Chapter Five
HINDI gusto ni Jereck ang lasa ng sabaw. Maalat at naparami ang seasoning na nilagay. Isang hiwa ng tuna lang ang kinuha niya at kanin. Wala siyang choice kundi pagtiyagaan ang ulam. Pasado alas-otso ng gabi na siya nakakain dahil hinango pa niya ang mga sinampay nila at tinupi ang mga natuyo na. Hindi na siya nagpumilit na magtrabaho. Dahandahan din siya sa pagkilos.
Pagkatapos ng hapunan ay hinugasan niya ang mga kobyertos na nagamit niya. Ginugupo na rin siya ng antok. Sinadya ni Shakira na iwan sa kanya ang laptop nito para may libangan siya. Bitbit niya ang laptop at sana'y papasok na sa kuwarto nang makarinig siya ng music mula sa kuwarto ni Shakira. Noon lamang niya napansin na hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto.
Natukso siyang pumasok sa kuwarto ng dalaga. Cellphone pala nito ang tumutunog na nakapatong sa ibabaw ng kama. Nilapitan niya ito at dinampot. Aksidenteng nagalaw niya ang answer key sa touch screen. Naka-loud speaker pa kaya nagulat siya nang umalingawngaw ang boses ng babae.
"Shakira, it's me, your mom. Hanggang kailan mo ba kami titiisin ng Daddy mo? Wala kang mapapala sa pagmamatigas mo. We love you, hija. We don't aim to betray you if that's what you think we are doing. You just don't understand the situation. You're our only daughter that's why we do anything for your better future. Please, don't get us wrong. Nagdesisyon kami ng Daddy mo na pilitin kang dalhin sa New York para dito na mag-aral. Hindi na magbabago ang desisyon namin na ipakasal ka sa karapat-dapat na lalaki. Please, tigilan mo na ang pagrerebelde. Huwag mo nang hintayin na sapilitan ka naming kukunin. Shakira, anak, please talk to me, darling."
Hindi pinutol ni Jereck ang linya. Inilapag lang niya sa kama ang cellphone at hinayaang magsalita ang ina ni Shakira. Dahil sa mga narinig niya mula sa ina ni Shakira ay unti-unti niyang nauunawaan ang sitwasyon ng dalaga. Kalaunan ay kusa ring naputol ang linya. Hindi na niya muling hinawakan ang cellphone.
Nakabukas lang ang ilaw sa kuwarto ni Shakira at magulo ang kama. Nagkalat ang mga kinumot na papel sa sahig at ang hinubad na damit ng dalaga ay naroon lang sa ibabaw ng kama. Nagkalat din ang mga slippers nito. Nabaling ang tingin niya sa mesang nakadikit sa dingding malapit sa bintana. Nakatingin siya sa kuwadradong larawan. Nilapitan niya ito. Litrato iyon ni Shakira kasama ang isang lalaki. Parehong nakangiti ang dalawa. Katabi ng litrato ay nakapatong din ang isang gitara.
Inilapag niya sa mesa ang bitbit niyang laptop saka niya kinuha ang gitara. Sa mismong katawan ng gitara ay may nakaukit na mga pangalan.
Joseph love Shakira
Napaisip siya. Marahil ay ang lalaking kasama ni Shakira sa litrato ay marahil boyfriend nito. Pero kung may boyfriend ang dalaga, bakit pakiramdam niya'y loveless ito?
Saktong paglapag niya ng gitara ay narinig niyang bumukas ang pinto. Awtomatiko siyang pumihit paharap sa pinto. Nasorpresa siya sa maagang pag-uwi ni Shakira. Nanlalaki ang katamtamang singkit nitong mga mata habang nakatitig sa kanya.
"What are you doing here?" tanong nito sa namamalat na tinig.
"I heard the sound of your phone. Someone's calling. Sorry, I accidentally answer the call from your mother," prangkang sagot niya.
"What? Bakit mo sinagot?!" nanggagalaiting tanong nito saka nito dinampot ang cellphone nito.
"I said, it was accident but I didn't talk to her. I let her talk."
"You don't have rights to to this! And entering my room without my permission was not a good idea! Get out!" hasik nito.
Mariing kumunot ang noo niya. May swing mood ang babaeng ito at hindi niya iyon gusto. Hindi siya nagpasindak sa pagsusungit nito.
"Sorry kung kasalanan ang ginawa ko. I know I don't have rights that's why I apologized. Siguro nga nababagot na ako kaya napadpad ako rito sa kuwarto mo. Akala mo ba gusto kong ma-trap sa puder mo? Hindi ako natutuwa sa totoo lang. Wala lang akong choice dahil wala akong maalala. Pero ayaw kong igiit ka sa kasalanan mo. Ang gusto ko lang ay maging maayos ang pakikitungo natin sa isa't-isa. Pero kung masyado na akong nakakaabala sa buhay mo, hayaan mo na lang akong lumapit sa mga pulis para matulungan nila ako," seryosong wika niya.
Walang ligtas sa kanya ang biglang pamumutla ni Shakira. Nahimasmasan ito. Bigla itong lumuklok sa gilid ng kama at humagulhol. Napasobra ata ang litanya niya at nasaktan ito.
"I'm sorry," aniya.
"No, you don't have to say sorry. It's my fault. Sorry kung napagbubuntunan kita. Ako ang may kasalanan sa 'yo kaya sorry," humihikbing wika nito.
Hindi niya alam kung paano iko-comfort ang dalaga. Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na hinahagod ang likod ni Shakira.
"Stop crying. Your tears shows the hardness of emotions you had been carried in your heart. Nakadagdag pa ako sa problema mo. Huwag kang mag-alala, kapag kondisyon na ang katawan ko ay kusa na akong lalapit sa eksperto para mahanap ang pamilya ko."
Naudlot ang pagluha ng dalaga. "No, responsibilidad ko ito. Baka kung ano pa ang isipin ng pamilya mo kapag natuklasan kung ano ang nangyari sa 'yo. Baka ipakulong nila ako," nababahalang wika nito.
"Hindi nila gagawin 'yon. Ako ang magpapaliwanag."
"Natatakot ako," anito.
"Wala ka lang tiwala sa akin."
Tumayo ang dalaga at lumapit sa bintana. "You're staying here until I found your family. Pasensiya ka na sa akin. Alam kong nahihirapan kang mag-adjust," wika nito.
"Wala ka bang mga kaibigan na nagpapayo sa 'yo?" pagkuwan ay tanong niya.
Hindi siya nito hinarap. "Meron. Matigas lang talaga ang ulo ko. Mataas ang pride ko. Nagrerebelde ako sa parents ko. I hate the way they care me. Para akong ibon na nakakulong sa hawla at tanging sila lang ang may karapatang magdesisyon kung kailan ako papakawalan. They feed me, they gave me everything I need, money, material things and wealth but they don't know what I really want," kaswal na kuwento nito.
Nakaka-relate siya sa kuwento nito pero hindi niya maintindihan kung bakit. Maaring pareho sila ng katayuan sa buhay.
"Narinig ko ang sinabi ng Mommy mo. Naintindihan ko na. Kaya ka nagrerebelde ay dahil pinipilit nilang magpakasal ka sa lalaking gusto nila. That's common issue for high profile parents. Mas mahalaga sa kanila ang privacy ng pamilya kaysa damdamin ng sarili nilang anak," sabi niya. Lumuklok siya sa gilid ng kama dahil nangangawit ang binti niya.
"That's not just a reason. Maraming sitwasyon na hindi namin napagkasunduan ng Mommy ko. She's against in all decision that I made."
"Maaring may pagkukulang ang Mommy mo, pero maaring meron ka rin. Kung wala sa kanya ang problema, baka na sa iyo."
Marahas na humarap sa kanya ang dalaga. "Halos lahat na taong nakilala ako ay palaging may negative impression sa akin. Somebody judge me."
"I just like those people. Ang kaibahan ko lang, mas mabilis kong natuklasan ang mga reason bakit ka nagkakaganyan. But for me, that's not a big issue. Bata ka pa. There's more opportunity for you to change your life style. You have to accept your mistake and you should learn how to forgive and move on."
Biglang tumahimik ang panig ni Shakira. Nakatitig lang ito sa kurtina na isinasayaw ng hanging nagmumula sa labas.
"Anyway, nag-dinner ka na ba? Napaaga ata ang uwi mo," aniya pagkuwan.
Ibinalik nito ang tingin sa kanya. Umiling ito. "Sumakit ang ulo ko kaya nag-under-time ako. Hindi rin ako nag-rehearse," sagot nito.
"Baka epekto na 'yan ng alak. Or nalipasan ka na ng gutom. Tara sa kusina," aniya at nagpatiunang lumabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top