Chapter 24- Costume

Elisha

Excited ako dahil sa Christmas Party na ito. Pakiramdam ko ngayon pa lang ako makakaranas. Excited na rin ang buong staff ng hospital.

Parang ito ang pinakamasayang season.

Noong November kasi, dumaan ang All Soul's Day na naging busy si Doc. Sal. Hindi ko alam kung sadyang kinalimutan niyang hindi puntahan si Mira. I went to my parent's tomb and put some flowers in there and say my prayers.

No'ng nagpunta ako sa tomb ni Mira, her family was there and they were surprised to see me. I told them I was her friend. Two weeks yata akong nagkasingaw dahil sa pagsisinungaling.

Before November ends, niyaya ko si Doc. Sal para madalaw si Mira.

"Hi," he murmured to her tomb. Dinalan niya ng bulaklak si Mira at natulala siya dito. Akala ko ay nakatulog na si Doc. But he murmured 'Thank You' to her tomb and I know he took a small step to move on.

"Elisha, ano ang costume mo?" tanong ni Nurse May sa akin. Nakabalik na rin siya sa hospital na pinagpapasalamat niya dahil tumaba raw siya kakabantay sa akin.

"May costume ba?" nanlalaki ang mga mata kong tanong.

"Hindi mo alam?" balik na tanong ni Nurse May.

"Kailan sinabi?" tanong kong muli.

"Luh, sinasabi na, natutulog ka ng dilat. Sinabi kaya during meeting. 'Di ba, ayaw nga ni Doc. Sal pero sabi mo pa, 'Go lang nang go'."

"Ahhh, nakalimutan ko na iyon. Luh, ano ang gagawin ko? Ilang araw na lang ba?"

"Ay sus, bukas na kaya iyon. Wala ka pang costume?"

"Wahh, malalagot ba ako kung hindi ako aattend?"

"Oo. Mapapalo ka pa," sagot ni Doc. Chan. Napatingin kami ni Nurse May sa kanya. Nakapangalumbaba siya sa reception area ng nurse station.

"Doc. Chan, ano ang costume mo?" Baka makakuha ako ng idea.

"Baby Jesus," sagot niya na ikinatawa namin.

"Naka-lampin ka dapat, Doc Chan," Nurse May commented.

Nalaglag ang mga balikat ni Doc. Chan. "Actually, wala pa rin akong costume."

"Baka dumating na lang ako bukas ng nasa true form ko," wala sa loob na sagot ko.

"At ano kaya ang true form nitong babaeng may amnesia?" nagbibirong tanong ni Doc. Chan.

"An angel," I replied smiling. "Baka mahiram ko ang pakpak ko kahit sandali."

Nagtatawanan sila na ikinasimangot ko. Tapos bigla akong napaisip. Bakit ko sinabi iyon?

Sa office ni Doc. Sal, naabutan ko siyang nagliligpit ng gamit niya bandang 4pm.

"Doc., mauna na muna akong umalis today. May dadaanan lang ako."

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang hindi lumilingon sa akin.

"May kakausapin lang ako para sa costume ko."

Napahinto si Doc sa paglalagay ng mga papeles niya sa folder na hawak.

"Wala ka pa ring costume?" natatawang tanong ko.

"I forgot that. Kailan nga ba 'yang Christmas Party?"

"Bukas ng bandang 7pm daw."

"Shit," bulong niya.

"Bad words," saway ko sa kanya. "Ingat sa pagmamaneho, Doc."

I need to talk to Him. These past few weeks made me uncomfortable. My glimpses are getting clearer and clearer and those glimpses were not from Elisha's life that they are describing me.

Nagpunta ako sa isang lumang simbahan, sa may St. Pancratius Chapel. Doon ako dinala ng pakiramdam ko.

Tahimik ang lugar at wala katao-tao. Nagpunta ako sa harapan ng altar at lumuhod. Itiaas ko ang magkadaupang palad ko sa tapat ng dibdib at pumikit.

Naramdaman ko ang presensya Niya.

"Kumusta ka na?"

"Mabuti po. Naguguluhan po ng kaunti."

"Naiintindihan ko. Malapit nang matapos ang lahat."

"Nararamdaman kop o iyon. Ngunit natatakot po ako kung magiging matapat ako."

"Dahil?" tanong Niya.

"Dahil, nagugustuhan ko na po sa mundo."

"Hindi ka para sa mundo, Anak."

"Alam ko po iyon sa kaibuturan ng puso ko. Ngunit, malulungkot si Doc. Sal kung aalis ako."

Hindi siya muling nagsalita kung kaya dumilat ako. Walang tao. Wala rin ba siya? Nakulitan ba sa akin? Muli akong pumikit.

"Patawad po sa pangangahas kong magsalita."

"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa pagsasabi ng tapat, anak. Alam ko ang nasa puso mo, hindi mo man sabihin ito. Mag-uusap tayong muli, anghel ko. Sa ngayon, pagbibigyan kita sa hinihiling mo na pakpak. Bukas, paglubog ng araw at hanggang sa pumatak ang unang ulan, mapapasaiyo pansamantala ang iyong pakpak. Magiging ikaw ka na may buong ala-ala. Doon ka magpasya ng hihingin mo sa akin sa muli nating pagkikita. Tandaan mo, sa oras na bumalik ang buo mong ala-ala, malapit ka ng bumalik sa akin. Mag-iingat ka anak ko. Hanggang sa muli nating pag-uusap."

Napakurap ako nang mabilis sa muling pagdilat ko. May mga luha ako sa mga mata at hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko maintindihan... ngunit magtitiwala ako sa Kanya. Magtitiwala ako sap ag-ibig Niya.

Kinabukasan, good mood ang lahat kahit mukhang haggard na ang night shift na naabutan namin.

"Good morning," bati ko sa papaalis na mga nurse. Inabutan ko sila ng tinapay na bitbit ko at nagpasalamat sila sa akin.

"Elisha, ano ang costume mo?" tanong ng ibang nurse na morning shift sa akin.

"Angel."

"Hala, ang dami natin," reklamo niya.

"Ayaw mo no'n, marami tayong mabait?"

"Hindi na unique," kandaha ang nguso niyang sagot.

"Magdala ka ng pana para si kupido ka." I wink at her then proceed to my office.

Wala pa si Doc. Sal kaya tinawagan ko siya.

"Hello, Elisha. Morning."

"Morning Doc. Nasaan ka na po?"

"Po ka d'yan. Malapit na ako sa hospital. Nasa office ka na ba?"

"Yes Doc. May dala akong— Oh my God, naibigay ko sa isang nurse ang kape mo." Nataranta akong napatayo. Natawa ng bahagya si Doc. Sal sa kabilang line.

"Yaan mo na. Kumain ka na ba? Baka naibigay mo rin sa nurse ang pagkain mo."

Hinanap ko ang tinapay na para sa akin. Wala nga. Naibigay ko rin nga. Nanlalambot akong napaupo muli s aupuan. "Naibigay ko nga, Doc."

"No worries, may dala akong doughnut. Unlike you, hindi ko ko ipapamigay ito sa iba."

Natawa ako ng bahagya. "Sorry kasi."

"Oo na. Binibiro ka lang. Nasa parking na ako. See you."

True to his words, may dala ngang doughnut si Doc at hindi namin kayang ubusin kaya pinamigay ko rin sa iba.

"May costume ka na, Doc?"

"Yes," maikling sagot nito. Tumayo siya at isinuot ang doctor's jacket na bagay na bagay sa kanya. "Magro-rounds na ako. Tawagan mo ako ng 12pm, sabay tayong maglunch."

"Yes, Doc. Magpareserve ba ako?"

"Huwag na. May reservation na ako," he replied smiling. Kinuha ni Doc and stethoscope niya leeg at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng jacket. Napansin ko ang kwelyo niyang nagusot ng kaunti. So instead of telling him, I reach for his collar and fix it.

"There, you are ready to go, Doc."

"Thanks, Elisha. Later."

Tumango ako. Naamoy ko ang pabango ni Doc. Sal. Gaano ba ako kalapit sa kanya para pati mabangong hininga niya na amoy mint ay maamoy ko?

"Ingat Doc. I'll pray for you."

Isang ngiti ang isinagot ni Doc bago siya lumabas ng office. At naiwan akong tulala sa pintuang nilabasan niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top