Kabanata 45
Kabanata 45
Successful
"Ahhh." ngumanga ako kay Ales at tinaas ang kamay kong may hawak na pagkain. Ngumanga naman siya at tinanggap ang sinubo ko.
"Ang dami naman 'nun!" nakasimangot niyang sabi habang puno ang kaniyang bibig.
Tumawa ako, "Para naman magkalaman ka ng kaunti..."
Limang araw na ang kalagayan ni Irene. Dalawang araw nalang ang kailangan para sa pag-asang successful ang operasyon. Hindi ko masyadong naramdaman ang sakit dahil naaaliw ako kay Ales.
"Hindi ka pa ba nawawalan ng pag-asa, Trigger?" biglang tanong niya sa akin nang mapansin ang titig ko kay Irene.
Umiling ako at ngumiti, "Kahit kailan, hinding hindi ako mawawalan ng pag-asa sa kaniya..."
Napawi ang ngiti sa labi niya at nag-iwas siya ng tingin. Tinignan niya rin si Irene na putlang putla na ngayon.
Kailan ko kaya ulit makikita ang mga mata niyang nakangiti sa akin?
"Ang swerte naman ni Irene na may isang katulad mo na kayang maghintay sa kaniya..." sabi niya saka ngumiti ng pilit.
"No. Ako ang swerte dahil may Irene ako na kayang lumaban para sa pamilya niya."
Seryoso akong tinignan ni Ales. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Hindi ako manhid para hindi malaman na may gusto pa rin siya sa akin pero hindi ko binigyan ng malisya dahil kaibigan lamang ang turing ko sa kaniya.
"Kaya kita nagustuhan, Trigger..."
Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang batok ko at kitang kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
"Kasi mahal na mahal mo ang pamilya mo. Mahal na mahal mo si Irene..."
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinihintay ang paglapit niya.
"I love you, Totoy! Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay." tumulo ang luha ko nang bigla kong marinig ang boses ni Irene.
"Ikaw lang habang buhay, Ineng..."
Memories started coming back. The images kept replaying on my mind. Napahinto ako at dinikit ko ang aking noo sa noo ni Ales.
"I can't..." I whispered.
"Shhh, Trigger, kaya mong magmahal ulit ng iba. Kaya mong mahalin ako..."
Iniisip ko palang na magmamahal ako ng iba ay hindi ko na kaya. Shit! Bakit ba ako nainlove sa pakiramdam ng inlove?
Inaamin kong humanga ako kay Ales pero bullshit! I'm only inlove with the feeling of inlove!
"No, Ales..."
"Trigger, kaya mo iyan! Walang kasiguraduhan ang paggising ni Irene, nandito ako para sa iyo! Para sa inyo ng anak mo!"
"Ales, hindi. Hindi mo kayang palitan sa buhay namin si Irene..."
"Kaya ko! Bigyan mo ako ng panahon at oras, kaya ko din ang mga nagawa sa inyo ni Irene! Kaya kong tanggapin at mahalin ang mga anak niyo na parang tunay ko na ring anak."
Hindi ko siya kayang pigilan kaya naman tumayo na ako at hinila ang braso niya. Pumiglas siya ngunit malakas kong binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay nakita kong naroon sila Jigger at maging sina Zette.
"Baka naman pwede na naming bisitahin si Irene?" malamig na tanong ni Chad.
Napahinto ako at hinarap sila. Ang mga masama pa rin ang tingin nila sa akin na parang may nagawa akong masama. Bumaba ang tingin nila sa kamay ko na hawak si Ales.
Tumango ako, "Ihahatid ko lang ito..."
"Ayaw kong umuwi! Mag-usap muna tayo Trigger!" sigaw ni Ales pero hindi ko siya pinansin.
"Ang kapal ng mukha mong pumunta pa rito, Ales!" nilapitan siya ni Seulgi.
Bago pa siya makalapit kay Ales ay mabilis akong pumunta sa harap niya at nilagay ko si Ales sa aking likod.
"Trigger, anong pinakain sa iyo ng babaeng ito?!" inis na sigaw sa akin ni Elle na kunti nalang ay susugurin na si Ales sa likod ko.
"Bakit, hindi niyo matanggap na ako ang kasama niya at hindi kayo?"
"Ales, stop!" hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.
Nakita ko ang pag-ngisi ni Jigger at Sky sa pagkainis. Umiling sila habang seryosong nakatingin kay Ales.
"Pumasok na kayo sa loob, ihahatid ko lang siya..."
Umirap sa akin si Louise at Zette. Umiling ako at hinila nalang si Ales. Pinasok ko siya sa sasakyan at agad na pinaandar iyon.
"Trigger!"
"Ales, hinding hindi ako magmamahal ng iba! Si Irene lang ang mahal ko."
Alam ko na agad ang gusto niyang sabihin kaya inunahan ko na siya. Hinding hindi ako magsasawang sabihin sa kaniya ito ng paulit-ulit.
Kung walang Irene, hindi ko alam kung magmamahal pa ako ng ganito.
Hinatid ko siya hanggang sa bahay nila. Ayaw niyang lumabas sa aking sasakyan at patuloy lang siya sa pag-iyak.
"Ales..."
"Trigger, umasa ako. Umasa ako sa ginagawa mo sa akin nitong nakaraan, pero wala lang pala iyon sa iyo?"
Tangina naman, parang bumalik ako sa dating Trigger tuwing makikipaghiwalay ako sa mga babaeng pinagsawaan ko na.
"Gagawin ko lahat ng sasabihin mo. Ano ba ang gusto mo kay Irene? Kaya kong gawin iyon para sa iyo!"
"Ales, you shouldn't be someone you're not..."
"Why not, Trigger? Kung mamahalin mo ako, gagawin ko iyon!"
Pumikit ako. Nauubusan na ako ng pasensya ngunit hindi ako pwedeng maging hard sa kaniya dahil 'nung walang wala ako, siya ang nariyan sa tabi ko.
"Ales..." hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "Mahal na mahal ko si Irene. Hindi na ako magmamahal ng iba. Kung wala siya, siguro ang focus ko ngayon ay sa mga anak namin."
Nagulat ako nang mabilis niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. She kissed me.
"Sana maging masaya ka sa desisyon mo..." iyon lang ang sinabi niya saka umalis.
Pinanuod ko siya habang naglalakad siya palayo sa akin. Bumuntong hininga ako at pumasok na muli sa aking sasakyan. Makikipag-ayos na rin ako kila Jigger at hinding hindi ko na iiwan si Irene.
Tumunog ang aking cellphone sa kalagitnaan ng daan. Mabilis kong sinagot iyon at ni-loudspeaker.
"Tangina pare, gising na si Irene!" si Jigger.
Napapreno ako nang malakas sa gulat. Ilang minuto bago ako nakabawi at mabilis na pinaharurot ang aking sasakyan.
Ngayon nagsisisi na ako kung bakit iniwan ko siya roon ngayon. Kung bakit hindi ako ang una niyang nakita ngayong nagising na siya. Magiging masaya na kami! Nagising siya kaya ibig-sabihin ay successful ang operasyon.
Tumakbo ako papunta sa kaniyang kwarto. Pinalibutan siya ng mga kaibigan namin. Tinapik ni Jigger ang balikat ko, tuloy-tuloy lamang ako kay Irene.
"Ineng..." bulong ko at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay.
"S-si Elora?" natatakot niyang tanong.
Hinalikan ko ang likod ng kaniyang kamay at inilagay iyon sa pisngi ko. Ngumiti ako sa kaniya habang inaayos ang buhok niyang humaharang sa maganda niyang mukha.
"She's okay... healthy na siya ngayon..."
Nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Ngumiti siya sa akin at pagod na tumango. Pinikit niya ang kaniyang mata.
"Saan ka galing?" tanong niya.
"Bumili lang ng pagkain..." tinignan ko silang lahat pagtapos kong sabihin ang kasinungalingan na iyon.
Pagod na ngumiti siya, "Hindi ka umalis sa tabi ko..."
Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang labi. God! I miss her so much.
Aaminin ko naman sa kaniya, eh. Hindi lang ngayon dahil baka makasama sa kaniya. E-explain ko din sa kaniya ang lahat-lahat at alam kong maiintindihan niya ako.
"Congratulation, Mr. Byun, successful ang operasyon..."
_____________
Jigger's Book II or Trigger's Book III? =)))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top