Kabanata 6

Kabanata 6

Dress

Nanatili sa akin ang tingin ni Trigger kahit na kinakausap sya ni Lea. Yumuko nalang ako para maiwasan ang tingin nya, pigil naman ang tili ni Ales habang nagdedesign sya.

"I told you, Lea, may partner na ako!" Giit ni Trigger. May sumipa sa paa ko sa ilalim ng table, nagpanggap naman akong parang walang nangyari.

"Ah basta! Partner pa din kita." Parang batang sabi ni Lea, pabebe takte! Kinaganda mo yan, te?

"Oo nga naman, Mr. Byun, nasa iisang kompanya pa naman kayo..." gumatong pa tong si Ma'am Gen, sarap isubsob! Bitter sa may asawa kasi iniwan tapos ngayon sya pa taga-push kay Lea at Trigger?

Okay okay! Dapat maging professional ako ngayon, di ko lang talaga kayang pigilan. Atleast sa isip ko lang. Tsaka hindi alam ko namang ayaw din ni Trigger, pinipilit lang sya netong si Lea.

"I am a married man, ano nalang ang iisipin ng asawa ko kapag nakita nyang partner kita. Right, Miss?" Napaangat ako ng tingin sa kanya. Tumaas ang isang kilay nya sa akin.

Lesheng Trigger, kailangan talaga itanong pa sa akin? Kapag ako sumabog dito, baka bugbog sarado tong dalawang babae sa tabi ko.

Tinignan ako ni Lea at Ma'am Gen as if napakahalaga ng sagot ko sa tanong ni Trigger. Palihim na umirap ako.

"Hindi siguro magagalit kung walang dapat igalit... Mr. Byun," tinignan ko sya.

Makuha ka sa tingin Trigger! Tanggihan mo sa harap ko tong feeling na babaeng to.

"Wala naman ikakagalit asawa mo a? Pwera nalang kung ma-insecure sya sa akin."

Abat! Kunti nalang talaga baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko, masampal ko tong babaeng to. Mas maganda pa ako sa kanya!

Humalakhak si Trigger, "Ba't naman maiinsecure sayo?"

Ganyan nga Trigger, ipagtanggol mo ako! May reward ka sa akin mamaya sa bahay.

Natahimik naman sila. Nag-uusap sa tingin si Lea at Ma'am Gen habang ang titig ni Trigger ay nanatili sa akin. Pinaglalaruan nya ang kanyang dila at diretso ang tingin sa akin.

"Magaling ba tong designer mo?" Kinuha nya ang mga designs ko sa table saka tinignan isa-isa, "Pagawa din kaya ako?"

"Akala ko ba may suot ka na?" Tanong ni Lea.

"Edi magpapagawa ulit..." ngumisi sa akin si Trigger na parang pinaglalaruan nya ko gamit ng tingin nya.

Siniko ako ni Ales, "Baka naman pwedeng ako nalang maging designer nya?" Bulong nya sa akin saka nginuso si Trigger. Inirapan ko nalang sya.

"Partner na kasi tayo!" Pilit ni Lea.

"Itanong mo muna sa kanya kung pwede mo akong maging partner..." nginuso ako ni Trigger kaya nalipat sa akin ang tingin ni Lea.

"Bakit sya ang magdedesisyon?" Kunot noong tanong ni Ma'am Gen, sarap nyang sagutin ng asawa ko kasi sya.

Trigger shrugged his shoulders, "Basta lang..."

Lahat sila nakatingin na sa akin, maging sila Ales para hintayin ang sagot ko. Nilingon ko si Trigger na may ngiti sa labi habang nakatingin lang din sa akin.

Anong isasagot ko?

Ayoko kasi asawa nya ako? Ayoko kasi type ko sya? Ayoko kasi ayoko lang?

But in the end I nodded my head, "Pwede naman..." sagot ko na syang ikinalaglag ng panga ni Trigger.

Hindi nya ata inaasahan na iyon ang sagot ko. Napalitan ng galit ang mata nya na halos masunog na ako tuwing tumitingin ako sa kanya.

"Pwede naman daw e, sige na!"

Pinilit sya ni Lea at Ma'am Gen pero ang matalim at nakakasunog nyang tingin ay nanatili sa akin.

"Okay," sarkastiko nyang sabi.

Inaya nya ako kaninang umaga para sumama doon at maging partner nya, kung makikita kami doon ni Lea ay baka magsumbong sya kay Ma'am Gen, paano ang trabaho ko?

Kaya mas mabuti ng hindi ako sumama, sasamahan ko nalang ang mga anak namin sa bahay. Hwag lang talaga syang gagawa ng bagay na alam nyang ikakagalit ko.

"Alis na ako!" Galit na paalam ni Trigger.

"Agad? Mamaya na, sabay na tayo..." malanding sabi ni Lea.

Isa nalang talaga, uupakan ko na to! Hindi ba malinaw sa kanya na may asawa na yung tao? Hindi din ba malinaw na ayaw sa kanya ni Trigger, o baka naman kailangan talaga nya makatikim muna ng sapak?

"Hindi na. Kaya nyo namang magtaxi," kunot pa din ang noo nya. Ang supalado talaga neto minsan, kahit ako hindi makaporma kapag magkasalubong na kilay nya.

Tinignan nya ako, "Enjoy!"

Para sa iba, wala lang iyong sinabi niya pero para sa akin may laman iyon! Mag-aaway nanaman ba kami dahil dito?

Inis na inis si Lea nang makaalis si Trigger. Pinakalma sya ni Ma'am Gen saka pinayuhan pa na akala mo expert sa mga ganung bagay.

"Okay lang yan, Lea! Ang mga lalaki, pare-parehas lang yan, kunting push pa."

Napairap ako. Kunting push pa? Kaya siguro iniwan ng asawa to dahil sya mismo ang nagpush ng babae sa asawa nya.

"Gusto ko talaga sya! I mean, sinong hindi magkakagusto diba? Trigger fucking Byun!" Tinignan nya ako at naabutan nyang nakasimangot ako sa kanya.

"Mas malandi yung kambal nun, baka gusto mo ding subukan?" Humalakhak ang kasama nya.

"Iba si Trigger..." sabi nya nang hindi pinuputol ang tingin sa akin, "Feeling may gusto sya sayo," tinuro nya ako.

Pinigilan ko namang hindi mapairap. Gusto? Syempre asawa ko yun, may dalawang anak pa kami! And take note, mahal ako nung kupal na yun.

"Hindi naman po..." sabi ko nalang kahit na gustong gusto ko na syang sumbatan.

"Oo nga, Irene. Kita mo yung titig nya sayo, iba e!" Gatong ni Ales kaya siniko ko sya. Hindi nalang ako sumagot.

"Anyway, isasama ko kayong dalawa sa business party na iyon kaya maghanda na din kayo ng isusuot nyo..."

Nang matapos ang meeting ay panay ang kwento ni Ales, ni hindi ko na nga maintindihan dahil puro nalang sya tili ng tili.

"Alam mo, wala syang hikaw kanina! Pero hot pa din..."

"Ano namang hot dun? Tsaka may asawa na sya, bakit hinatid pa nya sina Lea sa starbucks?" Umirap ako.

"Ang bitter mo! Kunti nalang, iisipin ko din na gusto mo sya. Pero hindi na nakakapagtaka, ang swerte naman ng asawa nun!"

Napailing nalang ako nang pagpantasyahan nya si Trigger. Ano kayang reaction nya kapag nalaman nyang ako ang asawa nun? Tss.

Iniwan ako ni Ales sa office nang alas singco na dahil uuwi daw syang maaga. Medyo maayos na sila sa bahay nila kaso nga lang yung maldita nyang step-mom, kinukuha lagi lahat ng sweldo nya.

Sinilip ko ang cellphone ko pero walang text galing kay Trigger. Galit yun panigurado.

Ako:

Trigger, san ka na? Out na ako!

Napakagat naman ako sa labi ko. Ano nanaman kayang reason ang irarason ko? Kaayos lang namin tapos galit nanaman sya.

Mommy:

Kanina pa ko dito sa labas.

Dali-dali akong bumaba at nakita kong nakapark ang sasakyan nya sa di kalayuan. Pumasok ako sa loob.

"Sorry!" Inunahan ko na sya.

Humigpit ang hawak nya sa manibela, "Bakit ka kasi pumayag?"

"Okay lang iyon, may tiwala naman ako sayo!" Nginitian ko sya. Nanatili syang nakasimangot kaya piningot ko ang ilong nya.

"Pakiramdam ko tuloy binugaw mo ako..."

"Kung anu-ano iniisip mo. Tsaka kasama pala ako sa party kaya hwag ka ng mag-alala! Babantayan din kita ng mabuti kaya behave, okay?" Parang bata naman syang tumango.

His lips pressed against mine bago sya nagsimulang umandar.

"Sunduin natin sina Rain kina Mama?" Tanong nya sa akin. Tumango lang ako.

Naabutan namin si Hayme at Ronnie sa bahay at mukhang kagagaling lang ni Ronnie sa trabaho.

"Ronnie!" Sigaw ko saka niyakap sya.

"Parang isang taon hindi nagkita..." umiiling na sabi ni Hayme. Nilapitan naman sya ni Trigger saka binatukan, bumawi sya kaya nagbatukan silang dalawa.

"Kamusta trabaho mo?" Tanong ko.

"Okay naman, company din naman namin iyon kaya hindi na mahirap..."

Sya ang nagtatrabaho sa kanila kasi ilang beses na natanggal sa trabaho si Hayme dahil sa kagaspangan ng ugali nya.

Hindi na din kami nagtanggal doon dahil gagawin ko pa yung designs ko para sa party sa sabado.

"Gawan mo din ako a!" Tumabi sa akin si Trigger na may dalang gatas at inabot sa akin.

Sumimangot ako, "Tapos terno kayo ni Lea?"

"Ayoko. Gusto ko parehas tayo..."

Pinanuod nya lang ako habang nagdedesign. Sinasabi nya din ang mga gusto nyang gawin para sa susuotin ko. Maganda ang kinalabasan nun, medyo terno kay Trigger pero mas halata yung kay Lea.

Kinabukasan ay bumisita si Lea sa building para daw tignan ang mga nadesign ko. Sobrang excited na sya. Hindi ko alam kung dahil sa party o dahil si Trigger ang partner nya.

Inipon ko ang mga papel saka pinakita sa kanya. Sa sobrang pagmamadali ko ay nasama ko yung dress ko doon sa pagpipilian nya.

"Ang gaganda ng designs mo, nagawan mo na din ba si Trigger?" Tanong nya.

Tumango ako, "Oo, nandyan din."

Ngiting ngiti sya habang tinititigan ang kay Trigger. "Omg bagay nga sa mga dress na nandito!"

Inabot ko sa kanya yung design ko talaga para sa kanya, "Yan po yung bagay dyan..."

Umiling sya, "No, may nakita ako kaninang mas bagay dito e. Ito!" Pinakita nya sa akin iyon.

Yung napili nya ay ang design na gusto ni Trigger para sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top