CHAPTER 2
CHAPTER 2
NYKYREL cursed when the woman fell into the ground with a thud. Itirik niya ang mga mata saka hinawakan sa leeg ang aso niya para pigilan itong sakmalin ulit ang babae.
The woman was wearing denim short and a simple t-shirt. Napatitig siya sa paa na sinakmal ng alaga niyang aso,
Pity. Those legs were delectable looking.
With that thought, Nykyrel grimaced. Matagal-tagal na rin pala simula ng huli siyang nagparaos sa isang babae. It's been a fucking year. Kaya siguro ganoon siya mag-isip.
Nykyrel sighed then patted his dog's head. Good boy.
Pinangko niya ang walang malay na katawan ng babae, dumudugo ang sugat nito. Wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa babae pero ayaw naman niyang mamatay ito sa loob ng bahay niya. It's her fault that she was bitten.
Ihiniga niya ang babae sa mahabang sofa sa sala niya saka kumuha ng malinis na tubig at pamunas. Pagkatapos niyang linisin ang sugat ng babae, naiinis na kinuha niya ang first aid kit saka kinuha roon ang gamot para hindi kumahol ang babae pagkalipas ng ilang araw.
It's for anti-rabies vaccine.
Pagkatapos niyang isalin ang vaccine sa syringe, binalikan niya ang babae. This is too much work, damn it!
Nykyrel sigh as he injected the anti-rabies to the unconscious woman.
Why the hell am i doing this? Naguguluhang tanong niya sa sarili. He should be sending the woman out. Umiling-iling si Nykyrel. Hindi niya maintindihan ang sarili niya.
He heaves a deep sighed and stared at the woman's face.
Underneath those eyelids was a dark chocolate color eyes. Matangos ang ilong nito at natural na mapula ang labi. She has a heart shape face and burgundy color hair. All in all, she's very pretty. And pretty women are dangerous.
I really must send her away the moment she wakes up. Fuck!
NAGMULAT ng mata si Lechel. She's aware of the pain in her left leg. Dahan-dahan siyang bumangon saka tiningnan ang masakit niyang paa. Malinis na ang sugat.
Who would... that man!
Mabilis niyang inilibot ang paningin niya, hinahanap ang guwapong lalaki. Tumigil ang mga mata niya sa pang-isahang sofa.
There, a handsome man sits, motionless and emotionless.
Tumikhim siya, "hi." She squeaked.
Walang buhay ang mga mata na tumingin sa kaniya ang lalaki saka may ipinakita sa kaniyang white board na may nakasulat na: GET THE FUCK OUT OF MY HOUSE!
Nagsalubong ang kilay niya sa inis dahil sa nabasa. That was so rude! At bakit isusulat nito iyon. Can't this man speak?
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Baka nakakalimutan mo na sinakmal ako ng aso mo! The least you could do is take care of me."
The man rolled his eyes, and then he started writing in the white board. Pagkatapos nitong magsulat, ipinakita nito iyon sa kaniya.
'FUCK YOU! YOU'RE THE ONE WHO ENTERED MY HOME. IKAW ANG PUMASOK NG WALANG PAHINTULOT. KAYA WALA AKONG RESPONSABILIDAD SAYO. KAYA UMALIS KA NA!'
Paulit-ulit na binasa ni Lechel ang nakasulat sa white board. Hindi niya mapigilang matawa. Ano ba ang problema ng lalaking 'to?
Tumingin siya sa lalaki na parang sinusuri ito mula ulo hanggang paa. "Pepe ka ba? Sino ka? Anong pangalan mo?"
Pinukol siya ng masamang tingin ng lalaki saka nagsulat na naman sa white board. 'I'M NYKYREL GUZMANO. NOW, FUCK OFF AND GET OUT OF MY FUCKING HOUSE!'
Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Ito si Nykyrel Guzmano? Akala niya mabaho ito? What the hell?!
"Oy! Ikaw si Nykyrel Guzmano? Puwede ka bang ma interview?" Tanong niya kaagad. This is her chance. "Kailangan kitang makausap. That's why I'm here. Sorry if i trespassed. I just need to talk to you—"
Naputol ang sasabihin ni Lechel ng naiinis na tumayo ang lalaki at walang sabi-sabing pinangko siya.
Lechel was lost the very moment his arms cradle her. Good heavens! Ang bango ng lalaking 'to. Parang gusto niyang ikiskis ang sarili sa lalaki para makuha niya ang amoy nito.
Marahas niyang ipinilig ang ulo. Ano bang nangyayari sa kaniya? This man is so devilishly handsome! At naapektuhan siya sa kaguwapuhan nito. Mabilis at malakas ang tibok ng puso niya.
Siguro may engkanto ang bahay na 'to kaya nakakaramdam ako ng ganito. Lechel reasoned with herself. Tama. 'Yon nga ang rason. Napakalaki ng bahay na 'to. Malamang may multo rito.
Naputol sa pagiisip si Lechel ng marinig niyang bumukas ang pinto saka walang sabi-sabing binitiwan siya ng lalaki, sa labas ng pinto ng mansiyon nito, dahilan para mapaupo siya sa sahig,
Lechel glared at Nykyrel Guzmano. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. "Walang modo! Muntik nang ma-dislocate ang buto ko sa pigi dahil sa ginawa mo!" She spat at the man standing emotionless in front of her. Kung nakakamatay lang ang tingin... bakit ba naging guwapo pa ito? "Letse ka! Hayop—" she abruptly stops, "naririnig mo ba ako? Diba kapag pepe, bingi rin?"
Pinandilatan siya ng lalaki saka malakas na binalibag pasara ang pinto.
Napasimangot na sumadal siya sa nakasarang pinto at hinimas ang medyo nananakit niyang pigi.
Peste ang lalaking 'yon! Walang modo! Walang puso!
Bumaba ang tingin niya sa kaniyang paa. Namamaga iyon nararamdaman niyang nananakit na. Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka ipinikit ang mga mata.
She felt tired all of the sudden. She felt her leg getting numb. Haixt. Dahan-dahang nawalan ng malay si Lechel.
NAPABALIKWAS ng bangon si Lechel ng magmulat siya ng mata at napansin niyang nasa estranghero siyang silid.
The last time Lechel remember, she closed her eyes while leaning on the door.
Nasaan ako? Tanong niya sa sarili saka umalis sa pagkakahiga sa kama.
Lechel looked back at the bed. It's a King size. Color black like the rest of the things in the whole bedroom.
Umawang ang labi nita. Hindi kaya ... hindi kaya nasa isa akong silid ng mansiyon ni Nykyrel Guzmano? Creepy!
Dahan-dahan siyang lumabas sa silid at pasilip-silip sa paligid habang naglalakad.
Napatigil sa paglalakad ng dahan-dahan si Lechel ng makarinig ng tunog galing sa hindi kalayuan. Mabilis siyang nagtungo roon at nakita niya si Nykyrel Guzmano.
Honestly, she was beyond shock. Akala talaga niya ay matanda ito o kaya naman pangit na mabaho. Pero nagkamali siya. His eyes were the most adorable liquid brown. His lips were the most kissable plum. His ripped body was the most seductive flesh in the world. Oh, and his attitude ... it sucks.
Bumuga siya ng marahas na hangin dahilan para mapalingon sa kaniya ang lalaki.
She smiled, but it turns into a grimace. "H-Hi."
Tumaas ang kilay ni Lechel ng makitang may hawak itong white board at sinusulatan iyon, pagkatapos ay ipinakita nito sa kaniya ang nakasukat doon.
'FUCK OFF, WITCH!'
Naningkit ang mata niya sa inis. "At talagang may pandamdam ka pang ginamit. Hmp." Paika-ika siyang naglakad sa Island counter kung saan nakahilig ito roon at umiinom ng Beer habang matalim ang mata na nakatingin sa kaniya.
Tumikhim siya saka sinubukang tumayo ng tuwid pero napapangiwi siya sa sakit. Hindi pa niya kaya. Bwesit ang asong 'yon!
Lechel sighed and raise her chin up at the intimidating man in front of her. "Mr. Guzmano, I'm Lechel De Villa." Inilahad niya at kamay. Nang hindi nito tinanggap ang pakikipagkamay niya, naiinis na ibinaba niya ang kamay at namaywang. "Look, I'm just here to ask you some questions. And then I'm out. Kailangan lang kitang ma-interview para ma-promote ako—"
Tumigil sa pagsasalita si Lechel ng makitang nagdilim ang mukha ni Nykyrel Guzmano.
She gulped. "Please, Mr. Guzmano. I need this promotion to—" tumigil ulit siya sa pagsasalita kasi humakbang palapit sa kaniya ang lalaki at tumigil lang ito ng ilang dangkal nalang ang layo ng mga mukha nila. "M-Mr. G-Guzmano..."
Lechel can't look away from his deep lazy eyes. Para siyang nahihipnotismo na tumingin doon. His eyes were magnetic and she's being magnetized. She can't look away! I should slap myself to wake up from this ... whatever this is called.
A loud squeal escape Lechel lips when Nykyrel Guzmano abruptly slip his arms around her waist and around her mid-thighs, then he was carrying her, bridal style.
"Hoy! Ibaba mo ako!" Sigaw niya habang pinagtatatampal ang dibdib at balikat ng lalaki. "Put me down, you brute!"
Kahit anong sigaw niya, mas naging mahigpit lang ang pagkakakarga sa kaniya ni Nykyrel Guzmano. Hanggang sa makarating sila sa silid na pinanggalingan niya kanina, hindi talaga siya binitiwan ng lalaki.
Nykyrel Guzmano quietly laid her on the bed. And then he handed him his very expensive phone.
Kinunotan niya ng nuo ang lalaki saka bumaba ang tingin niya sa cell phone na malapit sa mukha niya.
"Ano?" Tanong niya sa lalaki.
The man didn't speak. Pepe nga diba? Basta iniabot lang nito sa kaniya ang cell phone saka tumayo sa gilid ng kama na parang may hinihintay.
Nakatingin lang si Lechel sa screen ng cell phone nito ng ilang minuto saka napapantastikuhang ibinalik ang tingin kay Nykyrel.
"Gusto mong mag selfie ako gamit ang cell phone mo?" Biro ni Lechel. Hindi kasi niya maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig.
Nykyrel rolled his deep lazy eyes and snatch his phone from her hand. He started typing and then he gives her back the phone.
Napatitig ulit siya sa screen at tumaas ang dalawa niyang kilay ng mabasa ang nakasulat sa new message in capital.
'PUT YOUR NUMBER.'
Understanding dawn on Lechel's face. Ohh. 'Yon pala ang ibig sabihin nito.
Tiningala niya ang lalaki. "Ano ba ang pinaglalaban mo? Bakit palaging capital letters ka kapag nagsusulat? Ano 'yon, para intense?" Pagtataray niya saka inilabas ang cell phone niya sa bag na nasa uluhan ng kama.
Lechel typed her number on Nykyrel's phone, she save it under the name 'Lechel D.', and then she handed it back to him.
"Hayan na ang number ko." Umismid siya. "Ano naman ang paggagamitan mo sa number ko, ha?" Mataray niyang tanong.
Wala siyang pakialam kung ito ang susi para ma promote siya. Nakakainis ang ugali nito. Hindi man ito nagsasalita, halata namang bossy masyado. Pft! Buwesit.
Nykyrel didn't answered her, of course. Hindi na 'yon shocking. Hindi man nito ki-non-firm, alam niyang pepe ito. Duh! No wonder he doesn't go out at all. The world can be harsh to differently abled person.
He started tapping his phone and then her phone beeped.
Bumaba ang tingin niya sa cell phone niya na nasa ibabaw ng kama, sa tabi niya. It's a text from an unknown number. Nagtaas siya ng tingin kay Nykyrel, naglalakad na ang lalaki palabas ng silid na iyon.
Lechel picked up her phone and open the message.
'Rest or I'll let my dog bite you again.'
Napakurap-kurap siya at matagal na napatitig sa pinto na nilabasan ng lalaki. Alam niyang galing iyon kay Nykyrel Guzmano. Ang walang modong aso lang naman nito ang tumikim sa maganda niyang legs.
Mukhang may puso naman pala ito. One-fourth nga lang. Nawawala ang three-fourth.
NAPATIGIL sa paglalakad si Nykyrel ng tumunog ang cell phone niya. Binuksan niya ang inbox at napakunot ang nuo ng makitang galing iyon kay Lechel D.
He opened the message.
'Thanks :)'
His eyes widen at the woman's reply. Hindi siya sanay na may nagpapasalamat sa kaniya. People never thanked him; they used him, to get what they want.
Anger rose inside him. Bakit ba hinayaan niyang manatili ang babaeng yon sa bahay niya? Dapat pinalayas na niya ito. Dapat pinakagat ulit niya ito sa alaga niyang aso. But he knew better why he let that woman stay. Nang buksan niya ang pinto ng bahay niya, at nakita ang walang malay nitong katawan. Something inside him shifted. He can't let the woman die. His heart was just broken and tattered, not gone. Kaya pinangko niya ang babae patungo sa isa sa mga guest room ng bahay niya at nagdesisyon siyang palalayasin niya ang babae kapag maayos niyang na-i-inject ang natitira pang dalawang vaccine ng anti-rabies.
Nice plan. But she thanked you.
Ipinilig niya ang ulo para mawala ang estrangherong emosyong naramdaman niya ngayon-ngayon lang. Lechel De Villa is not different from those people outside his mansion. She will just use him, and then discard him when she already gets what she wants... and that's an interview from him.
A devious smilestretched Nykyrel's lips. No interview for you, Ms. Lechel De Villa. Let's seehow long you'll last.
A/N: Hanggang sa uulitin, CCBells. Hehe. Sana nagustuhan niyo ang update ko. Thankies po :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top