Chapter 6:Going Home Together
Chapter 6:Going Home Together
Raine's Pov
Natapos na ang buong klase at talagang sobrang boring the whole day!Nag-aayos nalang ako ng mga gamit ko para ready na akong umalis.
"Raine,sasabay ka bang umuwi sa amin?"tanong ni Rachel. Sandali kong tinigil ang pag-aayos at tumingin sa kanya.
Umiling lang ako. Gusto ko sanang sumama,pero may kailangan pa akong daanan eh. Punyemas naman kasi yung kapatid ko,bigla bigla nalang magtetext na may ipapabili.
Tch!Kung ako yung magpapabili sa kaniya,ang bilis niyang umayaw. Leche,sarap niyang ipaambush.
"May kailangan pa akong bilhin sa convenience store eh,bukas nalang ako sasabay,babye,"pagpaalam ko sa kanila. Umalis na sila pagkatapos.
Haisst. Peste,wala tuloy akong makasama pag uwi. Goodluck nalang talaga sa akin mamaya,takot pa naman ako sa dilim mag-isa.
Padabog akong tumayo at naglakad palabas ng classroom. Medyo marami rami pa naman ang tao sa school. Tch,kung sobrang kapal lang talaga ng mukha ko,malamang sa malamang magpapasama ako ng isa sa kanila.
*Skip Time*
"255 pesos po lahat ma'am,"ani nung cashier. Kinuha ko ang wallet ko at agad na inabot yung bayad.
Lumabas na ako ng store,at kung mamalasin ka nga naman oh...punyemas wala akong payong na dala!Umuulan!Peste,kegandang araw naman neto.
Sobrang swerte ko talaga ngayung araw. Pesteng araw. Tss!Hihintayin ko nalang siguro tumila ang ulan....pero pano naman kung hindi na tumila oh baka matatagalan pa bago tumila?Hayss...no choice.
No choice akong makipagbakbakan sa ulan para lang makauwi. Pinatung ko yung bag sa ulo ko at handang handa na sana na sumabak sa ulan ng may biglang humawak sa braso ko.
Napatingin ako sa taong yun at laking gulat ng makita yung tao. Weh???Is this true to life?...Isa sa mga kaibigan nung nakahalikan ni Yuwy,ano nga ba pangalan neto?....auhhh....Hi?Had?Hede?Tch!
"Uuwi ka na ba?"tanong niya. Tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko tsaka siya hinarap.
"O-oo?Bakit?"pasimple kong tanong.
"Sabay na tayo,wala kang dalang payong at sigurado akong mababasa ka,"aniya at hinablot muli ang braso ko. Eh?Feeling close lang ang peg?Matindi din.
Hinayaan ko lang siya,dahil sa wakas at may makakasama na ako pag-uwi,but the big question is ...alam niya na kung nasaan ang bahay ko?
"Hoi,alam mo ba kung nasan bahay ko?Huh?"tanong ko. Tiningnan niya ako sandali.
"No,pero pwede mo namang ituro sa akin ang daan papunta run habang nagmamaneho ako,diba?"balik niyang tanong. Binuksan niya yung kotse niya at itinulak ako papasok.
Aray naman!Napaka-gentle talaga. Buset!Tch!Wag mo muna paandarin pagka maldita mo ngayon,pasalamat ka muna at may nag-ayang ihatid ka.
Tss...
Ilang sandali lang ay pinaharurot na niya yung sasakyan.........naging tahimik lang ang biyahe namin,dahil wala naman kaming topic or dapat na pag usapan,right?Tsaka we're not that close to each other and also...hindi ko nga kabisado pangalan ng isang to eh. Don't blame me for being bad at remembering names.
Habang nagmamaneho siya ay tinuturo ko sa kanya yung daanan papunta sa bahay ko.
"Lumiko ka sa may kanto,tapos may red na gate kang makikita,huminto ka sa tapat nun,"turo ko sa kanya. Tumango tango lang siya at sinunod yung bawat salitang binibitawan ko.
Ng makarating kami sa tapat ng bahay ko ay agad akong bumaba,pero siyempre,nag pasalamat ako no..hindi naman kasi ako ganun ka walang hiya noh,tsaka we are not that close para layasan ko lang siya,pero kahit close kami dapat lang naman siguro akong mag thank you.
Yuwy's Pov
Grabe!Ang lakas ng buhos ng ulan,sigurado ako mamaya ay sasabay na ang kulog at kidlat diyan na sana ay hindi mangyari. Matindi kasi ang takot ko sa kulog at kidlat,sabayan pa ng brown out,hindi ko alam kung bakit,basta para akong may naaalala dito.
Ang totoo kasi niyan,simula nung nakidnap ako ng bata pa ako ay malaki na ang naging takot ko diyan,pati na sa mga pulang kurtina. Wala akong masyadong maalala tungkol sa insidenteng nangyari noon,at sana rin ay hindi ko na maalala pa.
"Kumusta ang first day?"biglang tanong ni Kuya Yuri. Sa dinami dami ba naman na pwedeng itanong sa akin,bakit yan pang tanong na yan?Tss.
"Ayos lang,"tipid kong sabi. Ayoko ng pahabain pa ang sasabihin ko,baka madulas ako at mahuli ako ng wala sa akto.
Napakachismoso naman kasi nitong lalake nato eh,dinaig pa si ate Yemi sa pagiging chismosa,haist!Lahat nalang kasi ng nangyayari sa akin ay tinatanong niya,nakakainis!Sarap lagyan ng stapler yung bibig niya.
"Alam kong hindi maayos,base sa itsura mo ngayon,sinasabi na niya ang lahat,"aniya. Oh?Alam niya naman pala eh,nagtatanong pa. Obvious nanaman pala sa kanya lahat eh,tapos nagtatanong pa...di lang siguro mapigilan hindi makiusyuso sa buhay ko. Tch!
"Alam mo na naman pala,bakit ka pa nagtatanong?Tss,"sabi ko sabay irap sa ere. Sinamaan niya lang ako ng tingin. As if naman matatakot ako sayo.
"Ano bang nangyari?"tanong niya na may halong seryoso sa boses. Okay na sana yung kanina,wag lang siyang mag ganyan...nakakatakot eh.
Sana pala di ko nalang siya sinagot,nakakatakot yung mukha niya,lalao na kapag nagseseryoso siya at nagagalit.
Hindi ko narin naman kasi napigilan ang sarili ko eh,naiinis talaga ako sa mga nangyari kanina. Nakakabanas isipin ang pagmumukha ng gunggong nayun!Hayup siya,kinuha ang first kiss ko,langya!
Tapos yung mga haliparot na mga babaeng yun!Ang iingay!Kulang nalang talaga na halos ibigay nalang nila yung mga sarili nila dun sa apat. Anong bang gwapo dun?!Jusko mga sira ang mga mata!Bigyan ko kaya sila ng pera para makapag pacheck up. Tsssss...!
"Hoy!Sumagot ka nga!Lutang ka nanaman eh---Okay okay sasabihin ko na sayo ha?!Wag mo lang ako pagalitan!Okay?!Hindi maayos ang araw ko kasi may nameet akong apat na lalake at ang isa sa kanila ang kumuha ng first kiss ko tapos naging kaklase ko pa talaga sila!Tapos tapos,yung nakakuha ng first kiss ko ay niligtas ako mula sa pagkahilo kaya thankful ako sa kanya pero bwisit parin ang taong ay mali,hayop pala!So ano nasabi ko na ha!"napaubo ako ng wala sa oras. Ang sakit ng lalamunan ko syete!Halos lumabas na ang tilaok ko!
Putspa!Ang sakit!Buset!
"Anong sabi mo?!Sino ang kumuha ng first kiss mo?!"napatalon ako ng kaunti dahil sa pagsigaw at paghampas ni kuya sa mesa. Pakshet,ito na nga ba sinasabi ko eh.
"Hindi naman yun sinadya eh,aksidente lang yun,"depensa ko sa sarili ko. Buset,ano bang pumasok sa isip ko at bigla ko nalang yun nasabi?..Eerrrghh!!
Tiningnan niya ako ng seryoso sa mata.
"Aksidente man o hindi,bawal parin yun,hindi ko na ito papalagpasin pa at talagang kailangan tong malaman nila mama at papa,"seryoso niyang sabi tsaka agad na lumabas ng kwarto ko. Ano?!
Punyemas!
To be continued...
***
Chapter 6:Going Home Together✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top