/13/ I Volunteer
Too bad, to stuck with
your parent's, your friend's,
and society's expectations
on how you should
act and live
your life
/13/ I Volunteer
[GOLDA]
"IWAN n'yo muna kaming dalawa," utos ko sa tatlo kong alipores.
Naramdaman naman nila ng mga alipores kong bugok na seryoso ako kaya dali-dali silang umalis. Naiwan kaming dalawa ni Blake, umupo ako kaharap niya at hindi pa rin nawawala 'yung nakakairitang ngisi sa mukha ng batang 'to.
"I came here because you dropped this," sabi niya at inabot sa'kin 'yung ID ko.
Kinuha ko 'yon sa kanya at tumayo siya.
Gano'n lang?
Anong trip ng batang 'to?
"Hoy," hindi ko mapigilang tawagin siya dahil kakaiba ang nararamdaman ko sa lintik na 'to, parang sinasadya niya na pumunta rito.
"It's alright, Golda, you don't need to thank me," sabi niya nang humarap sa'kin.
"Anong alam mo?" direkta kong tanong sa kanya at halatang nagulat siya pero kaagad ding bumalik sa pagiging poker-faced 'yung itsura niya.
"Don't worry, I don't know nothing."
Pagkaalis niya ay para akong nakahinga ng maluwag pero may bumabagabag pa rin sa'kin. Sinasabi ng kutob ko na may alam siya at pinagtitripan ako ng Blake na 'yon.
*****
NAGKASABAY kami papasok sa loob ng eskwelahan ni Waldy ngayong umaga. Nagulat ako dahil bigla niya 'kong hinampas sa likuran—aba, feeling close?
"Good morning, Goldy," masayang bati niya sa'kin.
Aba, nakikiGoldy na rin siya?
"Good morning," bati ko rin sa kanya at naghikab ako. Medyo kinulang ako sa tulog.
Bumungad sa'min ang maingay na tunog ng banda sa may gymnasium, tapos nakita ko na ang daming nagja-jogging sa paligid. Huminto kami parehas ni Waldy sa tapat ng gym dahil saktong may dumaan sa harapan namin na isang grupo na tumatakbo.
"Anong meron?" tanong ko at naghikab ulit ako.
"Malapit na kasi mag-Intrams tsaka 'yung competition ng Private School Association kaya nagreready na sila."
Ah, oo nga pala. Kaya nga nagpameeting kahapon para na naman sa isang school activity.
Naghikab ulit ako at biglang may gumulong na bola sa harapan namin ni Waldy, sabay kaming napatingin pinanggalingan no'n, bukas 'yung gate ng gymnasium at doon 'yon galing.
Nakita namin ni Waldy 'yung tatlo naming kaklase, 'yung tropa ni Blake na si Nap ('yung may parang may ADHD), si Saging boy (di ko pa rin alam kung ano name ng hinayupak), at isa pa nilang tropa.
Sumenyas sa'min ang tatlo na ibalik sa'min ang bola. Pupulutin palang 'yon ni Waldy nang makita ko 'yung senyas ng tatlo, nakita ko na may hawak si Nap ng dalawang volleyball at nilagay sa dibdib niya at tumalun-talon, tinuro ako ni Saging boy at tumawa sila.
Inunahan ko si Waldy na pulutin 'yung bola at naglakad ako papasok sa loob ng gym.
"Golda?" sumunod sa'kin si Waldy.
Habang papalapit ako ay narinig ko lalo ang mga kantyawan ng tatlong unggoy, hindi pa rin tumitigil si Nap sa kagaguhan niya. Nang huminto ako malapit sa kanila ay ngumiti ako.
Kay aga-aga huwag n'yo kong pinuputangina, gusto ko sanang sabihin. Natigilan sila nang mapagtanto kung ano 'yung gagawin ko. Buong lakas kong binato 'yung bola sa direksyon nila pero sabay-sabay yumukod ang tatlong unggoy at boom! Isang tao sa likuran nila ang natamaan sa ulo.
Bumagsak 'yung taong natamaan ko ng bola at parang biglang natahimik at natigilan ang mga tao sa gym.
"Hala!" sigaw ni Waldy na nasa likuran ko.
"Paul!" sigaw ng tatlong unggoy nang makita ang nakahundsay sa likuran nila.
"Captain!" sigaw ng mga basketball player na naglalaro sa may court at dali-daling lumapit sa kinaroroonan namin.
Para akong natuod. Pinapanood ko lang ang nangyayari, may lumitaw na stretcher mula sa kung saan at dinala 'yung tinamaan ko ng bola papalabas ng gym.
Hindi pa naman siguro patay 'yung taong 'yon?
"Golda, lagot ka, bakit sa lahat ng pwede mong tamaan si Paul pa," natauhan na lang ako nang marinig ko 'yung nag-aalalang boses ni Waldy.
"Ha? Kilala mo 'yun?" inosenteng tanong ko.
"Si Paul Reid, kaklase natin siya."
"Kaklase natin? Parang never ko namang nakita 'yung unggoy na 'yon sa classroom," inis kong sagot.
"Ano ka ba!" hinampas ako nito sa balikat. Aba, namumuro na 'to, pag ako humampas dito talsik to sa langit. "Si Paul ang captain ng basketball team ng William Consuelo High School, kaya palagi siyang excused sa klase kasi athlete siya."
"So?"
"Anong so? Isa siya sa heartthrob ng campus!"
"Ha? Heartthrob? Kalokohan." Iniwanan ko na si Waldy dahil naiirita ako sa pinagsasasabi niya. Pake ko ba kung athlete 'yung Paul Reid na 'yon, tsaka kung heartthrob siya sa eskwelahang 'to?
Sumunod sa'kin si Waldy at hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita.
"Alam mo ba kung bakit ka lagot?" sabi ni Waldy habang naglalakad kami papuntang main building, hindi ko siya pinansin. "'Yung mommy ni Paul ang president ng PTA!"
"Anong PTA?"
"Estudyante ka ba talaga? PTA means Parent-Teacher Association. Kilala 'yung mommy ni Paul sa school dahil big time sponsors sila—"
"Alam mo manahimik ka na lang ipapakain ko sa'yo 'tong papel." Nilabas ko sa bag ko 'yung pinapabigay ni Lulu kay Waldy, inabot ko 'yon sa kanya. As usual, tungkol na naman sa Ikigai shit katulad nang binigay ko noon kay Kahel at Jao na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila sinasagutan.
"What's this?" tanong niya.
"Basta sagutan mo na lang."
*****
TOTOO ngang lagot ako katulad nang sinabi ni Waldy sa'kin kanina dahil pinatawag ako ngayon sa Student Affairs Office dahil may nagreklamo raw sa'kin. Umagang-umaga. Inisip ko na lang na okay na rin 'to dahil naexcuse ako sa boring naming morning class.
Tama nga ang kutob ko nang makita ko sa loob ng office ang isang ale na pusturang pustura ang itsura, makapal ang make-up, may mga mamahaling alahas na suot, 'yung damit ay isang dress, may designer's bag—in short para siyang donyang kontrabida sa mga pelikula.
Tiningnan ako ng ale mula ulo hanggang paa, for sure ay hinuhusgahan niya na ako sa isip niya. Tumaas ang kilay nito at halatang hindi ako nagustuhan.
"Miss Marquez, take your seat," sabi sa'kin ng guidance counsellor at sumunod lang ako. "This is Mr. Paul Reid's mother, the president of PTA, Madam Priscilla Reid."
"Please, Mr.Santos, Mrs.Reid na lang," sabi ng ale, pati boses nito'y nakakatakot, halatang terror. Daig pa niya si Principal Consuello, mas bagay siyang maging principal.
"We called you here because there are three students who witnessed that you threw a ball on Mr. Paul Reid," sabi sa'kin ng guidance counsellor.
Ah, siguro ang tinutukoy niya 'yung tatlong unggoy. Biglang nag-init 'yung ulo ko.
Sasagot pa lang ako nang biglang nagsalita si Mrs.Reid.
"Ilang taon ka na, hija?" mapangsuspetya nitong tanong. Patay, mukhang nararamdaman niya ang pagiging 'oldy' vibes ko.
Pilit akong ngumiti ng matamis para magpatweetums. "Eighteen po."
"Eighteen?" hindi makapaniwalang sabi ng ale. "Mukha ka ng nanay sa laki ng hinaharap mo."
Nagulat 'yung guidance counsellor sa sinabi nitong ni Mrs.Reid, masyado palang prangka ang ale na 'to. Parang pumitik 'yung ugat ko sa noo at pinigilan kong ma-offend—kahit na totoo 'yung sinabi niya—maliban sa mukha akong nanay. Tanginang 'to.
Tumikhim ako para ibahin 'yung usapan. "Hindi ko po sinasadyang batuhin ng bola 'yung anak n'yo dahil ang totoo pong nangyari—"
"You injured my son, alam mo ba na sa ginawa mong 'yon ay ay muntikan mo nang sirain ang future ng anak ko?" natameme ako nang sabihin niya 'yon. Siya 'yung tipo na kahit anong ipaliwanag mo ay ikaw pa rin ang mali. "Ang anak ko ang star athlete ng eskwelahang 'to, kung may nangyaring may masama sa kanya at hindi na siya makapaglaro ng basketball paaano siya makakapasok sa prestigious university na para sa kanya? Naisip mo ba 'yon?"
Umiling ako. At inulan na naman niya ako ng sermon, walang preno, walang awat, kahit 'yung guidance counsellor ay hindi na nakapagsalita.
Pinigilan ko na lang humikab dahil baka mas lalong magalit 'yung ale. Kung ano 'yung pumapasok sa tenga ko ay nilalabas ko na lang din sa kabila.
Pagkatapos ay akala ko tapos na nang tapos na akong sermunan. Pumunta kami sa clinic kung nasaan si Paul, gusto ng ale na magsorry ako sa anak niya. Ni hindi na ako nakapagpaliwanag tungkol sa totoong nangyari—pero hinayaan ko na, may point naman talaga siya eh, paano kung malala 'yung pagkakabagsak ni Paul dahil sa hindi ko sinasadyang ginawa—kasalanan ko pa rin.
Tsaka para na rin sa ikatatahimik ng lahat. Naririndi na ako sa ale na 'to eh.
"Mom? What are you doing here?" gulat na tanong ni Paul nang makita kami. Nakahiga siya sa clinic bed at may benda sa ulo, gano'n ba talaga kalala 'yung ginawa ko? O isa lang 'tong ka-OAyan?
Tumingin ako kay Nurse Ellen na nakatayo sa gilid at obvious na gustong makitsismis.
"Anak, I'm so worried!" bulalas ni Mrs.Reid at lumapit sa anak niya. "The school called me so I came!"
"You don't need to come, I'm fine!" protesta ni Paul. "This is not a serious injury!"
"Anong hindi serious?" tumingin sa'kin si Mrs.Reid. "Apologize to my son!"
"Mom naman!" parang nahihiyang sabi ni Paul sa nanay niya, mabuti pa 'yung anak nahihiya sa pinaggagawa ng OA niyang nanay.
"What? She almost ruined your future? What could have happened if you have a serious injury? How can you get that sports scholarship to Ateneo?"
"Mom—"
Para matapos na 'to ay lumapit ako sa kanila.
"Sorry, Paul."
Tumingin sa'kin si Paul pero hindi siya sumagot, parang mas nangingibabaw 'yung hiya niya sa ginawa ng mommy niyang atribida.
*****
NAKAKASTRESS.
Siguro dahil nasira na 'yung umaga ko ay tuluy-tuloy na 'yung kabadtrip-an ko. Ngayong lunchtime ay biglang nagpameeting na naman 'tong mga kaklase ko para sa Intrams, gutom na 'ko punyeta.
Nakapangalumbaba lang ako at hindi nakikinig sa sinasabi ng Vice-President na si Ruffa, may naririnig akong contribution para sa pampagawa ng Tshirt daw, tas kung anu-ano pa.
Ang naiintindihan ko lang ay may Blue, Red, Yellow, Green, Violet, Pink, Black, at White Team ang maglalaban-laban sa intrams. 'Yung section namin ay kabilang as Red Team at may mga kakampi kami galing sa ibang year at strand.
"Guys, dapat daw kada category ng sport ay mayroong representative galing sa klase natin," sabi ni Ruffa sa harapan at nagsimula siyang maglista sa blackboard ng mga sasali sa bawat sports.
Tumingin ako sa katabi kong si Lulu na busy sa sarili niyang mundo. Siya ang class president pero siya 'tong walang pake. Psh.
Nagkakagulo ang buong klase dahil nagtatalo sila kung sino ang gustong sumali sa Basketball, Volleyball, etc. May mga larong pinoy nga rin katulad ng Patintero eh, iba talaga pakulo ng eskwelahang 'to.
"Ang last category... sinong gustong sumali sa dance competition?"
Umugong ang ingay.
"Dance competition? Sports ba 'yan?" tanong ng isa naming kaklase.
"It's still an activity that involves movement," pagdadahilan ni Ruffa.
Bigla akong nagtaas ng kamay at napatingin sa'kin lahat ng kaklaes ko.
"Yes?" tanong ni Ruffa.
"I volunteer."
"Huh?" reaksyon nilang lahat.
*****
"IKAW sasali sa dance competition?" hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Sir Gil kumag nang puntahan ko siya sa faculty. Mabuti na lang dahil kakaunti lang tao rito at pwede ko siyang tarayan.
"Ibibigay mo ba sa'kin 'yung susi ng studio o hindi?" mataray kong sabi. Napakajudgmental ng lalaking 'to. "Ako pa lang ang nagvolunteer na sumali ro'n para irepresent 'yung advisory class mo, kailangan ko pang humanap ng members."
Imbis na ibigay niya sa'kin 'yung susi ay napakunot siya. Naghahanap kasi ako ng practice room at sinabi sa'kin ni Principal Consuello na hingin ko raw sa anak niya 'yung susi, ayoko namang magpractice do'n sa lumang building dahil nuknukan ng init do'n.
"I heard about the incident about you and Paul," sabi niya at umikot 'yung mga mata ko.
"Oo, sinermunan na 'ko ng nanay niya at nagsorry na 'ko, okay?" sabi ko at pumanewang. "Kaya ibigay mo na sa'kin 'yung susi utang na loob."
Binuksan niya 'yung drawer niya at hinanap do'n 'yung susi. "Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? Paano kung wala kang mahanap na members." Inabot na niya sa'kin 'yung susi na may label kung saang kwarto 'yon.
"Alam mo, abangan mo na lang ako sa dance moves ko baka tumulo pa laway mo," sagot ko sa kanya at iniwanan ko siya.
Uwian na pero hindi pa ako umuwi, nagpalit ako ng PE uniform. Papunta ako ngayon sa dance studio sa nasa ground floor kung saan pwede akong magpractice. Katabi nito 'yung storage room na nasa dulo.
Ipapasok ko pa lang 'yung susi sa door knob nang may marinig akong ingay na tugtog sa loob. Aba punyeta may nauna na sa'kin?
Pagpasok ka sa loob ay tumigil ang music at nagulat 'yung tao na nasa gitna.
"Ikaw?" sabi ko nang makita ko si Paul na pawis na pawis. Nakasuot siya sweatshirt, jogging pants at cap.
"S-Sorry," bigla siyang nahiya at kinuha 'yung bag niya at dali-daling umalis.
Pumasok ako sa loob, naramdaman ko 'yung lamig ng aircon. Aba, kita mo naman at may ganito pa lang kwarto rito. Puno ng salamin 'yung silid at halatang pangpractice talaga, 'yon nga lang ay makalat at maalikabok—halatang hindi na nagagamit.
Nagstretching muna ako. Pagkatapos ay sinetup ko 'yung maliit na speaker na pinabili ko kay Buloy at 'yung cellphone ko.
Matagal-tagal ko na rin 'tong hindi ginagawa, mahilig kasi akong sumayaw at ito 'yung 'secret' talent ko. Siguro dala ng stress ngayong araw gusto ko lang maglabas ng kanegahan sa katawan sa pamamagitan ng pagsasayaw.
Nagsimulang tumugtog 'yung music at nagfreestyle dance ako. Natural lang na lumabas 'yung moves sa katawan ko at hinayaan kong dalhin ako ng musika.
Pero tumigil ako nang makita ko sa salamin na may nakasilip.
"Nandito ka pa rin?" reklamo ko nang makita ko si Paul sa pintuan.
Pumasok ulit siya sa loob.
"Dude, you're dope!" napakunot niya ako sa sinabi niya. Pinupuri niya ba 'ko? Base kasi sa boses niya ay parang manghang mangha siya, nanunuod siya kanina pa?
Ngayon ko lang siya nakita ng maigi dahil wala na siyang suot na cap at wala na siyang benda. Ni hindi nga siya nagalusan sa ginawa ko.
Matangkad si Paul, mestizo—in short gwapings nga ang batang 'to. Kaya pala sinabi ni Waldy na heartthrob.
"Uhmm... Your name?" tanong niya.
"Golda."
"Golda... Sorry sa ginawa ni mom, gano'n lang talaga 'yon, masyadong overprotective sa'kin."
O—kay, medyo nawirdohan lang ako dahil nagsosorry siya. Sa totoo lang ay impression ko sa mga katulad niyang jock o star athlete ay mayabang. Pero parang hindi naman gano'n ang batang 'yon, parang humble lang siya.
"Okay lang," maikling sagot ko.
"Tsaka, pwede bang huwag mong sabihin kahit na kanino na nakita mo ko rito? I should be practicing at the gym right now," sabi niya. Oo nga pala, captain ball nga pala siya. Pero, bakit?
Tumango na lang ako. Akala ko aalis na siya pero nagulat ako nang ibaba niya 'yung bag niya at lumapit sa'kin.
"Will you teach me some of those sick moves?" tanong niya.
*****
PAGPASOK ko sa classroom kinabukasan ay natahimik at napatingin sa'kin ang mga kaklase ko. Tiningnan ko sila at gusto ko sanang itanong kung may tae ba sa mukha ko pero dumiretso ako sa pwesto ko.
"Good morning," bati ni Lulu sa'kin. "Congratulations for being talk of the town."
"Hah—Aray!" biglang may humampas sa likuran ko at nakita ko si punyetang Waldy. "Ikaw namumuro ka na sa'kin!"
"Goldyyy!" sabi ni Waldy na halos ikapantig ng tenga ko sa tinis ng boses niya. "Alam mo na ba ang balita?!"
"Ang alin?" kunot noo kong tanong.
"Wow, Goldy, marunong ka pala talagang sumayaw?" sabi naman ni Kahel habang may pinapanood sa cellphone niya.
"Ano bang pinagsasasabi n'yo?"
"May stalker si Papa Paul na nag-upload ng video niya sa Facebook!" sabi ni Waldy at may pinindot sa cellphone niya. Tinawag niyang Papa Paul si Paul? Huh.
"Ano bang—" natigilan ako nang ipakita sa'kin ni Waldy 'yung cellphone niya at nakita ko ang 'yung video na sabay kaming sumasayaw ni Paul. "Oh, ano naman problema?"
"Gaga ka ba!" hininaan ni Waldy 'yung boses niya at bumulong. "Maraming naiintriga at naiinggit! Kasali ba si Papa Paul sa group mo?! I wanna join!"
"Ikaw Waldy? Kelan ka pa sumayaw?"
"Dancer and actress kaya ako!"
"Ako rin, parang masayang sumali!" biglang sumabat si Kahel.
"Hoy, isa ka pa Kahel. Ano ba kayo—"
"I want to join." Hindi ko namalayan at lumapit na pala sa'min si Blake. "I want you to teach me some dance moves too."
"HAH?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top