C-10 Her Beautiful Mistake(Finale)
PAGDATING sa bahay nila Magda ay sinalubong siya nito sa gate. Napaiyak na siya habang yakap ang kaibigan
"Ano ba kasi ang nangyari?" kaagad ay tanong ni Magda. Pumasok na sila sa bahay at tumambay sa lobby.
"Nalaman na ni Elias ang totoo. Naunahan ako ni Alfred, at magpinsan pala sila," lumuluhang kuwento niya.
"OMG! Paano na 'yan?"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Magda. Baka nakausap na ni Alfred si Mama. Tiyak na magagalit 'yon sa akin."
Hinagod ng kamay ni Magda ang likod niya, at nakatulong ito upang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Binigyan din siya nito ng isang basong tubig.
"Ang mabuti pa, umuwi ka at kausapin ang mama mo."
Nakinig naman siya sa kaibigan. Pero sinamahan siya nito pauwi sa kanilang bahay. Ginamit nito ang kotse ng asawa upang hindi siya mahirapan. Ngunit pagdating sa kanilang bahay ay naroon na si Alfred at kausap ang kaniyang ina.
Inihanda na niya ang sarili sa galit ng kaniyang ina. Kapapasok pa lamang niya ng pintuan ay sinalubong na siya ng ina na nanlilisik ang mga mata sa galit. Akala niya'y sasaktan siya nito pero idinaan na lamang sa iyak ang sama ng loob.
"Paano mo nagawang maglihim sa akin, Sandra? Tiwala ako na wala kang ginagawang kalokohan! Tapos malaman-laman ko, buntis ka na?" nanggagalaiting sermon ni Lanie sa anak.
Hindi na rin natimpi ni Sandra ang emosyon at napahagulgol. "Sorry po, Ma."
"Oh, ngayon, nasaan ang lalaking itinago mo sa akin?"
"Galit na rin po siya sa akin dahil hindi ko nasabi ang tungkol kay Alfred."
Lalong nagalit ang ginang sa kaniya. "At pinsan pa pala ni Alfred ang lalaking 'yon? Kung matino siyang lalaki, haharap siya sa akin nang maayos! Hindi iyong patago kayong nagsasama! Hindi tayo mag-uusap hanggat hindi mo pinakikilala nang maayos sa akin ang tatay ng dinadala mo!" Tumalikod na si Lanie at padabog na pumasok ng kuwarto.
Napayakap na lamang siya kay Magda at umiyak sa mga balikat nito.
"Huminahon ka, Sandra. Ang gawin mo, tawagan mo si Elias o kaya'y puntahan para magpaliwanag," payo ni Magda.
Lumapit naman sa kanila si Alfred. "Nakausap ko na si Elias, Sandra. But I'm not sure if he believes me."
Pumihit siya paharap kay Alfred. "Ano ang sinabi mo kay Elias, Alfred?"
"I told him the truth about us, na wala naman talaga tayong malalim na relasyon, and we're just jumping into rushed marriage agreement. Binabawi ko na ang proposal ko at nagkasundo na kami ng mama mo."
"Salamat, Alfred."
"That's okay. I'll call Elias to convince him to give you a chance. Alam kong nadala lang siya ng galit."
Tumango lamang siya.
Nagpaalam na rin si Alfred.
Walang choice si Sandra kundi hintaying kumalma ang kaniyang ina. Sinamahan naman siya ni Magda sa kuwarto at hindi iniwan hanggat hindi bumubuti ang kaniyang pakiramdam.
Kinabukasan ng umaga ay hindi pa rin kinikibo ng kaniyang ina si Sandra. Pero kahit ganoon ay pinaghanda siya nito ng almusal bago umalis. Pagkatapos kumain ay naligo na siya dahil marami siyang naiwang trabaho sa opisina.
Habang sakay ng taxi ay nagtipa siya ng mahabang mensahe sa cellphone upang ipadala kay Elias. Pagdating sa opisina ay tinambakan siya ng maraming trabaho. Nilapitan naman siya ni Abby.
"Pinauulit ng mananahe ang isang design mo dahil mahirap daw sundan," sabi nito.
"Aling design?"
"Iyong huli. At saka may bumili ng bagong set ng designs mo sa halagang tatlong milyon."
Sandali siyang natigilan. "Totoo ba 'yan? Sino naman ang buyer?"
"Si Dr. Andrada, pero ipinadaan lang sa kaniya ng fashion company ang transaction since it was based in Paris. Siguro kaibigan ni Dr. Andrada ang buyer."
Hindi sana siya maniniwala pero naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Elias noong nasa Tagaytay sila. May kaibigan umano itong may-ari ng sikat na fashion company sa Paris, France.
"Baka hindi rin matutuloy ang pagbili niya," dismayadong sabi niya. Naisip kasi niya na dahil sa galit ni Elias ay puputulin nito lahat ng koneksiyon sa kaniya.
"Why not? Nakahanda na ang papeles para sa pagbebenta ng designs mo. Approval at pirma mo na lang ang kulang."
Manghang napatitig si Sandra kay Abby. Kung totoo ang sinabi nito, ibig sabihin ay hindi binawi ni Elias ang desisyon nito. Naibsan ang kaniyang lungkot nang maisip na mapapatawad pa siya ni Elias.
"Salamat, Abby. Papayag ako na ibenta ang designs ko."
"Sandali, follow-up ko ang papeles." Iniwan siya nito sandali.
Hinintay ni Sandra na makabalik si Abby. At nang balikan siya'y dala na nito ang papeles na pipirmahan niya. Binasa muna niya ito. Hindi naman si Elias ang buyer, pero ito ang nakalagay na representative at pumirma. May space rin para sa pirma ng totoong buyer.
"Makukuha ko ba kaagad ang pera?" tanong niya kay Abby matapos pirmahan ang papeles.
"Yes, once na-receive na ng company ang bayad ng buyer. May makukuha rin kasing commission ang company since you are employed here."
"Salamat!" Napayakap siya kay Abby dahil sa tuwa. First time kasi niyang kikita nang malaki sa kaniyang fashion designs.
"Keep up the good work, Sandra! Suwerte talaga ang baby mo. Ang dami mong bleesing."
Napangiti lamang siya.
Pagkatapos ng trabaho ay nakisakay si Sandra sa kotse ni Abby papuntang hotel ni Elias. Kaso pagdating niya ng hotel ay wala si Elias. Ang alam kasi niya'y doon ito naglalagi sa tuwing hapon. Lumulan na lamang siya ng taxi pauwi sa kanilang bahay.
Pagbaba pa lamang niya ng taxi ay naghuramentado na ang kaniyang puso. Sa harap kasi ng bahay nila ay may puting kotse na nakaparada, at kilala niya ang may-ari nito. Pagpasok niya ng bahay ay naroon ang inaasahan niyang bisita.
"Elias," sambit niya. Napako na ang mga paa niya sa sahig nang makita ang binata na kausap ng kaniyang ina.
"Huwag ka ngang tumayo lang d'yan, Sandra. Halika rito!" sabi naman ni Lesie. Maaliwalas na ang mukha nito.
Naunahan na ng kaniyang emosyon si Sandra at napaluha. Tumayo naman si Elias at sinalubong siya at niyakap nang mahigpit.
"Sorry," tanging nawika niya. Napahigpit din ang yakap niya kay Elias.
"It's okay, babe. Sorry rin kasi natalo ako ng galit. But I understand now. Alfred told me everything."
Lumuluhang tumitig siya kay Elias, at hindi siya nakatiis na siilin ng halik ang mga labi nito. Sa sobrang saya ay wala na siyang maisip sabihin. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay niyaya siya nito paupo sa sofa, kaharap ang kaniyang ina.
"Gusto ko pong pakasalan sa lalong madaling panahon si Sandra," sabi ni Elias kay Lanie.
Nagulat naman si Sandra sa sinabi ni Elias, pero hindi niya ito kayang tanggihan gayong maayos na ang lahat. Ang desisyon na lang ng kaniyang ina ang hinihintay.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan ng bata ng maayos na pamilya, kaya dapat lang na magpakasal na kayo," sabi naman ni Lanie. Bukal sa loob nito ang pasya, at nababakas ang saya sa mukha.
Dahil sa hindi mapigil na tuwa ay napatayo si Sandra at yumakap sa kaniyang ina. Nagpasalamat din siya sa Diyos, dahil kahit nagkasala siya ay naibigay siya Nito sa tamang lalaki, isang responsible at mapagmahal na lalaki.
LIMANG buwan na ang baby ni Sandra nang magpakasal sila ni Elias sa simbahan. Hindi naman masyadong malubo ang tiyan niya kaya nakapagsuot pa siya ng magarang trahe de buda na siya mismo ang nag-design.
Nag-celebrate naman si Elias para sa success ni Sandra isang linggo pagkatapos ng kasal nila. Nagpahanda pa ito ng dinner sa VIP dining room ng hotel Sabado ng gabi.
"Congrats, babe! International fashion designer ka na!" proud na bati ni Elias sa asawa.
Napaluha sa tuwa si Sandra dahil sa napakagandang regalo ni Elias. Sobrang supportive nito sa kaniyang passion at career. Akala niya ay ulam ang natatakpan sa gitna ng lamesa, isa palang itim na maliit na kahon. Ang laman nito ay susi ng kotse. Ito ang regalo sa kaniya ni Elias.
"Grabe ka, babe! Ang bongga ng regalo mo!" Napatayo siya at yumakap kay Elias. Pinugpog niya ito ng halik sa mukha.
"You deserve this, babe. You made my life complete."
"Thank you! I love you so much!"
"I love you more!" Hinalikan din siya nito sa mga labi. "Let's go outside to open your car."
Sumunod naman siya sa kaniyang asawa na ayaw bitawan ang kamay niya. Pagdating nila sa parking lot, naroon ang pink na lamborgini na may puting ribbon pa sa tuktok.
"Wow! Ang ganda, babe!" manghang sambit niya.
Dahil babae ang magiging anak nila, nahilig na rin siya sa pink, at gusto ganoong kulay lahat ng kaniyang gamit.
"Our baby girl will love that car, too." Pinabuksan nito sa driver ang kotse at pinaandar.
Yumapos siya sa baywang ng kaniyang asawa. "You're so sweet. I'm fallen in love with you harder."
"Of course, I have to make more effort to keep our love strong."
Malapad siyang ngumiti at muling hinalikan ang asawa. Kaagad naman itong tumugon.
Dumagsa ang blessing sa career ni Sandra, lalo na noong isinilang niya ang panganay nila ni Elias. Regular na siyang fashion designer ng isang sikat na fashion company sa Paris. At meron na itong branch sa Pilipinas kung saan siya nagtatrabaho.
Samantalang hands-on daddy naman si Elias sa anak nila kahit busy ito sa trabaho. And they were working for their dream baby boy.
~Wakas~
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
Thank you for reading!
Sa gustong mapakinggan ang Audiobook version ng story na ito, available po ito sa Youtube under Amihan Stories channel. Copy the link below:
https://youtu.be/FcjSSlcNqDI
Up next.....
Escaping The Arranged Marriage
Soon....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top