C-1 Her Beautiful Mistake

"ANONG party ito, Magda?" tanong ni Sandra sa kaibigan.

Pumasok sila sa malawak na ballroom hall ng hotel. Ang ganda ng pasilidad, luxurious, pero kaunti lang ang bisita. Nagsisimula na ang party pero dumiretso sila ni Magda sa isang cocktail table na bakante.

"Wedding anniversary ng boss ko ngayon at imbitado kaming mga empleyado. Dalawa ang invitation card ko kaya naisip kitang yayain," tugon naman ni Magda.

Sabado ng gabi at kagagaling lang niya sa isang fashion event. May limang taon na rin siyang fashion designer sa isang sikat na fashion company sa Alabang. Biglaan ang imbitasyon ni Magda. Mabuti na lang may ekstra siyang dress na ipinalit sa gown na ginamit niya sa event.

May waiter na nagbigay sa kanila ng pagkain, nag-alok din ng inumin. "Cocktail lang ang gusto ko," sabi niya sa waiter.

Nagulat siya nang palitan ni Magda ng isang bote ng tequila ang cocktail niya. "Masarap ang tequila, Sandra. Lubusin na natin ang free drinks. Bukas may bayad na ito."

Natawa siya. Kumuha na lamang siya ng orange juice mula sa isa pang waiter na dumaan.

Minsan lang siya tumikim ng alak dahil hindi rin siya sanay malasing. Kumain lang siya konting fried chicken bago uminom ng alak. Busog pa naman siya at paunti-unting sinisimsim ang inumin. Pero habang lumilipas ang oras ay napasarap na ang pag-inom niya ng alak.

Mamaya ay napalingon siya sa katabing cocktail table, may isang dipa ang pagitan sa kanilang puwesto. May matangkad na lalaking nag-iisa roon, at nahuli niya itong nakatingin sa kaniya. In fairness, ang pogi nito sa suot na black suit. Hindi naman ito umiwas ng tingin, sa halip ay nginitian siya.

"Let's dance, Sandra!" paanyaya ni Magda.

Nabaling ang atensiyon niya sa kaibigan. "Ayaw ko."

"Bahala ka. See you later!" Kumaway pa sa kaniya si Magda habang palayo.

Tumango lamang siya at sinundan ng tingin si Magda.

Hindi niya namalayan na nakarami na siya ng nainom na alak. Hinaluan kasi niya ito ng orange juice.

Nakatatlong kopita na siya ng alak na may juice dahil hindi niya ramdam ang pait. Pero mamaya ay napakapit siya sa labi ng lamesa nang bahagya siyang nahilo. Kumislot siya nang may kamay na umalalay sa kaniyang likod.

"Are you okay, miss?" tanong ng baritonong tinig ng lalaki.

Napalingon siya sa lalaking bigla na lamang sumulpot sa kaniyang tabi. Nagulat siya dahil ito ang lalaking kanina pa nakatingin sa kaniya. Kahit lumalabo ang kaniyang paningin, klaro pa rin ang guwapong mukha nito.

He looks calm, neat, at bagay rito ang clean-cut na buhok. Matangkad ito ng isang dangkal sa kaniya. Partida, three inches pa ang takong ng sandals niya. Matipuno ang pangangatawan nito, matikas.

"Are you alone?" tanong ng lalaki.

"Uh, sa ngayon, oo. Iniwan kasi ako ng kasama ko."

Lalong lumapad ang ngiti ng lalaki. "I hope you don't drink too much alcohol."

"Hindi naman." Pero nang kumilos siya ay lalo siyang nahilo. Napakapit siya sa maskuladong braso ng lalaki.

Kaagad namang hinapit ng kamay nito ang kaniyang baywang. "I think you're drunk."

Umatras siya at muling kumapit sa lamesa. "K-Kaya ko pa naman ang sarili ko." Pilit siyang ngumiti, pero ang totoo'y hindi na niya kontrolado ang kaniyang kilos.

Hindi pa rin siya iniwan ng lalaki, tila binabantayan ang kaniyang kilos.

"Where's your friend?"

"Hindi ko na siya makita. Sumasayaw lang siya kanina." Nagkunwari siyang walang nararamdamang kakaiba.

At dahil ayaw umalis ng lalaki, inalok niya ito ng alak pero mariing tumanggi.

Matipid itong ngumiti. "I didn't drink hard liquor. Wine is okay for me."

Napangiti siya at pilit pinalalaki ang mga mata upang huwag siyang mapapikit. "Bihira na lang siguro ang lalaking kagaya mo na hindi umiinom ng alak."

"Hindi ako sigurado, pero siguro tama ka. Pansin ko rin na karamihan sa mga kamag-anak kong lalaki ay napakahilig sa alak."

"Bakit pala ayaw mong uminom ng alak? Kahit sa okasyon ba ay ayaw mo?"

"Maliban sa hindi maganda sa katawan ang alak, hindi rin ako sanay."

"What about cigarette?"

Mahinang tumawa ang lalaki. "Lalong hindi ako naninigarilyo. Mas masama sa kalusugan ang sigarilyo."

Lihim siyang napahanga sa katangian ng lalaki. "You're an ideal man. Gusto ko rin sa lalaki ay walang bisyo."

Pilyo itong ngumiti. "Pero umiinom ka naman ng alak."

"Ang totoo, bihira ako umiinom ng alak at sa tuwing may okasyon lang. Hindi rin kasi ako sanay."

Hindi nakaligtas sa kaniya ang titig ng lalaki na halos tunawin siya. Wari pinapaso siya ng init ng titig nito, at hindi niya namamalayan na napapabilis ang pag-inom niya ng alak. Lumalabo na lalo ang kaniyang paningin.

Iinom pa sana siya ulit pero pinigil siya ng lalaki.

"That's enough." Inagaw nito ang baso mula sa kaniyang kamay.

Nang humarap siya rito ay nawalan na siya ng balanse sa kaniyang katawan. Maagap namang nahagip ng braso ng lalaki ang kaniyang baywang. Nasinghot niya ang matapang nitong pabango.

"Okay lang ako. Mawawala rin itong hilo ko mamaya."

"You need a comfortable place. Come with me."

Sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya, at halos maglapat na ang kanilang mga labi. Tumitig siya sa magaganda nitong mga mata.

"Saan mo naman ako dadalhin?"

"Sa ligtas na lugar." Bigla na lang siya nitong binuhat.

Hindi nakahuma si Sandra at wala na ring lakas kaya nagpatangay siya sa lalaki. Hinagip pa niya ang kaniyang bag mula sa lamesa.

"Saan ba tayo pupunta? Baka hanapin ako ng kaibigan ko?" Kumapit siya sa batok ng lalaki at inihilig ang kaniyang ulo sa matigas nitong dibdib.

"Don't worry, sa hotel suite lang kita dadalhin para makapag-relax ka. Then, I'll find your friend. Just tell me her name." Patuloy itong naglalakad habang buhat siya.

Hindi na siya nagprotesta dahil umiikot na ang kaniyang paningin. Saka niya naalala na hindi pa pala sila nagpakilala sa isa't isa ng lalaki.

"Sino ka pala?"

"I'm Elias," tipid naman nitong pakilala.

Pumasok na sila sa elevator.

"Sandra pala ang name ko."

"I love your name, bagay sa 'yo."

Napangiti siya. "Salamat. Pero teka, wala akong pambayad sa kuwarto. Balita ko'y mahal ang room dito."

"Don't worry. You can use the room for free."

"Ano?" Manghang tumitig siya sa mukha ng lalaki. "Paano mo nasabing free? Empleyado ka ba rito?"

"No."

Kahit kinakabahan, magaan ang pakiramdam niya kay Elias. Malumanay itong magsalita.

"Kamag-anak ka ng may-ari ng hotel?" hula niya.

Napangiti si Elias. "Hindi rin. The truth is, it's my hotel."

Nawindang siya, nanlalaki ang mga matang tumitig sa mukha ni Elias. Ang lalaking ito pala ang may-ari ng hotel!

"Seryoso ka ba? Akala ko bisita ka lang din ng amo ng friend ko."

"Yes, I also invited. Pero madalas talaga akong tumatambay rito tuwing hapon at gabi to monitor the company operation. At minsan ay dito ako natutulog."

"Wow! I'm amazed."

Matipid na ngumiti si Elias.

Pagdating nila sa kuwarto ay lalong nahilo ang dalaga. Nang ibaba na siya ni Elias sa sahig, ay hindi niya natiis ang pagkulo ng kaniyang sikmura. Tumakbo siya sa banyo at dumuwal. Dahil sa paglahilo ay napaupo siya sa nakasarang inidoro.

Sinundan siya ni Elias sa banyo at tinulungan. Binigyan siya nito ng bottled mineral water. Nagmumog siya nang wala na siyang maisuka.

"You need to remove your clothes to feel comfortable. Basa ka na rin," sabi ni Elias.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Elias. Pakiramdam kasi niya ay nakalutang siya sa hangin. Kahit nang hubaran siya nito ng damit ay hindi niya tinutulan.

Ginupo siya bigla ng kaba. "Sandali, makikita mo ang ano ko!" Balak din kasi nitong alisin ang underwear niya.

"Kailangan mong maligo nang mahimasmasan ka. I can't leave you in this situation, Sandra."

"Pero...."

"Huwag kang mag-alala, sanay akong makakita ng hubad na katawan ng babae," Ngumiti ito sa kaniya bago tuluyang inalis ang nalalabi niyang saplot sa katawan.

Hindi na siya kumibo, ngunit habang nakatitig siya sa mukha ni Elias, ginupo siya ng pagnanasa. Nawawala na sa wisyo ang kaniyang isip dahil na rin sa epekto ng alak. Hanggang sa matukso siyang halikan ang lalaki sa mga labi. Hindi naman akalain niya na tutugon si Elias, at naging dahilan iyon upang lumalim ang kanilang halikan, na nauwi sa maalab na pagniniig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top