Kabanata 46

Kabanata 46

Cheated

Napangiti ako nang makita ko si Trigger sa kabilang kalsada, naghihintay sa akin. Hinintay kong makadaan ang isang sasakyan bago tumawid.

Ngunit bago pa ako makatawid ay agad na sinunggaban ako ng isang malaking aso. Sumigaw ako ngunit walang salita ang lumalabas sa aking bibig. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking braso. Nanatili ang pagkaka-kagat ng aso doon.

"Trigger, tulungan mo ako!" sigaw ko. Pakiramdam ko ay hindi masyadong malakas ang sigaw ko kaya hindi ako naririnig ni Trigger.

Pagod na pagod akong sumigaw, walang Trigger na lumapit sa akin para tulungan ako. Huminga ako ng malalim at tinadyakan ang malaking aso. Galit na galit siya sa akin. Hinawakan ko ang braso kong punong puno ng dugo.

"Sige, lumapit ka! Papatayin kita!" pilit kong sinisigaw.

Lumapit muli siya sa akin para kagatin ako ngunit bago pa siya makalapit ay naimulat ko na ang mata ko. Hingal na hingal ako. Nilibot ko ang aking paningin, puro puti ang nakita ko. Nanlalabo pa ang aking paningin kaya pumikit ako ulit.

"Irene?" narinig ko ang boses ni Sky kaya nagmulat ulit ako ng mata.

Nakapalibot sila sa akin. Gulat na gulat ang kanilang mukha at hindi alam ang gagawin.

"Tawagin mo ang Doctor, Chad!" sigaw ni Cupid. Natataranta silang lahat.

Pakiramdam ko ay kulang na kulang ako. Hinahanap ko si Trigger ngunit hindi ko siya nahanap. Inisa-isa ko sila. From Verns to Thunder pero wala siya.

"S-si Trigger?"

Hindi sila nagsalita.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Zette, changing the topic.

Hinawakan ko ang tyan ko. Flat na iyon. Kaya pala pakiramdam ko ay kulang ako. Naalis na pala sa tyan ko ang isang pang kalahati ng buhay ko.

"Ang baby ko...."

"Tangina pare, gising na si Irene!" narinig kong sigaw ni Jigger.

Nasaan ang mga anak ko? Si Rain at Keanu? Lagi ko silang napapaginipan at ayaw na raw nila sa akin.

Hindi nila sinasagot ang bawat tanong ko kaya naman nang dumating si Trigger ay siya ang tinanong ko. Sinagot niya lahat nang iyon.

I'm glad he's still waiting for me.

"Baka nangaliwa ka habang tulog ako..." pilit kong pinapagaan ang mood dahil pakiramdam ko ay ang awkward nilang lahat.

"No. Never..." sagot niya kaya ngumiti ako.

Pinagpahinga nila ako kaya umuwi na muna sina Louise. Tumingin pa sa akin si Zette na parang may gusto siyang sabihin sa akin. Nagwave nalang ako sa kaniya at ngumiti.

"Ate, ang panget mo nung tulog ka, huwag ka na ulit matulog ng matagal." biro sa akin ni James.

"Cactus ka, Hayme!" sagot ko.

Masaya kaming lahat dahil successful ang operasyon sa akin. Maayos na rin ang kalagayan ni Elora sa incubator. Iyon nga lang, iniisip ko ang gastos.

"Sus, nakita ko iyang umiiyak nung isang araw." sabi ni Ronnie habang nagbabalat ng prutas.

"Sinong umiyak? Not me!"

"Sige, ideny mo pa." natatawang sabi ni Ronnie saka inabot sa akin at prutas na binalatan niya.

Napansin ko naman ang pananahimik ni Trigger at parang wala siya sa kaniyang sarili. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

"Nabantayan niyo ba si Trigger? Baka may babae, ah!" biro ko.

Natahimik sila. Tinignan ko si Ronnie ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin. Si Hayme naman ay kumakain ng prutas habang buhat si Wind.

"Maayos pa ang mukha niya kaya walang babae iyan. Diba, pare?"

"O-oo naman!"

Mabuti naman kung ganoon. Akala ko magkakatotoo ang mga panaginip ko noon, na iiwan niya ako at may iba na siya.

Umuwi na kami ng bahay nang sabihin ng Doctor na pwede na akong umuwi. Tinignan pa namin si Elora at natawa ako nang makitang kamukha nanaman ni Trigger. Wala na yata akong kamukha sa mga anak namin.

"I love you, baby..." bulong ko kay Elora habang nakangiti.

Heto na siya. Heto na ang anghel na inalagaan ko sa loob ng tyan ko at kahit seven months palang siya ay alam niya na kung paano lumalaban. Isa siya sa mga pre-mature baby na healthy.

Tahimik si Trigger kahit noong nasa bahay na kami. Kinulit ako ni Rain at Keanu. Namiss ko na agad si Elora. Kunting buwan pa, makakasama na namin siya.

"Trigger, may problema ba?" tanong ko.

Umiling siya sa akin. Tinignan ko ang mata niya, ang cold ng pakikitungo niya sa akin. Iniwan niya ako sa kwarto at lumabas siya.

Kagigising ko lang, ganito na agad siya?

Bumaba ako at nakita ko siya na nakasandal sa pintuan habang bumubuga ng usok sa bibig. Naninigarilyo nanaman siya?

"Akala ko ba tinigil mo na iyan?" malamig na tanong ko sa kaniya.

Napatingin siya sa akin ngunit imbes na itapon iyon ay pinagpatuloy niya pa rin ang pag-yoyosi. Inirapan ko siya.

"Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may problema tayo!" sigaw ko sa kaniya.

Hinagis niya sa labas ang sigarilyo at bumuga ang huling usok sa kaniyang bibig. Hinarap niya ako at amoy na amoy ko ang pinaghalong amoy ng pabango niya at amoy ng sigarilyo.

"Masama ako, Irene..."

Una palang alam kong masama na siyang tao, pero tinanggap ko lahat ng mali at tama sa kaniya. Minahal ko iyon kaya nga natuwa ako nung nagbago siya.

"Tapos?"

Bumuntong hininga siya. Nagkasalubong ang kaniyang kilay na para bang hirap na hirap sa gusto niyang sabihin.

Ginulo niya ang kaniyang buhok, "Tangina Irene, hindi kita deserve!"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Nakita kong tumulo ang luha niya. Lumapit ako sa kaniya at mahigpit niya akong niyakap. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at humikbi siya.

"Ineng, hindi mo ako kailangan..."

"Kailangan kita. Kailangan ka namin."

Ano bang nangyayari sa kaniya? Kanina ko pa siya nahuhuling tulala at wala sa sarili. Tinatanong ko naman sila Louise ngunit hindi nila ako sinasagot.

"I love you, Trigger..."

Umiling siya ng paulit-ulit, "Huwag mo akong mahalin, Ineng... hindi ko deserve ang pagmamahal mo."

"Sino ka para sabihin iyan? Mahal kita dahil mahal kita! Deserve mo ako, Trigger! Sa dami ng pagkakamaling ginawa ko sa iyo, tinanggap mo pa rin ako--"

"I cheated on you! Okay? Nangaliwa ako Irene habang tulog ka!"

__________________

Have a blessed new year, guys! Baka hindi na muna ako makapag-update kaya binabati ko na agad kayo. Haha! <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top