Chapter Nine
KINABUKASAN. Alas-nuwebe na ng umaga nagising si Shakira. Tinatamad pa siyang bumangon pero kailangan niyang tumayo dahil dadalhin niya sa ospital si Jereck para sa fallow-up check-up nito at CT-scan. Lulugo-lugong naglakad siya palabas ng kuwarto habang nakasampay sa balikat niya ang towel. Antok na antok pa siya. Nangangapang naglalakad siya patungong banyo.
Deretso ang hawak niya sa seradura ng pinto ng banyo sabay tulak pabukas.
"Hey!"
Nahimasmasan ang dalaga nang marinig niya ang boses ni Jereck at aksidenteng nakita niya itong hubo't-hubad. Mabilis nitong nahila ang tuwalya at itinakip sa maselang parte ng katawan nito.
Nang matauhan ay dagli siyang lumabas at hinila pasara ang pinto. Para siyang binuhusan ng mainit na tubig sa nakita. Nilamon ng kakaibang init ang sistema niya.
"Bakit ba hindi ka nagla-lock ng pinto? Ang careless mo!" bulyaw niya.
Kumislot siya nang biglang lumabas si Jereck. Nakapulupot na ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi siya kaagad nakakilos nang tumayo sa harapan niya ang binata may isang dangkal lang ang pagitan sa kanya. Hindi niya nasaway ang kanyang sarili na suyurin ng tingin ang kabuoan ng katawan nito. Noon lamang niya na-appreciate ang magandang katawan ni Jereck. Matipuno ang dibdib nito at nagkaparte-parte ang muscle sa puson nito na nalalatagan ng pino at panaka-nakang balahibo na tila sadyang tumubo na pa-cross.
"It's not my fault; you don't know how to knock the door. Ganyan ka naman, eh. Pabigla-bigla ka ring pumapasok sa kuwarto ko na hindi kumakatok sa pinto," seryosong sabi nito.
"I have rights. This is my house so I'm confident to explore anywhere around here," mababaw na depensa niya, dala na rin ng pagkataranta.
"Of course you do but not in my hot body, baby. I'm still virgin, I guess."
"Virgin?" nang-uuyam na untag niya. Muli niya itong sinuyod ng tingin.
"Yes. Kaya huwag mong ipalandakan na nakita mo kung gaano ako kalaki," nakangiting sabi nito habang inilalapit pa ang katawan sa kanya.
Napaatras siya pero napadikit ang likod niya sa dingding. Habang papalapit si Jereck ay parang hinahalukay ang dibdib at bituka niya. Kinakabahan siya.
"Ang bold mo. Stop where you are or I'll kick your precious manhood!" banta niya rito.
"Just do it, nang kaagad kang makarating sa langit," pilyong sabi nito habang patuloy ang paglapit sa kanya.
Hindi niya nagawang iwasan ang malagkit nitong titig hanggang sa tuluyan siya nitong ikinulong sa mga bisig nito. Ga-daliri na lamang ang pagitan ng mga labi nila. Nahihiya na siyang magsalita dahil hindi pa siya nakapagmumog.
"Honestly, maganda ka. Aside of that, you have gorgeous body and..." wika nito sa malamyos na tinig habang pinaglalakbay ang hintuturo sa kanyang ilong-pababa sa kanyang mga labi.
Nilinis niya ang bara sa kanyang lalamunan at pilit umiiwas ng titig sa mukha ng binata. Pakiramdam niya'y bibitayin siya at walang pakundangan ang pagtahip ng kanyang dibdib. Napapikit siya nang akmang hahalikan siya nito.
"Mag-toothbrush ka muna at maligo. Amoy panis na laway ka," bigla'y sabi ni Jereck at bigla itong lumayo sa kanya.
Dumilat siya. Namataan niya itong naglalakad palayo sa kanya. Para siyang inalisan ng buto. Bigla siyang nanlumo at sa 'di maipaliwanag na dahilan ay nakadama siya ng frustration. Inamoy niya ang kanyang sarili. Dapat na nga siyang maligo.
NORMAL na ang result ng CT-scan ni Jereck pero hindi pa masabi ng doktor kung babalik na ba ang alaala nito. Pinayuhan ng doktor si Shakira na ipasyal sa ibang lugar si Jereck para makatulong na ma-recover ang memory nito. Dapat din daw palaging kausapin ang pasiyente at ma-expose sa maraming tao.
Kinabukasan ng gabi ay isinama niya si Jereck sa bar. Day off niya bilang cashier pero mayroon silang gig sa bar ni Chacha at bar ng isang hotel sa Quezon Avenue. Nauna silang tumugtog sa Lace Hotel bago sa bar ni Chacha. Kasama pa rin si Jereck pero nasa backstage lang ito. Sinabi niya sa events coordinator ng hotel na bagong miyembro nila si Jereck para makapasok ito.
Pagkatapos sa Lace Hotel ay bumalik na sila sa bar ni Chacha. Kumain muna sila ng hapunan. Inukupa ng grupo ang mahabang mesa. Nag-order naman si Carlos ng isang case na beer at buong lechon manok na sini-serve ng restaurant. Nasanay na ang mga kabanda niya na uminom ng beer bago ang performance. Ganoon din siya rati at natutukso na naman siya. Nang maalala na kasama niya si Jereck ay tinanggihan niya ang beer na inaalok ni Carlos.
Katabi niya sa upuan si Klent, habang si Jereck ay nakaupo sa tabi ni Jake sa tapat nila. Nasa bandang kaliwa naman niya nakaupo si Carlos. Dapat si Jereck ang katabi niya sa kanan pero nauna nang umupo roon si Klint. Alcoholic na si Klint kaya halos gabi-gabi itong umiinom ng alak at madalas ay lasing na kapag nagpi-perform sa stage. Pero nagagawa pa rin nitong kontrolin ang sarili.
"Hindi ko alam na may kapalit na pala si Joseph sa buhay mo, Sha," sabi ni Jake, habang pasimpleng sinisipat si Jereck
"Oo nga. Ang sabi ni Chacha, ikaw ang nagbigay ng pangalan sa kanya dahil may amnesia siya," gatong naman ni Carlos.
"May espesyal ba sa inyo, Sha?" ani Klint.
Tiningnan ni Shakira si Jereck. Tahimik lang itong kumakain pero pansin niya na hindi ito komportable. Tinanggihan nito ang beer na inaalok dito ni Jake.
"Walang espesyal sa amin," mariing sagot niya.
Kumislot siya nang biglang sumampa sa balikat niya ang braso ni Klint. "Kung gano'n puwede ka nang ligawan. Huwag mo sabihing hindi ka pa nakapag-move-on sa first love mo," anito.
Naalibadbaran siya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagdapo ng tingin ni Jereck sa kanila ni Klint. First time niyang nakita ang matalim nitong titig na parang may kinikimkim na inis.
"Kung liligawan ba kita, may pag-asa?" tanong ni Klint sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. Naiinis na siya sa paggiit ni Klint ng mukha nito sa mukha niya. Noon lang siya tuluyang naiinis dito. Madalas ay inaasar siya nito sa tuwing nagre-rehearse sila at madalas ang pagligaw-biro nito sa kanya. Alam niyang may girlfriend na ito at kahit single ito ay hindi niya ito papatulan. Masyado itong mahangin. Guwapo ito kung tutuusin pero naiinis lang talaga siya sa ugali nito lalo na kapag nalalasing. Minsan ay nagiging bastos.
"Klint, alisin mo ang braso mo sa balikat ko," namumurong utos niya kay Klint.
Tila hindi nakarinig ang lalaki. Tumawa pa ito. "Ikaw naman, huwag mo nang e-deny na close tayo," sabi nito.
Tatayo sana si Shakira pero natigilan siya nang naunahan siya ni Jereck. Nagulat siya nang bigla nitong haklitin ang braso ni Klint saka ito hinila palayo sa kanya. Napabalikwas siya ng tayo nang hinapit din ni Klint ang damit ni Jereck.
"May problema ka ba, pare?" matapang na tanong ni Klint kay Jereck.
"You're being rude, dude," prangkang buwelta ni Jereck habang mahigpit ang pagakawak sa braso ni Klint.
Namagitan na siya. "Tama na! Huwag kayong mag-eskandalo!" aniya saka hinatak si Jereck palayo kay Klint.
"Let's go home, Shakira. I hate the environment here," desisyon ni Jereck habang nasa ilalim pa rin ng tensiyon ang boses.
"What? Tutugtog pa kami," aniya.
"Paano ka nakatagal sa mga lalaking 'yon? Nag-iisang babae ka sa grupo. They got drunk. What if nakaisip silang pagsamantalahan ka?" nanggagalaiting sabi nito.
"Hindi nila magagawa 'yon! Mababait sila at matagal ko na silang kilala!" depensa niya.
"I didn't judge them all but Klint? I hate him."
"Hindi kita masisi pero hindi ka dapat nag-react nang ganoon. I can manage the situation. Ganoon lang talaga si Klint."
"Huwag mo na siyang kampihan. Alam mong mali ang ginagawa niya pero nagwawalang-bahala ka."
Bumuntong-hininga siya. Saka niya na-realize na may kakaiba sa naging asal ni Jereck. Na dapat ay hindi na ito nakialam.
"I know you just concerned but you don't need to act like a knight. Baka kung ano ang isipin ng mga kasama ko dahil sa reaksiyon mo," aniya sa malumanay na tinig.
"Wala akong pakialam sa iisipin nila. Ginawa ko lang ang dapat," giit nito.
"But you're over reacting! You must know your limitations, Jereck," naiinis na sabi niya.
Biglang kumalma si Jereck. "You're right. I'm sorry, sumobra ako sa limitasyon ko," wika nito sa malamig na tinig. Naglakad ito patungo sa bar counter at umupo.
Kaagad din siyang inalipin ng guilt. Na-offend ata si Jereck sa sinabi niya. Mamaya'y nakapagdesisyon siya na magpaalam sa kanyang mga kasama. Hindi rin siya magiging komportable kung tutuloy siya sa pagkanta. Humingi rin ng despensa si Klint sa nangyari pero hindi siya nakaligtas sa panunukso ng ibang kasama niya.
Nang puntahan niya sa counter si Jereck ay nilamon siya ng kaba nang wala na ito roon. Nataranta siya. Hinanap niya ito sa loob ng bar. Nang hindi ito makita ay tumakbo na siya sa labas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top