Chapter Fourteen


ISANG linggo ang lumipas.

Hindi na muling lumiban sa trabaho si Shakira lalo pa't ipinagkatiwala sa kanya ni Chacha ang bar habang nasa bakasyon ito kasama ang fiance nitong si Daniel. Nakatakda ang kasal ng best friend niya sa susunod na buwan. Naiingit siya rito. Pumayag din siya sa pamimilit ni Jereck na mag-extra ito bilang waiter sa bar ni Chacha. Sabay silang pumapasok at umuuwi.

Namangha siya nang malamang may knowledge sa business si Jereck at marami itong naging suhesyon para mas mapalakas ang bar ni Chacha. Pumayag si Chacha sa suhesyon ni Jereck na magdagdag ng lodge at KTV, tutal maluwag pa ang space ng establismento. Maliban sa gabi-gabing banda, nagdagdag din sila ng mga bar games para makahikayat ng maraming costumer. Mayroon na ring offer na eat all you can ang restaurant at unlimited cocktail tuwing Sabado.

Kinagabihan ng Linggo ay dumating si Chacha. Naabutan pa siya nito sa accounting office na gumagawa ng weekly income report.

"Napansin ko bigla kang nag-mature, best," ani Chacha, habang nakatayo ito sa tabi niya.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" aniya habang abala sa pagtipa sa keyboard ng computer.

"Nawala ang bisyo mo. Nagka-interes ka sa paperwork at subsob na trabaho. At obvious na interesado ka na sa business industry. Epekto ba 'yan ng pagdating ni Jereck sa buhay mo?" anito.

Ngumiti siya. "Gano'n na nga siguro. Masaya ako sa nangyayari sa amin ni Jereck," wika niya.

"Pero may amnesia pa rin siya. Paano kung bigla siyang makaalala at malaman mo na may mahal pala siyang iba, or kasal na siya. Usually ganoon ang posibilidad at madalas nangyayari. Nag-aalala lang ako sa 'yo. Seryoso ba kayo sa mga nararamdaman ninyo?" nababahalang usig ni Chacha.

Napatda siya. Nabuhay nang muli ang takot niya. Hindi na niya nagawang magsalita nang dumating si Jereck. Nagyayaya na itong umuwi.

Nauna na si Jereck sa kotse niya. Pagkuwan ay nagpaalam na siya kay Chacha. Pagdating niya sa counter ng bar ay nasorpresa siya nang makita roon ang Kuya Jairo niya. Iginiya niya ito sa bakanteng mesa para makapag-usap sila nang maayos.

"Uuwi si Daddy rito next week para sunduin ka," batid ni Jairo.

Parang nasamid si Shakira, hindi siya kaagad nakapagsalita. "B-bakit?" natatarantang tanong niya.

"He will force you to go with him in New York. You don't have choice, my dear sister. Huwag mo nang hintayin na gumamit ng tauhan niya si Daddy para sapilitan kang iuwi. Umuwi ka na sa bahay bago siya dumating."

May kung anong pumipiga sa puso niya. Alam niya mahihirapan siyang iwasan ang Daddy niya. Naguguluhan na siya. Iniisip niya si Jereck. Hindi puwedeng iwan niya ito.

"Give me time for it, Kuya, please," samo niya.

"But it's over, Sha. Si Daddy na ang makakalaban mo. You know him."

"No! I'm sorry," aniya saka siya bumalikwas ng tayo. Tumakbo siya palabas ng bar.

Nagtungo kaagad siya sa kanyang kotse at binuhay ang makita.

"What happened?" 'takang tanong ni Jereck na nakaupo sa tabi niya.

Nagbabanyang pumatak ang luha niya ngunit pilit niyang pinatibay ang loob niya. Nagmaniobra siya at nang makarating sa kalsada ay pinaharurot niya ang sasakyan.

"Calm down, Sha. May humahabol ba sa atin?" balisang sabi ni Jereck.

"Wala. Inaantok na kasi ako," sagot niya.

"Drive slowly, makakarating din tayo," anito.

Kumalma rin siya at bumagal ang pagmamaneho niya. Napa-paranoid na siya. Iniisip niya na baka pagdating sa apartment ay nakaabang doon ang Daddy niya. Pagdating nila ay kaagad siyang pumasok sa kuwarto niya. Hindi naman siya inabala ni Jereck. Dahil sa pagdaramdam ay mabilis siyang nakatulog.

Kinabukasan ay maaga silang nagtungo ni Jereck sa bar para sa pagpupulong kasama ang staff ng bar. Tinalakay ni Chacha sa meeting ang mga pagbabago sa kalakaran ng bar at sa mga idadagdag na serbisyo. Nagpapasalamat si Chacha dahil naging bahagi sila ni Jereck sa pag-unlad ng negosyo nito.

Hindi na sila umuwi pagkatapos ng meeting at deretso na ang duty. Dahil Lunes, pinayagan sila ni Chacha na maagang umuwi, tutal hindi ganoon karami ang costumer. May oras pa silang gumala sa mall.

Nagbakasakali si Jereck na mayroon ulit tinitindang marang sa supermarket ng Mall of Asia. Dumeretso sila sa naturang mall at sa kasamaang palad ay wala nang marang. Patapos na raw kasi ang season nito kaya wala nang nag-deliver. Matapos mamili ng kailangan nila ay naglibot sila sa mall. Napadpad sila sa fashion wear. May nagustuhan siyang jacket para kay Jereck. Namimili siya ng kulay at hindi niya namalayan na humiwalay sa kanya si Jereck. Nang makuha ang gustong kulay ng jacket ay hinanap niya ang binata.

Namataan niya ito sa hanay ng mga damit pambabae. May kausap itong matangkad na lalaki. Mukhang nakikipagtalo rito ang binata. Patakbong nilapitan niya ang mga ito.

"Ano'ng nangyayari rito?" balisang tanong niya.

Nabaling sa kanya ang atensiyon ng ekstrangherong lalaki. "Kasama n'yo po ba si Sir? Maari n'yo po bang ipaliwanag sa akin bakit hindi siya nakakaalala? Ako si Alvin, ang head of security ng pamilya ni Sir Calvin. Matagal na po namin siyang hinahanap. Ang sabi niya ay may dadalawin lang siya rito sa Maynila pero biglang hindi siya makontak at hindi na siya nakabalik ng Davao kaya nag-aalala na kami," sabi ng lalaki.

Binalot ng takot ang sistema ni Shakira. Alam niyang darating ang pagkakataong iyon pero hindi niya inaasahan na ganoon kabilis.

"S-sigurado po ba kayo? Maari po bang makita ang kahit anong patunay na ang kasama kong lalaki ang hinahanap ninyo?" seguristang sabi niya.

"Meron po pero wala sa akin, naroon sa kasama ko. Pero meron po akong picture ni Sir Calvin sa cellphone ko na magpapatunay." Inilabas nito ang cellphone nito at pinakita sa kanila ang litrato ni Jereck kasama ng lalaking ito.

"Sorry, Sir, I'm not convinced," apila ni Jereck. Hinawakan siya nito sa kanang kamay at akmang aalis ngunit pinigil niya ito.

"Hindi tayo puwedeng umalis, Jereck. Kailangan natin ang pagkakataong ito," aniya.

"Sha, baka niloloko lang niya tayo," giit nito.

Mamaya ay may dumating na magandang babae suot ang pulang dress at two inches na pulang sandal. Ga-balikat ang buhok nitong blonde. Makapal ang makeup nito. Halatang may dugo itong banyaga. Nagulat si Shakira nang bigla nitong sugurin si Jereck at niyakap.

"Finally, we found you!" nasasabik na sabi ng babae.

Parang ipinako si Shakira sa kinatatayuan niya. Halo-halong emosyon ang naghahari sa puso niya ngunit hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon ni Jereck. Itinulak nito ang babae saka siya hinatak. Napasama siya rito sa pagtakbo. Naiwan na nila ang mga napili nilang bibilhin. Pagdating sa ground floor ay naabutan sila ni Alvin. Huminto siya dahilan at napahinto rin si Jereck.

"Let's go, Sha!" anito.

"No. You should talk to him, Jereck," udyok niya rito.

"Sir, huwag n'yo na po kaming pahirapan. Nag-aalala na ang mga magulang ninyo. Kailangan na ninyong umuwi. Nalalapit na ang inyong kasal," sabi ni Alvin, na siyang tuluyang pumilas sa puso ni Shakira.

Tulala siya habang nakamasid lang sa dalawang lalaki. Hindi niya nasaksihan ang naging reaksiyon ni Jereck. Nakita na lang niya itong nagpoprotesta.

"No, that's not true!" giit nito.

"Iyon po ang totoo, Sir. Kaya kayo narito ay para sa babaeng mapapangasawa n'yo. Nakaayos na po ang lahat para sa kasal," ani Alvin.

"No. Please, let me go!" pakiusap ni Jereck.

"Sige, sir, hindi ko kayo pipilitin pero kapag handa na kayo, heto ang calling card na puwede ninyong tawagan," sabi ng lalaki saka binigyan ng card si Jereck.

Kinuha naman ni Jereck ang card. Pagkuwan ay hinila na nito si Shakira palabas ng mall.

WALA pa ring kibo si Shakira habang nagmamaneho. Umuugong pa rin sa pandinig niya ang sinabi ni Alvin tungkol kay Jereck. Dahil sa pagkataranta ay hindi niya natandaan ang pangalang itinawag ng lalaki kay Jereck. Natotolero na siya. Hindi niya namamalayan na napapabilis ang pagmamaneho niya at hindi na niya alam kung saan sila patungo. Hindi masyadong traffic sa dinadaanan nila. Hindi siya makapag-isip nang maayos hanggang sa nakabig niya ang manibela at nagmaniobra pabalik sa pinanggalingan nila.

"Hey! What are you doing?" balisang tanong ni Jereck.

"Hindi mo dapat sila iniwasan, Jereck. Pagkakataon mo na ito para makabalik ka sa inyo," wala sa katinuang sabi niya.

"Nababaliw ka ba? Hindi ako basta sasama sa kanila. Hindi kita iiwan sa ganitong sitwasyon."

"Pero sila ang may karapatan sa 'yo. Hindi ang katulad ko. Hindi mo ba naunawaan ang sinabi n'ong lalaki? Ikakasal ka na at ang ipinunta mo rito ay ang babaeng papakasalan mo. Malamang fiancee mo ang babaeng yumakap sa 'yo kanina. You should go with them, Jereck," aniya habang nangingilid ang luha sa kanyang pisngi.

"Don't do this, Sha. I won't leave you. I love you," anito sa malamig na tinig.

"Forget about us, Jereck. It's no sense anymore. The game is over."

"Shut-up! Stop the car, Sha, please!" paasik na utos nito sa kanya.

Hindi siya nakinig. Nabuburyong na siya dahil sa magkahalong emosyon. Mahigpit ang kapit niya sa manibela.

"Sha, stop the car!" pilit ni Jereck.

Hindi pa rin siya nakinig.

"I said stop the car!" galit nang utos nito at inalaw na sa kanya ang manibela.

Napamulagat siya nang kamuntik na silang araruhin ng kasalubong nilang bus pero nakabig ni Jereck ang manibela at napunta sila sa gilid ng kalsada. Sumadsad ang kotse sa pader at bumangga sa poste. Dumilim ang paningin niya dahil sa matinding pagkahilo.

Nang magkamalay si Shakira ay nagulantang siya nang mamalayang nakayakap sa kanya si Jereck ngunit wala itong malay. May dugong dumadaloy mula sa ulo nito. May dumating namang mga tao at tinulungan siyang makalabas. Mamaya ay may dumating na ambulansiya. Naisakay silang dalawa ni Jereck sa ambulansiya. Mabuti na lang walang napinsalang establishment at walang nadamay sa aksidente.

Minor injury lang ang natamo ni Shakira pero si Jereck ay comatose pero ayon sa doktor ay ligtas na ito. Hindi siya mapakali. Hawak niya ang gamit na na-recover sa katawan ni Jereck kabilang na ang calling card na binigay ni Alvin.

Nang nailipat na sa private ward si Jereck ay nagdesisyon siyang tawagan ang numerong binigay ni Alvin. Lalaki ang sumagot at nagpakilalang secretary ni Calvin o Jereck. Noon lang niya na-recognize ang totoong pangalan ni Jereck.

Kinabukasan din ay dumating si Alvin at may kasamang isa pang lalaki. Nakapag-usap sila nang masinsinan. Sinabi nito ang dahilan kung bakit pumunta ng Pilipinas si Calvin. Makipagkita pala ito sa fiancee nito at nakatakda na ang kasal nito sa susunod na buwan. Doon na nabuo ang desiyon niya. Wala na siyang naitanong na iba pa dahil lalo lamang siyang nasasaktan. Pinayagan na siya ng doktor na umuwi kaya puwede siyang umalis kung gusto niya. Inako naman ni Alvin ang bill niya sa ospital. Ito na raw ang bahala sa bill ni Calvin.

Hindi na niya hinintay na magising si Jereck o Calvin. Gumawa lamang siya ng sulat at iniwan kay Alvin para ito na ang magbigay sa boss nito kapag nagising. Habang nililisan niya ang binata ay lalo lamang sumisigid ang kirot sa kanyang puso. At nang lulan na siya ng taxi ay tuluyan nang tumagistis ang kanyang mga luha. Humagulhol siya na halos malalagutan ng hininga dahil sa labis na emosyon.

TO the rescue naman si Jairo kay Shakira nang tawagan niya ito. Ito ang nag-asikaso sa kotse niyang nasa kamay ng mga pulis. Wala pa rin sa tamang huwesyo ang isip niya. Lalo lamang siyang nasasaktan nang umuwi siya sa apartment na tinutuluyan niya. Itinago na lamang niya ang mga gamit ni Calvin. Alam niyang pupuntahan siya ni Calvin kapag nagising ito kaya nagdesisyon siyang umuwi na sa bahay nila. Kahit masakit ay kailangan niyang tanggapin ang katotohanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top