Kabanata 38

Kabanata 38

Gusto Ni Elora

Maagang umalis si Trigger kinabukasan dahil dadaanan niya daw ang TriRene. Gusto ko na din sana i-manage iyon kaso mahina pa ako. Pitong buwan na nga pala ang tyan ko at nalaman na namin kahapon ang gender ng baby namin.

It's a girl.

Tuwang tuwa si Trigger at bumili na rin kami ng ibang gamit. Excited lahat pero ako, natatakot pa rin ako kung ano mangyayari sa susunod.

Nakarinig ako ng iyak sa labas ng aming bahay kaya dali-dali akong lumabas. Si Keanu ang umiiyak habang si Rain naman ay sinusubukang buhatin ang kapatid niya.

"Anong nangyari sa kapatid mo, Rain?" tanong ko saka lumapit sa kanila.

Nakita ko ang sugat sa tuhod ni Kean kaya naman ako na ang bumuhat sa kaniya. Sumunod sa amin si Rain na paiyak na rin.

"Naglalaro lang kami ng basketball tapos bigla siyang nadapa..."

Pinaupo ko si Kean sa couch saka tumakbo sa cr, kinuha ko ang first aid kit saka umupo sa paanan ni Keanu na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Pinatong ko ang paa niya sa binti ko.

"Ayoko niyan, Nanay! It hurts!" sigaw niya nang dampihan ko ng bulak na may alcohol ang sugat niya.

"Shh, sandali lang iyan. Mamaya ay mawawala na ang sakit..." tinapik ni Rain ang balikat ng kaniyang kapatid para kumalma.

"Hindi na ba ako makakapaglakad, Nanay?" umiiyak na tanong ni Keanu.

Natawa ako. Hinipan ko ang sugat niya. Pagkatapos ay nilagyan ko ng band-aid.

"Kapag hindi mababa ang grade mo sa school at hindi ka pasaway, gagaling din ito agad." pagsakay ko sa kaniya.

Binalik ko ang first-aid kit sa cr. Naabutan kong nakaakbay si Kean sa balikat ni Rain at inaalalayan siya ng kaniyang kuya para pahigain.

"Gagaling din iyan, huwag ka na umiyak..." pinunasan niya ang luha ni Kean sa pisngi.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Napalaki namin sila ng maayos. Kapag may nangyaring masama sa akin, alam kong magiging mabuti silang anak at kapatid.

Umiling ako sa aking inisip. Nilapitan ko sila saka niyakap ng mahigpit. Amoy pawis pa sila ngunit ang amoy ni Trigger ay nanatili sa kanilang katawan.

"I love you..." bulong ko sa kanila.

Buong araw kong inalagaan si Keanu. Maging si Rain ay hindi na rin naglaro para alagaan ang kaniyang kapatid. Hinawakan ko ang tyan ko.

Mabuti ang Kuya mo, Elora. Sana makinig ka lagi sa kanila.

Hapon na nang dumating si Trigger. May dala naman siyang McDo kaya tuwang tuwa ang dalawa. Nilapag niya iyon sa lamesa habang isa-isang tinatanggal ang damit sa katawan at iniwan ang boxer.

"Nakakapaglakad na ako, Nanay! Ibig sabihin, hindi ako pasaway!" masayang sabi sa akin ni Kean saka ako niyakap.

"Good. Kulang nalang ang matataas na grades mo sa school para makapaglaro ka na agad ng basketball..."

Nilapitan ako Trigger saka hinapit ang baiwang ko. Inamoy niya ang leeg ko at naramdaman ko pa ang pag ngiti niya roon.

"You smell so good." he chuckled, "Anong nangyari kay Kean?" tanong niya.

"Nadapa kanina habang naglalaro sila ni Rain..."

Nilapitan niya agad si Kean at Rain na kumakain sa lamesa. Inakbayan niya ang mga ito.

"Mana sa Tatay ang mga ito, hindi iyakin..." proud na sabi niya.

Umirap ako, "Lakas umiyak ni Kean kanina, mana nga sa iyo."

Natigilan siya saka gulat na tinignan ang dalawa. Nakayuko lang si Rain at Keanu habang kumakain at hindi pinapansin si Trigger.

"Umiyak kayo?" tanong niya.

Tinuro naman agad ni Rain si Keanu, "Si Kean ang umiyak..."

"Masakit madapa, Tatay." sabi naman ni Keanu.

Napailing ako sa kanila at natawa sa reaction ni Trigger. Iyakin rin naman siya, akala mo kung sinong strong. Siya lang ang nakilala kong lalaking iyakin.

"Hindi ako iyakin!" agad na sabi niya.

"Oo na, kunyare naniniwala ako..." natatawang sabi ko.

Kahit nga nung nalaman niyang babae si Elora ay umiyak pa siya. Mas babae pa kaysa sa akin.

Sumisipol sipol pa siya nang papasok na siya sa aming kwarto. Hinubad niya ang boxer na suot saka dumiretso sa cr para maligo. Tumayo naman ako at dinampot ang boxer niya para ilagay sa labahan.

"You're my sunshine after the rain!" pasigaw na kanta. Ni hindi ko nga alam kung anong kinakanta niya.

Nahiga naman ako at kung anu-ano nanaman ang pumasok sa isip ko. Natatakot ako.

What if I didn't make it?

Nagulat ako nang biglang tumunog ang pinto ng cr at lumabas si Trigger na nakangisi. Nakatapis siya sa baba at basang basa pa ang kaniyang buhok.

Nataw ako ng bigla siyang sumayaw habang kumakanta.

"'Cause I'm losing my mind when you're not around, it's all because of you!" kanta niya saka lumapit sa akin.

"Trigger ang baboy mo!" tili ko habang tumatawa.

Para siyang timang sa sinasayaw. Hindi mo alam kung masakit ba ang baiwang niya o talagang kumekembot siya.

Umupo siya sa tabi ko, "I love you..." bulong niya sa tainga ko saka hinalikan ang aking noo.

"Wala ka na bang gamot?" tanong ko.

He chuckled on my ear, "Pinapatawa lang kita, natutulala ka nanaman, eh. Huwag ka mag-isip masyado..."

Tumango ako, "Basta lagi mo akong sasayawan ng ganun kahit may ibang tao dito sa bahay!"

Bigla siyang tumayo saka tinalikuran ako, "Ibang usapa-"

"Please?" natahimik siya sa pakiusap ko.

"Fine! Gusto mo naman lagi akong pagtawanan, eh..." pagdadrama niya pero natawa nalang ako.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa ni Trigger. Mukha nga lang talaga siyang timang. Tigas ng kembot, eh.

Tumabi siya sa akin at agad na niyakap ako, "Seven months, pwede pa daw ng sex..." bulong niya.

Siniko ko ang tagiliran niya, "Tigilan mo ako sa kalandian mo, ha? Malaki na tyan ko."

"Eh anong gagawin ko?"

"Mag mariang palad ka nalang!" seryosong sabi ko pero humagalpak siya sa tawa.

Hinawakan niya ang tiyan niya, "Tangina! Laptrip!" pumadyak padyak pa siya.

"Anong nakakatawa dun?" tanong ko.

"Ikaw. Pft-" natawa nanaman siya.

Tinalikuran ko siya sa inis. Tumigil naman siya sa pagtawa saka pinigilan. Hinawakan niya ang balikat ko para manatilo akong nakaharap sa kaniya.

"Saan mo ba nalaman iyon? Nagugulat ako sa lumalabas diyan sa bibig mo, eh..." sabi niya. Namumula ang kaniyang mukha at halatang pinipigilan ang tawa.

"Bakit hindi mo ba ginagawa iyon?"

"Ginagawa..." pagaamin niya.

"See?" umirap ako.

"Ayusin mo kasi yung word para naman hindi nakakagulat."

"Maayos naman iyon, ah?" ano bang gusto niyang itawag ko sa ganun? Naiinis nanaman tuloy ako sa kaniya. Parang gusto ko nanaman siyang patulugin sa lapag.

"Sige na, tama ka na..." pinaunan niya ako sa kaniyang braso at niyakap ang baiwang ko.

"Naiipit ako, Trigger!"

"Gusto ni Elora ng yakap galing sa Tatay niya. Hmmm," tumunog pa ang kaniyang halik sa aking tainga.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagsakit ng aking ulo. Madiin akong pumikit para pakalmahin ang aking sarili. Huminga ako ng malalim. Ayokong sabihin kay Trigger na masakit ang ulo ko, matataranta lang siya.

_____

Ang pangalan na Elora ay galing sa kaibigan ko. Hi Mommy Ivy! ♡ It means God is light. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top