Kabanata 42

Warning: Pasensya sa bad words. =)))
________________

Kabanata 42

I'm Sorry

"Nanay!" tumalon ang dalawa sa aming kama at pilit na ginigising ako.

Gusto kong dumilat at bumangon para ayusan sila ngunit hindi kaya ng katawan ko. Dinilat ko ang aking mata, malabo ko silang nakikitang tumatalon sa kama.

"Nanay, wake up!" hinalikan ni Rain ang aking pisngi.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Nanay, male-late na po kami sa class..."

Nasaan si Trigger? Natatakot ako. Hindi ko kayang bumangon. Hindi ko kayang idilat ng matagal ang aking mga mata. Natigilan naman ako nang may biglang pumasok sa aking isip.

No! Not now. Hindi pa pwede. Seven months palang si Elora!

"Tatay, si Nanay ayaw pong gumising!"

Tell me, this is only a dream! Hindi totoo ito. Hindi pa ako pwedeng ma-operahan.

Inaantok ako pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil baka hindi na ako magising. Hindi kakayanin ni Trigger mag-isa. Hindi ko sila pwedeng iwan.

"Irene?" tumulo ang luha sa aking mata.

Hindi ko na talaga kaya.

Trigger's POV

"Mister, wala na po talaga kaming magagawa. Kailangan na maalis ang baby sa loob ng tyan ng pasyente para masimulan na namin ang operasyon."

"Sinasabi mo bang pre-mature ang anak ko? Seven fucking months palang!" sigaw ko. Hinilamos ko ang palad ko sa aking mukha.

"Mas nagsusurvive po ang baby kapag seven months kaysa eight months. Malaki ang chance na mabuhay po ang baby..."

Fuck! Wala akong nagawa dahil kapag hindi agad ako nagdesisyon ay lalo lang mahihirapan si Irene.

"Dude, kaya iyan ni Irene. May tiwala ka sa kaniya diba?" tinapik ni Cupid ang aking balikat.

Walang luhang tumutulo sa aking mata ngunit ramdam ko ang hapdi doon. Putanginang buhay 'to! Hindi ba pwedeng maging normal nalang ang buhay namin?

"Mr. Trigger Byun, pwede niyo na pong puntahan ang baby niyo..." sabi ng isang nurse pagkalipas ng isang oras.

Ayaw kong iwan ang emergency room. Ayaw kong iwan si Irene habang lumalaban siya para sa akin. Para sa amin.

Pero gusto ko din makita si Elora.

"Trigger, sige na..."

Halos mapaiyak ako nang nasa harap na ako ni Elora. Napaka-liit niya. Hindi ko kayang maging masaya dahil alam kong nanganganib ang buhay ang Nanay niya.

"Kamukhang kamukha mo..." sabi sa akin ni Joy. Siya ang sumama sa akin para tignan si Elora.

Para akong nakatingin sa batang Irene kahit na kamukha ko ito. Nakuha niya lang ang labi ni Irene at ang ilong, the rest ay akin na.

Bumalik kami sa labas ng emergency room. Umalingawngaw ang iyak ng Mommy ni Irene habang pinapatahan naman siya ni Mommy. Maging sina Louise ay umiiyak na rin.

Napayuko ako. Pumikit ako para pakalmahin ang aking sarili dahil gustong gusto ko na ilabas ang inis ko, ang sakit na nararamdaman ko.

"Ang anak ko!" paulit ulit na sigaw ng Mommy ni Irene.

Hindi ko napigilan ang aking sarili, tumayo ako at sinuntok ang pader.

Bullshit! Gustong gusto kong magwala ngayon! Bakit si Irene pa? Bakit ang pamilya pa namin?!

"Trigger..." hinawakan nila Chad ang aking balikat ngunit malakas ko iyong winaksi.

"Tangina, hindi niyo alam kung gaano kasakit! Hayaan niyo ako!" sigaw ko sa kanila.

"Huwag kang gumawa ng eksena, Trigger!"

Wala akong pakielam kung pagtinginan kami ng mga pasyente.

"Sana ako nalang!"

"Tingin mo ba matutuwa si Rene sa pinagsasabi mo?" inis na sabi sa akin ni Louise. May luha pa sa kaniyang pisngi. Hinawakan ni Jigger ang balikat niya.

"Tangina, mga wala kayong silbi!" sigaw ko.

Ang dali para sa kanila na sabihin na okay lang ang lahat pero ramdam ba nila ang sakit na nararamdaman ko? Tangina, hindi!

"Trigger!" awat sa akin ni Daddy.

"Umalis na nga kayo dito, mga putangina!"

Alam kong hindi makakatulong ang pagiging ganito ko sa kalagayan ni Irene pero tangina naman, kung sila ang nasa kalagayan ko, ewan ko kung hindi din ganito ang gagawin nila!

"Chill dude, ngayon mo kami mas kailangan..." sabi ni Jigger.

"Wala akong kailangan ni-isa sa inyo! Si Irene lang ang kailangan ko!"

Nilapitan ako ni Mommy at niyakap. Bumuhos ang luha na kanina pa hindi lumalabas. Para akong bata na inapi.

"Kailangan ka ng mga anak niyo..." bulong niya sa akin.

"Kailangan ko si Irene, Ma. Kailangang kailangan ko siya..." humikbi ako.

"Lumalaban siya sa loob kaya kailangan mo din lumaban."

Lumipas ang gabi at hindi pa sila tapos. Ang sabi ay baka abutin raw sila ng madaling araw. Natatakot ako. Natatakot akong malaman ang resulta kung nakayanan ba niya o hindi.

"Kumain ka muna..." inabutan ako ni Mommy ng pagkain. Umuwi na sina Jigger at kami nalang ang natira.

Tinignan ko lang iyon. Wala ako sa aking sarili. Daig ko pa ang gumamit ng drugs. Hindi ako makapag-isip ng tama.

"Ang sabi ni Hayme ay tulog na raw sina Rain..." sabi sa akin ng Mommy ni Irene.

Kalma na siya, samantalang ako ay hindi pa. Pinuntahan din nila si Elora kanina para tignan ang kalagayan niya.

Hindi ko alam kung sino uunahin ko.

Bumuntong hininga ako at pumikit. Hindi ko nalamayan na nakaidlip pala ako. Paggising ko ay lumabas ang doctor mula sa emergency room. Agad na tumayo ako.

"Doc, ano pong nangyari sa operasyon ng anak ko?" tanong ng Mommy ni Irene.

May sinabi muna ang Doctor sa mga nurse bago sinagot ang tanong namin.

"Ililipat na siya sa kaniyang kwarto..."

Ibig sabihin, successful? Tangina hindi ko kayang ngumiti at magsaya dahil iba ang pakiramdam ko.

"Successful ang operasyon ng anak ko?" nakangiting tanong ni Mommy.

Bumuntong hininga ang Doctor, "I'm sorry but comatose ulit ang pasyente. We only have one week para malaman kung successful o hindi."

FUCK

"K-kapag hindi siya nagising?" tanong ko.

"Kapag hindi siya nagising... I'm sorry but idedeclare po naming patay na ang pasyente."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top