Chapter Seven
"I want to go in Davao," sabi ni Jereck nang lulan na sila ng kotse pauwi sa apartment.
Umismid si Shakira. "Don't say doon ka bibili ng prutas," aniya.
"Meron daw roon sabi ng sales man kanina."
"Ano ba ang meron sa prutas na iyon? May naaalala ka ba sa prutas na 'yon?"
"Noong nakita ko ang picture ng prutas, bigla akong na-excite. Posibleng may koneksiyon iyon sa past ko. O baka nakakain na ako niyon. Mga ganitong buwan daw ang season ng prutas at ang harvest ay mga August to September," sabi nito.
"We should go to Davao," wika niya.
Matamang tumitig sa kanya si Jereck. "Hindi ba masyado nang expensive ang hiling ko? Mas mahal pa ang plane ticket papuntang Davao kaysa halaga ng prutas. Baka meron lang n'on dito sa Maynila. Isa pa, wala naman akong ID at hindi puwedeng gawaran ng ticket."
"Oo nga pala. Kung makakatulong ang prutas na iyon para maibalik ang alaala mo, kailangan makabili tayo n'on."
"Maghanap muna tayo rito baka meron lang. Kung wala rito baka meron sa ibang probinsiya na malapit lang. Uh... mukhang maganda sa Davao. Nakapunta ka na ba roon?"
"Palagi akong pumapasyal doon. Nakapag-tour na ako sa buong bansa."
"Obvious naman. Nakarating ka na rin ba sa ibang bansa?" usisa nito.
"Tatlong taon akong tumira sa Osaka Japan, sa lugar ng Daddy ko. Doon ako nag-aral ng grade three hanggang grade six. Nakapagbakasyon na rin ako sa New York. Naroon ang hotel business ng parents ko at nakabili ng property roon ang Dad ko. May rest house din ang Dad ko sa Canada, na naipundar niya noong binata pa siya," kuwento niya.
"Meaning ang Dad mo talaga ang mayaman?"
"Nagmula rin sa maimpluwesniyang pamilya ang Mommy ko. Ang parents niya ay parehong nasa politika noon at nagmamay-ari ng pinakamalaking poultry farm sa Nueva Ecija at hatchery. Matagal nang nagtayo ng business si Dad dito sa bansa. Una niyang itinayo ang can goods and frozen products production at ang poultry farm nila Mommy ang nagsu-supply ng mga poultry meats at seafood sa kumpanya ni Daddy. Si Mommy na ang namamahala ng farm noon at doon sila nagkakilala ni Daddy. At kaya napunta kay Daddy ang Yasaki international hotel and casino sa New York ay dahil biglaang namatay ang half-Japanese-American na papa ni Daddy. Nag-iisang anak siya kaya obligado siyang akuin ang responsibilidad sa hotel. Kaya sila ni Mommy ang magkatuwang ngayon sa pamamahala ng hotel. Ang mga naiwang business ni Daddy at Mommy rito ay pinamamahalaan ng dalang Kuya ko," mahabang kuwento niya.
Noon lang hindi uminit ang ulo ni Shakira sa usad pagong na traffic.
"Ikaw lang ata ang rich kid na ayaw magbuhay prinsesa. Hindi ka na ba masaya sa buhay mayaman?" kaswal na wika ni Jereck.
"Not all riches are living in paradise. Sometimes, I felt I'm swallowed with money and material things. Noong nakilala ko ang mga kabanda ko, specially my ex-boyfriend, I had realized that being a simple and ordinary person was the real rich creation, because they experience all gestures of life. At ang best friend kong si Chacha, nagmula rin siya sa mayamang pamilya. Nagmamay-ari ng malaking bech resort sa La Onion ang pamilya niya. Malawak din ang farm lot nila at ang tatay niya ay kasalukuyang gobernador ng La Onion. Ang Mama niya ay retired college teacher at major niya ang business. Naikumpara ko ang sarili ko sa kanya. Simple lang siyang tingnan. Hindi siya obvious na may kaya sa buhay. Nagagawa niya ang mga literal na gawaing mostly ay mga simpleng tao ang nakakagawa. Hindi siya gumagamit ng kotse kapag nagta-travel. Sumasakay siya ng bus pauwi sa probinsiya nila. Naiinggit nga ako sa kanya, kasi nakapagtapos siya ng pag-aaral na sarili niyang pera ang ginagastos. Nag-aaral pa lang siya ng college ay sinalo na niya ang bar ng kuya niyang namatay. Marami siyang alam. She's good in cooking, baking and arts," patuloy niya.
"So, you want to be like her, right?"
Hindi siya umimik. Alam niya kahit gusto niyang matulad kay Chacha o sa dati niyang nobyo na naging independent ay hindi ganoon kadali dahil hindi kasing supportive ng parents ng mga ito ang parents niya. Isa pa, hindi siya kasing tiyaga ng mga ito. Mainipin siya at bipolar. Hindi siya mapakali sa buhay niya.
"I know I won't be like Chacha. Napakalayo ng ugali namin, not even Joseph. I can't even change my human nature without the influence of others," aniya pagkuwan.
"Wala ka lang tiyaga at tiwala sa sarili mo. Nararamdaman ko namang kaya mong panindigan," komento nito.
Hindi na siya nagsalita. Nang lumuwag ang traffic ay nag-focus siya sa pagmamaneho. Pagdating sa apartment ay magkatuwang nilang inayos ang mga pinamili nila. Hinanap niya ang binili niyang isang buti ng white rum at brandy. Wala rin siyang nakitang isang kaha ng sigarilyo na napili niya.
"Hindi ba may inilagay akong mga alak sa cart? Kumuha rin ako ng sigarilyo, ah," balisang tanong niya kay Jereck.
"Sorry, inalis ko," pagtatapat nito.
"What?" Nanlaki ang mga mata niya. Napipintong iinit ang ulo niya.
"Huwag kang magalit sa akin. You should learn how to avoid alcoholic drinks and cigarette," anito.
"At sino ka para utusan ako? Kung magsalita ka ay parang wala akong karapatang komontra," palatak niya.
"You can kick my ass to lessen your anger. Sorry not sorry."
Nilunok na lang niya ang galit niya nang makita niya ang hawak ni Jereck na isang pakete ng sanitary pad. Wala siyang kinuhang gano'n pero nasa listahan niya iyon dahil dumating na ang dalaw niya.
"It's yours. Nabasa ko ito sa listahan mo pero hindi ko nakitang kumuha ka kaya ako na ang kumuha," sabi nito saka iniabot sa kanya ang isang pakete na sanitary pad.
Walang imik na kinuha niya iyon. Hindi niya pinansin ang binata. Pumasok na lamang siya sa kanyang kuwarto at nagbihis. Hindi siya komportable dahil iisa ang palikuran ng apartment at nasa tabi ng kusina. Kapag ganoong may dalaw siya ay masyado siyang makalat. Kahit sa mga kapatid niyang lalaki ay mailap siya kapag ganoong may dalaw siya.
Pagdating niya sa kusina ay naroon na si Jereck at inaayos ang mga groceries at mga pagkain. Napansin niya na hindi na masyadong ginagamit ni Jereck ang saklay nito. Deretso na rin ang lakad nito.
"Ako na ang magluluto ng lunch," sabi nito.
"Sigurado ka bang marunong kang magluto ng main course?" dudang tanong niya rito.
"I'm not sure but I think I'm more knowledgeable in cooking than you," nan-iinsultong wika nito pero nakangiti. Kinindatan pa siya nito bagay na ikinawindang ng puso niya.
Nilinis niya ang kung anong bumara sa lalamunan niya. "Ano'ng lulutuin mo?" kunot-noong tanong niya.
"I'm craving of beef steak," sagot nito.
"Do you know the cooking procedure?"
"Nag-research ako sa internet. Naisulat ko sa papel ang recipe. Don't worry, nakakaintindi ako ng recipe," nakangiting tugon nito at muli siyang kinindatan.
Iniwasan niya ito ng tingin. Lumapit siya sa preparing table kung saan din nakapuwesto si Jereck. Naghihiwa ito ng kalamansi at pinipiga. Inilabas naman niya ang lemon at mga dalandan. Naiinis siya. Dapat ay gagawa siya ng cocktail kaya nasa listahan niya ang mga alak. Nagpaalam kasi siya kay Chacha na hindi muna siya magdu-duty sa bar.
"Sana kahit rum lang ang itinira mo sa cart. Kailangan ko iyon," maktol niya.
"Maglalasing ka lang, eh," anito.
"Malasing man ako o ano ang gagawin ko sa alak, wala kang pakialam. Panira ka talaga ng plano," inis na sabi niya.
"Ano ba kasi ang plano mo?"
"Gagawa ako ng cocktail. Gusto kong matutong mag-mix ng alak para masubukan ko ring maging bartender."
Biglang natawa si Jereck.
"What's funny?" napipikong tanong niya.
"Sorry. Hindi ko alam. Akala ko kasi maglalasing ka. Well, ganoon din naman. Ang magagawa mong cocktail ay ikaw rin ang iinom. Malalasing ka rin," sabi nito.
"Umiinom ako ng alak pero hindi pa ako alcoholic. Naglalasing ako pero marunong akong mag-control. And about the cigarette, nakokontrol ko na ito. Hindi naman ito basta-basta matitigil, eh," palatak niya.
"Alam ko pero hanggat marami kang nakikitang alak at sigarilyo, matutukso at matutukso kang gagamit anytime you want."
"Napakapakialamero mo talaga!"
"Huwag ka nang magalit. Magluluto na lang ako ng masarap na ulam at dessert," palubag-loob nito. Nagawa pa nitong ngumiti.
Nang masilayan niya ang napakatamis nitong ngiti ay biglang kumalma ang init ng ulo niya. Naging uneasy siya. Kinuha na lamang niya ang isang dalandan saka umalis.
HINDI maalis ang ngiti sa labi ni Jereck habang inihahanda ang kanyang lulutuin. Aywan niya bakit natutuwa siya sa tuwing nagagalit si Shakira. Noong una naman ay naiirita siya kapag nagmamaldita ito. Natutuwa rin siya dahil kahit nagagalit ang dalaga ay napapansin niya na sumusunod ito sa kanya. Aminado siya na nag-e-enjoy na siya sa company nito kahit minsan ay hindi niya ito maintindihan.
Ibinabad niya sa katas ng kalamansi ang dalawang hiwa na malalaking beef tenderloin. Nilagyan din niya iyon ng white wine at herbs and spices. Habang binababad ang karne ay inihanda naman niya ang gagawin niyang durian shake at fruit salad. Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na may passion sa pagluluto.
Habang naghihiwa siya ng mansanas ay natigilan siya nang marinig niya ang tunog ng gitara mula sa sala. Kasunod ng gitara ay narinig niya ang malamig na boses ng babae. Sandali niyang iniwan ang ginagawa para sumilip sa sala. Namataan niya si Shakira na nakaupo sa sofa habang hawak ang gitara at sinasabayan ng pagkanta. Hindi siya pamilyar sa lyrics ng kanta pero gusto niya ang boses ni Shakira. Tagalog ang kanta at tumutukoy sa bigong pag-ibig ang lyrics.
♫Ang sabi mo ako'y hindi iiwan
Ikaw at ako magpakailanman
Pangakong magsasama sa habang buhay
Puso ko'y umasa ngunit bakit ako ngayo'y nag-iisa?
Nasaan ang pangakong walang hanggan?
Ngayon ako'y lumuluha, umaasa't naghihintay
Sa 'yong pagbabalik. Nasaan ang pangakong walang hanggan?
Oh... bakit ako'y iniwang luhaan at nagdurusa?♫
Naaliw siya sa awit ni Shakira. Nang matapos itong kumanta ay napapalakpak siya. Awtomatikong nabaling sa kanya ang atensiyon ng dalaga.
"Bakit pumalakpak ka?" masungit na tanong nito.
"Nice song and you have good quality voice. Is that your original song?" aniya habang hindi mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Thanks. It's my original composition. Naisulat ko ito noong panahong nawala sa buhay ko ang first love ko," sagot nito.
"Kaya pala mabigat ang meaning ng kanta. Gusto ko ang boses mo, malamig at bagay sa acoustic songs. Saan mo namana ang pagkahilig mo sa music?" usisa niya pagkuwan.
"Sa lolo ko sa mother side. Dati siyang vocalist ng isang banda noong kabataan niya. Actually nagkaroon siya ng album."
"Nice. Keep it up. Magluluto lang ako," aniya saka binalikan ang kanyang ginagawa.
Hindi na niya narinig kumata si Shakira. Tumutugtog na lang ito ng gitara.
Pagkatapos magluto ay inihain na ni Jereck ang mga pagkain sa mesa na naroon lang sa kusina. Inilatag na rin niya ang mga kobyertos. Pagkuwan ay pinuntahan niya si Shakira sa sala. Abala na ito sa pagtipa sa cellphone nito.
"Lunch is ready!" anunsiyo niya.
Tumayo naman ang dalaga at sumunod sa kanya sa kusina. Pinaghila pa niya ito ng silya. Nang makaupo ito ay lumuklok naman siya sa silyang katapat nito. Nakatutok pa rin ito sa cellphone. Mukhang naglalaro ito dahil may naririnig siyang nagsasalitang babae at halu-halong tunog.
"Hey! Mamaya na 'yan," saway niya rito.
"Sandali," ayaw paawat na sagot nito.
"Addict ka rin pala sa mobile game. Maraming nababaliw sa ganyan. Nakita ko rin sa laptop mo ang sandamakmak na games. Let's eat first," aniya.
Ibinaba rin sa wakas ni Shakira ang cellphone. Titig na titig ito sa nakahaing pagkain. Ang beef steak ay nilagyan niya ng toppings na steamed broccoli at onion rings. Gumawa rin siya ng cucumber salad. Ang dessert nila ay pinalamig pa niya sa refrigerator pero nakalagay na sa baso ang durian shake.
"Bakit parang nakakita ka ng ahas sa ibabaw ng ulam?" nakangiting tanong niya sa dalaga.
Matamang tumitig ito sa kanya. Siguro'y hindi ito makapaniwalang nakapagluto siya ng ganoong putahe. Walang imik na nagsalin ito ng kanin at ulam sa plato nito. Pagkuwan ay tinikman nito ang steak.
"How's the taste?" excited na tanong niya.
May ilang segundo itong ngumunguya bago nakasagot. "Taste good. Ganito ang lasa ng steak na nakakain ko sa mga restaurant," komento nito.
"I told you, I can make it. Kumain ka pa. Tikman mo rin ang durian shake ko," sabi niya.
Napangiwi ang dalaga habang pinagmamasda ang baso ng shake saka ito umiling. "Ayaw ko niyan," sabi nito.
"Ayaw mo lang ng amoy. Subukan mong tikman, magugustuhan mo ang lasa," udyok niya rito.
"No," marring tanggi nito.
"Come on, just try. Hindi ka naman mamamatay, eh. Puwede mo namang iluwa kung ayaw mo," pilit niya.
"Mamaya pagkatapos kong kumain. Baka mawalan ako ng gana." Kumain na ito.
Hindi na niya ito pinilit pero inabangan talaga niya itong matapos. Nang hindi na ito kumuha ulit ng kanin at ulam ay inalok ulit niya rito ang shake.
"Try it, please. Huwag mo na lang pansinin ang amoy. Isipin mong pinaghirapan ko ito. Hindi ka makakatagpo sa buong buhay mo ng biktima ng hit in run na magmamagandang-loob pa sa suspek," aniya.
Naunahan na ata ng guilt ang dalaga. Kinuha nito ang baso ng shake at sumimsim gamit ang bending strew pero tinakpan nito ng palad ang ilong nito. Sandali itong natigilan habang nakatitig sa kanya.
Malapad siyang ngumiti rito. Mamaya ay nagtuluy-tuloy ang pagsimsim ng dalaga sa shake hanggang maubos nito ang laman ng baso. Hindi niya napigil ang kanyang excitement.
"Finally! See? Naubos mo rin. How's the taste?" masiglang wika niya.
"Masarap din pala," nakangiti nang komento nito.
Aywan niya bakit abot-abot ang tuwa niya nang marinig ang komento ng dalaga. Tumayo naman siya at kinuha ang fruit salad na pinalamig niya. Kumain din ng fresh fruit salad si Shakira. Sariwang papaya, pinya, mansanas at melon ang ginawa niyang salad na nilagyan lang niya ng all purpose cream. Marami ring nakain ang dalaga.
Pagkatapos ng tanghalian ay si Shakira ang naghugas ng mga ginamit na kobyertos. Pinagpahinga na siya nito sa sala at pinahiram ulit sa kanya ang laptop nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top