Chapter 27
Chapter 27
Yuwy's Pov
0___0
"Savier...and Krea,I didn't know you were here,"taas kilay na sabi ni Ate Sabrina. Yung tono ng pananalita niya ay parang hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
Even me...hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, I don't know why pero biglang nalang may kung anong pakiramdam ang naramdaman ko.
Weird.
"Actually,aksidente ko lang siyang nakita sa may coffee shop,"salita nung Krea. Napatingin ako sa kanya.
She's pretty, and napaka desente niyang manamit. The way she talks makes me feel weird. Lakas makatomboy ng babaeng to.
"Oh,maupo kayo...Yuwy,is it okay if makijoin sila?"tanong ni Ate Sabrina. Nilingon ko siya.
Matagal pa bago ako nakasagot. Medyo nalutang kasi ako. Pero in the end pinaupo ko na sila. Magkatabi na kami ni Ate Sabrina at kaharap ko naman si Savier na katabi ni Krea kuno.
"So..kumusta ang love life mo Krea?Ayos ba?After mong bastedin ang brother ko,naging maayos ba love life mo?Hmm?"medyo maldita na tono na sabi ni Ate Sab. Nag-iba yung mukha nung Krea.
Hindi ko alam kung sinadya ba yung sabihin ni Ate kay Krea o hindi. Kasi feeling ko,ayaw ni ate sa kay Krea.
Mukha palang ng Ate ni Savier mukhang nabadtrip na nung makita silang dalawang magkasama. Even me, nabadtrip din.
Wag niyo ko tanungin kung bakit dahil mismong ako hindi ko alam ang dahilan.
Pwede ba yun?
Pag saken...pwedeng pwede yun.
"Naging okay naman,pero nag hiwalay rin kami kasi mas inuna namin yung studies namin and nawalan kami ng time for each other,"nakangiting sagot nung Krea. Tch.
Kung pipilitin na nga lang ngumiti, make sure na hindi klaro. Napakapeke.
:/
"Haha,studies?Nawalan ng time?Stupid,"tawa ni Ate Sab. Natahimik yung Krea.
"Mabuti nalang at binasted mo kapatid ko dahil kung hindi uuwing luhaan tong kapatid ko!Hahahaha!!!"tawa niya pa ulit.
Peste naman.
Nagawa pa talagang tumawa,tch!
Teka nga muna....ano nga bang ginagawa ko dito?
"Ate enough,"seryosong sabi ni Savier. Tumigil na sa paghalakhak yung ate niya at ako naman ay biglang nanlamig.
Natahimik kaming apat kaya naging awkward yung paligid.
No one dared to talk....okay??
Ang gusto ko ay peace pero hindi ganitong klaseng peace...ang gusto ko ay yung ako lang mag isa at walang awkwardness na nagaganap.
"I think I should go,baka hinahanap na ako nila Kuya,Ate Sab...Savier...and...Krea?Mauna na ako,"pagpapaalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil umalis na ako agad.
Medyo bastos pakinggan pero gusto ko na nga kasing umalis. Masama parin ang mood ko kaya wala akong ganang magpakita ng respeto.
Kinuha ko sa sling bag ko ang phone ko at agad na tinawagan si ate.
"Oh?Napatawag ka?Narealize mo bang---Nasaan kayo?Gusto ko ng umuwi..kung ayaw niyo pa magcocommute nalang ako,bye!"binaba ko na ang tawag at nagmadaling lumabas ng mall.
Savier's Pov
"Mukhang nakakadisturbo narin ako,maglalakwatsa muna ko,text mo lang ako lil' bro kapag gusto mo ng umuwi,"sabi niya at umalis na ng hindi man lang kinakausap si Krea.
Hayss.
"Sorry Krea dahil naging ganon ang attitude ni Ate sayo,bad mood lang talaga yun ngayon,"mahinahong sabi ko. Ngumiti lang siya.
"No,it's fine...kasalanan ko rin naman eh,I shouldn't have come with you,"aniya. Medyo naguilty naman ako kaya hinawakan ko ang braso niya.
Walang malisya to.
"Sorry talaga..."
"Okay lang talaga,sige mauuna na rin ako,my imemeet pa ako...bye Savier see you next time,"paalam niya at umalis narin.
Great...just great.
Iniwan na ako ng lahat.
Siya si Krea..yung pinsan ni Kyle,actually ay last day niya na ngayon dito sa pilipinas dahil babalik na siya sa ibang bansa para ipagpatuloy ang studies niya. Nung makita ko siya ay parang normal nalang sa akin,para lang akong nakakita ng old classmate or kaibigan..yun lang. Nakamove on naman na kasi ako.
Uso rin naman kasing mag move on eh.
Si Yuwy naman...alam kong nagseselos yun. Hindi ako sigurado pero ramdam ko.
Sa gwapo ko ba namang to!
Tsh...ang gwapo ko talaga! Nyahahahahahahahahahahahahahah!!!!
Tumayo ako at nagsimula ng maglakad kung saan saan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta...hmmm...sa cellphone store nalang siguro...bibili akong bagong phone.
Hailey's Pov
Nandito ako sa mall ngayon, actually pauwi na ako kasi tapos ko na rin naman bilhin ang dapat kong bilhin.
Hindi niyo na kailangan pang malaman kung ano ang binili ko...hindi naman to importante.
-____-
Malapit ko ng maabot yung exit ng makaramdam ako ng gutom.
Peste, kung kelan ako uuwi dun naman ako aatakihin ng gutom...ket kelan talaga napaka-wrong timing mo! Leche.
Kung buhay ka lang talaga, kanina pa kita inupakan.
Ngayon...babalik na naman ako para bumili ng pagkain,tanginamo.
Babalik na sana ako ng makita ko ang isang pamilyar na tao na papuntang exit ng mall.
Teka....Si Yuwy ba yun?....Si Yuwy nga! Ano namang ginagawa niyan dito ng mag-isa?
Minsan ay hindi rin pala gumagana utak mo eh no?Malamang namamasyal,bakit ikaw lang ba pwedeng mamasyal ha?
Sabi ko nga namamasyal eh. Di mo naman kelangang magalit.
Gusto ko siyang lapitan kaso mataas pride ko eh. Gusto ko siya ang unang lumapit kahit ako naman yung may kasalanan.
Ewan ko ba pero yun ang gusto ko, intindihin niyo na lang ako...may sayad kasi ako kaya ayun.
"Excuse me miss,hinaharangan mo dinadaanan ko,"
Nabalik ako sa realidad ng may mag salita. Nilingon ko siya at pumunta sa may gilid para makadaan siya.
Hindi naman kasi ako pwedeng mag stay dun, eh hindi naman kasi ako ang may ari ng daan para hindi ko siya padaanin hindi ba?Sshhh.
Matangkad siya at maputi,short hair at sexy kaso hindi ko nakita ang mukha niya kasi ang bilis niyang maglakad.
Teka nga muna...ano bang pakealam ko sa kanya?! Wala naman! Tsaka kelan ba ako nagkaroon ng pakealam sa paligid ko?Tangina ang weird ko ngayon ah!
Makabili na nga lang ng pagkain, baka dala lang to ng gutom.
"Anong sayo ate?"tanong ng kahera.
May ibang paninda pa ba sila bukod sa siopao?
"Siopao ate at coke,flavor po ng siopao ay pork asado po,"sabi ko at inabot yung bayad. Pagkatapos maabot ay ibinigay niya na yung pagkain ko kaya umalis na ako agad.
Sa jeep ko nalang to kakainin.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng mall ay sakto namang may jeep na dadaan sa village namin kaya sumakay na ako agad, di pa naman gaanong puno eh tsaka klaro namang sasakto ako sa payat kong to, kulang na nga lang madala ako ng hangin eh.
"Ma'am urong po kayo,may sasakay pa pong isa,"sabi nung kundoktor. Sinunod ko siya agad.
Hayy salamat...makakauwi na rin ako!
"Hailey?"
Napatingin ako sa nagsabi nun at eksaktong pag tingin ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Yuwy na puno ng pagtataka at gulat.
Wow...oa lang teh ah...parang 1 year di nagkita.
"B-bakit?"tanong ko kunwari.
"Wala naman...nagulat lang ako,"sabi niya at tumahimik na.
Ngayon ko lang nalaman na magkaharap pala kami,aba! Ang swerte ko nga naman.
-____-
Hayss..ang awkward nito pramis.
Nagsimula ng umandar yung jeep kaya ako umayos na at kinuha na yung pagkain ko at sinimulan itong kainin. Nagugutom ako eh. Bakit ba?
.
.
.
.
.
.
.
"Hailey, may nagawa ba akong kasalanan na ikinagalit mo?"biglang tanong ni Yuwy. Napatigil ako sa pagnguya pero hindi ko siya nilingon at nanatiling sa siopao lang ang paningin ko.
Actually...wala, ako yung may kasalanan sa totoo lang..hindi ko nga alam kung ba't ako biglang nagkaganon eh...kailangan ko na atang magpatingin sa doktor, mukha kasing hindi na maganda ang lagay ko.
"Nagalit ba ako?"patay malisyang tanong ko pa.
"E-ewan ko,h-hindi ka kasi namamansin eh,"deretsang sagot niya.
"Eh ano ngayon?Porket di lang namamansin galit na agad,di ba pwedeng may iniisip lang at gusto kong mapag-isa?"deretsa ring sagot ko. Napatikhim siya at napayuko.
"S-sabi ko nga,"sabi niya bago tuluyang nanahimik.
Pahiya ka ghurl?
Dzuhh.
Nagpatuloy na ulit ako sa pagkain at hindi na siya muling kinausap. Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa na para bang hindi namin kilala ang isa't isa.
Wala naman kaming pag-uusapan kaya mas mabuting manahimik kesa sayangin ang laway sa walang kwentang bagay...oy,may rhyming yun ah.
Pwede na siguro akong magsulat ng tula. Hikhok.
*Skip Time*
Nasa bahay na ako, mas una kasi akong nakababa kesa kay Yuwy. Mas malapit kasi ang Village namin kesa sa kanila, sa kabila pa yung village nila.
"Anak,kumain ka muna...simula nung umalis ka sa bahay kanina ay hindi ka pa ang breakfast,"sita ni papa. Tiningnan ko siya at ngumiti.
May dala siyang tray na may nakalagay na juice at sandwich.
It's lunch time kaya sandwich nalang.
"Thank you pa,hindi pa ako gaanong gutom dahil kumain ako sa mall,uhmm...ilagay mo nalang dun sa table pa,kakainin ko yan pagkatapos nito,"masayang sabi ko. Sinunod niya naman yun.
Sa kanilang dalawa ni mama ay mas close sa akin si papa kasi mas close si Hannah at si mama. Masyadong maldita si Hannah which I think na hindi gusto ni papa.
"Lalabas na ako,basta kumain ka,okay?"paninigurado niya pa. Tumango lang ako kaya lumabas na siya ng tuluyan.
Minsan lang si papa ganyan dahil pareho sila ni mama na busy sa work. Pero every sunday ay may family bonding kami kaya may time pa rin na makasama ko siya ng matagal at si mama. Pero..sayang kasi bukas may business trip si papa kaya si mama lang ang maiiwan dito bukas para sumama sa family bonding namin.
Isinantabe ko muna yung ginagawa ko at kumain na lang muna.
Kahit hindi ako gutom natatakam ako kapag tinitingnan ko yung sandwich.
Pagkain nalang kasi halos laman ng utak mo!
Tch! Hindi naman!
After kong kumain ay nagligpit ako ng mga gamit at pagkatapos ay nahiga ako sa kama at nagbasa nalang libro, tutal wala naman akong gagawin pa.
Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
To Be Continued...
***
Chapter 27✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
Note: Para sa mga naguguluhan kung bakit yan ang naging description ng story eh kung wala namang saving people and country well...ewan ko sa sarili ko kung bakit yan yung naging description ko!! Ughh!!Wala naman kasi na akong maisip na iba huhuhu!!!Sorry guys...Papalitan ko nalang. :'<
Btw.....Happy Bitters day! Lab ko lahat ng mga single!!! Hehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top