CHAPTER 7 House Rules

Amira's POV

"Maam eto na po yung mga documents galing kay Sir. Rivera" 

"Salamat pakilagay na lang sa table ko" sabi ko. Andito ako sa office ko ngayon. 

Britney Andrada? Bakit last name niya Andrada? Sa isang document na to may mga naging share din siya para lumago yung sales ng resort. Kamag-anak ba nito ni dad? Pero may kilala din akong name na Britney sa New York.

Matawagan nga si kuya pero may pumasok na babae sa office ko. Nakasuot ng maikling shorts at pink spaghetti strap blouse. 

"May I help you?" tanong ko.

Binaba niya shades niya. "Oh, I didn't expect that you are going to be the boss"

Nagulat ako dahil nabanggit ko siya kanina. "Why are you here Britney?"

"I like the resort but I don't like the people here" sabi niya. Edi maghanap ka ng ibang resort.

"Then? What can I help you?"

"Bakit ko ba kasi pinabigay to sayo? Dapat pala inangkin ko na"

Marunong naman pala magtagalog to. "Hindi kita maintindihan" sabi ko.

"Hindi mo naman talaga ako maiintindihan kasi you don't know me" sabi niya at umalis na.

Sino ba tong babae na to, at parang kontrabida sa buhay ko. May pa entrance pa siyang nalalaman.

-----------

"Kinain mo ba yung binili kong yougurt sa ref?" sigaw ko sa kanya.

"Oo, ano bang problema mo at sumisigaw ka diyan?" sabi ni Ace.

"Problema ko? Hindi lang naman isa kinain mo e isang pack!"

"Nagtira ako diyan ng isa atsaka bakit bawal ba ako kumuha sa ref? Sa pagkakaalam ko parehas satin yun" 

"We need House Rules"

"Para kang bata" sabi niya. 

Naiinis ako sa kanya at pumunta na ng kwarto ko. Humiga ako sa kama dahil sa sobrang sakit ng puson ko. 

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita kong nasa sala si Ace. Pumunta ako ng banyo tapos bumalik ulit sa kwarto ko. 

Binuksan ko ng bahagya yung pintuan at tinatawag si panget pero seryoso siyang nanonood ng tv. 

"Hoy! Ang sakit ha, bakit mo tinapon tsinelas mo sakin?" sigaw niya. Tumama kasi sa ulo niya yung tsinelas hindi ko alam na ang galing ko pala bumato.

"Sorry, pwede favor" sabi ko.

"Bahala ka diyan" 

"Sige na please" 

"Ano na naman yun" pinalapit ko siya sa pintuan ng kwarto ko at wala siyang ganang lumapit.

"Napkin. Pabili ng napkin" ngumiti ako kahit nakakahiya. Wala na akong choice kung hindi tawagin siya ang tagal ko nagisip bago ko to gawin.

Sumasakit parin yung puson ko hanggang ngayon. Ang tagal naman niya bibili lang naman siya ng napkin bakit sobrang tagal pa. 

Nagising na lang ako na nasa harapan ko na si Ace.

"Bakit ka nandito?"

"Ayan na pinapabili mo" sabi niya. 

"Thank you" tumakbo na ako ng banyo para maligo at maglagay. 

"Bakit bago na yung bed sheet ko?" tanong ko kay Ace ng nasa kusina siya.

"Nilagay ko na yun sa upuan mo sa kwarto. Labhan mo na lang"

"Salamat" nahihiya ako sa kanya dahil may mens yung bed sheet ko ay pinalitan niya pa.

Sabay kaming kumain ng dinner at hanggang maubos namin yung pagkain ay wala paring nagsasalita sa amin. 

------------

Bagong araw na naman at work na naman. Nasa office ako ngayon at tinatapos yung mga papers na binigay sakin ni Ace last time.

"Goodmorning tita Iza" sabi ko at umupo to sa upuan sa harapan ng table ko.

"Mukha kang pagod anak ha, ayos ka lang ba?"

"Ayos naman. Bakit po pala kayo napadaan?"

"Pinapasabi sayo ng dad mo na needed niya na yung papers by tomorrow" 

"Opo tita, inaayos ko na ngayon. Tita matanong lang kilala mo ba si Britney Andrada?" 

"Hindi pa ba sinasabi sayo?" sagot ni tita Iza.

"Na ano po?"

Kumatok si Ace at pumasok sa office ko. "Need mong pumunta sa baba"

"Bakit?"

"Andun yung sinuntok mo" iniwan ko si tita at pumunta pababa kasama si Ace.

"Buti naman at andito ka na" sabi ng lalaki.

"Ano meron?"

"Bayaran mo yung ginawa mo sakin" tinuro niya yung pasa na nasa mukha niya.

"Ayan lang ba sasabihin mo? Hindi ko na kayo pinabayad sa last punta niyo dito sa resort namin"

"Anong last? Atsaka sino ka ba ha? E isa ka lang namang turista" sagot niya.

"Amira nga pala, one of the owner sa resort na to. And tinanggal ko na kayo sa list ng Vip. We don't need your money" lumakad na ako palayo. Rinig na rinig ko yung pagsigaw niya dahil sa sobrang inis.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ni Ace sakin.

"We don't need costumers like them" sabi ko at pumasok na ng office ko.

"Pero...."

"Madami pa akong gagawin Mr. Rivera"

-----------

"Bakit mo ko tinawag?" sabi ni Ace at umupo ito sa sofa.

"House Rules" sabi ko at pinakita ko sa kanya yung papel.

"Ano na naman ba yan ha? House Rules? Dahil ba sa yogurt mo?"

"Hindi lang dahil doon, lalaki ka at babae ako" 

"Tapos?"

"Kailangan natin ng rules sa bahay na to. There are three rules lang naman"

"Okay sige makikinig ako" sabi niya.

"Rule number 1: Mind your own business. That means don't touch the things that are mine and don't meddle with my life. Huwag mong papakealaman"

"I agree, same as mine. Ayoko din na may nangegealam sa buhay ko" sabi niya.

"Rule number 2: You cook, I buy ingredients"

"Wait parang mali naman yan. Ako lagi magluluto?"

"Hindi nga ako marunong okay at kahit matuto ako e baka masunog ko pa yung buong condo"

"Okay!" sabi niya ng halatang may halong inis.

"Rule number 3: Don't fall inlove with me"

"That's easy. Hindi naman kita gusto"

"Hindi din naman kita gusto. The rules are simple. Deal?"

"Deal" sabi niya.

Tumango ako. Nakipagshake hands ako. 

"Then gusto ko bumili ka na ngayon sa grocery" sabi niya at binigay sakin yung listahan.

"What? Pwede naman bukas ha"

"Edi hindi ka kakain" 

-----------

Andito ako ngayon sa supermarket at bumibili ng mga ingredients ,nasa listahan naman lahat kaya hindi mahirap pero ang dami niya naman pinapabili.

Nagriring yung phone ko at sinagot ko to. "Sino to?"

"Amira" sabi ng nasa kabilang linya.

"Sino ka? Bakit mo ko tinawagan?" tanong ko.

"Hindi mo na ba ako naaalala? Bilis mo naman akong kalimutan"

"Sorry, hindi kita kilala. Baka wrong number lang"

"Alam kong nasa supermarket ka ngayon" natakot ako bigla sa sinabi niya. Andito siya?!

"Who the hell are you?"

Tawa lang narinig ko sa kabilang linya. Binaba ko na yung tawag at binilisan ko sumakay sa kotse ko at nilagay yung mga binili ko.

"Bakit parang pagod na pagod ka?" tanong ni Ace at kinuha yung mga shopping bags at dinala sa kusina.

Uminom ako ng tubig at umupo sa sala. "Ang dami mo kasi pinabili!" sagot ko.

"Nagrereklamo ka pa, e ako na nga magluluto" sagot niya.

"Atsaka taga New York ka pala?" 

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Narinig ko kay tita Iza at nakita ko sa social media mo"

"Oh so you're stalking me?" pumunta ako sa dining area at doon umupo. Tiningnan ko siyang magluto. Ano kayang niluluto niya at ang sarap ng amoy.

"Why would I?"

"Sana finollow mo naman ako diba" sabi ko ng sarcastic.

"Kailan ka pa naging model?"

"Hindi ako nagpost about diyan. Paano mo nalaman?"

Tinuro niya yung mga magazine na nasa table. Mga magazine na puro ako yung nasa cover. 

Kinuha ko. "Saan mo to nakuha? Paano napunta to sayo?" 

"Nakita ko sa loob ng isang package" pinuntahan ko yung box na tinutukoy niya at nakita ko na puro pictures ko yun nung nagmomodel pa ako sa New York. Tiningnan ko kung kaninong galing pero ang nakalagay lang yung name ng company. Hindi naman nila ako ininform na may package pala baka galing lang kay Lady David.

"You just broke the rules panget" sabi ko.

"Hindi ko naman alam e, atsaka its just a magazine. Anong meron ba diyan at nagrereact ka ng ganyan?"

"Pero, you still broke the rules"

" Do I have to be punish? Atsaka ano nga mangyayari kung nabroke yung rules?"

"Okay hahayaan ko yung ngayon. Pero if one of us broke the rules again then..." Nagiisip ako kung anong pwede. 

"Sa sala matutulog"

"Hindi ba masyadong madali yan"

"Okay then the punishment is up to us" sabi ko. Kung sino yung nagbroke ng rules then yung isa must make a punishment.

"So nakapunta ka na ba ng New York?" tanong ko. Rule number 1 nga diba kakasabi ko lang kanina pero hayaan na hindi niya naman yata napansin.

"Oo, this year lang. Ikaw?"

"I think 4 years akong nasa New York. Tinapos ko yung study ko doon"

"Nakakainis nga e I lost my phone there, andun pa naman yung picture namin" pictures namin? Baka pictures ng girlfriend niya, pero I don't care.

"Bakit mo nawala?" tanong ko pero parang familiar yung sinasabi niya.

"May bumangga kasi sakin pero hinahabol ko talaga yung nagsnatch ng phone ko"

"Ikaw pala yun?!" sigaw ko sa kanya.

"Don't tell me na ikaw yung bumangga sakin" 

"Wow! What a small world" sabi niya. 

"Sa dami dami pang pwede ko maging roommate bakit ikaw pa" sagot ko.

"Kung hindi mo sana ako binangga edi sana nasa akin pa cellphone ko"

"Aba kung hindi mo rin ako binangga edi sana hindi ako nagpakapagod at ulitin yung papers ko"

"E bakit mo ba kasi hawak hawak yung flash drive na yun, edi sana hindi yun nahulog"

"E bakit ka kasi cellphone ng cellphone yan tuloy nanakawan ka pa"

"Nakakasira naman ng araw na to. Dahil sayo muntikan na akong pagalitan ni kuya plus importante yun sa business namin"

"Kung hindi ka kasi nakaharang sa dinadaanan ko edi sana yung phone ko dati yung ginagamit ko parin ngayon"

"Phone lang naman yun ano bang meron don"

"Flash drive lang din naman yun"

"Kaya pala ang init ng ulo ko pagkakita ko palang sayo dito"

Buti na lang at may kumakatok sa pintuan kung hindi nasapak ko na tong lalaki na to. Siya lang pala yun, bakit ba kasi ang liit ng mundo. 

"Bakit may naririnig akong nagsisigawan sa labas? Nagaaway ba kayo?" tanong ni tita Iza. Siya yung kumakatok kanina.

"Tita, bakit kayo napadaan dito? Naguusap lang kami" ngumiti ako. Ang ganda naman ng palusot ko, naguusap talaga?

Nakatayo lang si Ace sa harapan namin habang kami ni tita ay nakaupo sa sofa.

"Pumunta ako ng resort pero wala kayo. Maaga yata kayo umuwi"

"Ms. Iza ano po ba yung importanteng sasabihin niyo"

"Bumababa yung sales at rating natin"

"Bakit naman last check ko madaming pumupunta" sabi ko.

"Yung sinuntok mo last time, nagkakalat ng mga rumors"

"Then stop it, lahat naman yun fake" sagot ko.

"Hindi naman ganun yun kadali atsaka sa pagkakaalam ko may resort din yun" sabi ni Ace.

"Malapit lang sa resort natin" sabi ni tita Iza.

"Anong meron kung may resort siya?" tanong ko.

"Yun lang naman yung isa sa mga competitor natin na resort dito sa Pangasinan" explain ni tita.

"Malakas na competitor" dagdag ni Ace.

Hello Readers,

Please support my story by voting. Sana magustuhan niyo yung story ko,marami pang mangyayari. Abangan niyo. Maraming salamat.

-Jaxminy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top