02 - That Strange Lady At The Window





***


            "Thank you for your order, please come again," nakangiting wari ni Quaro nang i-abot nito ang dalawang paperbags na may lamang mga tinapay kay Mrs. Aurora na nasa unahan ng pila. She was the town councilor's wife, dropping by to get her daily order; two dozens of cheese bread.

Ayon sa ginang ay para ang mga iyon sa mga katiwala nito, kaya naman madalas ay pinaso-sobrahan niya ang bilang ng mga tinapay na ibinibigay niya rito. He liked people who are kind and empathetic toward others—so he liked Mrs. Aurora. If only...she wasn't too flirty with him.

"Thank you, Quaro. I'll drop by again tomorrow, 'kay?" Mrs. Aurora said in her high-pitched-flirty tone. Her lips were glistening with her Ultra-red, glossy lipstick.

"I look forward to that."

Mrs. Aurora chortled before batting her thick eyelashes, deliberately showing them to him.

He realized they were thicker and longer than usual—and he wondered if they just grew naturally or she did some magic with the help of her friends at the beauty salon.

"You look prettier today, Ma'am," he complimented while trying to sound respectful. "But your lipstick looks darker than usual—today must be a special day, huh?"

"Oh, ito naman!" Napahagikhik ang ginang saka siya banayad na hinampas sa kamay. "This is how I look everyday, 'no." 

            "Is that so? Well then, keep that look every day," he indulged. "Nakagaganang magbukas ng shop kapag pawang magagandang babae ang mga customers ko."

            "Oh!" muling humagikhik si Mrs. Aurora, at kung hindi pa sana tumikhim ang kasunod nitong customer ay magpapatuloy pa sana ito sa pakikipaghuntahan.

            Mrs. Aurora turned to the lady next in line, pouted her ultra-red lips, and then rolled her eyes, before returning her attention back to him. Muli itong ngumiti ng matamis.

            "I am coming back tomorrow, so please reserve two dozens of cheese bread and another two of your special mamon."

            "Noted on that, Ma'am. Enjoy the rest of your day," he said before giving her a wink.

            Bantulot na tumalikod ang ginang saka nakangusong lumabas sa glass door kung saan may nakasalubong itong kolehiyala na pamilyar sa kaniya.

            Tulad ng dati, ang kolehiyala na iyon ay dumireto sa pinaka-sulok na mesa, doon malapit sa glass window ng shop, tahimik na naupo roon saka naka-ngalumbabang tumingin sa kalsada.

            Napa-iling siya bago ibinalik ang pansin sa nakapilang mga customers. 

            Dalawang buwan na ang nakararaan simula nang mapansin niya itong dumarating roon sa kaparehong oras. Tulad ng araw-araw na ginagawa nito, ay darating ito kapag malapit na siyang magsara.

            May mga pagkakataong maghihintay ito sa labas ng shop kapag okupado ng ibang customers ang mesang nasa dulo't katabi ng bintana. Kahit may ibang mesa namang bakante ay maghihintay ito sa labas kipkip ang mga libro sa bisig at malaking backpack sa likod hanggang sa mabakante ang paborito nitong pwesto sa loob.

            Noong unang mga araw ay umu-order ito ng isang tasa ng hot chocolate at isang slice ng buko pie, o minsan ay egg pie. Pagkatapos nitong makuha ang order ay bubuksan na nito ang dalang libro, saka mananahimi na sa sulok na tila may sariling mundo. Kahit na matagal nang ubos ang in-order nito'y hindi ito umaalis hanggang sa lahat ng customers na naroon sa pagsara niya'y umalis na.

            At first, he had no problem with her staying longer than she should.

            Until she'd stopped ordering and had started using his shop as her personal library.

            Pupunta na lang ito roon upang tumambay—darating ito kalahating oras bago siya magsara, at o-okupahin ang paboritong pwesto upang magbasa ng libro. Minsan ay magugulat na lang siya dahil bigla na lang niya itong makikitang umiiyak. Hindi niya alam kung dahil sa librong binabasa nito o dahil may pinagdadaanan. He thought she was weird, dahil kahit Chemistry book ang binabasa ay humahagulgol!

            There was one time when she just wept and the customers at the next table got irritated. Nagsumbong ang mga ito sa kaniya, kaya napilitan na siyang lapitan ang dalaga. He didn't really want to entertain her, lalo at wala naman itong in-order at naka-a-abala sa kaniya. But he had to, because she had started to be a nuisance.

            "Ano'ng problema?" he asked in his neutral tone.

            Ang dalaga ay nakayuko sa mesa at humahagulgol; ang noo'y nakapatong sa librong naroon at ang mga kamay ay naka-sapo sa ulo

            Nanatili siyang nakatayo roon ng ilang segundo, naghihintay ng sagot mula rito.

            "Miss—may problema ka ba?"ulit niya.

            Sa bawat segundong naghihintay siya ng sagot mula rito ay nadaragdagan ang pagka-inis niya, but he had to be gentle because he didn't want to appear rude in front of his other customers.

            "G—Gusto kong mapag-isa..." umiiyak sabay sinok pang sagot ng babae.

            "Kung may problema ka at sa tingin mo'y may maitutulong ako, please let me know—doon tayo sa kusina mag-usap nang hindi ka naka-a-abala rito sa ibang customers." Even if he tried to sound gentle, the hint of annoyance could still be heard from his voice.

            Sa huling sinabi niya ay tumahimik ang babae, subalit patuloy pa rin ito sa pagsinok at hindi pa rin nag-abalang mag-angat ng tingin.

            Nilingon niya ang mga customers na nanatiling nakamasid. Tatlo sa anim na mesa ang okupado sa mga sandaling iyon, at bawat isa ay may dalawang naka-upo. All of them were the college students who had been his customers for over a year now. Maliban sa mga iyon ay may tatlo pang nakapila sa counter bitbit ang mga trays kung saan nakalagay ang mga kinuhang tinapay mula sa estante. Lahat ng mga ito'y nanatiling nakamasid at naghihintay sa kaniya.

            Napipikong ibinalik niya ang pansin sa dalagang nagda-drama.

            The woman was wasting his precious time and his patience was getting thinner and thinner every second.

            "Do you have an order?"

            "W—Wala po..."

            "You can't stay here for more than an hour without an order, Miss. Mag-iisang oras ka nang nakaupo r'yan at alam kong kahit magsara ako ngayon ay hindi ka aalis hanggang sa hindi lumalabas ang lahat ng customers ng shop. I have been patient with you in the past few days, but if you continue scaring my customers with your cries, I have no choice but to make you leave. I'm sorry but I'm running a business here—hindi pwede ang libreng upo rito."

            Nag-angat ng luhaang mukha ang babae na sandali niyang ikina-tigil.

            Her eyes and nose were red from crying, tears were streaming down her face, and her full, semi-pouty lips were shaking. She was looking so messy that he had to look away.

            Alam niyang ayaw ng mga babaeng makita ang mga ito sa ganoong kondisyon, at ayaw niyang dumating ang araw na maalala iyon ng dalaga at mahiya sa kaniya kapag muli silang magkaharap.

            "P—Pasensya na. G—Gustuhin ko mang um-order ay wala akong maibabayad sa ngayon. Dalawang linggo na akong short sa allowance, at kailangan kong maghintay ng hanggang alas sinco ng hapon bago dumating ang libreng sasakyan na mag-uuwi sa akin sa kabilang bayan. Wala akong ibang matambayan sa labas maliban sa kalsada, at may hika ako kaya hindi ako pwede roon. Please..."

            Napasinok ito sa kaiiyak.

            "Please... pwede mo ba akong hayaang manatili rito sa ganitong oras lagi?"

            Ahh, damn it.

            Huminga siya ng malalim at ibinalik ang tingin dito. Hindi siya kaagad na nakasagot dahil napangiwi siya nang makita ang paghalo ng luha at sipon nito sa pisngi

            Why do I have to bother myself with this woman?

            "Please?" patuloy nitong pakiusap sa kaniya, ang luha't sipon ay hindi man lang nito pinagkaabalahang punasan.

            "Fine," he finally conceded. "If you promise not to disturb my 'paying' customers, I will allow you to sit here for an hour every day. That's all I can do for you."

            Tumalikod na siya at binalikan ang counter kung saan matiyagang naghintay ang mga customers niya.

            Muli siyang nagpakawala ng matamis na ngiti nang muling harapin ang mga ito. They smiled back at him, instantly forgetting about the crying lady at the window.


______________________________________________________





            Isang linggo na ang nakararaan simula ng mangyari iyon, at araw-araw pa ring nagpupunta roon ang babae. Insahan niyang mahihiya na itong bumalik matapos niyang sitahin, kahit pa nga ba pilit siyang pumayag sa pakiusap nito. Pero sa tingin niya'y wala itong ganoon.

            She simply had no shame at all.

            And he had been thinking about her reason. It wasn't making any sense.

            Kung may hinihintay itong sundo na dumarating ng alas sinco ng hapon, bakit hindi ito roon sa university maghintay; doon sa canteen, sa library, o sa lobby? Pagdating ng alas-sinco ay saka na lang ito lumabas kung ayaw nitong maalikabukan sa kalsada.

            Ganoon lang ka-simple—bakit kailangang gamitin nito ang shop niya at gawing tambayan?

            "Thank you, Quaro..."

            Ibinalik niya ang pansin sa dalagitang customer na namumula ang pisngi nang magpasalamat. Iyon ang kasunod ni Mrs. Aurora at matagal na ring suki ng shop niya. She was a lady who worked at the self-service laundry shop nearby. Doon niya sa shop ng mga ito dinadala ang mga labahan niya.

            "No, ako dapat ang magpasalamat sa lagi mong pagbili sa akin," aniya rito saka sinundan iyon ng matamis na ngiti.

            Nahihiyang nagpaalam na ang dalagita bitbit ang dalawang paper bags nitong pandesal. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas sa pinto, at nang lumingon ito at makita siyang nakasunod ang tingin ay patakbong umalis na ikina-ngisi niya.

            "Tatlong box ng egg pie at limang large Spanish bread, Quaro..."

            Ibinaling niya ang pansin sa kasunod na customer na nakapila. He smiled at the familiar face and leaned over the counter.

            "Your skin is brighter today, Paige," aniya rito na sinagot ng dalaga ng matamis na ngiti.

            Paige Sheng was a half-Filipino, half-Taiwanese business owner who had been his customer since he opened the shop. Nagmamay-ari ito ng isang malaking appliance store sa bayan at kilala ng lahat bilang istrikta at metikulosa.

            Pero lingid sa kaalaman ng lahat, Paige was actually a sweet, and kind woman.

            Nagsasara ito ng store sa ganoong oras at bago umuwi at dadaan muna sa shop niya upang magkape. Makikipagkwentuhan siya rito hanggang sa umalis ang lahat ng customers. And when everyone was gone, he and Paige would hit the kitchen for a quickie.

            Oh, well.

            He was just human and he liked her.

            But not romantically, though. It was more on... the sexual aspect.

            He liked her because she had an awesome body and a pretty face. But most of all, he liked her intelligence. He was attracted to smart, ambitious women; he found them hot and sexy.

            Paige was a rare combination of beauty and brains. But he wasn't really into a serious relationship—and Paige understood that, kaya lalo niya itong nagustuhan. She had an open mind and he liked the fact that they were on the same chapter.

            If Paige felt like she needed some comfort, she would come to him and they'd spend an hour or two together in his La-Z-Boy. Kapag siya naman ang nangailangan ay isang titig lang niya rito at alam na kaagad nito ang gusto niyang mangyari.

            But their relationship wasn't like that all the time. Most of the times, they would just talk about the business, about issues surrounding the town, and about politics over a cup of coffee. Pagkatapos niyon ay uuwi na ito at tuluyan na niyang isasara ang shop.

            They were friends with benefits—no commitments, no dramas. And they both liked it that way.

            "My skin is bright everyday, Quaro, darling," nakangiting sagot ni Paige na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. "Your charm doesn't work for me anymore, so drop it."

            He gave her a soft chuckle. "Kung pagbabasehan ko ang order mo, sa tingin ko'y hindi ka magpapalipas ng oras dito sa shop ngayong araw?"

            "Kahit gustuhin ko ay hindi maaari. May family reunion kami at kailangan kong lumuwas sa kabilang bayan upang makasama ang mga pamilya naming darating mula Taiwan. That includes my Aunt Mei Mei and Aunt Lei Ching. And you know how much they love your Spanish bread—noong nakaraang taon ay nagkatampuhan ang dalawang iyon dahil lang sa Spanish bread mo. So, how about you give me a dozen?"

            "Perfect—I still have a dozen of them in my oven. Stay here."

            Sandali siyang nagpaalam at pumasok sa working station upang kunin ang natirang tray sa huling batch na ginawa niya noong tanghaling iyon. Ini-silid niya ang isa't kalahating dosena sa special box for orders, saka bumalik sa shop. Inabutan niya si Paige na ini-ikot ang tingin sa paligid.

            "Himalang hindi na-okupa ang lahat ng mesa mo ngayon?'

            "Yeah. Exam week kaya abala ang lahat."

            Nakangising ibinalik ni Paige ang tingin sa kaniya. "You must have been lonely—wala ang fansclub mo."

            Pino siyang ngumiti bago sumagot. "Sa umaga ay kompleto sila rito para mag-almusal. Kapag hapon lang wala."

            "They really can't miss a day without seeing you, huh?" she said, chuckling at the same time. "And the strange lady at the window is here again."

            "As long as she's not causing any trouble, I'm all good." He said, glancing at the lady who was busy reading her book like usual.

            Natuon ang pansin niya sa librong hawak at nakatakip sa mukha nito. Kinunutan siya ng noo sa nakita. 

            What is that woman doing there? aniya sa isip.

            "I should go now, Quaro. I'll see you next week."

            Ibinalik niya ang tingin kay Paige nang marinig ang sinabi nito. She handed her payment.

            "No, don't worry about it. Kung para ang mga iyan sa Tita Mei at Tita Lei Ching mo, I won't accept payment. Send my regards to them."

            Paige pouted and pushed back the bills back to her wallet. "Why are you doing this to them, ni hindi mo pa sila nakikilala."

            "Pero ilang ulit mo na silang ini-kwento sa akin kaya parang kilala ko na rin sila. Bring them here next time, I'll bake them a special bread."

            "Kung dadalhin ko sila dito ay lalong dadami ang miyembro ng fansclub mo. So no, thank you."

            He chuckled at her joke.

            Nang magpaalam si Paige ay sinundan niya ito ng tingin hanggang sa pinto, katulad ng madalas niyang ginagawa sa lahat ng mga customers niya. Ginagawa niya iyon dahil para na rin niyang inihahatid ang mga ito niya hanggang sa labas.

            Wala pang isang minuto matapos umalis ni Paige ay sunod namang lumabas ang dalawang high school students na suki rin ng shop—they waved him goodbye which he answered with a smile.

            Ang natira na lang ay ang dalawa pang college students na abala sa pakikipagkwentuhan habang pasulyap-sulyap sa counter, ang ginang kasama ang limang taong gulang nitong anak na lalaki sa kabilang bahagi ng shop, at ang weirdong babae sa may bintana banda.

            Nang muli siyang napasulyap sa dako nito ay muli na naman niyang napansin ang nakitang kakaiba kanina.

            Napa-iling siya sa pagkamangha, at bago pa man niya napigilan ang sarili ay umalis siya sa counter at tahimik na lumapit sa direksyon nito.

            Huminto siya sa harapan ng dalaga na lalo pang ini-lubog ang ulo upang itago ang mukha sa librong hawak.

            He tsked in his mind. And without another word, he grabbed the book from her. 

            "H—Hey!" magkahalong gulat at hiyang sambit nito habang pilit na binabawi ang librong inagaw niya mula rito.

            "Nagbabasa ka bang talaga?"

            "Siyempre, ano pa sa tingin mo ang ginagawa ko?"

            "I had no idea," tuya niya bago pabagsak na ibinaba ang libro sa mesa. "Baliktad ang pagkakahawak mo sa libro. Kung magpapanggap kang nagbabasa, ayusin mo nang hindi ka napapahiya."





***


NEXT >>

CHAPTER 03 – The Day His Life Turned 360





____________________________________________________________________





A/N:

Oh, bitinin ko muna kayo, ano?

Diyan naman ako talaga magaling, 'di ba? LOL

I hope you enjoyed the first 2 chapters of Quaro Zodiac's story. Please note, AKIN NA PO SIYA.

Cheret! Hahaha!


Tala

Xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top