Chapter Four
NAGISING si Shakira nang manoot sa ilong niya ang mabangong ginisang bawang at sibuyas. Bumalikwas siya ng upo nang madama niya ang pamumulikat ng kanang binti niya. Marahan niya itong hinihilot. Nang kumalma ang kirot ng binti niya ay saka lamang niya namalayan na hindi siya sa kuwarto niya nakatulog.
Napatingin siya sa gawi ng kusina. Doon nagmumula ang mabangong niluluto. Biglang humilab ang sikmura niya. Tumayo siya at mahinhing humakbang patungong kusina. Nasorpresa siya nang mamataan niya si Jereck na nagluluto suot lamang ay itim na jersey pants at tanging pulag apron ang suot nito pan-itaas. Naggagalawan ang mga nagkaparte-parteng muscles nito sa likod habang hinahalo nito ang niluluto sa kawali gamit lamang ang kaliwang kamay dahil ang isa'y nakaalalay sa saklay nito.
"You should take more rest, first," walang excuse na sabi niya.
Bahagyang nagulat ang lalaki at marahas na lumingon sa kanya. Nakaangat ang katamtamang kapal na mga kilay nito habang walang kurap na nakatitig sa kanya.
"Hindi mo dapat ginagawa 'yan," patuloy niya.
Ibinalik ni Jereck ang tingin sa niluluto nito. "It's eight o'clock in the morning. Suppose to be it's a perfect time for breakfast but I'm still cooking. I'm hungry and I guess you too. Just take your seat and wait for the fried rice. I've done cooking sausage and scrambled eggs," wika nito.
"I'll take a bat first," sabi niya saka nagtungo sa kanyang kuwarto.
Tuluyang nawala ang antok at pananamlay ni Shakira matapos ang halos kalahating oras na pagligo. Nagsuot lamang siya ng manipis na puting T-shirt at maigsing maong pants na hantad ang makikinis at mahahaba niyang hita.
Pagbalik niya sa kusina ay nakahain na ang almusal. May umuusok pang instant crab and corn soup. Nakaupo na si Jereck sa silyang nasa dulo ng mesa. Hindi pa ito kumakain. Natigilan siya nang mapansing pinapasadahan siya nito ng tingin. Saka niya napansin na sa sobrang nipis ng T-shirt niya ay bumabakat at visible nang kaunti ang kanyang dibdib. Tumitig din si Jereck sa hita niya. Nag-abala pa siyang hatakin ang pants niya pababa.
"Is something wrong?" untag niya.
"No, but you look uncomfortable in that cloths. I can wait while you take it off," walang gatol na wika nito.
May kung anong bumara sa lalamunan niya. She swallowed away the uncomfortable truth. She's not prepared for his boldness.
"Komportable ako sa suot ko. Hindi ko kailangang mag-adjust kung hindi mo gusto ang pananamit ko," sabi niya saka siya umupo sa silyang katapat nito.
"Hinihila mo kasi pababa ang laylayan ng pants mo so I thought you're not comfortable. Sorry. This is your house. If you choose to wear your shirt and sexy short, I guess it's your business. Anyway, enjoy our breakfast. I'm not sure if I have talent in cooking but I tried basic breakfast menu," sabi nito.
Hindi na niya pinansin ang pagpuna nito sa damit niya. "You're not fully recovered so please don't force yourself to work. What ever happens to you, it's my responsibility," sabi na lamang niya.
"But I'm hungry. Ayaw kong maghintay kung anong oras kang magigising. Hindi na kita nailipat sa kuwarto mo kagabi dahil nahihirapan pa akong magbuhat ng mabigat."
"Enough. Kumain ka na. Mamaya pag-iisipan ko kung paano aayusin ang schedule ko. Sa ngayon ay hindi ko pa maaasikaso ang paghahanap sa kaanak mo. Marami pa akong iniisip," aniya.
"Take your time. Kapag tuluyan akong gumaling ay tutulong ako para madali akong mahanap ng kaanak ko."
Hindi na siya kumibo. Tahimik siyang kumakain. Hindi na masama. Masarap ang fried rice na niluto ni Jereck. Ang totoo problemado siya dahil wala siya masyadong alam na lutuin. Natuto lang siyang magluto ng adobo dahil tinuruan siya ng yumao niyang nobyo. Ni pagsaing nga noon ay hindi niya alam. Kahit paglalaba ay hindi pa niya magawa nang perpekto. Tinuruan siya ni Joseph kung paano mamuhay nang simple at maging independent.
"Where's your parents, Shakira?" mamaya ay usisa ni Jereck.
Bumuntong-hininga siya. "They were migrated in New York. They both busy in hotel business," sagot niya.
"So, you're alone here in Philippines?"
"Narito ang nakatatanda kong kapatid na lalaki to manage my family business."
"And why are you living in this simple life?"
"I chose this."
"To choose has always a reason. I know and I feel that you're not comfortable with your life."
Natameme siya. Bihira ang baguhang tao sa buhay niya ang nag-abalang harap-harapang alamin ang kuwento ng buhay niya. Bihira rin siya magkuwento at sa piling tao lang. Lalong hindi sa isang ekstranghero. Kapag maraming nakakaalam, masyado nang risky.
"Boring dito sa bahay mo. Puwede ba akong sumama sa bar na pinagtatrabahuhan mo?" pagkuwan ay sabi ni Jereck.
Hindi siya makapagdesisyon. "Hindi ako sigurado kung magiging komportable ka sa bar. Mukhang high profile kang tao at malamang hindi ka nagpupunta sa mga bar," aniya.
"Paano mo naman nasabi 'yan?" nakangising tanong nito.
"Obvious naman kasi na mayaman ka at may mataas na pinag-aralan. Hindi ganoong classy ang bar na pinagtatrabahuhan ko. Madalas din may nag-aamok doon at halo-halo ang klase ng taong pumapasok."
"But I think your company didn't accept minors and do not allow cigarette smokers inside."
"May smoking area ang bar at tama ka, hindi kami tumatanggap ng minors. Pero ang gulo ay hindi maiiwasan.
"Magkano naman ang salary mo sa bar?"
"Four-hundred and eighty pesos per duty. One thousand naman per gig sa banda namin. Nag-invest din ako sa bar at monthly kong nakukuha ang ten percent interest monthly."
"Why you do chose this kind of life? Kung tutuusin you almost have everything."
Hindi na alam ni Shakira kung tama pa bang sinasagot niya ang mga personal na tanong ni Jereck. Bigla siyang nairita.
"Sa palagay ko lagpas ka na sa limitasyon mo. You're such a good interrogator but asking my personal information was too much," aniya.
Tumawa ng pagak ang lalaki. "Sorry. I just want to assure that I'm living with a normal person," sabi nito.
Lalo siyang nainis sa sinabi nito. "I can't blame you but I never betrayed other humans in my entire life. Of course I'm normal. Normal people experiencing some mental problems like anxiety and depression," palatak niya.
"I know that. That's what I've observed from you. Naisip ko na baka may pinagdadaanan kang problema kaya ang bilis mong mairita. Don't get me wrong. I'm not a judgemental kind of person but I hate secrets and lair person. You can trust me," kaswal na sabi nito.
Bumuntong-hininga siya. "How can I trust a stranger and an amnesia patient? Kapag bumalik ang alaala mo, hindi na ako basta mabubura sa isip mo at madadala mo sa pag-alis ang mga nalalaman mo tungkol sa akin. Ayaw kong maraming nakakaalam sa kuwento ng buhay ko."
"Okay. I can't please you to trust me. Pero available ang balikat ko kung kailangan mo nang masasandalan."
Hindi na siya nagsalita. Minadali na niya ang pagsubo dahil marami pa siyang labahin. Iilang perasong damit at underwear lang ang nabili niya para kay Jereck kaya kailangan din niyang labhan ang nagamit nitong damit. Kailangan din niyang bumili pa ng damit nito at personal na kagamitan dahil hindi niya alam kung hanggang kailan ito mananatili sa puder niya. Hindi puwedeng tumagal ito roon. Nangako naman si Chacha na tutulungan siyang mahanap ang kaanak ni Jereck. Kinuhaan na nila ng litrato si Jereck para sa plano nilang paglapit sa mga pulis at sa media.
Pagkatapos ng almusal ay hindi na niya hinayaan si Jereck na magligpit ng ginamit na kobyertos. Pinagpahinga na niya ito. Pagkakita pa lamang niya sa ga-bundok niyang labahin ay tinamad na siya. Hindi niya iyon matatapos ng kalahating araw.
Una niyang nilabhan ang mga paborito niyang damit. Masyadong masikip ang laundry area ng apartment at ganoon din ang space ng pagsasampayan sa mini terrace ng unit. Hindi siya komportable sa ganoong lugar. Nasanay siya sa bahay nila na kuwarto pa lang niya ay kasing laki na ng apartment na tinutuluyan niya. Automatic rin ang laundry machine kaya hindi hustle.
Ibinuhos niya sa plangganang may tubig ang laman ng dalawang paketeng detergent powder. Pagkuwan ay kinawkaw niya hanggang sa maghalo sa tubig ang sabon. Ilulublob na sana niya sa tubig na may sabon ang tuyong mga damit nang biglang nagsalita si Jereck.
"Anlawan mo muna ang mga damit ng tubig para lumambot ang dumi," sabi nito na hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya.
Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Naiinis siya. "Mababasa rin naman ang damit. Pareho lang naman iyon," aniya.
"Sige, kung ganyan ang alam mo. Huwag mo nang isama ang damit ko sa paglaba. Kaya ko na iyong labhan."
"No, magpahinga ka pa."
"Ayaw kong maging pabigat sa 'yo."
"But I put you in this situation, kaya dapat ko lang itong gawin."
"But it's too much."
"Nawala ang memorya mo at kamuntik kang mamatay dahil sa akin. Sa palagay ko kulang pa itong ginagawa ko," aniya.
May ilang sandaling tahimik si Jereck. Kinusot na niya ang mga damit.
"Ano'ng tinapos mong kurso, Shakira?" mamaya ay tanong ni Jereck.
Bumagal ang pagkusot niya. "I didn't finish my studies yet," sagot niya.
"In college?"
"Yes. I hate my course. It's not my choice. My parents plan for my future. They never asked me what I really want in my life. I always have no choice. They were always right," sagot niya sa matabang na tinig.
"That's why you hate your parents, right?"
"I won't."
"You are, Shakira. In your case, you may call as the black sheep of your family."
"Ganyan ba ang tingin mo sa akin?"
"Yes," walang paliguy-ligoy nitong sagot.
Hindi na siya nagsalita. Nag-focus siya sa pagkukusot ng damit at hindi niya namamalayan na naisama na niya sa pagkusot ang ilang perasong damit ni Jereck. Nagulat na lang siya nang umuklo sa tabi niya ang lalaki at tinulungan siya sa pagkusot.
"Let me help you. Walang lakas ang pagkusot mo, baka hindi maalis ang dumi," sabi nito.
Na-speechless siya dahil sa sinabi nito. Nainis siya pero hindi na niya iyon naipakita sa lalaki. Pinabayaan na niya itong magkusot. Binanlawan na lamang niya ang mga nasabon nang damit.
Napansin niya na nahihirapan na si Jereck sa posisyon nito lalo pa't may injury ito. Ibinigay niya rito ang inuupuan niyang bangketa.
"Masakit pa ba ang binti mo?" may himig ng pag-aalalang tanong niya.
"Medyo pero hindi na katulad noong nasa ospital na hindi ko talaga maigalaw. Naibabaluktot ko na ang tuhod ko, kita mo naman," confident na sagot nito.
"Pero kailangan mo pa rin ng pahinga."
"I can't stay here inside. I want to come outside," sagot nito.
"You can explore outside but you can't go alone."
"Busy ka palagi, paano mo ako masasamahan? Wala ka bang day off?"
"Sa ngayon ay wala pa. Next month pa ako makakapag-day off dahil wala pang na-hire na karelibo ko. Saan mo ba gustong pumunta?"
"Anywhere, basta sa tahimik na lugar at walang pollution."
"Sa mga probinsiya. Baka makakatulong ang pamamasyal para bumalik ang alaala mo. Magtiis ka muna rito."
Hindi nakakibo si Shakira nang makita niyang kinukusot na rin ni Jereck ang itinabi niyang underwear niya. Dapat ay sa huli na niya lalabhan ang mga iyon. Nakatatlong kusot na ng panty niya si Jereck bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na pigilan ito.
"That's over! Are you out of your mind?" bulalas niya sabay agaw ng panty sa kamay ni Jereck.
Namimilog ang matang tumitig sa kanya ang binata. "W-what I have done?" inosenteng tanong nito.
"This is my underwear," sabi niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa panty niya.
"I know that's yours. Hindi ko naman 'yan nanakawin. Bakit ganyan ka kung makapag-react?"
Pilit niyang ikinakalma ang kanyang dibdib nang ma-realize na over acting na siya.
"I think it's not right," wika niya pagkuwan.
"Nilabhan mo rin ang underwear ko so I though okay lang kung labhan ko rin ang underwear mo. Walang mali rito."
Tumili siya. "Enough! Ang dami mo kasing sinasabi kaya hindi ko namamalayan ang nangyayari!"
"Why you are shouting? Calm down. It just an underwear."
Tumayo na siya at inihiwalay ang mga damit ni Jereck sa mga damit niya. Inilagay niya ang mga ito sa magkahiwalay na timba saka ibinigay sa lalaki. Naisip niya, ni minsan ay hindi nangyaring naglaba siya ng damit at underwear ng yumao niyang boyfriend. Never din niya iyong pinaglaba ng kahit isang damit niya. But this stranger silently turned her life upside-down.
Dapat ay matutulog si Shakira pagkatapos niyang maglaba pero nawalan na siya ng oras dahil biglang sumakit ang ulo ni Jereck. Dinala niya ito sa ospital kung saan ito na-admit noong naaksidente. Ang sabi ng doktor ay dala lang ng pagod kaya sumakit ang ulo ni Jereck. Binigyan sila ng schedule para sa fallow-up check-up ni Jereck at CT-scan.
Pag-uwi nila sa apartment ay hindi niya tinantanan ng sermon ang lalaki.
"Sinabi ko namang magpahinga ka muna. Matigas din kasi ang ulo mo. Kapag napano ka, lalaki ang problema ko sa 'yo. Dito ka lang sa bahay at huwag kang magkikilos. Magluluto ako ng pagkain bago aalis. Pakiusap, huwag kang magpumilit magtrabaho," palatak niya habang nakapamaywang at nakatayo sa harapan ni Jereck.
Tahimik lang itong nakaluklok sa sofa at tinitingnan siya. Iniwan niya ito at nagtungo siya sa kusina. Mapapasubo siya kay Jereck. Nag-research siya sa google ng recipe na may sabaw. Ang sabi kasi ng doktor ay huwag laging dry ang ipapakain sa pasyente. Hindi rin puwede ang matitigas at mamantika.
Pero kahit may recipe ay hindi pa rin niya kayang magluto ng perpekto ang lasa. Sinabawang tuna ang niluto niya na nilagyan ng repolyo at sayote. Minadali lang niya ang pagluluto dahil late na siya sa trabaho. Pasado alas-tres na ng hapon. Late na siya ng isang oras.
"Initin mo lang ang ulam kapag kakain ka na. Gano'n din ang kanin. Aalis na ako," habilin niya kay Jereck. Nasa sala lang ito at nanonood ng movie sa laptop niya.
Wala siyang narinig na kahit anong salita mula sa binata. Iniwan na niya ito. Mabuti na lang naabisohan na niya si Chacha na male-late siya ng pasok at sinabi niya ang dahilan. Ito ang nagpaliwanag sa papalitan niyang cashier.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top