C-2 Her Beautiful Mistake

KINABUKASAN nang magising si Sandra ay bigla siyang napatili. Wala siyang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama katabi si Elias. At dahil sa ingay niya ay nagising si Elias.

"Hey! Calm down," mahinahong sabi ni Elias.

Natataranta na siya at hindi malaman ang gagawin. "No! Hindi 'to maari!" Bumalikwas siya at bumaba ng kama.

Hindi na niya makita ang hinubad niyang damit. Kinuha na lamang niya ang unang dress na ginamit niya sa fashion event bago napunta roon sa hotel. May ekstra naman siyang undewear sa bag.

"Wait, Sandra!" pigil sa kaniya ni Elais.

Hindi na niya ito pinansin dahil sa nerbiyos. "Pasensiya na, kailangan ko na umalis!"

"Let's talk first."

"Hindi 'to tama, Elias. Kalimutan mo ako."

"Are you married or have a boyfriend?"

Lalong natolero ang kaniyang isip. Hindi niya magawang sagutin si Elias.

Kinuha na lamang niya ang kaniyang bag saka tumakbo palabas ng kuwarto. Iika-ika siyang maglakad dahil kumikirot ang pagitan ng kaniyang mga hita. Patunay lamang iyon na naisuko niya ang Bataan kay Elias.

"Kainis! Bakit ba ako nauwi sa ganitong kamalasan?" maktol niya habang lulan ng elevator. Nilamon na ng takot ang kaniyang puso.

Nang makalabas siya ng hotel ay kaagad siyang sumakay ng taxi pauwi sa kanilang bahay.

Pagdating ni Sandra sa kanilang bahay ay ginulantang naman siya ng mga bisita.

"Happy birthday!" panabay na bati ng mga bisita sa kaniya.

Kamuntik na niyang makalimutan na sa araw na iyon ang kaniyang twenty-eighth birthday. Pilit niyang itinago ang pagkabalisa at napayakap sa kaniyang ina na naghanda ng sorpresa. Ngunit kaagad ding naglaho ang kaniyang ngiti nang makita si Alfred, ang boyfriend niya. Kliyente ng nanay niya sa pamamasahe, na inireto sa kaniya. Massage therapist kasi ang kaniyang ina.

Nilapitan naman siya ni Sonia, nakababatang kapatid ng kaniyang ina na biyuda rin. Hinalikan siya nito sa pisngi. "Twenty-eight ka na, Sandra. Huwag mo sabihing wala ka pa ring balak mag-asawa. Aba, dalawang bulate na lang ang pipirma, lalagpas ka na sa kalendaryo! Paghihintayin mo pa ba si Alfred?" sabi nito.

Tumabang ang kaniyang ngiti. "Hindi minamadali ang pag-aasawa," katwiran niya.

"Happy birthday, Sandra!" bati naman sa kaniya ni Alfred. Nilapitan siya nito at biglang hinalikan sa pisngi.

Kilalang negosyante si Alfred, guwapo naman pero mas mahangin pa sa super typhon. Matanda ito ng sampung taon sa kaniya. Dahil na rin sa pressure at sulsol ng mga tao, sinagot na niya ang panliligaw ni Alfred. Total ay wala naman siyang ibang manliligaw o nagugustuhang lalaki. Inisip kasi niya na balang araw ay matutuhan din niya itong mahalin.

"Salamat, Alfred," walang sigla niyang sabi. Hindi niya ito matingnan nang diretso sa mga mata. She felt guilt, lalo nang sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Elias sa hotel.

Ang ikinakatakot niya ay ang biglang pagkawala ng kaniyang virginity. Conservative pa naman ang kamag-anak niya, lalo na ang kaniyang ina. Ipinagmalaki nito sa mga kaibigan na ikakasal umano siyang virgin, lalo na kay Alfred, na isa ring conservative.

"Mag-wish ka na, anak!" excited na sabi ni Lanie.

Lumapit naman siya sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain at cake. Taimtim siyang humiling bago hinipan ang kandila. Umugong ang palakpakan ng mga bisita. Hiniwa na niya ang cake at pinamigay sa mga bisita.

Kasalo niya sa isang lamesa si Alfred at kaniyang ina. Lalo lamang siyang inatake ng kaba nang mapag-usapan ang tungkol sa kasal.

"Siguro naman ready na si Sandra magpakasal," ani Alfred.

Kinalabit siya ng kaniyang ina. "Ano, anak, huwag mo nang maghintayin nang matagal si Alfred. Secure na ang future mo sa kaniya."

Bumuntong hininga siya. "Sorry, Ma, hindi pa ako handang magpakasal. Masyado pang maaga. Dalawang buwan pa lang naman kaming magkasintahan ni Alfred," sabi niya.

Nabura ang ngiti sa mga labi ng kaniyang ina at bakas sa mukha ang pagkadismaya. Matagal na kasi nitong inuungot na mag-asawa na siya. Mag-isa siyang tinaguyod ng kaniyang ina simula noong namatay sa sakit sa puso ang tatay niya. At wala itong ibang nais kundi maging maayos ang kaniyang buhay.

"Hindi madali mabuhay na mag-isa, anak. Kailangan mo ng katuwang," wika ni Lanie.

"Alam ko po, Ma. Hindi pa talaga ako handa."

"It's okay, Tita. We can't please, Sandra. Marami pa namang pagkakataon," apela naman ni Alfred.

Hindi na kumibo ang ginang pero napaghahalataang masama ang loob. Kumain na lamang si Sandra at pilit pinakisamahan si Alfred kahit hindi siya komportable.

Pagkatapos ng salo-salo ay pumasok sa kuwarto si Sandra at naligo sa banyo roon. Tumahimik na rin ang bahay dahil wala na ang mga bisita. Pero si Alfred ay naroon pa at gusto siyang makausap.

Pagkatapos maligo ay hindi na siya muling lumabas ng kuwarto. Tinatawag siya ng kaniyang ina ngunit idinahilan niya na masakit ang kaniyang ulo. Medyo makirot pa rin ang sintido niya pero natitiis niya naman. Hinintay lang talaga niyang makaalis si Alfred.

Nakahiga siya sa kama nang may kumatok sa pinto kasunod ng boses ng kaniyang ina.

"Anak! Buksan mo naman ang pinto!" sigaw ni Lanie.

Lumapit naman siya sa pintuan at pinagbuksan ang ina. Kaagad itong pumasok at dumaldal.

"Gusto kong magpahinga, Ma."

"Pinaghintay mo pa si Alfred. Kahit sana kinausap mo siya saglit."

Umupo siya sa gilid ng kama at hinarap ang ina. "Masakit ang ulo ko, Ma."

"Siguro naglasing ka kagabi, ano?"

"Konti lang po ang nainom kong alak. Sobrang pagod lang talaga ako sa trabaho at sa fashion event kagabi."

"Hay! Baka iba na 'yan, Sandra. Huwag kang maglihim sa akin." Pinagdilatan nito ng mga mata ang anak.

"Wala po. Gusto ko lang magpahinga." Nagkunwari siyang nanghihina.

"Sige, magpahinga ka. Aalis ako at marami akong kliyente. Baka gagabihin na ako."

"Opo."

Umalis din kaagad ang kaniyang ina.

Nang matiyak na nakaalis na ang ina ni Sandra, nag-text siya kay Magda at pinapunta niya roon sa kanilang bahay. Tiyak na nag-aalala na rin ang kaniyang kaibigan.

Lumabas na siya ng kuwarto at naghagilap ng makakaing matamis sa ref. Hindi pa kasi siya nakakain ng cake. At habang kumakain ay may kumatok sa pinto. Tumayo siya at pinagbuksan ng pinto ang bisita. Si Magda na ito.

"Hoy! Ano ang nangyari sa 'yo kagabi, ha?" kaagad ay tanong sa kaniya ni Magda.

Pinapasok niya ito at dumiretso sila sa kusina. Inalok niya ito ng cake. Itinuloy niya ang kaniyang pagkain.

"Pagpasensiyan mo na. 'Yan na lang ang natira sa handa ko."

Umupo naman si Magda sa kaharap niyang silya. "Birthday mo pala ngayon, ano?" Tinikman nito ang cake.

"Oo, kamuntik ko na nga makalimutan."

"Teka, bakit bigla kang nawala kagabi sa party? Umuwi ka ba?"

"May nakilala akong lalaki, sabi may-ari siya ng hotel," kuwento niya.

"Ano? At naniwala ka naman?"

"Mabait naman siya. At saka kasalanan ko naman kasi inunahan ko siya."

"Paanong inunahan?" Napakunot ng noo si Magda.

"Na halikan. Kaya tuloy ay may nagyari sa amin."

Napatayo sa pagkawindang si Madga. "Seryoso ka ba?"

"Oo. Kasi nahilo na ako kaya dinala niya ako sa kuwarto."

Nasapo ng palad in Magda ang noo nito. Napailing ito at nababalisa. "Kasalanan ko rin ito, eh. Sana hindi kita iniwan."

"Wala kang kasalanan, Magda. Nawalan lang talaga ako ng kontrol."

Napaupong muli sa silya si Magda at pumapak ng cake. "Ipanalangin mo na hindi magbubunga ang nagyari sa inyo ng lalaking 'yon. Nako, Sandra!"

Inalipin na siya ng kaba nang maisip ang sinabi ni Magda. Hindi na tuloy siya makapag-focus sa pagkain. Paano nga naman sakaling mabuntis siya? Hindi na siya mapakali. Umalis din naman kaagad si Magda pagkatapos nilang mag-usap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top