Taming My Badboy Boss (Teaser)

Pumayag si Abby sa deal ni Don Rodolfo na may-ari ng lupaing inuupahan ng kaniyang pamilya. Hindi na sila nito palalayasin. Kapalit niyon ay paamuhin at turuan niya sa negosyo ang sutil nitong apo.  Ngunit ang inaakala niyang madaling trabaho ay sakit pala sa ulo. Sa unang pagkikita pa lang nila ni Blake na apo ng don ay mainit na ang dugo niya rito. Ito kasi ang umapak sa paninda niyang kamatis at ninakawan siya ng halik. Subalit naglaho ang kan'yang inis nang mas makilala ang binata, at handa itong itaya ang buhay para sa kaligtasan niya. Mabilis nahulog ang loob niya rito, ngunit natuklasan niyang nakatakda pala itong ikasal sa iba. Kung kailan umiibig na rin sa kan'ya si Blake ay natuklasan nito ang sikreto nila ng lolo nito. Mananaig pa kaya ang bugso ng kanilang damdamin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top