Chapter One


MAALINSANGAN ang klima dahil pasado ala-una na ng hapon. Mahaba pa ang pila sa registrar's office at maraming kailangang sulatang papel para makapag-enroll. Inatahe ng pagkainip si Shakira. Hindi pa siya nananghalian dahil akal niya mabilis lang. Huling araw pa naman iyon ng enrollment sa university sa Quezon city kung saan siya nag-aaral. Dapat ay ga-graduate na siya sa taong iyon sa kursong business management pero dalawang taon pa lang ang nabubuno niya. Kasalukuyang enrollment para sa second semester.

Nang tila hindi umuusad ang pila ay nagdesisyon ang dalaga na huwag na lamang mag-enroll. Pangalawang beses na niya iyong ginawa at noong nakaraang taon ay nag-drop siya dahil naaliw siya sa siinalihang banda. Tumutugtog sila sa mga bar tuwing Sabado at regular ang pagtugtog nila sa bar ng best friend niyang si Chacha, kung saan din siya nag-invest ng tatlong daang libong piso mula sa naipong monthly allowance na natatanggap niya sa kanyang mga magulang na nasa New York at abala sa pamamahala ng international hotel and casino na pag-aari nila. Nag-migrate na roon ang parents niya simula noong nakapag-invest roon ng business ang Japanese niyang ama. Nang lumakas ang hotel business ng Daddy niya ay sumunod na roon ang Mommy niya. Ang Kuya Jairo niya ang naiwan sa bansa at namamahala ng Yasaki Manufacturing Corporation.

Nag-iisang anak siyang babae at bunso sa tatlong magkakapatid. Ang Kuya Tanaka niya ang panganay at isang engineer sa malaking kumpanya sa Hongkong. Katuwang pa rin ito ng Kuya Jairo niya sa pamamahala ng kumpanya sa bansa.

Mula sa university ay nagtungo si Shakira sa bar ni Chacha kung saan nagre-rehearse ang ka-banda niya. Simula pagkabata ay mahilig na siyang kumanta. Iyon ang passion niya at iyon talaga ang gusto niyang pagtuunan ng pansin. Subalit hindi alam ng mga magulang niya ang ginagawa niya. Maraming pagkakataon na ang ibinigay sa kanya ng parents niya matapos ang ilang beses na pagbalewala niya sa kanyang pag-aaral. Twenty-three years old na siya at hindi pa natatapos ang kanyang kurso. Marami siyang alibis. Kasehodang na-late siya ng enroll. Walang pagkakataon ata na nag-usap sila ng Mommy niya sa phone na hindi nag-aargumento. Simula noong pinag-almusal siya nito ng sermon ay hindi na niya dinala ang kanyang cellphone. Bumili siya ng bagong cellphone at sim card.

Pagdating niya sa bar ni Chacha ay dumeretso siya sa banyo. Nagbilis siya ng maong na pantalong gulanit ang biyas at itim na blouse. Pinag-isang tirintas niya ang ga-baywang niyang buhok na tuwid at natural ang pagkakaitim. Nagpahid siya ng mapulang lips stick at face powder. Ginuhitan din niya ng eyeliner ang mga mata niya maging ang maninipis niyang kilay. Pagkatapos ay nagtungo siya sa back stage studio kung saan nagsasanay ang mga kabanda niya.

Nang hawiin niya ang itim na kurtinang nagsisilbing pinto ng studio ay napako ang mga paa niya sa sahig nang masulyapan si Joseph na naggigitara. Kumurap-kurap siya. Biglang naglaho sa paningin niya si Joseph at naging si Carlos ito, ang gitarista na pumalit kay Joseph. Saka niya naisip na may limang buwan na palang wala sa grupo nila si Joseph, ang first love niya.

Siya ang babaeng vocalist ng banda na pumalit kay Joseph. Dati ay madalas silang duet ni Joseph sa lahat ng kanta. Maliban sa pagkanta, alam ding gumamit ni Joseph ng kahit anong musical instrument. Doon niya unang hinangaan ang lalaki. Si Joseph ang lalaking nagpatino sa kanya minsan, pero ito rin ang dahilan kung bakit bumalik ang mga bisyo niya at lalong nagpatigas sa ulo niya. Sa edad na biyente-uno ay naging boyfriend niya si Joseph, subalit noong natuklasan ng Mommy niya ang lihim niyang pakikipagrelasyon ay nakialam ito sa kanila ni Joseph. Nang matuklasan nitong nagmula lamang sa simpleng pamilya si Joseph at hindi nakapagtapos ng kolehiyo ay ginawa ng Mommy niya ang lahat para mawala sa buhay niya si Joseph. Inalok pa nito ng sampung milyon si Joseph para lang layuan siya. Nadismaya si Joseph at hindi niya inaasahan na biglang susuko ang binata. Isang araw ay bigla na lang itong naglaho at tanging sulat ang iniwan sa kanya. Subalit hindi ang kanyang ina ang dahilan nito kundi ang katotohanang may malubha itong karamdaman. Nabalitaan niyang mayroon nang stage four leukemia si Joseph. At sa huling buhay nito ay naroon siya sa tabi nito. Ang pagkawala ni Joseph ay siyang dahilan ng pagkawalan niya ng gana sa mga bagay-bagay. Natagpuan niya ang pagiging komportable sa bisyong alak at maglilibang sa bar.

May bagong piyesang tinutugtog ang kabanda niya pero ang vocalist ay si Klent. Dating solo singer at rapper si Klent at may mga album na rin. Nahikayat ito ni Carlos na sumali sa banda nila. Humihina na rin daw kasi ang carer nito bilang solo singer. Si Carlos at Jake naman ang song writer nila at pareho ring bihasa sa paggamit ng iba't-ibang musical instrument. Kapag wala siya ay si Klent ang vocalist.

"Sha, tapos ka na bang mag-enroll?" tanong sa kanya ni Carlos.

"Nope. Next year na lang ako mag-e-enroll," sagot niya. Lumuklok siya sa bench sa tapat ng mga ito.

"Na naman? Magagalit ang Mommy mo niyan. Igigiit na naman niya na bad influence kami sa 'yo," sabi naman ni Jake.

"Hindi niya ako masisisi. Kasama ba ako sa rehears n'yo?" tanong niya.

"Sorry, for boys only. Akala kasi namin magiging busy ka sa school," ani Carlos.

Umismid siya. Pagkuwan ay tumayo siya. "It's okay. Magpapahinga muna ako. Tawagan n'yo na lang ako kung kailan ako kakanta," sabi niya saka lumisan.

Nang nalaman ni Shakira na magbabakasyon si Chacha sa probinsiya ng mga ito sa La Union ay nagpumilit siyang sumama rito. Walang magawa ang kaibigan niya. Alam nito na kapag ginusto niya, makukuha niya. Nag-stay sila ng isang linggo sa probinsiya. Ipinasyal siya ni Chacha sa magagandang lugar sa La Union. Nakarating din sila sa Baguio at Vigan. Nalibang siya nang husto at halos ayaw na niyang umuwi pero wala siyang magawa nang magdesisyon si Chacha na bumalik ng Maynila.

Isang linggong nagpapakaabala sa pagkanta si Shakira at halos hindi na siya umuuwi ng bahay nila. Sabado ng gabi pagkatapos ng gig nila sa bar ni Chacha ay uminom pa siya ng tatlong shot glass na brandy. Gusto niya pagdating ng bahay ay kaagad siyang makakatulog. Ginamit niya ang lumang kotse ng Daddy niya. Pagdating niya sa family house nila sa isang subdivision sa Quezon Avenue ay nasorpresa siya nang madatnan sa malawak na lobby ang Mommy niya suot ang puti nitong nighties. Nakaluklok ito sa coach at nanonood ng telebisyon.

"Mom, kailan ka pa dumating?" manghang tanong niya. Nawala ang bisa ng alak sa katawan niya.

In-off ng ginang ang telebisyon saka ito tumayo. "What is it, Shakira? It's twelve midnight. Uwi pa ba ito ng isang matinong babae?" sermon nito, a very cliché litany.

"May gig kami sa bar," sagot niya.

"That's not an excuse. I told you to leave that band. That's not good influence to you. Hindi ka na naman nag-enroll sabi ng mga Kuya mo. Kailan ka ba titino? Ano'ng mapapala mo sa pagsali sa bandang wala namang malaking naiaambag sa industriya. Amoy alak ka at sigarilyo. 'Yan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo?" palatak ng ginang.

Uminit ang kanyang bunbunan. Nabuhay nang muli ang kanyang inis at hinanakit. "Because I found this job comfortable. I found a new family with my friends. They are good to me. Sadyang napaka-judgemental n'yo lang, Ma. Kahit kailan ay hindi n'yo ako sinuportahan," namumurong wika niya.

"I do this for your own good, Shakira. Pinag-aaral ka, kung ano-ano ang pinaggagawa mo. Nasisira ang imahe mo sa pamilya natin at ikaw mismo balang araw ang dudungis sa malinis nating pangalan. Nagtitimpi lang ang Daddy mo sa katigasan ng ulo mo. Pinapapunta ka sa New York pero ayaw mo at nangako kang tatapusin ang pag-aaral mo rito. Pero ilang taon ka na sa college, hindi ka pa nakakapatapos. Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Hindi na puwede sa amin ang mga excuse mo. Malaki ang problema ngayon ng Yasaki International Hotel dahil sa biglaang pagbaba ng market. Maraming naglalabasang malalaking hotel kaya kailangan na natin ng masasandalan. Stress ang Daddy mo ngayon kaya huwag mong dagdagan. Nakapagdesisyon kami na tanggapin ang partnership na inaalok ng pinakabigating hotel business sa New York. Pero kailangan ng mas malalim na friendship sa dalawang panig. Nagdesisyon kami ng Daddy mo na arranged married was a good idea. And I was surprised that AA Luxury Hotel was now has a largest market in hospitality industry, na ngayon ay pinamamahalaan ng nag-iisang anak nilang lalaki na kilala ring hotel Tycoon sa New York. Marami na rin silang investments dito sa bansa," mahabang litanya ng kanyang ina.

"And what do you want?" gumagaralgal na tanong niya.

"This time, no excuses, no alibis. The arrangement has been done between two families."

"No! Without consulting me? This is embarrassing, Mom!" nagpupuyos niyang pagtutol.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya namin sa 'yo, anak. Mainam nang maikasal ka nang magtino ka at malayo ka sa bisyo," sabi nito.

"No, Mom! Over my dead body, I won't marry him!" naggagalaiting protesta niya saka siya bumalik sa pinto.

"Stay here, Shakira!" pigil ng kanyang ina.

Hindi siya nagpapigil. Tumakbo siya palabas at sumakay ng kotse. Bumalik siya sa bar ni Chacha. Alam niyang pasusundan siya roon ng Mommy niya sa mga tauhan nito kaya hindi siya nagtagal doon. Nag-drive siya nang nag-drive hanggang abutan siya ng umaga sa kalye. Doon na siya sa kotse nakatulog.

ISANG linggong hindi umuwi sa bahay nila si Shakira. Nakituloy siya sa apartment na tintuluyan ni Chacha. Sinabi ni Chacha na may nagpuntang tauhan ng Mommy niya sa bar at hinahanap siya. Malamang hindi siya titigilan ng mga iyon. May bahay si Chacha sa subdivision sa Bacoor Cavite. Nang umuwi ito ay sumama siya rito.

Pinalipas lang niya ang isang buwan bago bumalik ng Maynila. Kahit bumalik na sa New York ang Mommy niya ay hindi pa rin siya umuwi sa bahay nila. Mabuti na lang hindi pa niya naibaba mula sa kotse ang maleta niya noong huli siyang umuwi. Palagi niyang dala ang mahahalagang kagamitan niya dahil palagi siyang inaabot ng ilang araw sa ibang lugar para sa gig nila.

Kahit isang buwan na ang lumipas ay stress pa rin siya dahil sa desisyon ng parents niya. Alam niyang hindi niya basta mapipigilan ang mga ito pero hanggat may pagkakataon ay ipipilit niya ang gusto niya. Hindi siya magpapakasal kahit pa sa pinakamayamang lalaki sa mundo lalo pa't hindi niya ito mahal. Ne hindi niya nakilala nang personal ang lalaki. Never comes in her mind to get married at the age of twenty-three.

Nang sabihin ni Chacha na hindi na bumalik ng bar nito ang mga tauhan ng Mommy niya ay nagdesisyon na siyang bumalik sa pagkanta. Subalit nagdesisyon ang mga ito na si Klent na lamang ang lead vocalist para raw hindi magulo ang rehearsal dahil sa pabigla-biglang pag-alis niya. Hindi na masama, at least kasama pa rin siya sa banda. Dahil sa pagsuway niya sa kanyang ina ay wala nang pumapasok na pera sa dalawang bank accounts niya. Napilitan siyang magtrabaho sa bar ni Chacha bilang cashier. Inupahan na rin niya ang bakanteng unit sa apartment na tinutuluyan ni Chacha. Nahihiya na siya rito kaya bumukod na siya.

Linggo ng gabi pagkatapos ng duty ni Shakira ay tumambay muna siya sa bar. Inaatake na naman siya ng stress. Alam niyang hindi siya patutulugin ng stress na iyon kaya naingganyo siyang uminom ng alak. Hindi pa naman dumating sa punto na alcoholic na siya. Nakokontrol pa niya ang kanyang sarili. Nalilimitahan na rin niya ang sigarilyo. Ang dating tatlong stick sa isang araw ay paisa-isa na lang. Pinipilit naman niyang baguhin ang sarili niya pero minsan, nahihirapan siya.

Nang makadama ng pagkahilo ay tumigil na siya sa pag-inom. Nagdesisyon na siyang umuwi. Lulan ng kanyang kotse ay nagmaneho siya. Pasado alas-onse na ng gabi. Nagugutom siya kaya naisip niyang dumaan sa restaurant at mag-order ng pagkain subalit pagdating niya sa maluwag na kalsadang wala masyadong sasakyang dumadaan ay biglang may tumawid na aso sa kalye. Nakabig niya ang manibela upang makaiwas sa aso ngunit hindi niya napansin ang lalaking naglalakad patawid sana sa kalsada. Hindi niya kaagad naapakan ang preno kaya nabundol niya ang lalaki. Sa lakas ng pagkabundol ay tumalsik ang lalaki at gumulong sa sementadong daan.

May ilang segundo siyang tulala. Nang mahimasmasan ay tumalilis siya ng kotse at natatarantang nilapitan ang lalaki. Duduan ang ulo nito. Pinulsuhan niya ito. Dahil may epekto pa ang alak sa katawan niya ay hindi niya matiyak kung may pulso pa ang lalaki. Lumingon siya kaliwa't-kanan. Wala siyang makitang tao. Naghahalo ang takot at pagkataranta sa puso niya. Malaki ang katawan ng lalaki, matangkad ito at mabigat kaya inilapit niya rito ang kotse para mas madali niya itong maisakay.

Nang maayos na maisakay sa back seat ang duguang lalaki ay nagmaneho siya patungo sa malapit na ospital.

Pabalik-balik si Shakira sa tapat ng emergency room habang inaalipin pa rin ng takot ang puso niya. Nanginginig siya. Dumadalangin siya na sana ay mabuhay ang lalaki. Tinawagan na niya si Chacha at sinabi ang nangyari. Nangako naman ito na pupuntahan siya bago ito uuwi.

Mamaya'y lumabas ang doktor. Dagli niya itong sinalubong. "Kumusta ang pasiyente, Doc?" balisang tanong niya.

"Ligtas na siya pero na-comatose siya dahil sa lubha ng pinsala sa ulo niya. Nagkaroon ng internal hemorrhage sa utak niya," sabi ng doktor.

Nakahinga siya nang maluwag. Nang mailipat na sa hospital ward ang pasiyente ay doon lamang niya naaninaw nang maayos ang mukha ng lalaki. Maputi ito, may isang pulgada ang barber cut na buhok. Oval shape ang mukha nito, matangos ang ilong at maninipis ang mapulang labi. Tantiya niya'y nasa limang talampakan at sampung pulgada ang tangkad nito. Malaki ang pangangatawan at hindi niya maikakailang guwapo ito at halatang may dugong banyaga.

Nagtataka siya. Wala man lang kahit anong gamit na nakuha sa katawan ng lalaki. Tanging relong pambisig ang alahas na suot nito na mayroong mamahaling brand. Puting polo lang ang suot nito kanina at itim na pantalong maong. Wala man lang nakitang wallet o cellphone sa bulsa nito.

DALAWANG araw nang hindi nagkakamalay ang lalaking nasagasaan ni Shakira. Nag-aalala na siya. Pero nagtataka siya bakit wala man lang naghahanap sa lalaki. Nagdesisyon siya na hintayin na munang magising ang lalaki bago ayusin ang gulong sinapit niya. Halinhinan sila ni Chacha sa pagbabantay sa lalaki.

Kinaumagahan ng Miyerkules ay pinalitan ni Shakira si Chacha. Mabuti na lang maunawain at supportive ang best friend niya. Saktong pag-alis ni Chacha ay napansin niyang gumalaw ang lalaki. Dagli niya itong nilapitan. Inabangan niya ang pagmulat ng mga mata nito at ang pagsasalita nito.

Nang tuluyang magmulat ang mga mata ng lalaki ay namangha siya nang masilayan ang light brown nitong mga eyeballs. Una'y iginila nito ang paningin sa paligid. Pagkuwan ay kunot-noong tumitig ito sa kanya.

"Where am I?" tanong ng lalaki sa namamalat na tinig.

Hindi siya sigurado kung anong lenguwahe ang gagamitin. "You're here in hospital. Nabangga kita sakay ng kotse ko kaya dinala kita rito. Uhm, may I know your name, first?" aniya pagkuwan.

Mariing kumunot ang noo ng lalaki. "Name? I don't remember my name. Who are you?" balisang sabi ng lalaki.

Natigagal si Shakira. Bakit hindi maalala ng lalaki ang pangalan nito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top