Chapter 03
Chapter Three
Sabay Lalabas
"I don't even understand what he said," wika 'ko sabay higop sa inumin na in-order 'ko. Luther shrugged his shoulders and stared at me.
"Ilang taon na ba kayong magkaklase ni Charles?" napairap ako at bumuntong hininga bago sumagot.
"Simula pa elementary."
Simula elementary ay classmate 'ko na si Charles. Grade one? Yes, grade one pa lamang talaga kami ay naging kaklase 'ko na iyan. Noong una ay hindi 'ko alam kung bakit siya napunta sa section A samantalang napakakulit at napakapasaway niyang si Charles.
When grade three came, lalong tumigas ang ulo niyan and still section a pa din siya. I wonder why, kaso tumigil ako noong nalaman 'kong kasingyaman niya pala ang pamilya 'ko. Yun pala ay lumabas na din ang tunay na kulay ni Charles, sobrang talino niya pala. Natatapatan niya ako at yun ang nakakainis. When grade five came, naalala 'ko pa ang sinabi sa akin ni Sir. Rob na nakahanap na daw ako ng katapat at ng makakatalo sa'kin sa lahat ng subjects at doon ako pinakanainis.
Grade six, naging seryoso na ang lahat para sa akin. Aral dito, aral doon, basa diyaan, basa doon. Wala akong ibang pinagtuunan ng pansin dahil mas importante sa akin ang makapagtapos at makagraduate ng grade six ng maraming awards, gustong-gusto 'ko na maging proud sa akin yung mga magulang 'ko.
Naging kaklase 'ko si Charles, lahat naman ng naging grade at section 'ko ay naandoon din siya. Hindi 'ko alam kung bakit hindi man lang kami pinaghiwalay, kahit isang beses lang para sa isang buong taon naman ay naging tahimik sana ang buhay estudyante 'ko noon.
Lahat ng events, lahat ng kaganapan sa buhay 'ko ay naandoon si Charles. I remembered my seventh birthday, syempre kapag seventh birthday ay dapat special hindi ba? Yun ang sinasabi ng lahat. Syempre, sa seventh birthday 'ko ay inimbita ng parents 'ko ang buong klase 'ko pati na ang iba sa mga teachers 'ko noon.
Nagpunta silang lahat sa bahay, witnessing how I turned seven. Si Jessica, si Charles, si Amanda, at si Tyzer. Sila- sila yung pinakamatatalik na kaibigan 'ko noon sa klase kasama na si Yuan na kapitbahay at kababata 'ko rin.
Binigyan ako ni Charles ng regalo non eh, sinadya niya talaga ako sa kwarto 'ko non para lang ibigay yung maganda daw niyang regalo para sa akin. Tuwang- tuwa ako noon dahil personal niyang ibinigay sa'kin yun, set aside na muna yung inis 'ko dahil natatalo niya ako sa academics paminsan.
Matutuwa na sana talaga ako, nang sinabi niyang open it ay ginawa 'ko naman. My eyes widened that time, gumapang agad sa kamay 'ko ang isang mabalahibo at ang isang malaking gagamba. Agad na nagtubig ang aking mga mata bago ibinato sa kanya ang box at pilit na tinatanggal ang tarantula sa katawan 'ko, narinig 'ko pa ang sobrang lakas na paghalakhak niya dahil na nga rin sa itsura 'ko.
Success. 'Yon siguro ang nasa isip niya.
Pinagalitan siya nila mommy noon, pati na nila tita. Nakatayo ako sa kanyang harapan habang pinapakinggan ang sinasabi nila tita na sobrang tigas na daw ng kanyang ulo, which is sobrang totoo naman. He was just glaring at me, blaming me kung bakit siya napagalitan. I hated Charles, I hated him so much.
No, scratch that. I hate him until now.
Hindi 'ko alam kung bakit kailangan 'ko pang makilala ang isang Charles Ivan Montero, kung pwede namang ibang tao na lang. Yung hindi ako bubwisitin, yung hindi sasagabal sa lahat ng bagay na dapat 'kong gawin. Yung hindi ako matatalo.
"Wow, haba na din pala ng pinagsamahan niyo ni Charles. That's great." nakangiting sambit ni Luther sa akin habang hinahalo ang in-order niyang coffee.
"What's so great about that, Luther? Wala naman kasing pinagkasunduan kahit isa. Sinira niya childhood 'ko, he's my living nightmare!" sambit 'ko na medyo may pagka- exaggerated pero totoo naman kasi. Nightmare 'ko si Charles, kahit isang beses nga ay ayokong nakikita ang mukha niyan.
"Makipagkasundo 'ka na kasi, Jan Celine. Lalo ka lang maiinis sa kanya kapag ganyan or better yet, don't mind him. May sari- sarili naman kayong buhay." he chuckled and took a sip on his drink. I cracked my knuckles just below the table.
"Basta, naiinis pa din ako."
Nang matapos kaming mag-date ni Luther ay agad din kaming umuwi. Luther gave me a ride before heading home. He told me to enjoy the party that I'm going to pero paano 'ko magagawa iyon kung naandon si Charles? I hate it. I hate this, I hate it that he caught my attention. I hate it that I can't get him off of my mind, nakakainis lang.
Ang pangit niya.
"Oh, aren't you going to the party? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Dad asked me when he saw me in the living room. Hinalikan 'ko siya sa pisngi bago bumuntong hininga.
"Yes, dad. I'm going to the party, magpapahinga lang po ng saglit." magalang 'kong sagot bago aakyat na sana nang marinig 'ko na namang magtanong si daddy.
"May problema ba kayo ni Luther?" tanong nito.
Ngumiti ako bago humarap sa kanya, "Wala po kaming problema, dad. I'm just really tired." matipid 'kong sagot bago tumango at umakyat papunta sa aking kwarto.
Pagkabukas na pagkabukas 'ko ng pintuan ng kwarto ay tumambad sa'kin ang malaking kama na may magulong bed sheet. Napairap na lamang ako, nakalimutan 'kong ayusin kanina. Umupo ako sa dulo ng kama bago kinuha ang aking phone, I texted Luther.
Ako:
I don't think I can go to the party. Feeling 'ko pagod na pagod ako eh.
After a few minutes, my phone beeped and Luther's name flashed on the screen, he replied.
Luther:
Why? Sayang naman ang effort mo doon pero kung pagod ka talaga, then rest. I'll be going there tomorrow.
Napanguso ako dahil sa reply niya. Ayaw niya bang pumunta dito ngayon?
Ako:
Hindi ba pwedeng ngayon ka na lang pumunta? Please?
Tuluyan akong humiga sa kama, my back comfortably lying on the bed. Ah, ang sarap sa pakiramdam ng ganito.
Luther:
Sorry baby, I have something to do right now. Babawi ako sa'yo, bukas I promise. I miss you, I love you. :*
Ako:
Okay, I understand. I love you too.
I closed my eyes for fifteen minutes, malapit na akong makatulog when my phone rang nonstop. Nakasimangot akong dumilat at kinuha ang phone 'ko sa aking gilid and answered the call.
"Hello?" antok 'kong wika.
"Did I wake you up, miss president?" bahagya akong napadilat sa narinig 'kong boses. It's a bit familiar pero hindi 'ko lang talaga malaman kung kaninong boses ito.
"Who are you? And yes, you woke me up." umiirap 'kong sagot sa kanyang tanong mula sa kabilang linya.
"This is Charles and yes, I'm glad I woke you up. Go downstairs and prepare, pupunta na tayo sa party na ikaw mismo ang nag-organize." matigas na wika nito mula sa kabilang linya.
Sino daw? Sino? Wait, Charles? Agad akong napabangon habang hawak- hawak ang phone 'ko na siya namang nakadikit sa aking kaliwang tainga.
"How did you get my number?" iritable 'kong tanong. I massage my temples, gising na gising na ako dahil sa narinig 'ko.
"Sources. Akala ko ba matalino ka?' tatawa- tawa niyang sagot.
I rolled my eyes, "Shut up."
"I'll shut up if you go downstairs and pupunta na tayo sa party. Huwag mong sayangin ang effort mo, miss president. Huwag mo ding sayangin ang effort ng student council officers." feeling bayaning wika nito.
"As if. Baka gusto mong sabihin na huwag sayangin ang effort mo eh samantalang wala ka namang ginawa to help me and the other student council members to organize the party." ani 'ko saka tumayo at kumuha ng damit sa closet.
"I can hear the sounds of your closet opening at ang tunog ng mga hinahawing nakahanger na damit. Are you gonna go down already?" Oh please, I can feel Charles smirking through the other line. I rolled my eyes at the thought, nakakaimbyerna talaga.
"Oo na." wika 'ko saka pinatayan siya ng tawag. Wala pang ilang saglit ay nagvibrate naman ang phone 'ko. Ugh, onti na lang talaga ay mababato 'ko na ito dahil sa inis sa kanya.
It was a text from him.
Charles:
Bilisan mo. Sayang kagwapuhan 'ko sa paghihintay sa'yo sa sarili mong bahay. Napakabagal mo kumilos, Celine.
Napakunot noo ako. I typed my reply and send it to him.
Ako:
Don't call me Celine.
Charles:
I'll call you whatever I want and I want to call you, Celine.
Ako:
I hate you.
Charles:
Likewise.
Tinapon 'ko ang phone 'ko sa kama bago nagbihis. As I went out of the bathroom, I'm feeling more and more uncomfortable. Alam 'ko kasing nandyan si Charles at sa tuwing naandyan siya sa paligid 'ko ay talaga namang naaalibadbaran ako.
Humarap ako sa salamin, a denim rompers and a rubber shoes. Sinimplihan 'ko na lamang ang susuotin 'ko. I don't need to be formal and hindi 'ko din kailangang maging elegante, ako naman ang magiging host ng party and I can wear whatever I want. Hell to their opinions, tinatamad na din naman akong pumunta.
Dahil lang sa isang demonyito na nagngangalang Charles ang nagpupumilit sa'kin and for him to stop, pupunta na lamang ako.
I braided my hair and tie it all together with some strands left on the front, game of thrones inspired. Matagal 'ko na kasing gustong gawin ang hairstyle na 'yon. I quickly jog downstairs. Nakita 'ko si Charles na prenteng nakaupo sa couch at nakiki-wifi.
Ang kapal talaga ng mukha.
"Hey!" singhal 'ko.
"Celine!" kumindat pa ito bago lumapit sa akin.
Nakatayo ako sa pangatlong level ng hadgan habang siya naman ay nakaapak ang isang paa sa unang level habang nakatingala sa akin. Titig na titig ang mga mata niya sa akin. Nakakunot ang aking noo, ano na naman bang iniisip ng isang 'to? Jerk.
He twitched his lips, "Tara na. Sabay tayong lalabas, naghihintay yung girlfriend 'ko sa labas."
Wow. Ang kapal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top