C-5 Her Beautiful Mistake
LINGGO ng tanghali ay hindi nakatanggi si Sandra sa imbitasyon ni Elias na mag-lunch. Pinapunta siya nito sa hotel na pag-aari nito sa Makati. Pumasok siya sa restaurant at doon naghintay.
Nilapitan kaagad siya ng waiter. "Excuse me, ma'am," sabi nito.
"Ah, pasensiya na, hindi pa ako mag-o-order," aniya.
"Kayo po ba si Ms. Sandra Lazaro?"
"Ako nga. Bakit?"
"Pinapupunta po kayo ni Dr. Andrada sa VIP room. Doon daw po kayo maghintay. Nasa biyahe pa po kasi siya."
"Sige, salamat." Tumayo na siya at sumunod sa waiter.
Pagdating sa VIP room ay namangha siya sa ganda nito. Ayos pa lang ng kuwarto ay mamahalin na. Umupo siya sa tapat ng round table na may pulang sapin, ganoon din ang upuan. Iniwan na siya roon ng waiter.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating si Elias suot ay puting longsleeve polo at black slacks. Kagagaling lang nito sa ospital.
"Sorry, I'm late. Traffic kasi," nakangiting sabi nito.
Dumating na rin ang pagkain nila dala ng waiter.
Gumanti siya ng ngiti kay Elias. "Okay lang. Maganda naman itong place."
Inasikaso pa ni Elias ang tubig niya sa baso. "So, saan ka pala nagwo-work?"
"I'm a fashion designer of La Fasionada Corporation sa Alabang."
"Wow! I thought you're a journalist."
Natawa siya. "Paano mo naman nasabi 'yan?"
"Bisita ka kasi ng kaibigan kong doktor noong gabi ng party, where we met first, and her husband owned the media and fiction book publisher. So, I thought you were one of their writers or journalists."
"Nice guess. Ang totoo, ang kaibigan ko ay secretary ni Mr. Alvarado, so she invited me to the party."
"Oh, I see." Kumain na si Elias.
Habang kumakain ay hindi matiis ni Sandra na pakatitigan si Elias. Ngayong hindi na siya lasing, natanto niya na mas guwapo pala ito. And he's a gentleman, polite, tipo ng lalaking minsan niyang pinangarap.
"Naalala ko, pag-aari mo pala itong hotel."
"Yes. I inherited this from my late grandfather. Actually, it has branches around the country. I also owned a private hospital in Makati, na namana ko naman sa parents ko. Since I was the only child, I was obliged to manage all the companies from my late parents."
Sandali siyang natigilan. "You mean, wala ka nang parents?"
"Yes. They both died in a plane crash in Malaysia. I only have a grandmother, pero disabled na siya after ma-stroke."
Nalungkot siya bigla sa kuwento ni Elias. "Ako naman ay mama ko na lang ang kasama ko. Wala rin akong kapatid kasi maagang pumanaw ang papa ko."
"I see. So, how's your mother?" Inusisa rin nito ang kaniyang pamilya.
"Malusog pa naman siya, pero minsan na siyang na-diagnose na merong kidney stone. Naoperahan na rin siya."
Ilang sandaling namayani ang katahimikan.
"I want to talk to your mother, Sandra. I will ask her permission to marry you," sabi ni Elias.
Natigilan siya at napatitig kay Elias. Ilang sandaling nablako ang kaniyang isip dahil sa sinabi ng binata. Awtomatikong inalipin naman siya ng kaba.
"Ah, h-hindi pa puwede."
"Why not?"
"Ano kasi, hindi pa naman tayo lubos na magkakilala."
"That's not a problem, Sandra. You're pregnant, and you need me. Ayaw ko ring solohin mo 'yan. Maraming pagkakataon para mas makilala natin ang isa't isa."
Hindi siya natatakot sa desisyon ni Elias. Pero ang problema niya sa kaniyang ina at kay Alfred ay umuusig sa kaniya.
"Ano kasi, may--" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang tumunog ang cellphone ni Elias.
"Excuse me," sabi nito. Kinuha nito ang cellphone saka sinagot ang tawag. "Okay, I'll go there. Please assist the patient and prepare the delivery room."
Alam na ni Sandra ang mangyayari. May emergency sa ospital at kailangan si Elias.
Tumayo na ang binata. "I'm sorry, Sandra, I need to go back to the hospital."
"Okay lang." Matipid siyang ngumiti.
"Don't rush your meal. I reserved the hotel suite for you. And if you want to leave, my driver will take you home."
Hindi na siya nakakibo dahil sa pagkamangha. Sinundan lamang niya ng tingin ang paalis na bulto ni Elias.
Pagkatapos kumain ni Sandra ay inasikaso naman siya ng staff ng hotel. Ginamit niya ang hotel suite na inilaan ni Elias para sa kaniya. Wala naman siyang ginawa kundi natulog. Hapon na siyang nagising at nagpalaam sa staff na uuwi. Katulad nga ng sinabi ni Elias, may driver itong nautusan na ihatid pauwi ang dalaga.
Pagdating naman sa kanilang bahay ay naabutan ni Sandra ang kaniyang ina na abala sa pagluluto.
"Mabuti dumating ka na, anak. Tulungan mo akong magluto dahil dito kakain si Alfred mamaya," sabi ni Lanie.
Umatake na naman ang kaniyang stress. Tinulungan niya ang ina sa paghahanda ng hapunan. Hindi pa rin siya makatiyempo na magtapat dito lalo't kumplikado na ang sitwasyon.
"Ma, hindi ko pa kayang magpakasal," sabi niya sa ina.
"Eh, hindi naman kayo ikakasal kaagad ni Alfred. Mahaba-haba pang preperation ang kailangan lalo't busy pa si Alfred sa business. At saka gusto niya ay mabigyan ka ng kasal na deserve mo."
Itinuloy lamang niya ang pagbabalat ng patatas. Nakikita ang saya sa mukha ng kaniyang ina sa tuwing napag-uusapan si Alfred. Hindi naman siya kukontra kung walang kumplikasyon. Matutunan din niyang mahalin si Alfred kaso biglang dumating si Elias at nabuntis pa siya. Naguguluhan na siya.
"Hindi mo raw sinasagot ang tawag ni Alfred, Sandra," mamaya ay sabi ng kaniyang ina.
"Nataon po sigurong busy ako noong tumawag si Alfred."
"Bilisan mo na riyan at parating na si Alfred!"
"Opo."
Saktong nakapagluto sila ay dumating si Alfred. May dala itong punpon ng pulang rosas at malaking teddy bear. Pinakisamahan niya ito nang maayos upang mapagtakpan ang anxiousness niya. Halata naman kay Alfred na wala itong interes sa usaping pag-ibig. He just eager to settle down, siguro dahil na rin sa edad nito. Ayaw rin nitong tumandang binata.
Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi tungkol sa kasal. Pinapili siya nito ng venue at kung anong gusto niyang motif. Dahil naguguluhan, ipinagliban na muna niya ang usaping 'yon.
UMAGA ng Lunes ay binulabog si Sandra ng katok sa pinto. Naalimpungatan siya at napabalikwas mula sa kama.
"Anak! Gising ka na ba?" tinig ng kaniyang ina.
"Opo! Sandali lang po!"
Inatake siya ng pagkahilo at nangangapang lumapit sa pintuan. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang ina na may hawak na punpon ng pulang rosas at basket ng prutas.
"May nagpadala nito sa 'yo. Siguro galing kay Alfred."
Sandaling natigilan si Sandra. Nag-alangan siyang kunin ang bulaklak nang maisip na baka si Alfred nga ang nagpadala nito.
"Si Alfred po ba ang nagpadala?"
"Pangalan lang ng flower shop ang nakalagay. Eh, sino pa ba ang magpapadala niyan sa 'yo nito?"
Kinuha naman niya ang bulaklak at basket ng prutas. "Salamat po. Maliligo na ako."
"Sige, at ako'y aalis na. Mag-almusal ka bago aalis, ha?"
"Opo!" Isinara na niya ang pinto.
Inilapag niya sa mesita ang bulaklak at basket ng prutas. Hindi pa rin siya sigurado kung kanino galing ang mga ito. Madalas nagpapadala sa kaniya ng bulaklak si Alfred pero never nagbigay ng prutas.
Mamaya ay tumunog ang kaniyang cellphone para sa tawag, at nang tingnan niya ay si Elias ang tumatawag. Awtomatikong kumabog ang kaniyang dibdib pero dagling sinagot ang caller.
"Hello?" aniya sa malumanay na tinig.
"Hi! How are you?" tanong naman ni Elias mula sa kabilang linya.
"Uh.... I'm fine. Napatawag ka ata?"
"Gusto lang kitang kumustahin. And also to ask if you received the flowers and fruit I sent to your address."
Sandaling natigilan si Sandra at pigil ang paglaya ng kaniyang tili. She's right, the flowers were not from Alfred.
"Yes, I got it. Thank you!"
"Good. Eat healthy food, more fruit and vegetable. At kung may napapansin kang kakaiba sa katawan mo, don't hesitate to call me, okay?"
"Okay. Salamat sa concern."
"Take care, Sandra. I'll call you again. Bye."
"Bye." Ilang minuto pang tulala si Sandra bago napalaya ang kilig. Napatili siya nang malakas.
Mabuti na lamang at umalis na ang kaniyang ina. Pumasok na lamang siya sa banyo at naligo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top