C-8 Her Beautiful Mistake

BYERNES ng umaga ay pumunta si Sandra sa hotel ni Elias. Usapan kasi nila na doon na sila magkikita. Dumating naman kaagad ang binata lulan ng puting SUV.

"Are you ready?" tanong ni Elias. Inalalayan siya nito papasok ng kotse.

"Yes, at may baon akong swimsuit. Sabi mo kasi ay maliligo tayo sa beach."

"Yeah, and we will stay in my rest house in Tagaytay."

"Talaga?" Halos mapaihi na ang dalaga sa sobrang excitement.

"Yes." Matamis na ngumiti si Elias. Pinaandar na nito ang kotse at nagmaniobra.

Nag-uumapaw ang saya niya nang mga oras na iyon. At wala siyang ibang inisip kundi ang sandaling kasama niya si Elias. Never pa siyang na in love kaya naninibago siya sa kaniyang nararamdaman. Nang hawakan ni Elias ang kamay niya ay wari luluwa ang puso niya mula sa dibdib. Nagwawala na ito.

"Thank you for the care, Elias."

Malapad namang ngumiti ang binata. "And thank you for coming into my life, Sandra. I didn't expect that I would be happy like this."

"Sobrang napasaya mo rin ako."

Mamaya ay inilapit ni Elias ang kamay niya sa bibig nito. Masuyo nito iyong hinalikan. Napaawang naman ang bibig niya sa pagkagulat. Ayaw nang tumigil ng puso niya sa paghuramentado.

"Ako lang ang isipin mo sa bawat oras na magkasama tayo, Sandra. I want to set the time only for us."

Paulit-ulit nama siyang tumango at hindi makaimik dahil sa makulit niyang puso.

Pagdating sa rest house ni Elias ay kaagad silang kumain sa beach. Mayroong native cottage roon na sisilungan nila. Tahimik ang lugar, walang ibang tao kaya walang abala.

Pagsapit naman ng hapon ay naligo sila sa dagat. Mabilis ang paglipas ng oras, ngunit ganoon din kabilis natanto ni Sandra na masaya siya sa piling ni Elias. Maikli man ang panahong nakilala niya ito, masasabi niyang handa na siyang magmahal.

"Gusto ko nang malaman ang gender ng baby natin," sabi niya kay Elias.

Nakahiga sila sa buhangin na sinapinan ng kumot. Pinapanood nila ang palubog na araw.

Pumihit ito paharap sa kaniya. "Me, too. Every time I look at your tummy, I imagine how our baby moves inside. Hindi ko na mahintay na marinig ang boses niya at tawagin akong daddy,"

Napatitig naman siya sa guwapong mukha nito. And her heart pounded as she thought about kissing his red lips. Gusto na niyang ipagsigawan kung ano ang pinapahiwatig ng kaniyang puso.

"Honestly, nagugulat ako sa nangyayari," nakangiting wika ni Elias.

"Bakit?"

"Kasi mas marunong na sa akin ang puso ko. Nagdedesisyon siya nang kusa."

Napabunghalit naman siya ng tawa. "Marunong ka rin palang magbiro, Doc. Napatawa mo ako."

"No. It's not a joke. I know, it's love. I'm in love with you, Sandra."

Naglaho ang ngiti sa mga labi ni Sandra. Animo may naghahabulan sa loob ng kaniyang dibdib. She doesn't know how to react to Elias's confession. Hindi niya naawat ang galak na nag-udyok sa kaniya upang magpahayag na rin ng damdamin sa binata.

"I felt it, too, Elias. I love--" Naudlot ang sasabihin niya nang siilin siya ng mapusok na halik ni Elias sa mga labi.

Nanlumo siya nang gupuin ng bayolenteng init ang kaniyang buong sistema. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa halik ng binata.

PAGSAPIT naman ng gabi ay sa poolside cottage naman sila naghapunan. Gustong sulitin ni Sandra ang sandaling masaya siya sa piling ni Elias. Nakikita rin niya ang kaligayahan sa mga mata ng binata.

"I didn't except I would be happy like this, Sandra. I'm thankful that you came into my life," masuyong pahayag ni Elias.

Malapad naman siyang ngumiti. "Ako rin, Elias. Hindi ko ito inaasahan."

Ginagap ng binata ang kaniyang kanang kamay at ginawaran ng pinong halik. "I love you, that's the only thing I am sure right now."

"Paano mo nasabing mahal mo na ako, Elias?"

"Isn't it obvious?" Natawa pa si Elias. "Gusto na kita noong unang kita ko sa 'yo, Sandra. Kaya siguro ang bilis kong bumigay noong hinalikan mo ako."

"Wow! At hindi ako makapaniwala na inisip mong isa akong journalist. Kaya ka ba na-attract sa akin dahil doon?"

"No. It's not about your profession. Talagang may something sa 'yo na umakit sa akin. Aside from your eyes, it's all about your personality and how you act towards other people."

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Oh, my gosh! Ibig sabihin, nakatingin ka lang sa akin at inoobserbahan during party?"

"Something like that."

Shock na napatitig si Sandra sa binata. But deep inside, wala nang pagsidlan ang kaniyang galak at kilig. Kaya pala nakatingin sa kaniya si Elias noong gabi ng party.

"Lalo akong na-impress nang malamang fasion designer ka. I admire talented people and how they put their heart into every masterpiece they create."

Napangiti siya. "Thank you, Elias." Banayad niyang hinaplos ang pisngi nito.

"And you deserve more success. I have a friend in Paris; he owned an elite fashion company. Bumibili rin siya ng mga design from the small companies to promote. Ipakikilala kita sa kaniya pati ang company n'yo, para makapag-negociate siya sa boss mo."

"Seryoso ka ba, Elias riyan, Elias?"

"Oo naman. Just give me the email of your company and a sample of your designs."

"Pero hindi naman ako kasing husay ng mga sikat na designer. Baka hindi papasa ang designs ko."

"Don't underestimate your talent, Sandra. I trust you."

"Salamat!"

Walang pag-aatubiling binigyan niya ng calling card ng company nila si Elias. And the rest of the time, they talked about fashion. Napaka-supportive ni Elias.

SA natitirang dalawang araw ng bakasyon, sinulit nina Sandra at Elias ang pamamasyal lulan ng yate. Pag-aari ni Elias ang maliit na yate, na ginagamit lamang niya sa tuwing nagbabakasyon.

He canceled all his appointments to give Sandra more time to feel comfortable with him. Feeling kasi niya ay kailangan ng dalaga ng mas mahabang atensiyon niya upang masanay sa kaniya.

"Hey! What are you doing, huh?" tanong niya sa dalaga. Nakatutok kasi ang cellphone nito sa kaniya at kinukuhaan siya ng video.

"Gusto ko ng magandang memories, Elias. And you look delicious; I'm starving right now, babe!"

Hindi napigil ni Elias ang kaniyang tawa. Sandra was a bit naughty, yet sweet. Ang pinakagusto niya rito ay ang silly side na may pagka-conservative. She's cute. Sa tuwing ngumingiti ito sa kaniya, pakiramdam niya ay kanya ang mundo. He never felt this kind of happiness in his entire life.

"That's enough! Kakain na tayo!"

Tumigil naman si Sandra sa pagkuha ng video at picture sa kaniya. Inihain na niya ang nalutong isda sa lamesa.

"Gusto ko ng inihaw na mais, babe," ungot nito. Her craving got worse. Pahirap nang pahirap ang hinahanap nitong pagkain.

"I'm not sure if there is a sweet corn in the market."

"Meron 'yan. Bili ka, ha?"

Wala siyang choice kundi umoo. Pinaghimay niya ng laman ng isda si Sandra para walang makaing tinik.

Pagkatapos ng tanghalian ay nagtungong palengke si Elias. And he's lucky, there are sweet corn in the wet market. He bought two kilos of corn, to make sure na hindi mabitin si Sandra.

Pagbalik niya ng rest house ay napatili sa kilig si Sandra. Gusto kaagad nitong ipaihaw sa kaniya ang mais. And he did, even without any idea how to do it perfectly. Ang weird pa kasi gusto ni Sandra ng medyo sunog na mais.

"Sabi ng iba, kung maglihi ang babae ng dark na pagkain, maitim din ang baby paglabas," ani Sandra. Pinapapak na nito ang nalutong mais habang pinapanood siyang nag-iihaw pa rin.

Hindi niya napigil ang kaniyang tawa. "That's not true. Babies adapt their parents' genes, so kung ano ang meron sa parents, iyon ang posibleng lalabas sa baby. Maari ring namamana from the late generation."

"Kung sa bagay. Pero sana mamana ng anak natin lahat sa 'yo, ang talino, mukha, at saka tangkad."

Napangiti siya. "Kung babae ang anak natin, gusto ko mamana niya ang mga mata mo."

"Bakit?"

"Kasi, ang mga mata mo ang umakit sa akin. And those eyes were special for me. And I want to see them to our child, too."

Lumapad ang ngiti ni Sandra. Lumapit pa ito sa kaniya para lang halikan siya sa pisngi.

"I love you," bulong nito sa kaniya.

Napangiti lamang siya at hindi maalis ang titig sa magandang mukha ni Sandra. She's perfect for him, no doubt.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top