Chapter Ten
HUMINTO sa parking lot ng bar si Shakira nang napansin niya na may munting liwanag siyang naaaninag mula sa loob ng kotse niya. Dagli siyang lumapit at binuksan ang pinto sa driver side. Nasorpresa siya nang makita si Jereck na nakaupo sa harap ng manibela at pinapakialaman ang cellphone niya. Iniwan pala niya rito ang susi ng kotse at cellphone niya kaninang nagpi-perform sila sa hotel.
Sa halip na magalit sa bigla nitong pag-alis ay pinaghaharian ng pag-aalala at takot ang puso niya sa akalang naglayas na ito. Noon niya napagtanto na nasanay na siya sa binata at hindi niya malaman ang gagawin kapag nawala ito. Bumaling siya sa kabilang pinto at sumakay. Sinilip niya ang ginagawa nito sa cellphone niya. Naglalaro ito ng candy crash.
"Let's go home," sabi niya.
"May performance pa kayo 'di ba? Maghihintay ako rito hanggang matapos ang trabaho mo," seryosong wika nito.
"Nakapagpaalam na ako sa mga kasama ko."
"You have to choose them. Don't mind me. I just need some fresh air."
Lumabi siya. "Am I offend you? I'm sorry. Dapat nagpasalamat ako sa ipinakita mong concern. Ang totoo, matagal ko nang balak tumiwalag sa grupo dahil nga kay Klint. Hindi siya pioneer ng grupo. Siya ang pumalit sa ex-boyfriend ko. Noong una, okay siya. Pero habang tumatagal ay lumalabas ang tunay niyang ugali," aniya.
"Mahalaga sa 'yo ang banda ninyo. Malamang dahil sa banda kayo nagkakilala ng first love mo. Kaya hindi ako magtataka kung hindi mo basta maiwan ang banda. You can chose them as always. Hindi ang isang katulad ko ang magiging dahilan para tuluyan kang umalis sa grupo."
May kung anong pumipiga sa puso niya. Hindi iyon dahil sa memory ng first love niya, kundi sa bagong damdaming natagpuan niya kay Jereck.
"Ano man ang desisyon ko, walang kinalaman doon ang first love ko o ang banda. Na-realize ko na malaki rin ang binago ng kabanda ko sa pagkatao ko. Inaamin ko na sa kanila ko natutunan ang bisyo sa alak at sigarilyo. I also admit that they are not a problem, it's me."
"And why you chose to leave them aside of Klint?" usig nito.
Iniisip niya ang magangdang sagot sa tanong nito. Minsan na niyang naisip na higit pa ang nagawang impluwensiya ni Jereck sa buhay niya kaysa sa first love niya. Mas mabilis siyang napapalambot ni Jereck. At tila mas mabilis ding nahuhulog ang loob niya rito.
"Naisip ko lang, it's enough time to move on and accept the other opportunity," sagot niya.
"Opportunity for what?"
Hindi niya ito sinagot. Gusto muna niyang mag-explore at pag-aralang mabuti ang feelings niya para kay Jereck. Natatakot siyang tuluyang ma-in love rito gayong alam niyang wala iyong kasiguruhan. Baka matutulad lang ang sitwasyon sa mga napapanood niyang romance drama at nababasang novels na na-in love ang girl sa may amnesia na lalaki at sa huli ay matutuklasan niya na kasal na ito. Ayaw niyang maramdaman ang naramdaman ng mga bida sa kuwento.
"Umuwi na tayo," sabi niya pagkuwan.
"Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Hindi na naman siya nakasagot nang napansin niya ang pamilyar na puting Toyota Inova na pumarada sa tabi ng kotse niya. Nang bumaba ang lalaking driver ay ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. It was her brother Jairo, wearing his black suit and red rimmed eyeglasses.
Napamilyar ata nito ang kotse niya kaya ito pasipat-sipat sa katawan ng kotse niya. Dagli siyang yumuko.
"Hey! What's wrong?" 'takang tanong ni Jereck.
"Ang Kuya ko," aniya.
"Alin? 'Yang lalaki sa labas?"
"Oo."
"Then why you are hiding? Go out and face him," udyok nito sa kanya.
"Uusigin lang niya ako at pipiliting umuwi. Malamang inutusan na siya ni Mommy na pilitin akong umuwi."
"Lumabas ka na at kausapin siya. Ihayag mo ang saloobin mo nang magkaintindihan kayo. Hanggang kailan ka ba makikipagpatintero sa kaanak mo? Hindi mo ba naisip na baka hindi na sila nakakatulog dahil sa kakaalala sa 'yo? Remember that blood ticker than mud. Walang hihigit sa kalinga ng tunay mong kadugo."
Dahil sa mga sinabi ni Jereck ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang kapatid niya. Aalis na sana si Jairo nang nagdesisyon siyang lumabas.
"Kuya!" tawag niya rito.
Huminto ang lalaki at humarap sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito habang humahakbang palapit sa kanya.
"Finally I found you! Mom called me many times and asked a favor to convince you to go to New York. What do you think are you doing, Shakira? You're such a hardheaded. Do you know what damages you have done to our family? Malaki ang problema ng Yasaki hotel sa New York at higit na problemado si Daddy. Hindi mareresolba ang problema kung patuloy kang magmamatigas. Kung pupunta ka roon ay hindi na magtatagal ang diskosyon," litanya ng Kuya niya.
Nag-init ang bunbunan niya. "They made decision without my knowledge. They finished the marriage arrangement without my approval. Hindi naman sina Mommy at Daddy ang makikisama roon sa ipapakasal nilang lalaki sa akin," depensa niya.
"You're selfish, Shakira. It's not just about the company. It's also for your future at para magtino ka at malayo sa bisyong nakuha mo sa pagrerebelde mo. Hindi naman basta-bastang lalaki lang ang papakasalan mo."
"Given na 'yon, pero wala akong alam tungkol sa lalaking 'yon. At ang ginagawa ba ninyo ay hindi para sa pansariling kapakanan? Ayaw ba ninyong makaranas ng kaunting hirap at sakripisyo? I'm thinking about business legacy of our family, pero ang ihahalad ang sarili kong karapatan para lang sa pagsalba ng pabagsak na negosyo ay hindi makatarungan. Paano kung sadista pala ang lalaking papakasalan ko at hindi ako matrato nang maayos?" palatak niya.
"Masyado ka lang mapanghusga samantalang hindi mo pa kilala 'yong tao."
"Gano'n na nga, hindi ko siya kilala. Hindi nabibili ang tiwala at pagmamahal, Kuya."
"At sa palagay mo ba hahayaan kong ipagkaluno ka ng parents natin sa walang kuwentang lalaki? Of course I investigate about the guy they said before I support them. And I proved that he was nice. Actually he decided to came here in Philippines just to meet you in person. But since nagtatago ka, malamang hindi ka pa niya natatagpuan hanggang ngayon."
Kumalma siya matapos marinig ang huling pahayag ng Kuya niya. Kahit boto ang Kuya niya sa lalaking iyon, ayaw pa rin niyang magpakasal.
"You can't please me at this moment, Kuya. Please give me time to decide," pagkuwan ay wika niya.
"May naghihintay sa 'yo, Shakira. Huwag mong hintayin na maubos ang pasensiya ni Daddy sa 'yo."
"Bakit kasi kailangan ko pang pakasalan ang anak ng business partner na 'yon?" reklamo niya.
"For the trust purpose and the partnership. Of course, kapag may malalim na koneksiyon ang dalawang panig ay patitibayin nito ang partnership at tiwala ng may malaking papel sa maliit na business. At para lumakas ang mahinang kumpanya, kailangan nitong kumapit sa mas malakas at maimpluwensiyang kumpanya. At kapag lumakas ang kumpanya natin, babalik ang tiwala ng malalaking investors at tataas ulit ang market. Ganoon ang kalakaran ng mga bigateng negosyante. Ang goal nila ay mapaangat nang mapaangat ang business at para mangyari 'yon, kailangang kumapit sa mas mataas. Kailangan mong maunawaan ang business industry, Shakira. Kung ayaw mong tuluyang mawala ang tiwala sa 'yo ng parents natin, huwag ka nang magmatigas. Hindi ka naman mamamatay kung susunod ka. At lalong hindi nila hahayaang ikapahamak mo itong desisyon nila," mahabang paliwanag ni Jairo.
May ilang sandali siyang tahimik. Nalilito na siya. Mamaya'y bigla niyang naisip si Jereck na hindi na lumabas ng kotse. Minsan ay gusto na lang niyang sumuko at sumunod sa gusto ng parents niya pero habang nasa puder niya si Jereck ay para bang may gumagapos sa puso niya't isip at pumipigil sa kanyang pagdedesisyon.
"Pabayaan n'yo na lang muna ako, Kuya. Please lang," pagkuwan ay samo niya.
Paulit-ulit na bumuntong-hininga si Jairo. "Fine. Pababayaan kita ngayon pero once kinulit pa ako ni Mommy, mapipilit na rin kitang umuwi."
Tumango siya.
"So, how's your life now?" pagkuwan ay tanong nito.
"I'm fine. Nagtatrabaho ako sa bar na ito bilang cashier. Tuloy pa rin ang pagsama ko sa banda. Huwag mo akong intindihin, maayos ang sitwasyon ko," aniya at hindi na binaggit ang tungkol kay Jereck.
Mamaya'y may kinuha si Jairo sa kotse nito. Kinuha nito ang bag nito at inilabas ang check booklet nito. Nagsulat ito roon. Pagkatapos ay pinunit nito ang isang pahina ng tseke at ibinigay sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang isinulat nitong fifty thousand pesos na halaga sa tseke at nakapangalan sa kanya.
"Kuya, hindi mo kailangang gawin 'to," angal niya.
"Why not? You're my sister, our only princes. Ang totoo nag-aalala na ako sa 'yo since sapilitang pinaputol ni Mommy lahat ng sustento sa 'yo. Medyo nagkalaman ka na. Hiyang mo ata ang ganitong buhay," nakangitiing sabi nito.
Matipid siyang ngumiti. Si Jereck kaagad ang naisip niya. Simula noong dumating sa buhay niya si Jereck ay nakakakain siya nang maayos. Maaring nakatulong din sa paglusog niya ang pag-iwas niya sa bisyo.
"Aalis na ako. Ikaw lang ang isinadya ko rito," pagkuwan ay paalam ni Jairo.
"Salamat, Kuya."
Mahigpit siyang niyakap ni Jairo. Ganoon din siya rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top