... no, you are hiding. Anjan pa rin ang tishang minahal ng lahat pero tinatago mo dahil sa galit mo, galit na tanging mawawala lang kung magpapatawad ka. Please, I miss you my princess. I want you to heal as soon as possible. Seek for forgiveness, palayain mo ang sarili mo, anak." she said while creasing my hand slowly.

Her eyes was filled of tears, she begging. My heart skip a beat, seeing her being mesirable because of me. Kaylangan ko ba magpatawad? Sino ba ang patawarin ko? Kanino ba ako hinihingi ng tawad?

Naguguluhan rin ako. I am hiding? From who? Nasaan nga ba ang dating Tisha?

"I'm sorry mama." I said.

Dapat siguro ay simula ko sa kanya. Sa aking ina. Nasaktan ko rin naamnsya ng hindi sinasadya. She's also hurting, that's for sure.

"Maghihintay kami sa pagbabalik mo, prinsesa namin," she said while giving me her most genuine smile.

"Ma naman e, hindi na po ako bata para maging prinsesa pa ng lahat."

"Fine." she chuckled, "kamusta naman ang mga sugat mo?" she asked teasingly.

"Ma! Sugat ba o 'yong nangyari?"

Isa lang ang sigurado mamimiss ko si mama, for sure. Simula noong umalis kami at wala syang ibang nasandalan kundi ako mas naging open kami sa isa't isa.

"Hmm... parang mas gusto ko yong nangyari."

"Ma! Okay na 'yong sugat ko. At kung ano man 'yang iniisip n'yo, itigi-"

"Don't tell me, may nangyari sa kweba?"

"Mama! Para kayong teen ager!" angil ko at mabilis na tumayo, ang kaninang tahimik kong  buhay ay ginulo ng sarili kong ina, "tara na sa loob. Nagugutom ako."

"Okay, I ask Aries nalang pag nakita ko s'ya. I'm curious about it. Siguro naman ay hindi nya tatangihan si tita Maltilde," she mocked.

"Fine! Second base mama! Happy?"

Her curiosity can kill her, at gagawin niya ang lahat para malaman kung ano iyon. Pag katapos ko iyong sabihin sa kanya ay mabilis ko nang tinahaka ang aking kwarto.

I can believed na may nanay akong ganoon. Paniguradong sobrang lakas ng tawa niya kung saan ko s'ya iniwan.

"Hey, I don't bring some of my clothes." bungad sa akin ni Max pag pasok ko ng kwarto.

He was checking his things, kagabi n'ya pa iyon natapos at sempre tinulungan ko sya. Marahil ay may inalis s'yang ibang bagay dahil may mga nabili rin naman s'ya habang andito sa amin.

"Why?"

"Tita, wants me to bring this delicacies," sabi niya sabay taas ng ilang pagkain.

May dried mangoes, tilbok at kape at kung ano ano pa. Na sikat rito sa aming bayan. Bibinabalot niya iyon sa masking tape bago binigayan sa isang damit. Siguro ay para hindi mapansin sa airport.

"Si mama talaga."

"Oh bakit parang naiinis ka sa mama mo?"

"Nothing," I said, "Are you sure na sasabay ka na sa kanila. Pwede ka pang magtagal."

"I wish I can. Madami pa akong gagawin, Tisha." sabi niya habang sinasaraduhan ang kanyang bag pack.

"Anyways, wag kang papatatalo doon kay Teri. Hindi talaga ako kampante sa kanya. I know na alam mo ang sinasabi ko. You're too kind, kahit minsan ay ayaw mong ipakita pero 'yon ang totoo. Kaya naman alam kong papalampasin mo lang lahat ng gagawin n'ya. And isa pa, humingi ka ng tawad kay Aries, hindi man kayo magkabalikan o maging maayos, he deserve an apology. Please, let go of the past, Tisha."

Parang de'javu. Nangyari lang ito kanina. Having the same conversation with Max. O ako lang ang nagiisip noon?

"I will, thanks."

"If may problema, wag kang mag dalawang isip na tawagan ako, okay?"

"Of course. I will miss you Max."

Nang sumapit ang oras ng kanilang pag alis. Mahaba ang naging byahe. Hindi ko na ginamit ang kotse ko, kay mang Kanor nalang ako sasabay pa uwi. Hinatid muna namin si Max sa airport tapos ay sumama muna ako kina mama sa bahay, nag dinner muna kami bago kami nag pasya ni mang Kanor na umuwi. Sempre kasama rin namin si papa, kaya naman ang kaninang maingay na kotse noong papaalis ay biglang nalungkot at naging awkward.

"Mang Kanor, kung inaantok po kayo sabihin n'yo po, ako ang mag didrive."

"Naku, wag na ho. Nakakahiya naman ho sa iyon."

"Mang Kanor, kung maaksident po tayo dahil nahihiya kayo ay mas nakakatakot po."

"Sige po ma'am sasabihin ko kung inaantok ako."

Ngumiti lang ako kay mang Kanor bago bumaling sa ibang direksyon. Unti unti nang nawawala ang presensya ng magulong syudad. Kung pwede lang na dito nalang din ako. Kung pwede lang na sumama ako kina mama. Noong bumalik kasi kami dito ay mas gusto lang ni mama na sa maynila tumigil, para na rin mailayo si Lean sa magulong mundo ni papa. Kahit ako ay hindi ko kalabanin na maranasan ni Lean ang mga naranasan ko. Mas gugustuhin kong malayo s'ya kaysa masaktan. Hindi n'ya kasi ganong maintindihan ang mag nangyari sa Aguinaldo. Maraming gulo ang nangyayari doon ngayon. Kaya nga si Aria ay napalitan din umalis, naging biktima rin s'ya ng mapanglinlang na kagandahan ng Aguinaldo.

Tumingil kami saglit, pag tapos mag paalam ni mang Kanor na magpapapalit lang s'ya saglit. Actually kanina ko pa gustong mag drive. Gusto kong makaalis sa tabi ng natutulog kong ama. Alam kong kinausap na ako ni mama tungkol rito pero hindi ko pa rin talaga alam kung saan ko sisimulan.

"Pasensya na po," nahihiyang sabi niya sa akin.

"Okay lang po, sige na po matulog na kayo."

Pagkasabi ko noon ay minaneobra ko na ang sasakyan. Hinayaan kong lamunin ng daan ang aking isipan.

Nakakapagod na rin isipin kung paano ako magpapatawad. Kung kaya ko bang talaga hindi na magtago. Gusto ko na rin makaramdam ng saya at kapayapaan. Kung talaga hindi ako nag bago. Kaya ko bang ibalik ulit ito? Kahit wala na si Aries.

Sino ba sa amin ang talagang nag bago?

Ako ba?

O siya?

O baka kami?

O baka... ang mundo na mismo? Hindi na ako ang mundo n'ya. Hindi na rin s'ya ang akin.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top