Kabanata 12

Kabanata 12

Masaya

Ngumiti sa akin si Trigger kaya ngumiti rin ako pabalik. Mag-iisang taon na simula 'nung niloko niya ako pero bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin 'yung sugat? Ramdam ko pa rin ang sakit?

"Nakasimangot ka nanaman. Smile, please..." nagpa-cute siya sa harapan ko kaya natawa ako.

Mukha namang napanatag siya sa tawa ko kaya bumalik na siya sa kaniyang cellphone para tumawag. Muli kong naramdaman ang lungkot. Bumuntong hininga ako.

Bakit parang hindi na ako masaya?

"Okay, I'm on my way..."

Nagmamadali niyang kinuha ang business coat saka sumilip sa kaniyang wrist watch. Humarap siya sa salamin at inayos ang kaniyang neck tie. Nang hindi niya maayos iyon ay nakasimangot siyang humarap sa akin.

Lumapit ako para tulungan siya. Naramdaman ko ang titig niya sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin. Hahalikan sana niya ako pero mabilis akong naka-iwas.

"Male-late ka na..." ngumiti ako.

Alam kong nararamdaman niya ang pagiging cold ko sa kaniya. Wala naman siyang sinasabi dahil alam niya ang kasalanang ginawa niya.

Akala ko 'nung tinanggap ko siya ay babalik kami sa dati. Akala ko magiging masaya ulit kami. Pero bakit ganun? Kabaliktaran lahat ang nangyayari.

Umalis sila ng bahay nang bandang alas otso nang umaga. Kaming dalawa lang ni Elora ang naiwan sa bahay. Isang taon na siya at masasabi kong healthy siya dahil hindi na muli siya dinapuan nang sakit.

Tumunog ang telepono kaya mabilis akong pumunta sa sala habang hawak si Elora. Nakatali pataas ang buhok ko dahil katatapos ko pa lamang magluto nang lunch.

"Nanay, wala pa si Tatay!" Bungad ni Rain nang sagutin ko ang tawag niya.

"Baka na-traffic lang, hintayin niyo nalang si Tatay dahil hindi ko kayo masusundo..."

"Pero Nanay, isang oras na ho kaming naghihintay kay Tatay! Wala na nga pong tao dito sa school, eh."

Kapag ganitong oras, umaalis si Trigger sa opisina niya upang sunduin ang mga bata. Kaya nakakapagtaka nga na wala si Trigger. Hindi ko rin namalayan na alas dose na pala.

"After five minutes, kapag wala pa si Tatay, tawagan niyo ulit ako, ha?"

Kinontak ko si Hayme para tanungin kung busy siya para siya na muna ang sumundo sa mga bata.

"Sige, ate. Susunduin ko rin si Wind..."

Kinabahan ako nang five minutes ay tumawag ulit si Rain para sabihing walang Trigger ang dumating para sunduin sila. Pumunta na roon si Hayme.

Nasaan ba si Trigger?

Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya. Nung una ay nag-ri-ring pa at nagulat ako nang biglang in-off ang cellphone. Sinubukan ko ulit kaso nakapatay na. Tinawagan ko ang secretary niya.

"Gens, nandyan ba si Trigger?"

"Ay Ma'am, kanina pa ho umalis. Buong araw nga daw ho yata siya mawawala..."

Buong araw siyang wala sa kompanya nila? Kung ganun, nasaan siya?

Ayaw kong mag-isip ng iba ngunit hindi ko maiwasan. Kung nagawa na niya ng ilang beses, magagawa niya ulit.

Buong araw ay wala akong inisip kundi si Trigger lang. Nagaalala na ako sa kaniya dahil hindi naman siya nawawala bigla. Kinagat ko ang labi ko. Natatakot akong iwan niya ulit kami.

"Dylan, kasama mo ba si Trigger?" Hindi na ako nakatiis, tinawagan ko na sila.

"Hindi. Kasama ko si Seulgi ngayon. Bakit, hindi ba umuwi?"

"Wala pa, eh. Pero baka pauwi na rin iyon..."

Sinubukan kong tawagan si Jigger ngunit nasa opisina naman siya. Lahat na yata ay nakontak ko na pero wala silang kasamang Trigger.

Pinagmasdan ko ang kaisa-isang numero na natitira sa contacts ko. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba o huwag nalang. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos kong pindutin ang call.

Ilang ring lamang ay sinagot na niya agad. Hindi muna siya nagsalita pero alam kong alam niyang ako ito.

"K-kasama mo ba si Trigger?" Lumunok ako.

Hindi ko alam kung kakayanin ko bang malaman kung magkasama nga sila. Bakit nga ba iyon ang tinanong ko? At bakit nga ba sa kaniya ako nagtanong?

"Oh, Irene!" Humalakhak siya, "Hinahanap mo sa akin si Trigger? Alam mo talagang sa akin siya pupunta kapag nawala siya sa bahay niyo, ah?"

Pumikit ako, "Sagutin mo nalang ang tanong ko!"

"Ikaw ang nagtatanong tapos ikaw pa ang magagalit?" Sarkastiko niyang sabi.

Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit sa kaniya ako nagtanong. Talagang iinsultuhin ako neto dahil nagdududa ako kay Trigger.

"Pero sad to say, hindi ko siya kasama ngayon." Tumawa siya.

Pagkasabi niya nun ay pinatay ko na ang tawag. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay tumakbo ako ng malayo dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ako sa past. Hindi na healthy ang ganito. Tuwing late umuuwi si Trigger ay iniisip kong kay Ales siya pumupunta.

Lagi nalang si Ales! Kahit ilang beses na niyang sinabi na loyal siya sa akin at mahal na mahal niya ako.

"Goodnight, Nanay!" Hinalikan ako ni Rain at Kean bago pumunta sa kanilang kwarto.

Nilapag ko naman si Elora sa kaniyang crib at sinubukan nanamang tawagan si Trigger ngunit wala talaga. Hindi ako nakatulog sa kakaisip.

Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya pero ang mas iniisip ko ay baka may iba siyang kasama.

Shit! Kahit ako ay naiinis na rin sa ugali ko. Ayaw kong magduda pero iyon talaga ang pumapasok sa isip ko. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Sarili ko lang din ang nananakit sa akin.

Narinig ko ang pagbukas nang pinto kaya mabilis akong bumangon. Humarap ako sa pinto para hintayin siyang pumasok at sermunan. Lalo akong nainis nang maamoy ko ang alak sa kaniya.

"Nagagawa mo pa talagang mag-inom kahit na may asawa't anak ka na naghihintay sa bahay?" Sarkastiko kong sabi.

Akala ko ay masisindak siya ngunit hindi niya iyon pinansin. Nagsimula na siyang maghubad ng damit niya at tanging boxer lamang ang tinira.

"Trigger!" Sigaw ko nang humiga na siya sa kama.

"Irene, bukas nalang tayo magusap..."

"Bukas? Trigger, halos mabaliw ako sa kakahanap sa iyo tapos iyon pala naginom ka lang? Kung sinu-sino ang tinawagan ko pero walang Trigger! Pati cellphone mo, hindi mo sinasagot."

Huminga ako ng malalim dahil sa inis. Lumunok ako dahil pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.

"Siguro may babae ka?"

Mabilis siyang nagmulat ng mata, "Ganyan naman lagi ang iniisip mo sa akin. Laging may babae..."

"Bakit, hindi ba? Anong tawag mo noon kay Ales? Ha?"

Inis na bumangon siya. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Ginulo niya ang kaniyang buhok dahil sa frustration.

"Ang tagal na 'nun, Irene! Isang taon na akong nagdudusa sa lamig ng trato mo sa akin. Sabihin mo nga, masaya ka pa ba? Kasi hindi ko na nakikita ang dating Irene sa iyo. Nagbago ka na."

Iyan din ang tanong ko sa sarili ko. Masaya pa ba ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top