Chapter Six
SUMUNOD kaagad si Shakira kay Jereck. Inasikaso ng binata ang pagkain nito. Umupo siya sa katapat nitong silya habang pinapanood itong kumakain. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito nang matikman nito ang sariling luto nito.
"Hindi masarap 'di ba?" walang gatol na sabi niya rito.
Naiilang na tumingin sa kanya ang dalaga. "Sorry. Kumain ka ba?" anito.
"Isda lang ang kinain ko. Sayang naman kung hindi mapapakinabangan. Puwede pa namang maayos ang lasa."
"Hindi na. Piprituhin ko na lang ang isda bukas," sabi nito.
Hindi na siya umimik. Pinagtiyagaan pa rin ni Shakira ang sariling luto. Habang pinagmamasdan niya itong kumakain ay nakakaramdam siya ng bagong emosyon. Hindi siya sigurado kung awa pa ba iyon. May excitement din siyang nararamdaman. Noong una ay naiinis siya at nababagot sa puder ng dalaga. Pero habang lumalaon ay tinutubuan siya ng interes na mas makilala ito. Naisip na naman niya ang nakita niyang litrato nito at ilang bagay na natuklasan.
"Uh... Shakira, sino si Joseph? Siya ba 'yong lalaking kasama mo sa litrato?" hindi natimping tanong niya sa dalaga.
Nag-angat ito ng mukha at matamang tumitig sa kanya. Tumigil ito sa pagsubo.
"Oo. Si Joseph ang first boyfriend ko," sagot nito.
"Nasaan na siya ngayon? Hiwalay na ba kayo?" usisa niya.
May ilang sandaling tumahimik ang dalaga. Narinig niya ang malalim nitong hininga.
"He past away five months ago," pagkuwan ay tugon nito.
May kung anong bumundol sa dibdib niya. "Oh, sorry for asking," aniya sa malamig na tinig. Iniisip niya na nahirapan ang dalaga sa tanong niya.
"It's okay. Kahit papano ay maluwag na ang pagtanggap ko sa pagkawala niya. Ang masakit lang doon, inilihim niya sa akin na may sakit siya. Nalaman ko na lang na stage four na ang leukemia niya. Hindi lang naman iyon ang naging hadlang sa relasyon namin. Ayaw sa kanya ni Mommy," kuwento nito, bagay na hindi niya inaasahan.
"But you kept his memories and his picture," komento niya.
"He's the most aspiring person I'd ever met. He teaches me a lot of things that I never experience. Hindi ko maitapon ang alaala niya dahil alam ko na habang kasama ko ito ay ito rin ang magtutulak sa akin upang magsimulang muli. At balang araw ay masasanay akong kasama ang alaala niya na wala na ang sakit sa puso ko. Magiging normal na bagay na lang sila sa paningin ko. Hindi lang pumasa sa standard ng parents ko si Joseph pero willing akong ipaglaban siya. Ang kaso, kaagad siyang sumuko. Iyon pala, mas may malalim pa siyang dahilan bakit niya ako nilayuan," patuloy ng kuwento nito.
Inaasahan niya ang pagluha ni Shakira pero nasorpresa siya nang hindi ito umiyak. Tila normal lang dito magkuwento nang masakit na karanasan nito.
"I admire your strong personality," tanging wika niya.
"I'm not strong enough. Ang totoo, napakahina ko."
"Of course, we all have weaknesses. Off topic. Puwede ba tayong pumunta ng mall bukas? At puwedeng pautang na rin. Kailangan ko lang bumili ng komportableng personal na gamit," pag-iiba niya sa usapan.
"Bumili na ako ng mga gamit mo, ah."
"Sorry, hindi ko gusto ang mga binili mong damit. Ayaw ko rin sa shampoo, perfume at masyadong masikip ang binili mong underwear. Naliliitan ka ata sa akin. At puwede bang ako ang pumili ng groceries particular na sa stock na pagkain?" sabi niya at hindi na inisip kung labis na ang hinihiling niya.
Hindi niya malimitahan ang pagiging bulgar niya. Ganoon ata talaga ang human nature niya. May ilang segundong tahimik si Shakira. Mamaya'y bigla itong tumawa. Ngumiti siya pero kaagad ding naglaho nang makadama siya ng hindi maipaliwanag na pagsikdo ng puso niya. Noon lamang niya nakitang tumawa nang matagal si Shakira. And he found her cute while laughing.
"Sorry," sabi nito saka biglang tumigil sa pagtawa.
Maluwag siyang ngumiti. Inabutan niya ito ng isang basong tubig. "Baka mabulunan ka. Uminom ka muna," aniya.
"Thanks." Kinuha nito ang baso at kinalahati ang lamang tubig. Pagkuwan ay nagpatuloy ito sa pagsubo.
PINAGBIGYAN ni Shakira ang request ni Jereck na personal itong mamili ng mga bibilhing gamit nito. Ni minsan ay hindi niya ito tinanong tungkol sa mga gusto nitong gamit o pagkain. Late na itong nagreklamo kaya akala niya okay lang dito ang mga pinamili niya. Obligado siyang ibigay rito ang gusto nito dahil malaki ang kasalanan niya rito.
Natuklasan niya na conservative at masyadong pormal sa pagpili ng mga gamit si Jereck. Mas maselan pa pala ito kaysa kanya pagdating sa pagkain. Napansin niya na puro prutas at gulay ang binili nito at seafood. Marahil ay ganoon talaga ang hilig nito. Prangkang tao si Jereck at mukhang wala sa bukabolaryo nito ang hiya. Walang gatol ito sa pagsabi ng halagang uutangin sa kanya. Mabuti na lang nakapag-withdraw siya ng fifty thousand sa personal account niya. Natagalan sila sa fruit station dahil may hinahanap na prutas si Jereck.
"Twenty-thousand, okay lang ba?" sabi nito nang tanungin niya ito kung magkano ang uutangin nito.
"Sige. Hindi utang ang mga pinamili ko para sa iyo at itong bibilhin natin. Bayad ko ito sa kasalanan ko sa 'yo," sabi niya.
"Okay. I think mababayaran naman kita," anito at mukhang hindi pa sigurado.
"What if in your real life ay isa ka lang palang basurero?" aniya.
Tumawa nang pagak si Jereck. "Puwede namang magsasaka at mangingisda, bakit basurero pa?" tanong nito.
"Anong malay natin?"
"Well, trashes produce money for those who have knowledge in recycling. Kung hindi naman kita mababayaran sa pagbabasura, magsisilbi na lang akong labandero at kusinero sa 'yo para makabayad sa utang," anito.
Natawa siya. "Sige na, bilisan mo nang maghanap sa prutas na gusto mo. Ano ba 'yon?"
"Marang or terap."
"Marang? Ano ang hitsura no'n? Meron ba n'on dito?"
"I'm not sure. Nakita ko sa Facebook mo na may nag-post ng prutas na 'yon. From Mindanao ata ang prutas."
Natigilan siya. "Wait, paano mo nabuksan ang Facebook account?" kastigo niya rito.
"Noong binuksan ko ang laptop mo, naka-open ang Facebook mo. May load pa ang pocket wifi mo kaya nakapag-explore ako sa social media."
Umismid siya. "Sige na, hanapin mo na ang marang na 'yon. Baka nga sa Mindanao lang iyon makikita," sabi niya habang nakabuntot kay Jereck.
Habang nakasunod siya kay Jereck ay na-realize niya na may pagbabago sa kanya. Noong gabing nagkakomprontahan sila ni Jereck ay natuklasan niya na komportable na siyang mag-share ng personal niyang buhay at higit sa lahat ay ang maluwag sa loob na pagkuwento niya tungkol sa first love niya. Natuklasan niya na hindi na siya masyadong apektado at nasasaktan ng pagkawala ni Joseph sa buhay niya.
Nang sabihin ng sales clerk na wala ang hinahanap ni Jereck na prutas ay durian na lamang ang dinampot nito. Gusto raw nito ang amoy ng prutas na iyon. Hate naman niya ang amoy niyon. Sa buong buhay niya ay hindi siya tumikim ng naturang prutas o kahit ito'y naiproseso bilang candy o kahit anong pagkain.
Daalwang cart ang napuno ni Jereck kasama na ang personal nitong gamit at stock nilang pagkain at gamit sa bahay. Tantiya niya'y humigit-kumulang dalawampung libong piso ang babayaran niya. Halos imported lahat ang pinamili ni Jereck, mapagamit man o pagkain. Mas maluho pa pala ito kaysa kanya. Tiyak mamulubi siya kung tatagal ito ng isang taon sa puder niya.
Hindi nga siya nagkamali ng kinuwenta. Fifty pesos lang ang sukli ng ibinayad niya na twenty thousand. Noon lang siya nanghihinayang sa pera. Samantalang noong patuloy ang sustento ng parents niya ay barya lang sa kanya ang twenty thousand. Nagagawa niyang gawing palengke ang Cebu, Davao at iba pang malalayong lugar. Nakakapagbiyahe siya ng round trip para lang mamasyal at mamili ng kung anong bagay na gusto niya. Balewala rin sa kanya ang gastos sa pag-check-in sa mga malalaking hotel sa bansa at ginagawa niyang kusina ang restaurant ng five star hotel. Palibhasa nakakatanggap pa siya noon ng isang daang libong piso kada buwan mula sa Daddy niya. May share pa siya mula sa income ng dalawang magkahiwalay na manufacturing company na pag-aari nila. Pero pinatigil na rin ng Mommy niya ang pagpasok ng pera sa accounts niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top