PROLOGUE

"And this, is my late break-up gift to you!"

Humigpit ang hawak ni Jude sa braso ko habang humihiwa na kami sa tiyan ng crowd. This is where we struggle the most. Dahil dito ang pinakamahigpit ang siksikan upang makalapit sa stage at makasandal sa barricade. In my nth experience on being one of the crowd, I am no rookie. 

Strange on how I am here with my ex-boyfriend. And I could even justify the strangeness on the mere fact that he is...gay.

"My feminine soul seduced this man body. They mated at ako ang resulta."

I stared at him agape. Nag-uunahan ang gulat at aliw na rumehistro sa utak ko. Nothing could top this weird break-up in my few lists of break up history. Kung ang iba'y mahirap kinalimutan ito dahil sa nasaktan sila. Well, exclude me in the heartbreak bandwagon.

"B-but Jude...we kissed. You kissed me." I sounded so helpless. Pero dahil lang ito sa hindi talaga ako makapaniwala. Gusto kong i-deny ang araw na ito. No.Today doesn't exist at all!

Umismid siya, hindi ko alam kung saan mas papanig ang indikasyon doon. Kung nandiri siyang hinalikan ako o dahil dumikit ang labi niya sa isang babae at pinagsisihan niya.

Namimilipit siya habang nilalaro ang kanyang kamay. Para bang mahirap sa kanyang aminin ito. I gotta commend him for his bravery. Pero bakit ngayon lang? Bakit hinintay pa niyang magkaroon kami ng relasyon bago aminin na kasapi pala siya sa ibang liga? Na iisa lang ang preference namin? Boys. Guys. Men. Straight.

"Doon ko na-realize na hindi ko type ang girls."

There! I got my answer.

"Bakit ako?"

Nag-iwas siya saka muling umismid at nagkibit. Bakla nga talaga.

"I don't know. You're pretty?" Mukhang hindi siya sigurado. Am I pretty?

"Did you use me as a beard for your real sexuality?"

"No!" agap niyang tanggi kasabay ang iling. "Confused lang talaga ako ng mga panahong iyon. Then...the kiss happened at hindi ako nakatulog. Feel ko may mali. So before the worst could happen, ito na. We're here." Maarte niyang muwestra sa aming dalawa.

Binalikan ko ang mga araw na magkasama kami at ang mga napansin ko sa kanya. I overlooked his hand gestures that somehow pointed dots of doubt in my certainties.

But I ignore them. All of them. Nilagpasan sila ng mga mata ko kahit mga senyales na mismo ang kumakaway at nagpapansin sa akin.

And I didn't ask for a confirmation but that alone introduced itself to me right now.

"Oh my God..." Lumipad ang kamay ko sa aking bibig.

Kita ko ang pumaraan na sakit at pagsisisi sa mga mata niya at hinila ang mga ito sa sapatos ko.

"I'm sorry. Am I hurting you? Sorry, I just..."

"Hurt me? Hell, Jude! I am shocked!" I exclaimed. "Ang saya ko pa na hindi ka tumitingin sa ibang babae. Iyon pala mga lalaki ang tinitignan mo."

Taon din ang lumipas bago ako nasanay sa kanya. And I surprisingly wasn't even a bit hurt. During our relationship para namang hindi kami. We were more like barkadas. He was more of like a best friend rather than a boyfriend. Now I know why.

The kiss though. Yet, it was only a one-off peck in the lips.

Isang  bundol galing sa namimilipit na babae ang nagpalaya sa akin sa alaala. Agad akong kumapit sa braso ni Jude saka tumingkayad upang tanawin ang stage. We're almost there!

Pasikip nang pasikip ang daanan. Sweat clings to every thing with  skin and pores. Excited murmurs, giggles from teenage girls and innuendos from adult ones are mixed ingredients in my ears cooking a recipe of jealousy and pride.

Tumingala ako, sandaling nakalanghap ng sariwang hangin. Natatakpan man ng mataas na ceiling, I know it's a clear cloudless sky out there, an igniting evidence that the band's going to rock the night. And witnessing the sea of crowd, this is lightyears away compared to how they started from bars and school gigs.

Kaya nga siguro ito tinatawag na hindi mahulugang karayom. Heck! Masasalo ng mga ulo rito ang kaliit-liitang bagay na mahuhulog!

Isang hila ni Jude ay maginhawa kaming nakawala sa sikip at sumandal sa barricade. Dinampian ko ng panyo ang kumiliting pawis sa sentido at batok ko.  Heat prickled in every open pore in my body. Kung bakit pa kasi ako nagsuot ng isa pang top sa loob ng band shirt ko!

"Oh my God we're finally here!" Malanding pumalakpak si Jude kasabay ang talon at hagikhik. Sumunod ang tuwa ng mga kababaihang nakarinig sa kanya. They're wearing same band shirt from what was sold at the merch stall.

I made a head to toe trip of Jude's fashion sense. Magkasing ikli kami ng denim shorts at siya pa itong mas nagpakitang gilas na mag tank top! Bruha.

I still can't believe my ex is gay. Good thing we ended up being good friends. With his slightly chinito eyes, innocent black hair na hanggang batok, a friendly look in its totality, no one would dare accuse him of ever planting a bitterness bomb.

Sa tunog ng plugged amplifier ay hinila nito ang atensyon ko sa stage. A spark of nervous energy raided me. Ang halong init at lamig sa palad ni Jude nang hinawakan ang braso ko upang ako'y alugin ay nagpapahiwatig sa aking magsisimula na. 

I have to take a deep breath just to remind myself that I still have my functioning lungs. Hinahamon ako ng sariling puso sa isang karera ng takbuhan.

Galing sa kalmadong bulungan ay bigla na lang sumiklab ang mga tili at hiyaw sa paglabas ni Skylar. Chewing a gum, she tucked herself beihind the drums. Her side-shaved hair and pink and purple ombre locks are mostly all the rage among teens.

Sa isang kamay ay pinaikot-ikot niya ang drumstick sa kanyang mga daliri saka inangat bilang pagbati sa crowd. That earned another excited scream.

Dumoble ang ingay sa sunod na paglabas ni Cashiel. A series of high fives from people at the other side of the spectrum was his way of welcome saka niya kinuha ang gitara mula sa stand at sinuot ang strap.

He made conversations to the women infront. Tumatango ito at nakipag high five na naman, mukhang sinangayunan ang paghihingi nila ng setlist. He's the most interactive among the members.

Sa kalagitnaan ng patuloy niyang interaction ay lumabas si Wilmer. Pinasidahan nito ang medyo magulong buhok habang nakayuko. Tuluyan na akong nabingi sa tilian at halos maanod sa kabilang barricade sa nagtatalunang mga babae. Hinawakan ko ang sariling tenga, just to check kung may tenga pa ba ako!

Calm your tits, ladies!

Nilingon ko si Jude na sobrang taas ng talon at tila humaba ng ilang dangkal ang braso upang maabot ang crush niya.

"Wilmer, babe! Napatupad na ang same sex marriage so come here and marry me!"

The always enigmatic Wilmer only half-smiled while he's busy adjusting the strap of his bass guitar. At least, that's enough acknowledegment from him. Tuwang-tuwa na si Jude niyan.

"Siya na ang susunod! Shet!"

Hindi pa man lumabas ang pinaka inaabangan ng lahat ay nag-react na ang mga nasa likod ko. Kahit ako rin naman. My head is screaming for his name. Hindi lang mga mata ko ang sabik na makita siya. My heart has been unadulteratedly desperate for years.

The cacophony of screams could split my head into two as a shadow moved backstage. Rumesulta ng pagpikit ang panghahapdi ng aking tenga sa nakakabinging mga sigaw tila gusto pa nilang bagsakan kami ng mga konkreto ng arena. I'm quite expecting for a falling debris anytime from now.

Kahit saan ako mabundol ay ibubundol rin ako sa isa pang nagwawalang haligi na katawan. There's no safe place but on my still ground. Every space is filled with revved up fangirls and guys.

I thought I'm already used to this, but being here? I proved myself wrong. This whole experience is foreign to me. Overwhelming, in fact. Kahit hindi naman ito ang unang beses kong napanood sila. I had even watched their rehearsals, which by the way are still being mobbed by a bevy of screaming girls and fans. Pero siguro dahil nasa bigating show na sila ay ito ang nakakapagpanibago sa akin.

Sa likod ko at sa gilid ay kumakapit na sa isa't isa ang mga kababaihan at nagsabayang tili ng, "Oh my God! Oh my God! Nandiyan na siya!"

On default, suspended into the air are posters and sign boards with their proclamation of love for the band and for each member. Even marriage proposals are scribed in colorful inks.

Hindi nagtagal ay tuluyan ko nang tinakpan ang tenga ko. Pinirmi ko ang sarili sa kinatatayuan sa pag-alog sa akin ng tumitili na ring si Jude at talon ng mga tao sa paligid. Their sweating skin rubbed against mine and that's enough to send me jumping, para lang makalanghap ng hangin ang katawan ko.

Armored with confidence and arrogance without even trying, his long muscled jean clad legs sauntered on the stage under the blinking mercy of blue and white lights. Wearing his prominent lazy crooked smile, nag isang kaway siya sa mga tao. Gamit ang parehong kama'y pinadaan ito sa kanyang buhok bago may binunot sa bulsa sa likod ng jeans at binalabal sa kanyang ulo.

A red bandana wrapped around his head making his sandy brown hair reach for the light source on the ceiling. His black Rolling Stones muscle shirt exposed his lean and defined arms alongside his famed equals sign tattoo.

Napangisi ako sa nangyayaring kabaliwan sa paligid ko. So, what? I'm crazy myself!

An appearance of sweat caked on his roughness added to the impact on the masses. Kahit kailan ay hindi ko pinagdududahan ang mararating nila. They deserve this.

And of course, his capability to seduce the public by just his...everything. From looks to voice to talent.

Nilingon niya si Wilmer, hindi makapaniwala itong ngumisi na para bang hindi sanay sa pagtanggap sa kanila ng mga tao. Na parang first time niya lang maambunan ng ganitong treatment galing sa mga tagahanga. Malayo man sa mic ay narinig namin ang magaspang niyang tawa.

Of course. Who would ever be not attracted to that whiskey-filled rasp that he is known for and loved by many? Hearing it is like drinking the liquid sending shivers to every nerve weakening even the tiniest bones. The whiskey effect.

May narinig pa akong umungol sa kabilang gilid tila nasarapan sa iniinom niyang boses. The voice quenched my thirst, too. Can't really blame you, girl.

"Ang sarap kidnapin gusto ko nang iuwi sa bahay." Rinig kong sambit ng nasa likod ko.

"Fuck! Ang hot niya, tangina."

Isinigaw pa iyon.

May sinenyas siya kay Wilmer habang inaadjust ang height ng mic stand.

Then and there my eyes began to trace his strong and masculine jawline, so sharp that it stabs me a sword of longing. I used to trace that with my fingers. I used to rub my cheek on that marvelous roughness.

Damn, I could still feel it in the heat of my palms!

Mainit ang hininga ni Jude nang nilapit ang bibig sa tenga ko. "Ngayon ko pinagpasalamat na hindi gumamit ng condom ang mga magulang niya. Because holy shit, Ruth! I never thought he is this god-like in person!"

Tipid lamang akong napangiti sa kanyang sentimiyento. I guess they have to see it for themselves. Kulang ang paglalarawan lang. You should see him to believe because no adjective could fair to what he really looks like. Wala pang naimbentong pang-uri para sa kanya. He is the adjective himself.

Anyway, let's just settle on god-like and sexy.

Like that crooked smile that could ignite anyone with just a glance. His presencre alone is enough to send me shivers. Deep-set and intense hazel green eyes set on his androgynous angled face warrants an undivided attention. Hihilain ka nito para sa kanya lang ang magiging atensiyon mo. One look. You're hooked.

'You are mine'

That's what the look implies to every person his eyes would land on. He does it without effort.

Patuloy siya sa pagtanaw sa dagat ng mga taong hindi pa nakakalma. Tiningala ko ang nakataas na tab ni Jude na kinukuhanan siya ng video at picture.

He is never shy. He is always the entertainer. Binabasa niya yata ang mga sign boards na nakataas tila mga senyales ito ng daungan dito sa dagat ng mga tao. At kami'y mga isdang naghihintay na hulihin ng paningin niya. Puro mga nakanganga, naghihingalo, atat uminom sa boses niya at handa nang languyin ang kanilang musika.

Bawat isa sa amin ay binibendesyunan ng kanyang mga mata. My breath hitched. I think the rest of the woman felt that, too.

Ramdam ko ang pag-angat ng aking kaluluwa lalo na nang papunta rito sa dako ko ang paningin niya. Nanayo ang balahibo ko!

Agad akong yumuko at tinago ang ulo sa braso ni Jude. The incessant howling crowd and my raging heartbeat teamed up to seclude me inside my fear. Humihingal ako habang sinisilip ang combat boots niyang nakapatong sa isa sa mga speakers.

"I brought you here to see him, Ruth," bulong ni Jude.

Umiling ako. "Mamaya na. Not now. Masira pa iyong concentration niya."

Tinanggap ni Jude ang rason ko sa kanyang pagtango at inakbayan ako. Sabay naming binalikan ang stage.

Nilagitik niya ang mga daliri sa gilid—kay Cashiel—na ang riff ng rhythm guitar ang magpapasimula sa kanta. 

The doubled intensity of the wild crowd is indescribable. Agad naglabasan ang mga smartphones at tabs upang mag-video at kumuha ng litrato. Ilang pa akong itaas ang kamay ko dahil baka matabunan ang video nila. 

My eyes glued only to him. Hindi na ako tumalon sa bigat na dala kong damdamin para sa kanya. Naipon ang mga taon. But still, I perspired. Contributed by the jumping crowd and the released of hot breath from their screams.  Sa mga concert ko lang yata nararamdaman ang kagustuhan kong pagpawisan. This is indeed euphoria! Rock and roll!

Sa chorus ay saka palang ako nakiisa sa mga pagtatalon ng mga tao. With our arms raised up, chanting the lyrics back at them. Humiyaw ako nang tinama na niya ang mga daliri sa keyboard, adding an undertone of lightness to the upbeat, almost-rough harmony.

Tumalon lang si Jude sa gilid ko, humiyaw at hindi kumanta. Nandito lang naman siya para kay Wilmer.

The first three songs were pure rock, upbeat and angst. Walang pause dahil pagkatapos ng isa ay agad sinimulan ang pangalawa na parang magkadugtong lang ang dalawang kanta.

Unti-unti akong huminto habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya. Like I was thrown into a time loop slowing everything down, a series of wonders and questions came along hauling me back from the singing crowd.

Did the memory of how my lips tasted always assaulting you everytime you sweep your tongue on your upper lip?  Would you strip down and show them my inked name on your skin? I am somehow delighted by the fact that I parteke in your personal life.

I may be a no-zone area. I may be a must-not-be-named. But I'm still a part of you. You can never take that away from your history.

I got lost in him as much as how he always gets lost in the song and singing; His teeth gritted at every mention of his favorite intense lyric. He closes his eyes, opens his mouth as the interlude hums along like the tune is pure nirvana.

Passion. That's what music is all about to him.

He was born for that stage. It's always been that way. Parang ang stage pa nga ang naghanda para sa kanya. He's just it for it. He keeps the show on hype. He becomes a different person everytime he performs.

Ika nga nila Cashiel, they won't be The Metaphoricals without him. He's like the motivator of the band. The backbone of the band. But they won't be a band without each one of them.

My sweating hands are itching to reach him and pull him to me. Ngunit alam ko na ang wakas kung gagawin ko iyon. He's not going to involve himself anywhere near me.  That, I'm sure.

But the love doesn't end on just being apart. Love doesn't give a shit on years and distance. He may have cut the rope but I tied both ends with me. His and mine. Always.

Sa kalagitnaan ng set ay nakipag-interact siya sa crowd. At sa mga mabagal na kanta, kung saan kailangan niyang mag-piano, ay pinapangunahan niya ng philosphies in life at motivational words na ikinaiyak pa ng ilan.

Paniguradong sa meet and greet nito mamaya ay uulan na ng luha.

He mentioned their humble beginnings. That, I have witnessed. I was with them through the journey. I was with him.

Bawat patak ng minuto palapit sa gitna ng gabi ay agos ng pangamba ko. He's going to see me. Kaya ko ba? Of course, Ruth. Kailangan kayanin mo! Sasayangin mo lang ang pera ni Jude kung hindi!

Bumalik ako sa pagsabay sa crowd nang halos patapos na ang event. I rather this be enjoyed than worry about what's about to come.

His sexed-up behavior is undeniable up there. Damn it. Where the last two songs are all about giving it to him and getting inside of him. May nag-angat at naghagis ng mga panty at bra nila! Holy hell!

"Kaya pala nagtaas ng sales ang mga panty kanina sa mall dahil maglalaglagan na dito sa concert! Kaloka! May mga suot pa ba sila? Nilalabhan ba nila iyan?" bulalas ni Jude na labis kong ikinatawa.

Walang umalis sa loob ng arena nang matapos. They still scream for more. Hiningi nila ang drumsticks ni Skylar at hindi sila binigo nito. Cashiel gave them the setlist. Galing sa pagkagat nito ay hinagis naman ni Wilmer ang ginamit niyang pick ng gitara na umani muli ng mga tili.

"Kahit laway mo na lang Wilmer okay na!" ani Jude nang bigo nitong masalo ang pick. Nagtawanan ang mga babae sa gilid.

Sinet up na ang stage para sa meet and greet. Lumiwanag na rin ang buong arena at wala na ang dim lights. Dumugtong na kami sa linya kasama ng iba dala ang mga cd's, photobooks at ilan pang mga merchandise upang mapapirmahan. Pansin ko rin ang bitbit nilang mga regalo at ang pag-uusap ng pakikipag selfie nila mamaya sa bawat miyembro.

Fifteen minutes ay bumalik ang mga members sa stage at umupo sa likod ng mahabang mesa. He already took out his bandana, so his signature 'bedroom hair' is bragging itself. May hawak na Sharpies ang bawat isa sa kanila.

Giggles from the end of the line, hitched breaths at the starting one. Yakap ng unang babae ang papipirmahan niyang merch at handang-handa ang kanyang camera para sa selfie.

Umayos ang linya pagkahakbang ng unang babae sa stage. Pinapaypayan ko na ang sarili ko. Wala na nga ako sa siksikan ng mga tao ay ngayon pa ako pangangapusan ng hangin. Cold sweat broke out through my skin.

I watched him high-fiving a nervous jumpy girl na mukhang hindi makabuo niisang salita kaya puro hagikhik na lang ito. Oh, I don't think I could giggle like that once I met with his glare.

Nang mag-ipon sa kabilang side ang mga natapos nang magkakaibigan ay sumiklab ang kanilang tilian at pinakiita ang selfie nito. Nagkukumparahan pa sila ng mga napapirmahang cd's.

"Sinanla mo ba kaluluwa mo sa demonyo para lang makipag-high five siya sa 'yo? Ang hirap kayang magpapansin sa kanya. Ilang prayer vigil pa ang kailangan mong gawin para lang makipag-usap iyon."

Nilingon namin ang isang fan na nagsabi niyon. May ibang sumang-ayon. May ilan na natawa. Siniko ako ng humahagikhik na si Jude.

Nagkibit ang isang kaibigan, hindi pinapakawalan ang pagtitig sa camerang may selfie nila. "Good mood siya ngayon."

Ngumuso ako. I'm sure that good mood won't last long. His attitude is as hard as a wall even positive thinking couldn't get through. 

"Ay, sasabihin kong birthday ko ngayon para halikan niya ako," sabi ng isa pang fan.

"Paano kung hingan ka ng id?"

"Sasabihin kong menor de edad pa ako."

Nagpigil kami ni Jude ng tawa. Sa suot ng babae na high waist shorts, crop top, kupas na blonde na buhok at red shining lipstick, hinding-hindi siya pagkakamalanag menor de edad! Hell! She even looks older than me!

Gumalaw ang linya. It's almost our turn. Tahimik akong kumakapit sa dulo ng shirt ko. Hindi ko alam kung bakit nagsuot pa ako ng bustier midriff top sa loob nito. I almost forgot the purpose of the skimpy clothing.

Until Jude reminded me. Dahil ideya niya naman ito!

"Your flirting skills needs more work, Ruthzielle. Take off your shirt," he demanded.

"Wha—"

Tinalo ang tanong ko ng bilis ng paghubad ni Jude sa aking shirt. Tawa ang sinukli niya sa sapak na binigay ko dahil sa rahas ng kanyang pagkakahubad. Pinagtitinginan pa kami sa ginawa niya!  Nakakahiya! Dito pa niya ako hinubaran!

Inayos ko ang maalon kong brown na buhok at hanggang baywang na nagulo sa ginawang kilos. Sinilid naman ni Jude ang shirt ko sa bag na sadya niyang hinanda para rito.

May sumipol sa kabilang dako. "Ang sexy mo ate!"

Hindi ko sila pinansin at inayos na lang ang dulo ng maikling top kita ang pusod ko. And...my cleavage as well. Damn, Jude. Nagawa pa niyang ngitian ang sumipol sa akin. Nagtawag pa siya ng reinforcement galing sa mga nakapila at hiningi ang pagsang-ayon ng mga ito sa sexy'ng ayos ko.

This is what happens if you have the same interest with someone. You encounter sudden and unexpected friendships lalo na't iisa lang naman ang hinahangaan niyo.

Huminga ako ng malalim at halos mapapikit. I don't think this is a good idea.

"Make him sign here, above your breast." Turo ni Jude doon.

"What?!" I don't think...

Maarte niyang pinaikot ang mga mata. "Ruth, darling. Naunahan pa kitang makasampung boyfriend dahil stuck ka pa rin sa lalakeng iyan. Make a damn move, girl!"

Wala na ba ibang damn move? Ito na lang ba talaga?

Tinaasan niya ako ng kilay. That slight gesture leaves no space for resistance. Panigurado rin namang hindi niya ako palalabasin dito kung hindi ko gagawin ang sinabi niya. 

Nang kami na ang aakyat sa stage ay nauna si Jude. Nilubos lubos na niya at hinalikan si Wilmer na mukhang gusto nang magbanyo kaya tinawanan siya nang todo ni Cash.

I shook my hands. Ngunit mas nanlamig pa ito lalo. Lumingon siya rito upang abangan ang susunod na lalapit kaya tumalikod ako at pinauna muna ang babaeng sunod sa akin sa pila.

"Okay ka lang, girl?" tanong ng isa nang makita ang paghinga ko ng malalim.

Talking about unexpected friendships. I find it weird when people ask me if I'm okay when I've only just met them. Weirder, because of hearing the concern in their voice.

Tipid ko siyang ningitian sa nanginginig na labi. Letting her know I appreciate her concern. Hindi man concern ang kailangan ko kung 'di lakas ng loob at kapal ng mukha, still, that added aid to easing my jumble of nerves.

Nilingon ko si Jude sa baba ng stage. Even his smile is guarded with worry. Nag-angat siya ng thumbs-up sa akin.

"Go girl!" he mouthed.

Bumuga ako ng hangin at tumango. Nanayo na ang balahibo ko. Hindi sapat ang malalim kong hugot ng hangin at pakawala nito. Meron pang nag ipon sa dibdib ko't hindi ako pinapahinga nang maayos.

Am I breathing the wrong way? My lungs are still bloated. Ano ba ang saktong paghinga?

"Next." The girl staff announced.

Shit.

My lip bite made me realize that my lips are numb. My limbs are trembling. Lumala ang pag-angkin sa akin ng lamig nang humakbang na ako. Parang nilisan na ako ng aking kaluluwa at katawan ko na lang ang nage-exist ngayon. My mind's blank. Naging abo ang kaalaman ko sa lahat lalo na ang mag-isip at ang magsalita.

But there's no other way to let go of this but to face him, Ruth.

Unang lumingon si Skylar na agad nanlaki ang mga mata. Oh God. Her shock didn't help a shred.

Hindi ko alam kung ngingitian ko siya. I have no idea of what she felt about me. Awang na bibig ang sinukli niya saka siniko ang katabing si Cashiel na galing sa pang-aasar pa rin kay Wilmer.

Bumagsak ang ngisi nito nang makita ako. Mas lumuwa ang mata niya nang pinasidahan ako. Huminto saglit sa dibdib saka tumuloy sa mukha ko.

"Fuck."

I'm not sure if that's saying something about hate or shock. Don't they like my presence here or what? Am I not welcomed?

Wilmer only stared. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya sa likod ng kawalaang emosyon ng kanyang mukha. His jaw clenched, though. I think that's enough indication.

Nilingon ng dalawa ang dulong parte ng mesa kung saan may pinipirmahan siyang royalty pass id. He's not yet aware of me. Sa madilim na parte ng harap ng stage kami kanina kaya  hindi niya ako nakita. His focus was more on the crowd at the back.

"U-uhm...Hi!" alinlangang ngiti ni Sky.

Kahit ang Sharpie ay pinaglalaruan niya na parang nangungulila ang mga kamay niya sa drumsticks. She's always been the most neutral.

"Thank you for being here...R-Ruth..." mahina ang boses niya sa banggit ng pangalan ko.

Ngiting tumango si Cash at hinarap sa akin ang palad niya kung saan nakasulat ang setlist kanina. Ngumiti ako pabalik at ipinagkaloob ang high five na hiningi niya.

Nag-iwas si Wilmer nang binalingan ko at pumalumbaba. Kumunot ang noo ko. Problema nito?

Siniko siya ni Cash at siya naman ang sinimangutan. Nilagpasan ko na siya. I'm not here for him, anyway.

"Kaya mo iyan," rinig kong bulong ni Cash. Ginawaran ko siya ng ngiti bilang appreciation. Sa gilid niya ay tumatango si Skylar bago inasikaso ang sumunod na nagpapirma.

Now my heartbeat is downright defeaning. Tinatama niya ang Sharpie sa mesa habang hinihintay ang susunod. As I finally stepped infront of him, ramdam ko ang tingin ng tatlo sa aming dalawa. Like we're some kind of a suspense thriller movie, at hinihintay nila kung sino ang unang aatake.

His unfairly long lashes blinked readying his hazel greens to meet my dark brown ones. Again.

Tila lumayas ang puso ko sa aking dibdib nang magbangga ang paningin namin. Time stood still. But not his eyes. Never.

Ang kaunting kayumanggi sa gitna ng berde ay nag-aalab. Betrayal, pain and anger all in one created a bursting flame of emotion in all its intensity. All heat fired my whole being.

I try my damnedest to overlook it.

"Hey, sugar.  I missed you." Ilang gramo ng kapal ng mukha ang hinithit ko nang nilapit ko ang sarili sa kanya. Wala siyang ginawang kilos upang umatras. "Have your name sign on my skin. Here."

Bumaba ang mga mata niya sa tinuro ko. I heared Wilmer whispered a drastic profanity.

He swallowed like a big lump is about to choke him. Nasa ibabaw pa rin ng dibdib ko nakatutok ang mga mata niya. That intense glare is sending flames to my chest. Right there.

Tiim bagang siyang nagbalik tingin at mas sumiklab pa ang pag-aalab ng mga mata nito. Para bang sa ilang segundo lang ay tutumbahin na niya ang buong mesa at itatapon sa akin hanggang sa mapalayas niya ako sa harap niya.

The green almost turned yellow and in flames.  Tila sinusubukan niya akong paatrasin at palayuin sa nag-aapoy niyang pagtitig at ipirmi ako sa distansiyang nais niyang panirahan ko palayo sa kanya.

But in his flaming eyes, I have my cold sweat to defy his fire.

Without letting go of the staring game, inisang tama niya ang dulo ng Sharpie sa mesa at inalisan ng takip. Saka pa siya bumitaw nang pinirmahan na niya ang ibabaw at gitna ng dibdib ko. Specifically above the cleavage.

While doing so, his sharp jaw clenched nonstop. Parang may hinihiwa ito sa talas ng panga niya.  Kita ko at ramdam din ang panginginig ng kanyang kamay. His calloused hands made by strumming guitars and pressing piano keys.

And I once kissed those digits with my lips.

Sinadya ko siyang ihipan. Wala na ang kanyang bandana kaya naanod ang buhok niya sa pag-ihip ko. He's newly showered. Fresh and fragrant. 

Saglit siyang huminto at marahas humugot ng hangin. Mariin siyang pumikit, tila nahihirapan. But I know better. Kinagat ko ang labi ko.

"How are you, Dean?" bulong ko.

Muling nagtagpo ang mga pilikmata niya at tumiim ang bagang saka pinagpatuloy ang pagpirma. Mas lalong nanginig ang kamay niya dahil sa pagmamadali. Walang banta ang mabilis niyang paglayo at dahas ng pagsandal sa kanyang silya.

Kinuha ng atensyon ko ang pangunguyom ng kanyang kamao. Halos baliin na niya ang Sharpie sa ginawa. His knuckles turned rose white. 

Nais man niyang manahimik ay hindi nakaligtas sa akin ang kanyang paghingal. Hindi siya pinakawalan ng emosyon na para lamang sa akin. Na parang iyon ang dapat kong  matanggap galing sa kanya.

Matagal kaming nagkatitigan. Within those minutes, regrets and blame were being exchanged. Silently screaming explanations and hatred. Battling a war.

Walang salita siyang tumayo at bumalik backstage. Muntik pang matumba ang inuupuan niyang silya sa pagmamadaling makalayo sa akin. The girls on the line chorused a groan of protest.

Nanirahan ang paningin ko sa bukana ng backstage, inaabangan siyang bumalik.

Try all you want, Dean. But for me, the depth of seven years wasn't enough to bury the memories of us.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top