Kabanata 9
Kabanata 9
Party
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Hinawakan ko ang aking ulo at hinilot bago tumayo. Ano bang nangyari kagabi?
Bumangon ako at nag-ayos ng aking sarili. Tumingin ako sa wall clock, alas diez na pala. Di nalang ako papasok. Tutal tapos naman na mga gagawin ko.
Halos mapatid ako sa hagdan nang makita ko ang talim ng tingin sa akin ni Trigger. Naka-upo siya sa couch habang sumisimsim sa kaniyang kape.
"Ah, hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kaniya. Inirapan niya ako saka binaling ang tingin sa pinapanuod niya sa TV
"Kumain ka na. Nasa kusina ang kaibigan mo." Seryosong sabi niya.
Kaibigan? Hindi ko alam na may kaibigan pala ako na hindi niya kaibigan. Napasimangot ako saka tinahak ang kusina.
"Oh my God!" Napahawak ako sa aking dibdib nang makita kong kumakain si Ales doon. Tinignan niya ako saka ngumisi.
"Good morning, Irene!"
"Anong ginagawa mo dito?" Nilapitan ko siya.
Suot niya ang pajama ko. Gulo gulo ang kaniyang buhok at halatang kagigising lang. Paano sila nagkakilala ni Trigger?
Umirap siya, "Hindi mo naman sinabing asawa mo pala si Kuya pogi!"
Laglag pa din ang panga ko. Hindi maproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari. Kagabi, nasa Time Out kami tapos nilapit ako ni Robie saka hinalikan ang leeg ko.
"Damn!" Napasapo ako sa aking noo saka umupo sa tabi ni Ales.
Ni minsan hindi umuwi ng bahay si Trigger nang lasing at walang malay. Pinapayagan ko siyang mag Time Out pero siya ang mismo nagpipigil uminom ng marami, tapos ako lasing na lasing.
"Ales..." tawag ko sa kaniya. Gusto ko siyang tanungin kung ilalaglag niya ba ako sa trabaho.
"Don't worry, you're secret is safe with me!"
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Ales. Inis na inis siya sa akin dahil pinagpatasyahan niya pa daw dati si Trigger noon.
"Uwi na ako. Try kong pumasok ngayon kahit super late na," tumingin siya sa kaniyang relo. "Bye Irene. Bye Kuya pogi!" Nagflying kiss pa siya kay Trigger bago tuluyang umalis.
Natawa ako, "Crush ka nun!"
Tinignan niya lang ako saka tumango. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako kinakausap. Bumuntong hininga ako. Ako nanaman ba ang may kasalanan? Obviously.
"Galit ka nanaman?"
"No. May dapat ba akong ikagalit?" Masungit niyang tanong.
"Hmm, wala naman. Baka lang kasi, hindi mo nanaman ako kinakausap ng matino, eh."
"Tss, kakausapin lang kita ng matino kapag tumino ka na din."
Napanganga ako sa sinabi niya. Masakit marinig ang salitang iyon pero mas masakit kasi sa asawa ko mismo nanggaling. Kay Trigger.
"May problema ba tayo?" Tanong ko.
"Wala, may dapat ba tayong problemahin?" Sarkastiko niyang sabi.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kay Trigger. Sumasakit ulo ko sa kaniya, napaka-insensitive niya. Kung sinasabi niya sa akin mga kinakagalit niya edi sana napag-uusapan namin ng maayos.
Nagbihis nalang ako at pupunta sa bahay. Susunduin ko ang dalawa dahil tapos na panigurado ang klase nila.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Trigger habang tinitignan akong pababa ng hagdan.
"Sa bahay. Susunduin sina Rain."
Tumayo siya at umakyat. Hindi niya sinabing sasama siya o hindi pero inantay ko pa rin siya sa sala. Tiningala ko siya nang pababa na siya ng hagdan. Naka dark blue v-neck t-shirt siya at dark pants saka may suot na cap.
Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. Bakit ang hot at gwapo ni Trigger kahit anong suot niya?
"Tara," aya niya. Tahimik na sumunod ako sa kaniya.
Mula sa kaniyang likod ay amoy na amoy ko ang familiar na pabango niya. Kahit ilang beses ko na iyon naaamoy at kung minsan ay ginagamit pa ng mga anak namin ay hindi pa rin nawawala ang kilig ko tuwing naaamoy ko siya.
"Ay!" Natuwa ako sa pagsinghot sa kaniya kaya hindi ko namalayan na huminto pala siya. Nauntog ako sa matigas at malapad niyang likod.
Sinapo ko ang aking noo saka hinilot. Nilingon niya ako nang nakangisi at manghang mangha sa pinaggagagawa ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Naglalakad. Obvious ba?" Pagtataray ko sa kaniya para hindi niya mahalata na inaamoy ko talaga siya.
"Oh really?"
"Really! Dalian mo na nga." Nilagpasan ko siya. Narinig ko pa ang halakhak niya bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Tahimik lang ang byahe namin papunta kina Mommy. Pakiramdam ko talaga ay may problema kami. Madalas kasi may pinag-uusapan kami lagi kapag nasa loob ng sasakyan pero nitong mga nakaraang araw parang nag-iba na siya.
"Nanay!" Sinalubong agad ako ng dalawa naming anak.
"Kay Tatay, ayaw niyo?" Tanong ni Trigger. Tumakbo naman sa kaniya si Rain samantalang si Keanu ay nanatiling nakayakap sa tuhod ko.
Pumasok kami sa loob. Nandoon si Wind pero wala si Hayme at Ronnie, nandoon din ang pinsan ni Wind na si Sierralaine na anak ng kuya ni Ronnie.
Seven years old na si Wind, sunod naman si Rain na six years old, si Sierra at Keanu naman ay parehas lang na four years old.
Ayaw pang umuwi ng dalawa kaya doon na muna kami. Sinabi din ni Mommy na dun na kami kakain dahil maya-maya ay darating din sina Hayme.
"What's your name?" Rinig kong tanong ni Sierra kay Rain.
"Rainger."
"Ano iyon?" Kunot noong tanong ng bata.
"Pangalan ko." Napangiti ako. Namana niya yata ang pagiging suplado ng tatay niya.
"Ang bantot naman."
Humagalpak na ako sa tawa nang marinig ko iyon. Nung malaman kong iyon ang pinangalan ni Trigger noon ay halos kalmutin ko na ang mukha niya.
"Nanay!" Sumimangot sa akin si Rain nang maabutan akong tumatawa.
"Why? Ganda naman ng name mo, ah. Tatay mo nag-isip nun. Talino talaga."
Kaya nung pinanganak ko si Keanu ay ako na ang nag-isip ng pangalan. Binalaan ko si Trigger na kapag kung anu-anong pangalan nanaman ang ibigay niya ay papatayin ko siya.
Medyo gabi na nang makauwi kami ng bahay. Tulog na rin si Rain at Keanu dahil sa pagod. Bukas na namin makukuha ni Trigger ang susuotin namin at bukas din ng gabi ang party.
"Matutulog ka na?" Tanong niya sa akin. Katatapos ko lang maligo at naglalagay ako ng lotion sa katawan. Nakahiga siya ng tagilid sa kama habang pinapanuod ako.
"Bakit?"
Ngumisi siya. Alam ko na ang gusto niya. Mabilis kong tinapos ang paglolotion saka tumabi sa kaniya. Niyakap agad niya ako saka hinalik-halikan ang leeg ko.
"Mahal mo naman ako, hindi ba?" Tanong ko.
"Hmm, oo naman. Mahal na mahal." Bulong niya sa tainga ko bago pumatong sa akin at sinunggaban ako ng mainit na halik.
Kinabukasan ay maaga kaming pumasok. Maaga din kasi ang uwi namin para nga dun sa party na dadaluhan namin.
"Irene, baka makatay ko si Lea mamaya kapag nakita kong nilalandi niya si Kuya pogi."
Natawa ako. Mas apektado pa siya kaysa sa akin. Hindi siya makapaniwala na hinayaan kong iba ang maging partner ni Trigger at alam ko naman daw na may balak si Lea sa asawa ko.
"Hayaan mo na iyon. May tiwala ako kay Trigger."
Kwento siya ng kwento sa mga gusto niyang gawin sa mukha at buhok niya. Nagbeauty rest pa daw siya kagabi kaya pakiramdam niya ay sobrang ganda niya ngayon.
"Pero bakit ganun, inaantok pa din ako?" Nakasimangot niyang sabi.
"Ganyan talaga kapag nasobrahan sa tulog. Doon ka nalang sa bahay mag-ayos para may kasama ako."
"Talaga? Tas ihahatid tayo ni Kuya pogi sa party?" Kunti nalang ay iisipin ko nang gusto niyang agawin sa akin si Trigger.
"Hindi siyempre. Si Lea susunduin nun. Pero siyempre may maghahatid pa din sa atin," Napangisi ako nang may maalalang pwedeng maghatid sa amin sa party.
Alas otso palang ay nauna na si Trigger para sunduin si Lea. Nakabusangot pa siya sa akin dahil gusto niya daw na ako ang kasama niyang pupunta doon at ipapa-media niya daw na ako ang asawa niya.
"Ang sweet grabe!"
Hinatid niya muna sina Rain at Keanu kina Mamita para doon na muna matulog dahil baka anong oras na ang tapos ng party.
"Sino bang maghahatid sa atin? Bakit wala pa?" Inip na tanong ni Ales.
"Parating na iyon, medyo pabebe lang."
Ilang minuto pa ang tinagal saka may bumusina sa harap ng bahay namin. Ngumisi ako saka hinila na si Ales.
"Hi Chad!" Bati ko.
Natigilan naman si Ales. Nakatingin lang siya kay Chad na nakangisi habang kumakaway.
"Magagalit na sana ako kasi gagawin mo nanaman akong driver pero may kasama ka naman palang maganda." Sabi ni Chad. Playboy na playboy ang dating, mabulaklak na bibig.
"Chad, hindi for sale itong si Ales kaya huwag mong bilhin sa akin." Banta ko.
Nakarating kami sa venue nang mag-alas diez na. Madami na agad ang tao at sobrang ingay na sa loob. Flash ng camera ang bumungad sa amin ni Ales, sinabi pa na kami ang designer ni Lea, Ella at Trigger.
"Nasan kaya si Ma'm Gen?"
Luminga linga kami ng Ales sa mga tao. Kung siya, si Ma'm Gen ang hinahanap, ako ay si Trigger. Malamang kanina pa iyon nandito.
"Ayun si Trigger!" Turo ni Ales.
Hinila niya ako para mapalapit kami sa pwesto nila. Kinakausap siya ng isang businessman.
"Wheres your wife?" Tanong nito kay Trigger.
"Hindi ko kasama ang asawa ko."
"Ow? Sabagay, isa kang Byun, hindi na ako magtataka. Magbago ka na, Jigger, kawawa naman ang asawa mo."
Jigger? Napangiwi ako sa sinabi ng businessman. Hindi niya ba kilala kung sino si Trigger at Jigger?
"I'll tell that to Jigger." Ngumisi si Trigger.
Nagulat naman ang businessman at hindi na muling kinausap pa si Trigger. Sumulyap siya sa akin at akmang lalapitan ako pero hinigit siya ni Lea sa mga kausap niyang babae.
"He's my date for tonight, Trigger Byun." Pakilala niya.
"Nako talaga, Irene, pigilan mo ako! Baka magulat ka nalang na nakahandusay na iyang babaeng iyan sa sahig." Galit na galit na bulong sa akin ni Ales.
"Wow, ngayong gabi lang. Sa asawa pa din niya siya uuwi mamaya." Kantyaw ng mga babae.
Pilit na tinatanggal ni Trigger ang kamay ni Lea sa kaniya at kung pupwede ay ayaw niya itong mapahiya.
Namumula ang mukha ni Lea sa kantyaw ng mga babae. Hinarap niya si Trigger na nakabusangot sa kaniya.
"Atleast akin siya ngayon!"
And with that, bigla niyang hinalikan sa labi ni Trigger.
----
Walang wifi + wala sa mood = walang kwentang update! XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top