Kabanata 34
Kabanata 34
I Miss You
Napayuko ako pagdating ko sa kwarto ni Irene. Kailan ba ako natutong umiyak? Simula yata nung nakilala ko siya. Sa kaniya lang naman ako umiiyak, eh. Siya lang lagi ang dahilan.
Hinawakan ko ang kamay niya. Ang lamig. Hindi ko na mahanap ang dating init ng katawan niya. Ang mga mata niyang nakapikit na parang hirap na hirap siya.
"Trigger, umuwi ka na muna daw..." nilapitan ako ni Ley.
"Hindi ako uuwi." madiin na sabi ko. Hindi ko iiwan si Irene. Kailangan niya ako sa tabi niya ngayon. Kailangan nila ako.
"Hinahanap na daw kayo nung dalawa, kahit isa manlang sana sa inyo ang magpakita." sabi ni Dylan.
"Ang dali niyong sabihin ang mga iyan! Palibhasa hindi niyo pa nararanasan!" sigaw ko sa kanila nang maubos ang pasensiya ko.
Sinabi ng dito lang ako sa tabi nila ng anak ko! Dito lang ako hanggang magising siya. Sabay kami ulit kakain. Sabay kami matutulog kaya hihintayin ko siyang magising.
"Hindi naman sa ganun, pare... may dalawa kang anak na kailangan ka rin." sabi ni Cupid, himala at ngayon lang nagseryoso.
"Hindi nga sabi ako uuwi!"
Gusto ko sa unang bukas ni Irene ng mata ay ako agad ang makita niya. Hindi naman mahirap na dasal iyon, diba?
"Hwag niyo nang pilitin, hindi talaga iyan papayag..." rinig kong sabi ni Sky.
"Pero hindi pa siya kumakain, hindi pa din naliligo." sabi ni Elle.
Kunting sakripisyo lang ito kumpara sa pinagdadaanan ng mag-ina ko.
Nagtagal pa sila ng ilang oras doon bago sila umuwi. Naiwan ako. Tinititigan ko si Irene. Ang sabi ng doktor ay nagreresponse pa ang katawan niya sa mga gamot. Kunting ingat lang din dahil buntis siya.
"Lumaban ka Irene, kasi ako, lumalaban para sa inyo at lalaban ako kahit buhay ko ang kapalit..."
Pumikit ako at nagulat nang makita ang nakangiting mukha ni Irene. Tumatakbo siya sa isang garden na puno ng bulaklak. Sinundan ko siya.
"Ineng!"
"Trigger, ang ganda dito!" sigaw niya sa akin habang namimitas siya ng bulaklak.
Ang ganda niyang pagmasdan. Inaamoy niya ang mga bulaklak. Lumapit siya sa akin at hinila ang kamay ko.
"Where are we?" tanong ko.
"Sa paraiso..." huminga siya ng malalim at tumingala, "Nakakarelax!"
Napatingin ako sa bandang tyan niya. Ang akala ko ay buntis siya? Bakit flat na ang tyan niya ngayon? Hinawakan ko iyon.
"Buntis ka, diba?"
Pinalo niya ang braso ko, "Ano ka ba! Malaki na si Elora..."
Pagkasabi niya nun ay may babaeng tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ang likod ko at tinakpan ang aking mata.
"Sino to?"
"Ales?" tinanggal niya ang kamay sa aking mata.
Ngumiti sa akin si Ales. Litong tinignan ko si Irene ngunit nakita ko siyang masayang nakangiti sa amin ni Ales.
"Teka-"
"Masaya ako para sa iyo, Trigger..."
"What the fuck are you saying?! At saan mo balak pumunta?" tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad.
"I love you, love..."
"Irene! Irene!" sigaw ko ngunit unti-unti na siyang nawawala sa aking paningin.
"Dude!"
Nagising ako sa malakas na hampas sa akin ni Dylan. Pinikit ko ang isang mata nang masilaw sa araw. Nilibot ko ang tingin sa buong lugar.
Nasa ospital ako at umaga na. Narito silang lahat, mukhang bagong ligo pa.
"Nanaginip ka?" seryosong tanong ni Thei.
Tumango ako, "Si Irene..."
Pilit kong inalala ang panaginip ko. Si Irene, nasa garden at may hawak na bulaklak. Masayang masaya siya at may babaeng tumakbo sa likuran ko saka tinakpan ang mata ko.
"Si Ales?" kunot noo kong tanong.
"Ano iyan, ha? Sinong Ales iyan? Akala ko ba ako lang Trigger?" binatukan ni Louise si Chad nang magdrama ito.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa kung anong ginagawa ni Ales sa panaginip ko. Bakit nandun siya at bakit ako iniwan ni Irene?
Nagbaba ako ng tingin kay Irene at hinawakan ko ang kamay niya. Takot akong mawala siya sa akin. Takot na takot.
"Kumain ka na, nagluto si Thunder..." sabi ni Ika.
Hindi ko siya pinansin. Ayaw kong kumain pero ang tyan ko ay kanina pa tumutunog. Tumayo ako, kakain nalang ako kahit kaunti.
"Trigger pare, wala kang balak samahan ang anak mo sa mansyon ni Sky?" tanong ni Jigger.
"Meron. Pero sa ngayon, kay Irene muna ako..."
Hindi na sila nagsalita. Iniwan nila ang mga trabaho nila sa Maynila kaya naman pinilit ko silang pauwiin na kaso ayaw nila.
"Problema ng isa, problema ng lahat." sabi ni Chad saka pumuso puso pa ang kaniyang kamay.
"May problema ako sa utang. Problema mo na rin?" hamon sa kaniya ni Elle.
"Ay ibang usapan na iyan, Janelle. Abuso tawag diyan..." sagot naman ni unggoy.
Binisita ng mga nurse si Irene para icheck. Paulit ulit din sila ng sinasabi sa akin. Iligtas ko raw ang asawa ko.
Malamang gusto ko rin iligtas ang anak ko!
"Tangina, isa pang tanong nila ako na ang magtatanong kung saan nila gustong ilibing..." inis na sabi ko paglabas ng lalaking nurse.
"Sa libingan daw ng mga bayani, bes!" tumatawang sabi ni Verena. Siya lang ang bukod tanging tumawa sa sarili niyang joke kaya humina ang tawa niya hanggang sa nawala.
Magdadalawang araw na at wala paring signs ng paggising ni Irene at ang pagligtas sa anak ko. Lumalaki naman daw ito sa loob ngunit damay si Irene.
"Gawa nalang kayo ng panibago-" bago pa matapos ni Cupid ang sasabihin niya ay bumagsak na siya sa sahig.
"Fuck you, pare! Akala mo ganito lang kadali ang problema ko?!"
"Hwag na patulan, Kupido! Mainit lang talaga ulo niyan... kung may taong dapat umintidi sa kaniya ay dapat tayo iyon." sabi ni Thei.
Nilagay ko ang kanang palad sa mata. Tuloy tuloy bumagsak ang luha ko sa pinaghalong galit at sakit.
Sinuntok ko ang pader ng paulit ulit. Tangina! Bakit kailangan ko pang maranasan ito? Bakit kay Irene pa? Bakit sa anak ko pang walang kamuang muang at hindi pa nasisilayan ang mundo!
Pinakalma nila ako at hindi ko alam kung paano nila ako napilit na matulog sa mansyon. Katabi ko ngayon si Rain at Keanu.
"Tatay, paggising ba namin nandito na si Nanay?" tanong ni Rain.
"We'll see..." bulong ko sa kanila.
Ang kamang dati ay masikip, parang ngayon ay sobrang luwang. May kunting space na nakalaan sa isang tao. Nakalaan para kay Irene.
"Tatay, sabihin mo kay Nanay, bumalik na siya. Namimiss ko na siya..."
"Sige, anak. Sasabihin ko..." bulong ko sa kanila.
Maaga akong nagising kinabukasan para pumunta sa ospital. Ang nagbantay kagabi ay ang Daddy ni Irene at si Daddy.
Tinapik nila ang balikat ko bago umuwi. Tinitigan ko nanaman si Irene. Kapansin pansin ang pangangayayat niya at ang pamumutla ng katawan.
"I miss your voice... I miss your smile... I miss your kisses..." ngumiti ako.
"I miss you..." bulong ko sa tainga niya para marinig niyang nandito lang ako sa tabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top